You are on page 1of 7

Florante

at
Laura
Kirsten Cassandra P. Pascual
8-Beryl
Frendelyn P. Gador
Guro
Florante at Laura
Kaligirang Pangkasaysayan

Unang nailimbag ang Florante at Laura noong 1838, panahon


kung kailan si Francisco Baltazar, ang orihinal na manunulat ay nasa
edad 50 na. May isang manunulat na nagngangalang Herminigildo
Cruz ang sumulat ng akda ukol sa buhay at akda ni Francisco Baltazar
at pinamagatan niya itong "Kung Sino ang Kumatha ng Florante at
Laura". Ito ay isinulat niya bilang pagbibigay - pugay sa pamanang
iniwan ni Francisco Baltazar.Ang mga unang sipi ng aklat na Florante
at Laura ay kapwa isinulat sa wikang Ingles at Tagalog. Ngunit, sa
kasamaang palad, nasunog ang mga iyon noong 1945 matapos ang
Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Samantalang mayroong isang
publishing house ang nakapag tabi ng orihinal na sipi ng aklat na
siyang pinag kopyahan ng mga sumunod na sipi ng aklat noong
1875.Ang Florante at Laura ay isang halimbawa ng korido na
naglalaman ng mga pasakit at pag - iibigan ng dalawang tauhang
nabanggit sa pamagat. Ang nagsasalita sa korido ay mismong si
Florante at ang kwento ay naganap sa gubat ng Quezonaria. Ipina
palagay na ang bidang si Florante ay kumakatawan kay Francisco
Baltazar samantalang si Laura ay ang kanyang unang pag - ibig na si
Maria Asuncion Rivera na naikasal sa ibang lalaki sa katauhan ni
Mariano Capule na isa ring masugid na manliligaw at karibal sa pag -
ibig ni Francisco Baltazar at kina katawan naman ni Adolfo sa
kwentong Florante at Laura.
Batay sa binasa mng kaligirang pangkasaysayan nagkaroon kaya
ng impluwensiya ang florante at laura, nagkaroon nga kaya ng
impluwensya ang florante at laura sa mga nangyaring pag-aalsa
ng mga pilipino laban sa pamahalaang kolonya? Ipaliwanag

Oo, dahil sa pagsulat ni Francisco


Balagtas sa Florante at Laura, ito ang
nagging inspirasyon at nagimpluwensiya sa
mga bayani tulad ni Dr. Jose Rizal na
lumaban at mag-alsa sa paraan ng
pagsusulat ng kwento, tula, at mga nobela.
Mga Pangunahing Tauhan:

Florante
Makisig na binatang anak ni
Duke Briseo at Prinsesa
Floresca. Siya ang pangunahing
tauhan ng awit. Halal na Heneral
ng hukbo ng Albanya. Magiting na
bayani, mandirigma at heneral ng
hukbong magtatanggol sa
pagsalakay ng mga Persiyano at
Turko.

Laura
Anak ni Haring Linceo at ang
natatanging pag-ibig ni
Florante. Tapat ang puso sa pag-
ibig ngunit aagawin ng buhong na si
Adolfo.

Adolfo
Anak ng magiting na si
Konde Sileno ng
Albanya. Kabaligtaran ng kanyang
ama, si Adolfo ay isang taksil at
lihim na may inggit kay Florante
mula nang magkasama sila sa
Atenas. Siya ang mahigpit na
karibal ni Florante sa pag-aaral at
popularidad sa Atenas. Ang
malaking balakid sa pag-iibigan
nina Florante at Laura, at aagaw sa
trono ni Haring Linceo ng Albanya.
Aladin
Isang gererong Moro at
prinsipe ng Persiya. Anak ni
Sultan Ali-adab. Mahigpit na
kaaway ng bayan at relihiyon ni
Florante, ngunit magiging
tagapagligtas ni Florante.

Flerida
Isang matapang na babaeng
Moro na tatakas sa Persiya para
hanapin sa kagubatan ang
kasintahang si Aladin. Siya ay
magiging tagapagligtas ni Laura
mula kay Adolfo.

Menandro
Ang matapat na kaibigan ni
Florante. Mabait at laging kasa-
kasama ni Florante sa digmaan.
Mga iba pang tauhan :

Duke Briseo
Ang mabait na ama ni
Florante. Taga-payo ni Haring
Linceo ng Albanya.

Prinsesa Floresca
Ang mahal na ina ni Florante.

Haring Linceo
Hari ng Albanya at ama
ni Prinsesa Laura.

Antenor
Ang mabait na guro sa
Atenas. Guro nina Florante,
Menandro at Adolfo. Amain ni
Menandro.
Konde Sileno
Ang ama ni Adolfo na taga-
Albanya.

Heneral Miramolin
Heneral ng mga Turko na
lumusob sa Albanya.

Heneral Osmalik
Ang heneral ng Persya na
lumusob sa Krotona. Siya ay
napatay ni Florante.

Sultan Ali-abab
Ang ama ni Aladin na
umagaw sa kanyang magandang
kasintahang si Flerida.

Menalipo
Ang pinsan ni Florante. Siya ang
pumana sa buwitre na sana'y daragit
sa sanggol na si Florante.

You might also like