You are on page 1of 16

ARALIN 1 Sa isang madilim gubat na mapanglaw

(1 – 10)

Sa gitna ng mapanglaw na gubat may isang


malaking puno ng higera na may malalapad na
dahon. Nakatali sa puno ang isang binate na
pinag – uusig ng masamang kapalaran.ang lugar
na kinaroroonan niya ay nasa labas ng Reynong
Albanya. Madawag ang kagubatan, madilim,
masukal at halos hindi makapaglagos ang sikat
ng araw sa makapal na kadawagan. Bukod dito,
ang kagubatan ay pina mumugaran ng
mababangis na hayop na handing manila.
Karamihan sa mga ito ay ang sierpe, hiena at
tigre.
ARALIN 2 Bayang nagdurusa
(11 – 26)

Umiiyak ang binatang nakagapos habang


siya ay nakikiusap sa langit. Sinabi niyang
naghahari ang kasamaan sa kahariang Albanya
at kagagawan ni konde Adolfo ang lahat,
sapagkat ibig nitong mapasakanya ang
kapangyarihan ni Haring Linceo ata ang
kayamanan ni Duke Briseo na ama ng
nakagapos. Nakikiusap siya sa langit na siya ay
iligtas upang maiwasto ang kasamaan sa
Albanya ngunit habang nag tatagal ay nawawala
ang tiwala niya sa Diyos na kaniyan pina
0niniwalaan at unti – unti siyang sumuko.
ARALIN 3 Si Florante sa di mabatang hirap
(27- 40)

Sinabi ng lalaking nakagapos na kaya niyang


tiisin ang lahat ng hirap basta’t lagi lamang
siyang isipin ni Laura. Tatanggapin niya ang
lahat maging ang pinakamabigat na parusa mula
sa isang tanong walang awa huwag lamang ang
kalimutan siya ni Laura. Naiisip niya rin na kapag
siya’y patay na ay iiyakan siya ni Laura. Naalala
niya na noong siya ay malungkot ay nalungkot
din ang dalaga. Nang naisip niyang ang dating
kasintahan ay nasa piling ni Adlfo ay lalong
sumidhi ang kanyang kalungkutan.
ARALIN 4 Alaala ni Laura
(41 – 68)

Hindi tumigil si Florante sa kaniyang


panawagan kay Laura. Siya na lamang ang
tanging lunas sa kaniyang pagdurusa. Dahil hindi
dumarating si Laura lalong naghinala na naagaw
na ni Adolfo si Laura sa kaniya. Nawika niya na
ang lubos niyang pasasalamatan si Adolfo sa
lahat ng pagpapahirap sa kaniya huwag lamang
agawin si Laura sa kaniya. Napasubsob si
Florante dulot ng matinding pagdurusa.
ARALIN 5 Pagsintang labis
(69 – 83)

Sa kagubatang kinaroroonan ni Florante,


dumating naman ang isang gererong Moro na
nagmula pa sa Persia.siya ay nagdadalamhati at
nabanggit ang pangalang Flerida.Ayon sa
kanya,hindi niya mapapyagang maagaw ng iba
ang kanyang kasintahan. Kung nagkataong hindi
ang sariling ama ang umagaw sa
kasintahan,tiyak na ito ay daraan sa kanyang
mga kamay na marahas. Dito niya nasabi na
talagang makapangyarihan ang pag-ibig
sapagkat kahit anak ay nakukuhang pagtaksilan.
Nagulat si Aladin nang sa kanyang paghihimutok
ay nakarinig siya ng bunting hininga ng isang
lalaki sa malapit lamang sa kanyang
kinaroroonan sa gubat.
ARALIN 6 Amang mapagmahal Amang
mapaghangad
(84 – 104)

Namangha si Aladin sa narinig na panaghoy


ni Florante. Nalaman ni Aladin sa mga himutok ni
Florante ang kinahitnan ng buhay nito. Dahil sa
kagagawan ng kaayukan sa kapangyarihan ni
Adolfo nanunang namatay ang kaniyang ama.
Sagad sa buto ang kasamaan ni Adolfo sapagkat
pinapugot nito ang ulo ni Due Briseo. Kapag
naiisi ito ni Florante pinaghaharian siya ng
pangingipuspos sapagkat ang kanyang ama ay
likas sa kabaitan at mapagkalinga. Si Duke
Briseo ay salamin ng kabaitan at iginagalng sa
buong reyno.
ARALIN 7 Paalam bayan Paalam Laura
(105 – 125)

Nang Makita ni Florante ang dalawang hayop


ay noon noya nasabi sa sariling katapusan nan g
kanyang buhay kaya’t tuluyan nang nagpaalam
sa pinakamamahal na bayang Albanya.
Nanambitan at tinawag din ni Florante ang
kanyang mahal na ama at humihingi ng awa sa
gitna ng kanyang pagaalala sa masasayang
nagdaan ng kanilang buhay. Nagpaalam siya sa
kasintahan si Laura na pinaniniwalaan niyang
nagtaksil sa kanilang pag-ibig, nagpaalam din
siya sa malupit na si Konde Adolfo na umagaw
ng trono at sa puso ng babaing pinakaiibig. Higit
sa lahat ay nagpaalam siya sa bayang kanyang
ipinagtanggol sa digmaan na ngayon ay
magdiriwang dahil sa kanyang sinapit. Ngunit sa
kabila ng lahat ng kanyang pagdaramdam ay
namumutawi pa rin kay Florante ang labis na
pag-ibig kay Laura at sa kanyang bayang
tinubuan.
ARALIN 8 Ang Pagliligtas kay Florante
(126 – 155)
ARALIN 9 Alaala ng kamusmusan
(156 – 187)

Isinalaysay ng binata ang kanyang buhay


noong kabataan pa lamang niya. Ang pangalan
niya ay Florante na kasintahan ni Laura. Si
Florante ay anak nina Prinsesa Floresca ng
Krotona at Duke Briseo ng Albanya.
Lumaki si Florante sa lugar ng Albanya at doon
nagkaroon ng pag-iisip. Isang mapagmahal na
ama si Duke Briseo, modelo siya ng lahat dahil
sa kabaitan. Sa kabilang banda itinuturing naman
siyang matapang na pinuno ng Albanya. Siya ay
pangalawang pinuno sa kanilang kaharian.
Ang ama ni Florante ang tanungan at
sanggunian ni Haring Linseo sa anumang mga
bagay-bagay.
Noong kabataan pa ni Florante may mga
mahahalagang pangyayari ang hindi niya
malilimutan. Nang sanggol pa lamang siya ay
muntikan na siyang madagit ng isang buwitreng
ibon ngunit nailigtas siya ng kanyang pinsang
mula sa Epiro na si Menalipo.
Isang araw, habang naglalaro siya sa kanilang
sala ay biglang pumasok ang isang ibong arko at
dinagit ang kanyang dyamanteng kupido sa
kanyang dibdib.
Noong nasa edad na siyam na taong gulang na
si Florante ay maghapon siyang nagpapalipas
oras sa burol upang mamasyal o maglibang.
Kahit bata pa lamang si Florante ay natutunan na
niya ang mamana ng mga ibon at pumatay ng
hayop.
ARALIN 10 Laki sa layaw
(188 – 205)

Lumaki sa galak si Florante. Ngunit ngayon


niya naisip na di dapat palakhin sa layaw ang
bata sapagkat sa mundong ito’y higit ang hirap
kaysa sarap. Ang batang nasanay sa ginhawa ay
maramdamin at di makatatagal sa hirap.
            Alam ito ni Duke Briseo. Kaya’t tiniis nito
ang luha ng asawa at masakit man sa loob na
mawalay sa anak, ipinadla siya ng ama sa
Atenas upang doon mag-aral.
ARALIN 11 Balat kayo
(206 – 223)

You might also like