You are on page 1of 11

BUOD ng FLORANTE at LAURA

Sa simula ng awit ay makikita ang isang binatang nakagapos sa isang puno ng higera sa gitna ng
malawak na gubat sa labas ng kahariang Albanya na pinamumugaran ng mababangis na hayop,
nakalulunos na huni ng mga ibon, naglalakihang mga punongkahoy na may masasangsang na
amoy. Ang binatang ito ay si Florante, anak ng mag-asawang Duke Briseo at Prinsesa Floresca na
kapwa taga-Albanya.
Nagkataon namang sa gubat ding yaon ay napadako ang isang Morong taga-Persya na anak ni
Sultan Ali-Adab na dahil sa sama ng loob sa kanyang ama sa pagkakaagaw sa pag-ibig ng
kanyang kasintahan ay umalis sa sariling bayan. Ang mga panaghoy ng nakagapos ay tungkol sa
mga kasamaang nangyari sa kanyang bayan, ang pagkawala ng kanilang mga karapatan, ang
pangingibabaw ng katiwalian laban sa kabutihan, ang akala niyang pagtataksil ni Laura, ang
pagkapatay sa hari at mga kabig nito kasama na ang kanyang ama ay narinig na lahat ni Aladin
kaya tinunton niya ang boses na pinanggalingan ng pananaghoy at gaano ang pagkamangha
niya nang makitang sisilain na lamang ng 2 leon ang binata. Hindi siya nagdalawang-isip
bagamat magkaaway ang kanilang bayan at hindi sila magkarelihiyon. Hindi siya nag-atubiling
patayin ang 2 leon sa nakaambang silain si Florante. Pagkatapos na mailigtas niya ang binata ay
kinalagan niya ito ng gapos at pinagyamanan sa buong magdamag.
Kinabukasan, hiniling ni Aladin kay Florante na nais niyang malaman kung bakit siya napapunta
sa gubat. Hindi naman nag-atubili ang una kayaa t isinalaysay niya kung taga-saan siya, ang
mahahalagang pangyayari noong siyaay bata pa at nang siyaa y 11 taong gulang na ay
ipinadala sa Atenas upang mag-aral. Dito niya nakilala ang kababayang si Adolfo, anak ni Konde
Sileno ay tampulan ng paghanga ng kanyang mga guro, sampu ng kanyang mga kamag-aral
dahil sa katalinuhan at kagandahang-asal. Subalit sa loob ng 6 na taong pagkakapag-aral ni
Florante ay nahigitan niya si Adolfo at dito na nahubdan ng balatkayo at lumabas ang tunay na
pagkatao nito. Lalo itong nahalata nang minsang magtanghal sila ng dula at sa halip na sundin
ang iskrip ay tinutoo ni Adolfo na ulusin ng taga si Florante, salamat na lamang at nailigtas siya
ni Menandro, ang pamangkin ng gurong si Antenor. Kinabukasan ay pinauwi na si Adolfo sa
Albanya.
Samantala, namalagi pa si Florante ng 1 taon sa Atenas hanggang tumanggap siya ng sulat
buhat sa ama na nagbabalitang namatay ang kanyang mahal na ina. Laking sama ng loob ang
idinulot nito sa kanya. Pagkalipas ng 2 buwan ay isang sulat ang kaniyang tinanggap na
nagsasaad na umuwi na sa Albanya.
Nagkataon naman nang umuwi si Florante ay nanghihingi ng saklolo ang hari ng Krotona na nuno
niya sapagkat ang bayan nila ay sinasalakay ng hukbo ng Persyanong si Heneral Osmalik.
Ipinakilala ni Duke Briseo si Florante kay Haring Linceo at sa pagpupulong ng mga pinuno ay
nagpagpasiyahang si Florante ang namumuno sa hukbong magtatanggol sa Krotona.
Samantalang nasa palasyo si Florante, ay nakilala at naakit siya sa kagandahan ni Laura, anak
ng Hari at hindi tumugot hanggaa t hindi niya naipagtapat ang kanyang niloloob at bago siya
nakipagdigma ay nagkaroon naman ng liwanag ang kanyang niluluhog.
Naglaban si Florante at Heneral Osmalik at sa loob ng 5 oras na paglalaban ay nagapi niya ito. 5
buwan pa siyang nanatili sa Krotona. Nais niyang bumalik agad sa kanyang bayan sapagkat
sabik na sabik na siyang makita si Laura. Pagdating niya sa Albanya ay namangha siya sapagkat

ang bandilang nakawagayway sa kanilang bayan ay bandila ng mga Moro at lalo siyang nagulat
nang magpasino niya ang babaeng pupugutan na lamang ng ulo. Nabawi niya ang Albanya sa
pamumuno ni Aladin, nailigtas niya ang nasa bilangguang sina Hari Linceo, Duke Briseo at
Adolfo.
Muling sinalakay ng pangkat ni Miramolin ang Albanya ay nagaping muli ni Florante ang mga
kalaban. 17 hari lahat ang napasuko ng binata.
Isang araw samantalang nasa Etolya si Florante ay tumanggap siya ng sulat mula sa hari na
nagsasaad ng madaling pagbalik niya sa Albanya. Hindi niya akalain na pagdating niya ay
dinakip agad ng 30,000 sandatahan ay dali-daling ikinulong sa bilangguan. Ang lahat pala ng
naganap sa palasyo, ang pagpatay sa hari at Duke Briseo ay pakana ni Adolfo. Ikinulong si
Florante ng 18 araw at pagkatapos ay ipinag-utos na igapos sa loob ng gubat upang doon kainin
ng mga mababangis na hayop. 2 araw na siya sa gubat nang matagpuan siya ni Aladin.
Pagkatapos ni Florante ay si Aladin naman ang nagsalaysay ng kaniyang buhay. Anak siya ni
Sultan Ali-Adab ng Persiya ay kaya siya napadpad sa gubat na iyon ay dahil sa sama ng loob sa
kanyang ama na umagaw sa kanyang kasintahang si Flerida. Upang masarili ng Sultan ang
dalaga ay humanap ito ng paraan upang siya ay maparusahan. Ginawang dahilan nito ang
pagkaiwan ni Aladin sa hukbo at sa pagbawi ni Florante sa Albanya. Hinatulan ng Sultan ang
sariling anak na pugutan ng ulo. Subalit hindi ito natuloy sapagkat nang gabing iyon ay
pinatapon siya sa malayong lugar at pinagbilinang kung nais pa niyang mabuhay ay huwag na
siyang magbalik sa Persya kailanman. Kaya simula noon ay 6 na taon na siyang naglalagalag.
Habang nagkukuwentuhan sina Florante at Aladin ay may narining silang nag-uusap na 2 babae.
Ang sabi ng isa, nang malaman niyang papupugutan ang kanyang kasintahang nasa bilangguan
ay pumayag siyang pakasal sa Sultan. Pinawalan naman ito, subalit nang gabi ring iyon ay
nagbalatkayo siyang gerero at tumakas. Marami na ring taong siyang naglilibot hanggang
magtagpo silang 2 sa gubat.
Anong laking tuwa nina Florante at Aladin nang malamang ang nagsisipag-usap pala ay sina
Laura at Flerida.
Isinalaysay naman ni Laura ang nangyari sa Albanya, samantalang nasa ibang bayan si Florante
a ang pagkakaagaw ni Adolfo sa trono, ang pagpugot ng ulo ng hari at sa mga kabig nito.
Sinabi niyang pinadalhan niya ng sulat si Florante upang ipabatid ang nangyari sa Albanya
subalit ang natanggap ni Florante na sulat ay sa hari na mahigit na nagbibiling umuwi siya sa
Albanya. Ito ang naging paraan kung paano nadakip si Florante. Samantala humingi si Laura ng 5
buwang tanin upang pag-aralan ang iniluluhog na pag-ibig ni Adolfo, kaya nang wala nang
paraan upang mahimok si Laura ay dinala ito sa gubat upang pagsamantalahan. Nagkataon
naman siyang pagdating ni Flerida kaya nang makita niya ang kabuktutan ni Adolfo ay pinana
niya si Adolfo hanggang ito ay mamatay.
Habang nag-uusap ang 4 ay siya namang pagdating ng hukbo ni Menandro na ang hanap ay si
Adolfo. Nagsigawan ang hukbo nang nalamang buhay si Florante at Laura.
Hindi nagtagal at nakasal ang 2 at naging hari at reyna sa Albanya. Samantala sina Aladin at
Flerida, matapos magpabinyag ay pinag-isang dibdib at umuwi sa Persya upang doon mamuno
sa sariling bayan.

Florante at Laura Buod ng bawat kabanata


Araling 1: Kay Selia
Kapag naaalaala ng makata ang nakaraan, iisang babae ang
binabalikan niya sa gunita, si Celia lamang. Matamis ang kanilang pagiibigan at masaya sila habang namamasyal sa Ilog Beata at Hilom.
Ngunt ngayoy di mapigilan ng makata ang pagluha kapag naiisip na
baka naagaw na ng iba ang pag-ibig ni Celia. Dahil sa kalungkutan,
natutong magsulat ng tula ang makata. Inihahandog niya ang tulang
ito kay Celia, na ang sagisag ay M.A.R.
Aralin 2: Sa Babasa Nito
Nagpapasalamat ang makata sa mga babasa ng kanyang awit.
Ang kanyang akda ay parang bubot na prutas sa unang tingin ngunit
masarap kapag ninamnam. Hinihiling ng makata na huwag babaguhin
ang kanyang berso at pakasuriin muna ito bago pintasan. Kung may
bahaging di malinawan, iminumungkahi niyang tumingin lamang ang
mambabasa sa ibaba ng pahina at may paliwanag doon. Ipinakiusap
din niya na huwag babaguhina ng mga salita sapagkat sa halip na
mapabuti ay baka sumama pa ang akda.

Aralin 3: Pambungad na Tagpuan


Nagsisimula ang awit sa isang madilim at mapanglaw na gubat
na di halos mapasok ng sikat ng araw. Madawag ang gubat at
maraming puno ng higera at sipres. Maraming hayop dito, tulad ng
ahas, basilisko, hyena, tigre at leon. Sa isang punong higera sa gitna
ng gubat, naktali ang paa, kamay at leeg ng isang guwapong binata,
na may makinis na balat at kulay gintong buhok. Sayang walang mga
nimpa sa gubat na makapagliligtas sa binata.
Aralin 4: Ang Reynong Albanya
Umiiyak ang binatang nakagapos. Sinabi niyang naghahari ang
kasamaan sa kahariang Albanya. Bawal magsabi ng totoo, may parusa
itong kamatayan. Kagagawan ni Konde Adolfo ang lahat, sapagkat ibig
nitong mapasakanya ang kapangyarihan ni Haring Linseo at ang
kayamanan ni Duke Briseo na ama ng nakagapos.

Aralin 5: Pighati ng Nagmamahal


Nakikiusap ang binatang nakagapos na ibagsak ng kalangitan
ang poot nito at parusahan ang masasama. Alam niyang lahat ng
nangyayari ay sa ikabubuti ng lahat kayat nakahanda siyang
magdusa. Ang tanging hiling niya ay sana, maalaala siya ng
minamahal na si Laura. Kung naiisip niyang iniiyakan ni Laura ang
kanyang pagkamatay, para na rin siyang nagkaroon ng buhay na
walng hanggan. Ngunit ang labis na ipinaghihirap ng kanyang loob ay
ang hinalang baka naagaw na ng kanyang karibal na si Adolfo ang
pagmamahal ni Laura.
Aralin 6: Magandang Alaala
Larawan ng kalungkutan at pagseselos ang binatang
nakagapos. Isinigaw niya sa buong kagubatan ang kanyang sama ng
loob dahil tila nalimot na siya ni Laura, ngayon pa namang kailangan
niya ito. Noon, kapag patungo sa digmaan, ang binata ay
pinababaunan ni Laura ng luha at ng bandang may letrang L at
mahahalagang bato. Pagkagaling sa labanan, munting galos ng binata
ay huhugasan agad ni Laura ng luha. At kung nalulungkot ang binata
pinipilit siyang aliwin ni Laura. Ibig ng binatang nakagapos na muling

ipakita ni Laura ang dating pag-aalaala sa kanya. Ngunit natatakot


ang lalaki na baka naagaw na ni Adolfo so Laura. Kayat nasabi niyang
pasasalamatan pa niya si Adolfo pahirapan man siya nang husto,
huwag lamang agawin si Laura. Lumuha ng lumuha ang lalaki
hanggang sa siyay mapayukayok.
Aralin 7:Kapangyarihan ng Pag-ibig
Nagkataong dumating sa gubat ang isang mandirigma o
gerero na sa pananamit ay masasabing isang Morong taga-Persiya.
Naupo ito sa lilim ng isang puno at lumuluhang naghimutok. Nagbanta
siya na sino mang umagaw sa pagmamahal ng babae ay papatayin
niya, maliban sa kanyang ama. Naihimutok ng gererong Moro na
sadyang napakalaki ng kapangyarihan ng pag-ibig. Kahit mag-aamay
nag-aaway nang dahil sa pag-ibig.
Aralin 8: Duke Briseo: Amang Mapagmahal
Nang huminto sa paghihimutok ang gerero, nagulat pa ito sa
sumalit na buntung hininga ng lalaking nakagapos. Mooy ginugunita
ng nakagapos ang amang mapagmahal na ipinapatay ni Adolfo.
Pinaghiwa-hiwalay ang ulo, katawan at mga kamay ng kanyang ama at
walang nakapangahas na itoy ilibing. Ngunit hanggang sa huling
sandali, tanging kapakanan ng kaisa-isang anak ang nasa isip ng ama.
Aralin 9: Amang Di Dapat Pamarisan
Naalaala rin ng gerero ang sariling ama na kaiba sa ama ng
lalaking nakagapos ay di nagpakita ng pagmamahal sa anak minsan
man. Ang lalong masakit, ang kanyang ama pa ang umagaw sa
babaing kanyang pinakamamahal. Maagang naulila sa ina ang gerero
kayat di siya nakatikim ng pagmamahal ng magulang. Naputol ang
iniisip ng gerero nang marinig sa nakagapos na malibing man ito ay
patuloy pa ring mamahalin si Laura.
Aralin 10: Panganib na nakaamba
Dalawang leon ang papalapit sa nakagapos ngunit parang
naaawang napahinto ang mga ito sa harap ng lalaki. Sa harap ng
nagbabantang kamatayan sa pangil ng mga leon, nagpaalam ang
binata sa bayang Albanya na pinaghandugan ng kanyang paglilingkod
at kay Laura. Sinabi ng binata na ang lalong ipinaghihirap ng kanyang

loob ay ang pangyayaring haharapin niya ang kamatayan nang di


angkin ang pag-ibig ni Laura.
Aralin 11: Ang Tagapagligtas
Hindi na natiis ng gerero ang naririnig na daing. Kayat
hinanap niya ang pinanggagalingan ng tinig. Pinagputol-putol ng
gerero ang mga dawag hanggang marating ang kinaroroonan ng
nakagapos. Anyong sisilain na ng dalawang leon ang binata na sa tindi
ng hirap ay nawalan ng malay. Pinagtataga ng gerero ang dalawang
leon hanggang sa mapatay. Pagkatapos kinalagan nito at kinalong ang
binata.
Aralin 12: Atas ng Langit
Nang matauhan ang binata, si Laura agad ang unang hinanap.
Nagulat pa ito nang mamalayang nasa kandungan siya, hindi ni Laura,
kundi ng isang Moro. Ipinaliwanag ng gerero na di niya natiis na di
tulungan
ang
binata,
sapagkat
magkaiba
man
sila
ng
pananampalataya, nakaukit din sakanyang puso ang pagtulong sa
kapwa, gaya ng iniuutos ng Langit ng mga Kristiyano. Sa halip na
magpasalamat, isinagot ng binata na higit pang ibig niyang mamatay
sa laki ng hirap na dinaranas. Sa narinig na ito, napasigaw ang gerero.
Aralin 13: Mga Mapagpalang Kamay
Walang kibuan ang dalawa hanggang sa lumubog ang araw.
Dinala ng gerero ang binata sa isang isang malapad at malinis na bato.
Dito pinakain ng Moro ang binata na di nagtagal ay nakatulog sa
kanyang kandungan. Magdamag na binantayan ng gerero ang binata,
na tuwing magigising ay naghihimutok. Nang magising kinaumagahan,
nakapagpanibagong lakas na ang binata. Itinanong ng Moro ang
dahilan ng paghihirap ng loob nito.
Aralin 14: Bugtong na Anak
Isinalaysay ng binata ang kanyang buhay. Siyay si Florante,
nag-iisang anak ni Duke Briseo ng Albanya, at ni Prinsesa Floresca ng
Krotona. Sa Albanya siya lumaki at nagkaisip. Ang kanyang amay
tanungan o sanggunian ni Haring Linseo at tumatayong pangalawang
puno sa kaharian. Isang matapang na pinuno at mapagmahal na ama
si Duke Briseo.

May ilang mahalagang pangyayari noong bata pa si Florante.


Nang sanggol pay muntik na siyang madagit ng isang buwitre ngunit
nailigtas siya ng pinsang si Menalipo. Isang araw, isang ibong arkon
ang biglang pumasok sa salas at dinagit ang kanyang dyamanteng
kupido sa dibdib. Nang siyay siyam na taon na, pinalili[pas niya ang
maghapon sa pamamasyal sa burol. Bata pay natuto na siyang
mamana ng mga ibon at iba pang hayop. Naging mapagmahal siya sa
kalikasan.
Aralin 15: Laki sa Layaw
Lumaki sa galak si Florante. Ngunit ngayon niya naisip na di
dapat palakhin sa layaw ang bata sapagkat sa mundong itoy higit ang
hirap kaysa sarap. Ang batang nasanay sa ginhawa ay maramdamin at
di makatatagal sa hirap.
Alam ito ni Duke Briseo. Kayat tiniis nito ang luha ng asawa at
masakit man sa loob na mawalay sa anak, ipinadla siya ng ama sa
Atenas upang doon mag-aral.
Aralin 16: Nahubdan ng Balatkayo
Labing-isang taong gulang si Florante nang ipadala sa Atenas
upang mag-aral. Ang naging guro niya rito ay si Antenor. Isa sa mga
estudyante rito ay ang kababayang si Adolfo, na nang una ay nadama
na si Florante na tila pakunwari lamang ang kabaitan ni Adolfo. Anim
na taon sa Atenas si Florante. Sa loob ng panahong ito, natuto siya ng
pilosopiya, astrolohiya at matematika.
Aralin 17: Nalulumbay na Puso
Nanguna si Florante sa katalinuhan at dinaig niya maging si
Adolfo. Napabalita ang una sa buong Atenas. Dito na lumabas ang
tunay na pagkatao ni Adolfo. Sa isang dulang ginampanan nina kapwa
ni Florante, pinagtangkaan nitong patayin ang huli. Salamat at
nailigtas siya ng kaibigang si Menandro. Kinabukasan din, umuwi sa
Albanya si Adolfo.
Naiwan sa Atenas si Florante at nagtagal doon nang isang taon
pa. isang araw, tumanggap ng liham si Florante mula sa ama. Sinasabi
sa sulat na namatay ang kanyang ina. Nawalan ng malay si Florante sa

tindi ng kalungkutan. Hindi nakabawas sa kanyang kalungkutan ang


tapat na pakikiramay ng guro at mga kamag-aral.
Aralin 18: Paalam, Bayan ng Atenas
Pagkaraan ng dalawang buwan ng matinding kalungkutan para
kay Florante dumating ang ikalawang sulat ng kanyang ama, kasama
ang sasakyang sumundo sa kanya. Bago umalis pinagbilinan si
Florante ng gurong si Antenor na pakaingatan ng una si Adolfo
sapagkat tiyak itong maghihiganti. Idinagdag pang huwag padadala si
Florante sa magiliw na pakikiharap. Pinayuhan siyang lihim na
maghanda nang hindi nagpapahalata.
Pinayagan ni Antenor si Menandro na sumama kay Florante.
Ang magkaibigan ay inihatid ng kanilang mga kamag-aral hanggang sa
daungan.
Aralin 19: Sa Bayan ng Crotona
Di nagtagal nakarating sa Albanya ang magkaibigan. Pagkakita
sa ama, napaluha si Florante nang muling manariwa ang sakit ng loob
sa pagkamatay ng ina. Noon dumating ang sugo ni Haring Linseo, dala
ang sulat ng Hari ng Crotona na humihingi ng tulong sapagkat nilusob
ang Krotona ni Heneral Osmalikng Persiya. Pangalawa ito ng bantog na
si Prinsipe Aladin na hinahangaan ni Florante at ayon sa balitay kilabot
sa buong mundo. Sa narinig, napangiti ang Moro at nagsabing bihirang
magkatotoo ang mga balita at karaniwang may dagdag na.
Nagtungo sa palasyo ng Albanya ang mag-ama. Doon masakit
man sa loob, pumayag din ang ama ni Florante nang itoy hirangin ng
hari na heneral ng hukbo.
Aralin 20: Kagandahang Walang Kawangis
Nakilala ni Florante ang anak ng hari na si Laura, isang
dalagangkaagaw ni Venus sa kagandahan, isang kagandahang mahirap
isiping makapagtataksil.
Sa harap ng kagandahan ni Laura, laging nagkakamali ng
sasabihin si Florante sapagkat natatakot siyang baka di maging
marapat sa dalaga.
Aralin 21: Pangarap na Pagibig

Tatlong araw ang piging ng hari para kay Florante. Sa loob ng


panahong ito ay di man lamang nakausap ni Florante nang sarilinan si
Laura. Sa kabutihang-palad, isang araw bago umalis sina Florante
upang makidigma, nakausap nito ang dalaga at pinagtapatan ng pagibig. Hindi sumagot ng oo ang dalaga ngunit lumuha siya nang umalis
si Florante patungong digmaan.
Aralin 22: Tagumpay at Pighati
Dahil sa luhang pabaon ni Laura, natiis ni Florante ang
kalungkutang bunga ng pagkawalay sa minamahal. Pagdating sa
digmaan, naabutan ng hukbo nina Florante na halos mawasak na ang
kaaway ang kuta ng Krotona. Ngunit magiting na nagtanggol si
Florante at ang kanyang mga kawal hanggang sa hamunin ni Osmalik
si Florante na silang dalawa ang magharap. Limang oras silang
naglaban hanggang sa mapatay ni Florante si Osmalik. Ipinagbunyi ng
taong-bayan si Florante lalo nang malamang itoy apo ng hari ng
Krotona. Ngunit nahaluan ng lungkot ang kanilang kagalakan nang
magkita ang maglolo. Muling nanariwa ang kirot ng pagkamatay ng ina
ni Florante. Dito naisip ni Florante na walang lubos na ligaya sa mundo.
Pagkaraan ng limang buwan sa Krotona, nagpilit nang bumalik
sa Albanya si Florante upang makita si Laura. Ngunit nang malapit na
at natatanaw na ang moog ng Albanya, biglang kinutuban si Florante.
Aralin 23: Pag-ibig na Pilit
Hindi nagkamali ang kutob ni Florante. Nakawagayway sa
Albanya ang bandilang Moro. Pinatigil muna ni Florante ang kanyang
hukbo sa paanan ng bundok. Mula roon natanaw nilang tila pupugutan
ng ulo ang isang babae. Dali-daling lumusob sina Florante at ginapi
ang mga Moro. Naligtas ang babae na walng iba kundi si Laura.
Papupugutan ng ulo ang dalaga sapagkat tinanggihan nito ang pag-ibig
ng emir at itoy sinampal pa. noon binigkas ni Laura ang sintang
Florante.
Pinawalan ni Florante ang hari, ang kaniyang ama at ang iba
pang bilanggong kinabibilangan ni Adolfo. Lalong nainggit si Adolfo kay
Florante hindi lamang dahil sa papuring tinanggap kundi dahil nakamit
pa niya ang pag-ibig ni Laura. Dahil dito, muling nagbalak si Adolfo na
ipahamak si Florante.

Aralin 24: Patibong ng Taksil


Pagkalipas ng ilang buwan, lumusob ang hukbo ng Turkiya sa
pamumuno ni Miramolin. Ngunit tinalo si Florante si Miramolin. Naging
sunod-sunod ang tagumpay ni Florante hanggang sa umabot sa 17 ang
mga haring nagsigalang sa kanya.
Isang araw, nasa Etolya si Florante at ang kanyang hukbo nang
dumating ang sulat ng hari na nagpapauwi sa kanya. Iniwan niya ang
hukbo kay Menandro. Ngunit pagdating sa Albanya, nilusob siya ng
30,000 sandatahan at noon diy ibinilanggo. Noon niya nalamang
ipinapatay ni Adolfo si Haring Linseo at ang kanyang amang si Duke
Briseo. Si Laura namay nakatakdang ikasal kay Adolfo. Labingwalong
araw na ipiniit si Florante. Pagkaraan, itinali siya sa gubat na
kinatagpuan sa kanya ng gererong Moro.
Aralin 25: Ang Hinagpis ng Gerero
Nang matapos magsalaysay si Florante, nagpakilala ang Moro.
Siya si Aladin mula sa Persiya na anak ni Sultan Ali-Adab. Sinabi ni
Aladin na yamang kapwa sila sawi ni Florante, mamuhay na silang
magkasama sa gubat. Noon isinalaysay ni Aladin ang kanyang
pinagdaanang buhay. Ikinuwento niya ang pakana ng sarili niyang ama
upang maagaw sa kanya si Flerida. Ipinapakulong siya nito sa bintang
na iniwan niya ang hukbo sa Albanya kahit wala pang utos ng sultan.
At nang mabawi ni Florante ang Albanya, hinatulang pugutan ng ulosi
Aladin. Pinatawad siya sa kondisyong aalis siya sa Persiya noon din.
Bagamat nakaligtas sa kamatayan, higit pang ibig ni Aladin na
mamatay kaysa maagaw ng iba ang pagmamahal ni Flerida.
Aralin 26: Mga Tinig ng Pag-ibig
Natigil sa pag-uusap ang dalawa nang marinig ang dalawang
babaing nag-uusap. Ayon sa isa, nang malaman niyang papupugutan
ng ulo ang kanyang minamahal, nagmakaawa siya sa sultan. Pumayag
ang sultan na patawarin ang nobyo ng babae, kung papayag itong
pakasal sa sultan. Walang nagawa ang babae kundi ang sumang-ayon.
Ngunit nakaalis ang kanyang nobyo nang di sila nagkausap. Nang
gayak na ang kanilang kasal tumakas ang babae na nakadamit-gerero.
Ilang taon siyang naglagalag sa mga bundok at gubat hanggang sa
mailigtas niya ang kausap.

Noon biglang sumulpot sina Florante at Aladin. Sa di


inaasahang pagtatagpong iyon, di masusukat ang kaligayahan ng apat
na tauhan.
Aralin 27: Sa Bingit ng Kamatayan
Si Laura naman ang nagsalaysay. Ayon sa kanya,
napapaniwala ni Adolfo na gugutumin ng hari ang taong-bayan kayat
nagkagulo ang mga ito. Kasunod ng pagkakagulo, ipinapatay ni Adolfo
ang hari at ang matatapat na alagad nito. Inagaw ni Adolfo ang
pagkahari at pinilit si Laurang pakasal sa kanya. Hindi nagpapahalata
ng tunay na niloloob, pumayag si Laura ngunit humingi ng limang
buwang palugit upang magkapanahong mapauwi si Florante. Sa
kasamaang-palad, nahulog si Florante sa pakana ni Adolfo at
naipatapon. Handa nang magpakamatay si Laura nang dumating si
Menandro na siyang nakatanggap ng sulat ni Laura kay Florante.
Tumakas si Adolfo, tangay si Laura na pinagtangkaang abusuhin sa
gubat na iyon. Siya namang pagdating ni Flerida. Pinana nito si Adolfo
na namatay noon din.

Aralin 28: Masayang Wakas


Matapos ang pagkukuwento ni Laura, dumating si Menandro na
may kasamang hukbo. Laking tuwa nito nang makita ang kaibigang si
Florante. Ipinagbunyi ng hukbo ang bagong hari na si Florante.
Ipinagsama nina Florante sa Albanya sina Aladin at Flerida na kapwa
pumayag na maging Kristiyano. Nakasal sina Florante at Laura at sina
Aladin at Flerida. Umuwi sa Persiya sina Aladin at Flerida nang
mamatay si Sultan Ali-Adab. Nagpasalamat sa Diyos ang mga
mamamayang nasisiyahan sa pamumuno nina Florante at Laura.

You might also like