You are on page 1of 58

Florante at

Laura
(kabanata 3-6)
Bumuo ng mga salita mula sa salitang
mabubunot.

Hindi bababa ng tatlong letra.

Gawin ito sa loob ng 1 minuto.


Ibigay ang kahulugan ng mga
salitang di-pamilyar:
1. sundang
- punyal

2. Arnis at buno
- pagyayakapan na ang layunin ay
ibuwal ang kalaban
3. Pangimbulo
- pagka-inggit

4. Nakatatalos
- nakakaunawa o nakakaalam

5. Pighati
- lungkot o dalamhati
6. Giyagis
- sakbibi o sakmol

7. Sawatain
-pigilan

8. Kiyas
- itsura
9. Bantayog
- istatwa o monumento

10. Pakikitalad
- pakikipaglaban
Kabanata 3:
SI ADOLFO
Buod ng Ikatlong Kabanata

Labis-labis ang inggit ni Adolfo


kay Florante. Walang pagod
niyang binalangkas ang iba’t
ibang kaparaanang sukat
ikapahamak ng kanyang
kababayan.
Ito’y dahil na rin sa
pagkaguho ng kanyang
hangaring tanghaling una
sa buong Atenas.

Paghihiganti!
Lintik lamang ang hindi
napaghihigantihan, kaya’t gabi-
gabi, paulit-ulit na winiwika ni
Adolfo ang “Isa sa amin ni
Florante ay dapat salubunging
bangkay sa Albanya.”
Mabilis na lumipas
ang mga buwan. Ang
Atenas ay nagtangi ng
isang araw ng
kasayahan.
Iba’t ibang palaro ang
inihanda. Mayroong arnis at
buno. May paligsahan din sa pag-
awit. Ang inaabangan sa lahat ay
isang magandang
dulang hango sa
buhayni Reyna Yokasta.
Ibinuhos ni Antenor ang
paghahanda ng araw na iyon.
Tulong-tulong ang mga mag-aaral at
guro.
Kabilang sa mga tauhang
gaganap sa dula sina Florante,
Adolfo at Menandro.
Habang ang lahat ay
nananabik sa kasiyahan, si
Adolfo nama’y matindi ang
pagkabalisa. Uutang siya ng
buhay kahit sa ano pang
kaparaanan. Papatayin niya si
Florante.
Sumapit si Adolfo sa
paaralan. Ang kanyang mga
kamag-aral ay nagtanghal ng
iba’t ibang palaro. Sa mukha
ng bawat isa ay masasalamin
ang kasiyahan.
Naroon din sina
Florante at Menandro.
Isang matalim na tingin
ang ipinukol ni Adolfo
kay Florante na ‘di naman
nito pinansin.
Nagsimula ang pagtatanghal ng
dula. Ito’y isang trahedyang hinango
sa buhay ni Reyna Yokasta. Si
Florante ang gumanap na Etyokles, si
Adolfo’y si Polinise, si Menandro
ang naging Reyna Yokasta at isa sa
kanilang kamag-aral ang
nag-Adrasto.
Pag-akyat ng mga tauhan
ay umugong ang palakpakan.
Unang batalya. Sina Florante
at Adolfo ang magsasagupa ayon
sa trahedya. Nagningas ang mga
mata ni Adolfo
at hinugot ang sundang.
Sa halip na sabihin ang
orihinal na linyang, “Ikaw’y
kumilala’t kapatid mo ako ay
Edipong bunga,” ang sinabi’y
“Ikaw na umagaw ng
kapurihan ko’y dapat
kang mamatay.”
Kasabay ng mga katagang
yaon ay hinandulong ni Adolfo si
Florante ng maririing taga. Ang
nagulat na si Florante ay walang
nagawa kundi ang umilag. Sa
kaiiwas ni Florante, siya’y
napatihaya.
Hindi naman sinayang ni
Adolfo ang pagkakataon at isang
ubus-tinding taga ang kanyang
ibinigay.
Mabuti na lamang at maliksing
sinalag ito ni Menandro. Pumagitna
ang kanilang guro.
Nahintatakutan ang madla.
Maputlang-maputla si
Adolfo. Ang kanyang buong
katawan ay nanginginig sa
malaking kahihiyan. Hindi na
inabot pa nang kinabukasan si
Adolfo. Nang araw ding iyon
ay pinauwi siya sa Albanya.
Kabanata 4:
NAULILA SI
FLORANTE
Ang buong Atenas ay
nanggilalas sa kalapastangan
ni Adolfo. Ipinalagay ni
Antenor na siya’y bigo sa
pagtuturo ng
pagpapakarangal
kay Adolfo.
Halos maluha si Antenor
sa pagsasalita. Binanggit niya sa
kanyang mga mag-aaral na “hindi
masama ang magkaroon ng
matayog na layunin. Ang masama
ay tamuhin ang katuparan nito sa
kapinsalaan ng iba.”
Dagdag pa niya, “lahat ng gubat
ay mayroong ahas.”
Ayon pa kay Antenor, “hindi
ang karungan ang mahalaga sa tao.
Ang higit na makabuluhan ay ang
kalinisan ng budhi, ang katapatan ng
puso at
ang kadakilaan ng kaluluwa.”
Nagpasalamat naman si Florante
sa kaibigang si Menandro. Nanatili
siya sa Atenas upang hintayin ang
pasiya ng kanyang ama.
Ang buong Atenas ay pumuri sa
katalinuhan at kadakilaan
ni Florante at nag-ukol sa kanya
ng papuri at pagmamahal.
Ilang malungkot na araw pa
ang lumipas kay Florante. Madalas
dumadalaw sa kanyang gunita ang
alaala ng kanyang mga magulang.
Malimit maglaro sa kanyang guni-
guni ang pagpapaalam
niya sa kanyang ina.
Hindi pa naglilipat-linggo,
isang liham ang dumating sa
kanya mula Albanya.
Sa harap ng kanyang guro
at katotong si Menandro ay
buong pananabik niyang
binuksan ang kalatas.
Mula sa liham ay isinaad ni
Duke Briseo na namatay na ang
ina ni Florante, ngunit sinabihan pa
rin niya itong magpakatatag.
Sinabihan din ng Duke
ang anak na maghintay
Pa ng kanyang liham.
Nayanig ang buong
katauhan ni Florante. Inisip
niyang sana’y ‘di na lamang
sumulat ang ama dahil kagaya
ito ng napakasakit na biro ng
kapalaran.
Kabanata 5:
ANG
PAGBABALIK
SA ALBANYA
Nang matauhan si Florante
ay kasama niya ang guro at
kapwa nagsisipag-aral.
Nakaalalay sa kanya si
Antenor, maging si Menandro
at ang mga kamag-aral.
Nakatingin sa malayo si
Florante na waring naroon ang
kanyang ina. Ang kanyang sarili ay
punung-puno ng kapighatian.
Sinabihan ni Antenor si Florante
na tibayan ang loob
at sundin ang payo sa
liham ng ama.
Sandaling napayapa ang
kalooban ni Florante dahil kay
Antenor.
Lumipas ang dalawang
buwan na hindi man lamang
nakalasap ng kasiyahan
si Florante.
Dumating ang ikalawang liham
ni Duke Briseo. Si Florante ay
pinauuwi sa Albanya. Kasabay
nito ang sasakyang maghahatid sa
kanya.
Naisip niya ang Atenas
na maiiwan niya, maging
ang guro at mga kamag-aral.
Binilinan ni Antenor si Florante
na tandaang nasa Albanya si Adolfo
na ngayo’y kanyang kaaway.
Mapapait na luha ang namagitan
kay Florante at Antenor. Tinanong
ni Florante
si Menandro kung sasama ito sa
Albanya.
Sinagot siya ni Menandro na
hinihintay lamang nito ang pasya
ng kanyang amain.
Narinig ni Antenor ang pag-
uusap ng dalawa. Noon din ay
pinayagan niya si Menandro
na sumama kay Florante.
Muling ibinilin ni Antenor na
mag-ingat kay Konde Adolfo.
Nagpaalam ang mga nagsisipag-
aral kina Florante at nagwagayway
ng mga panyolitong puti.
Ang sasakyan nina Florante ay
dumaong sa Albanya. Muling naalala
ni Florante ang pagkawala ng ina.
Inaliw ni Menandro ang katoto at
sinabihang pag-ukulan nang higit na
pansin
ang hinaharap.
Dagdag pa ni Menandro’y “kaloob
ng Diyos ang lahat” at wala nang
magagawa si Florante kundi ang
magtiis.
Habang patungo sila sa bahay nina
Florante ay
patuloy ang kanilang
naging pag-uusap.
Nang sila’y sumapit sa tahanan
ay dinatnan nilang malungkot ang
Duke. Imbis na magdiwang sa
pagbabalik ng anak ay
naghihinagpis din ang Duke.
Ipinakilala ni Florante
ang kaibigan sa ama.
Kinamayan ito ng Duke at
nagpasalamat sa pagdamay nito sa
kaibigan.
Naputol ang pag-uusap sa
pagdating ng isang sugo mula sa
Kaharian ng Krotona. Nanggaling
ang sugo kay Haring
Linseo na nagbigay-alam ng
kinaroroonan ng Duke.
Isang kalatas ang dala ng sugo
mula Krotona. Ayon sa liham, ang
biyenan ni Duke Briseo ay
humihingi ng tulong kay Haring
Linseo sapagkat nakubkob ang
Krotona ng bantog na si Heneral
Osmalik at ni Prinsipe Aladin na
balita rin sa pakikipaglaban.
Kabanata 6:
SI
PRINSESA
LAURA
Hindi na nagpaliban ng araw
ang mag-amang Florante at Duke
Briseo at agad nagsadya sa
palasyo ni Haring Linseo upang
makipag-alam tungkol
sa gagawing
tulong sa Krotona.
Bago pa lamang silang umaakyat ng
hagdanan ay agad silang sinalubong ni
Haring Linseo.
Ipinakilala ni Duke Briseo ang anak na
si Florante sa Hari. Napamaang lamang
ang Hari sapagkat hindi niya alam
na may anak na binata
ang Duke.
Hinirang ng Hari si Florante na
maging Heneral ng hukbong
magsasanggalang sa Krotona.
Karagdagang dahilan din ng hari sa
pagpili kay Florante ay ang kadahilanang
nuno nito ang Hari ng Krotona.
Hindi makapaniwala si Florante sa
sinabi ng Hari.
Nag-usap sila tungkol sa mga
balakin sa paghahanda ng hukbo.
Sa kalagitnaan ng kanilang pag-
uusap ay dumating ang isang
magandang dalaga. Ito’y walang iba
kundi si Laura na bugtong na anak ni
Haring Linseo.
Sa kagustuhan na rin ni Haring
Linseo ay nakisangkot si Laura sa
isinasagawang pagpapanayam.
Litong-lito si Florante. “Pag-
ibig” lamang ang tanging salitang
naibulong niya sa sarili.
Hindi mapalagay sa kinauupuan si
Florante. Paminsan-minsan ay
tinatapunan ng tingin ang kariktan ni
Laura.
Kapag nagtatama ang kanilang
mga mata ay para bagang nasisindak
ang
kanyang puso.
Napansin din niyang si Laura
ay nagugulo ang sarili. Sa
palagay ni Florante ay
nagkakaisa ang kanilang
damdamin, ngunit hindi lamang
sila
makapaghayag ng niloloob.
Nang matapos ang usapan
tungkol sa ihahandang tulong sa
bayan ng Krotona ay gayon na
lamang ang pagkabalisa ni
Florante. Ang marikit na larawan
ni Laura ay naglalaro
sa balintataw ng
kanyang mga mata.
“Pag-ibig,” paulit-ulit na nawika
ni Florante sa sarili. “Ako kaya ay
umiibig?”
Hindi masagot ni Florante ang
katanungan sa kanyang isipan.
Napansin ito ni Menandro at sa pag-
aakalang ito’y dahil sa
pagkawala ng ina ay
agad na nagpayo.
Sinabi ni Menandro na hindi
makabubuti kay Florante ang labis na
pag-iisip sa pagkawala ng ina. Aniya’y
“dapat isipin ni Florante ang hinaharap
nila ng ama.”
Sinabihan ni Florante si Menandro
na mayroong isang
bagay na gumugulo sa
kanyang isipan.
Tinanong ni Florante si
Menandro kung nakaranas na itong
umibig sa isang dalaga.
Sumagot si Menandro na “hindi
pa,” kaya’t sinagot siya ni Florante
na kailanma’y ‘di
nito mauunawaan ang
laman ng kanyang puso.
Napatawa si Menandro.
Natitiyak niyang si Florante ay
umiibig na. Ang ‘di lamang niya
alam ay kung kanino.
Sinabi ni Menandro kay Florante
na “ang
pag-ibig ay lubhang
mahiwaga.”
Ikinuwento ni Florante ang
tungkol sa anak ni Haring Linseo na
si Laura.
Niyapos ni Menandro ang katoto
at binati para sa dalawang tagumpay:
tagumpay para
sa susuunging digma
at sa kagandahan ni Laura.

You might also like