You are on page 1of 3

Romero, Jonard Marco P.

5/16/2016

201520133 FILI2/N03/F504

“Libingan ng mga Alitaptap”

Sa pinanuod na pelikulang the Graves of the Fireflies, makikita natin kung ano ang
kaganapan sa bansang japan sa imperial na panahon. Sa aking sariling pananaw mas binibigyan
pansin ng pelikula kung gaano ka lungkot mawalan ng isang pamilya kesa sa mga biolenteng
mga pangyayari. Binibigyang pansin ng pelikula na itigil na ang gera sapagkata marami ang
nasasawi dahil ditto. Sa unang bahagi ng pelikula, ipinakita na sila ay mga patay na. An gating
inaasahan ay sila ay magkakaroon ng isang masayang katapusan ngunit ito ay kabaliktaran
ngunit sa aking pagtingin ay nakita ko na isang bahagi na si Seita ay humahawak sa mala
multong anyo ni Setsuko, ito ay sumisimbolo na sila ay nagsama muli, ipinapakita nito na tapos
na ang paghihirap at ngayon sila ay magkasama na ulet.

Sa unang bahagi ipinakita na sila ay patay na at ito ay isang paraan na ginagamit hindi
lang century ngunit milena. Ang pelikula ay hindi tungkol sa tension. Ito ay nagsasabi na ang
pinakasagot sa problema ay alam mo na. Lahat ng nalalaman mo sa pangyayari ng kwento ay
puno ng emotion at foreshadowing hanggang sa ka huli hulian ng kwento. Sa kabila ng
pagkakaalam sa conclusion, sa panonood ng pelikulang ito tayo ay umaasa parin na magiging
maayos ang lagay ni Seita at ni Setsuko at sa pamamagitan ng pagkakaalam sa conclusion ito ay
tatami pabalik sayo at ito ang mga emotion na gagalaw sa puso mo at lalabas ang iyong tunay na
emotion. Alam natin sila ay mamamatay ngunit umaasa parin. Ang pamagat ng Pelikulang ito ay
Graves of the Fireflies at hindi natin kailangan humugot ng effort sapag come up ng analogy na
ito dahil sapag ang buhay ay parang alitap tap.

Sa pelikulang ito, ikaw may magagalit hindi dahil sa pagkakagawa nito ngunit sa
pagiging Honest nito.Hindi nito basta basta ipinapasok ang mensahe na itigil ang gera ngunit ito
ay nasa isang proseso. Ipinapakita ang mga patay ngunit sa kakaunting oras lamang. Ang
Pelikulang ito ay mayroong kagandahan kesa sa violence ito ang pinaka tumatak sa isip ko dahil
karamihan sa bahagi ng pelikula ay nasa rural o urban na pangyayari kahit na ako mga
Americano ay nag bobomba mararamdaman mo parin ang feeling na kumbaga ay nandun ka.
Maraming masaya at malungkot na pangyayari sa mga bahagi ng pelikulang ito.

Sa katunayan, mapapansin mo na si Setsuko ay unique kesa sa ibang animated na 4 year


old na talagang tumataglay ng personalidad ng isang 4 year old. Tayo ay sawa na nakakakita ng
mga personalidad na natural na matalino,sassy, sophisticated at precocious na bata katulad sa
mga Hollywood na Pelikula. Sa emotion ni Setsuko makikita ang ugali ng isang normal na four
year old na bata. Sa kapatid nyang si Seita naman ay may personalidad na ma pride na tao
ngunit mapagkumbaba sa parehong panahon at siya ay may mataas na self confidence na
magiging maayos ang lahat. Siya ay nangangarap parin na ang bansang japan ay maliligtas parin
sa kabila ng gera. Inisip niya na responsibilidad niya ang pangalagahan ay kanyang kapatid na si
Setsuko dahil wala na ang kanilang mga magulang. Dito nagsimula ang kanyang mga
pagkakamali at isa na dito ang kanyang pride dahil hindi niya magawang tanggapin ang payo ng
magsasaka na lunokin na lamang ang kanyang pride at humingi ng patawad. Sa ating pananaw ay
malalaman natin na mahirap magdecision sa katulad niyang isa lamang binata at siya ay tao din
at hindi din natin alam kung sa kwento na kung nilunok nya ang pride niya at kumuha ng tulong
sa kanyang aunt ay maari din silang palayasin din.Hindi dapat tayo umasa sa tension, drama sa
paglaban sa gera. Ang pelikulang ito ay tungkol sa kagandahan at senstibong buhay at kabataan.

Sa Sinematograpiya naman makikita kung paano in emphasize ng camera ang


pangyayari. Una, ang lugar na kung saan ito ay binase ay sa Kobe noong 1945. Ipinakita dito
kung ano ang kalagayan ng mga hapon sa panahong iyon. Ipinakita ditto ang kanilang kultura at
sa pamamagitan ng camera na bibigyan ng pokus ang mga mahahalagang mga gamit.
Magandang ipinakita ng sinematograpiya ng pelikulang ito ang point of view ng mga character
na umiikot sa pelikula, Nandito ang point of view ni Setsuko kung ano ang kanyang lagay sa
mga panahon na wala ang kanyang kapatid na si Seita, At si Seita kung gaano niya ginagawa ang
lahat upang mataguyod ang pangangailangan ng kanyang kapatid na si Setsuko , At nandito rin
ang point of view na kung saan sila ay magkasamang dalawa kung ano ang kanilang nakikita pag
sila ay magkasama at sila ay masaya. Sobrang ganda ng Sinematograpiya sa unang bahagi ng
peliku sapagkat ang pangyayari ay nakita na konti konti ng namamatay si Seita sa pagkagutom at
sa gabing iyon sa pag kakatangal sa katawan ni Seita ang isang janitor ay nakakita ng isang
candy tin na kanyang itinapon sa katabing bukid at dito na nagsimula ang kanilang kwento sa
pagkat lumabas ang kaluluwa ni Seita at ni Satsuko sa field na iyon at ditto na rin nagsimula ang
pag kwento ni Seita sa kanilang buhay at may kasama pang mga alitap tap habang sila ay
masayang magkasama. Maganda rin ang parte kung saan sila ay binobomba ng B-29
Superfortress dahil makikita kung paano ginamit ang camera para i kwento ang pangyayari.
Maganda ang mga angolo ng pagkakagawa sa pelikulang ito. Sa kabila ng kanilang animation sa
ating panahon ngayon ay marami na ang mas maganda ang animation kesa sa kanila dahil
ginawa ito sa panahon ng 80’s at kahit ito ay luma na tayong mga nasa modernong sibilisasyon
ay nakaka appreciate ng mga gawain na ganito dahil minsan lang tayo nakaka kita ng mga
malikhain mga masterpiece na ganito di katulad ng mga ibang animation na wala kabuluhan at
maganda storya ang kwento. Sa pinakahuling bahagi ay mas maganda din katulad ng una dahil
ang spirito ni Seita at ni Setsuko ay makikitang malusog at naka suot ng maayos na mga damit at
sila ay magkatabing magkaupo at napapaligidan ng alitap tap habang umaakyat ang camera
pataas at ipinapakita kung paano sila tumitingin pababa sa modernong lugar ng Kobe.

You might also like