You are on page 1of 8

MARAMAG BAPTIST CHRISTIAN ACADEMY

POBLACION MARAMAG,BUKIDNON

FILIPINO 8

IPINSA NI: MIGUEL NASH C. VILLANUEVA

PINSA KAY: ARNIEL A. LIMO-AN


Mapanglaw na gubat
Buod:
 Nagsimula ang tagpo sa isang liblib na gubat na halos hindi nasisinagan ng liwanag

ng araw. Dahil sa malalaking Puno ng Higera. Na may malalapad nadahong

nagpapadilim sa buong kagubatan. May mga baging din na namimilipit sa sanga ng

kahoy na dumadagdag sa kapanglawan ng nakasusika at mabahong amoy ng gubat.

Sang buoung kagubatan ay nababalot ng lagim at habag dahil sa mga gumagalang

mababangis na hayop. Sa kalagayang iyon ay mayroong isang lalaking nakagapos

kung ihinalintulad ay parang si Narciso ang tindig at ang mukha naman ay

 Dumaranas ito ng kahirapan mula sa mga sumakop gayon din sa ilang mamamayan

na ganid sa kapangyarihan at kayamanan. Kung may mga Tigre,Hiyena, Siyerpeat

basilisko na sumasakmal sa buhay ng isang tao may mga ganitong uri rin naman ng

tao na sumisira sa mga taong walang laban na katulad ni Florante na nakatali sa

puno ng Higera> ang mga puno namang ng mga sipres ay ang mga taong hindi

kayang lumaban kaya nagsasawalang kibo na lamang. Ito ang mga taong walang

malasakit sa bayan kahit na naghihirap ito sa kamay ng mga dayuhan.


LAURA, BAKIT KA NAG TAKSIL?
Buod:
Sa pagitan ng mga paghihirap at pagtitiis ng nakataling si Florante ay nakakintal sa

kanyang alala ang napakagandang kasinatahang si Laura. Ipinagkaloob niya ang

karangalan upang ipagtanggol ang kahariang Albanya na pinapamunuan ni Haring Linseo

na butihing ama ni Laura. Ipinagkaloob din niya ang karangalan at kayamanan ng kanyang

duking ama. Subalit sa kabila ng lahat ay nanaig ang kasamaan ni Konde Adolfo. Paulit-ulit

na nanalangin si Florante sa Diyos upang siya’y kahabagan at bigyan ng katarungan ang

sinapit. Makailang ulit na siyang panawan ng ulirat at kulang na lang ay panawan na rin

siya ng bait dahil sa labis na paghihirap. Ngunit sa tuwing magmumulat siya ng mga mata,

si Laura ang nakikita niya sa kanyang balintataw. Naalala niya ang pangako ng kanilang

mga puso bago pa siya tumulak patungong digmaan. Pinabaunan siya ni Laura ng

maraming luha at pinahiyasan ang kanyang turbante na pinalamutian ng perlas, topasyo,

manigning na rubi, at pinalibutan ng batong diyamante ang sagisag na letrant L. Halos

madurog ang puso ni Florante sa labis na pagdaramdam kay Laura subalit patuloy siyang

nanawagan at nanaghoy na taning si Laura lamang ang makapagbibigay lunas sa kanyang

kaluluwa’t pusong sugatan. Matinding panibugho ang kanyang naramdaman sapagkat

tuluyang naagaw ng taksil na si Adolfo ang pag-ibig ni Laura. Hanggang tuluyang igupo ng

paghihirap ang kanyang katawan at nagmistula siyang bangkay na napayukayok.


Pag- ibig na Makapangyarihan
Sa gubat ding iyon ay dumating ang isang matikas na gerero. May putong na turbante at may

kasuotang moro na buhat pa ng Persiya. Sa lugar na iyon siya itinataboy ng kapalaran.

Tumigil sa paglalakad ang moro at naghanap ng punong kahoy na mapagpapahingahan.

Umupo siya sa ilalim ng puno at doon nagsimulang magmuni-muni ng kanyang nakaraan.

Lumuha ang moro nang sumagi sa isipan ang kasintahang si Flerida. Labis ang kanyang

pagdaramdaman sa nagging kataksilan ng sukan na ama dahil inagaw ang pinakamamahal

niyang babae sa

balat ng lupa.
ANG GERERONG BAYANI
Ang gererong moro ay walang iba kundi si Aladin na isa ring sawimpalad sa pag-ibig.

Sa kanyang pagmumuni ay may narinig siyang tinig na nananaghoy. Hinanap niya

ang pinagmulan ng tinig at kanyang natagpuan na nakatali sa puno ang mandirigmang

si Florante. Narinig ng moro ang lahat ng daing ni Florante. Nalaman niya ang

ginawang pagtataksil ni Konde Adolfo at pananakop sa bayan ng Albanya. Natiyak ng

morong si Aladin na magkapareho ang sinapit nilang kapalaran ng lalaking

nananaghoy. Ang baying pinagmulan nito’y pinagtaksilan ng isang konde at inagaw

ang kasintahan samantalang siya ay biktima ng pag-iimbot ng sariling amang umagaw

ng kanyang tanging kaligayahan. Muli niyang narinig ang mga panaghoy ni Florante

na sinasambit na ang pangalang Laura. Nagpapaalam na ang lalaking nananangis.

Napatda si Aladin ng makitang may dalawang leon na nais sumila sa lalaking

nakagapos sa malaking puno.


PAALAM, BAYAN NG ALBANYA

Nang Makita ni Florante ang dalawang hayop ay noon noya nasabi sa sariling

katapusan nan g kanyang buhay kaya’t tuluyan nang nagpaalam sa pinakamamahal

na baying Albanya. Nanambitan at tinawag din ni Florante ang kanyang mahal na

ama at humihingi ng awa sa gitna ng kanyang pagaalala sa masasayang nagdaan ng

kanilang buhay. Nagpaalam siya sa kasintahan si Laura na pinaniniwalaan niyang

nagtaksil sa kanilang pag-ibig, nagpaalam din siya sa malupit na si Konde Adolfo na

umagaw ng trono at sa puso ng babaing pinakaiibig. Higit sa lahat ay nagpaalam

siya sa baying kanyang ipinagtanggol sa digmaan na ngayon ay magdiriwang dahil

sa kanyang sinapit. Ngunit sa kabila ng lahat ng kanyang pagdaramdam ay

namumutawi pa rink ay Florante ang labis na pag-ibig kay Laura at sa kanyang

baying tinubuan.
ANG KRISTIYANO AT ANG

MUSLIM

Sa unang pagmulat ng mga mata ni Florante ay una niyang binigkas ang pangalan ni Laura.

Hinanap niya ang kasintahan sa gitna ng kahabag-habag na kalagayan. Patuloy siyang

nanambitan kaya’t pinayapa ng gererong moro ang kanyang kalooban. Napatda si Florante

nang makilala ang nagging tagapagligtas. Natiyak niyang isang kaawang ang kanyang

bayaning tagapagligtas. Natiyak niyang isang kaaway ang kanyang bayaning tagapagligtas,

isang morong maraming ulit na niyang nakaengkuwentro sa gitna ng mga laban sa

digmaan. Ipinaliwanag ni Aladin ang nagging pakay ng pagtulong kay Florante. Nagawa

niya itong iligtas dahil sa matinding habag at dahil na rin sa nakaambang kamatayan sa

mga gutom na leon. Nag-alangan si Florante sa nagging pagtulong sa kanya ni Aladin. Sa

kanilang mga ayos at pananamit, nakatitiyak si Florante na kalaban niya ang gererong

moro. Ito’y taga Persiya at siya’y taga Albanya.


ANG ALAALA NG KAMUSMUSAN

You might also like