You are on page 1of 3

Ang Mito ay kuwento o salaysay hinggil sa pinagmulan ng sansinukuban, kalipunan

ng iba’t ang paniniwala sa mga diyos at diyosa, kuwento ng pinagmulan tao at ng


mahiwagang linikha.

Halimbawa:

Si Malakas at si Maganda

Bago nagsimula ang panahon, ang tahanan ng Diyos ay di-masukat


na kalawakan. Naging malungkutin ang Diyos sapagkat wala siyang makita
at marinig. Ang araw ay sumisikat, maliwanag na parang ginto at ang
langit ay napalamutian ng mapuputing kukuti-kutitap ng libong mga
bituin. Iniangat ng Diyos ang kanyang kamay at ito’y itinurong pababa.
Sa isang iglap ay nalalang ang mundo. Ang mga lunting kakahuyan ay
sumibol, pati ang mga damo. Namukadkad at humahalimuyak ang mga
bulaklak. Ang mga dagat ay umalon at ang mga ibon ay sa himpapawid ay
nag-awitan. Nayari ng D iyos ang sanlibutan. Ito ay isang ginintuan at
mahiwagang paraiso. Isang araw ang hari ng mga ibon ay lumipad at
ginalugad ang papawirin. Pagkatapos ikinampay ang matipunong mga
pakpak at paimbulog na pababa sa kakahuyan mula sa malayo kanyang
natanaw ang mataas na kawayang yumuyukod sa mahinhing paspas ng
hangin. Kanyang binilisan ang paglipad pababa. Siya’y dumapo sa
naturang kawayan upang magpahinga. Tok! Tok! Tok! Nadama niya ang
maririing katok na nagmula sa loob ng kawayan. May tinig siyang narinig.
“Palayain mo ako , oh, makapangyarihang hari ng mga ibon”. ang
hinaing. “Tuktuukin mo ng iyong tuka ang kawayang kinapapalooban ko.
Hindi ako makahinga. Para itong karsel”.
“Baka ito’y patibong”. Ang isip ng ibon. Kinamaya-maya’y may
butiking gumapang na paitaas sa kawayan. Ang ibon palibhasa’y gutom,
ito’y tinuka ngunit hindi nahuli. Buong lakas na tinuktok muli ng ibon ang
kawayan. Nabiyak ang kawayan isang makisig na lalaki ang lumabas.
“Salamat sa iyo, dakilang hari ng mga ibon”.” Ako’y si malakas”.
“Tuktukin mong muli ang kawayan. Iyong palabasin ang aking kasama.”
Tinuktok ng hari ng mga ibon ang isa pang kawayan isang mahinhin at
magandang babae ang lumabas. Ito’y si Maganda. Ang aking asawa.
Pinalaya mo kami, dakilang ibon. Ikaw ay magigig kasama naming habang
buhay.
Hindi maaari. Maraming salamat, sagot ng ibon. Ako’y ibon at ang
tahanan ko ay malawak na papawirin ako’y naglalayag sa hangin. Ang
aking bagwis ay sinadya sa paglipad. Subalit umasa kayong lagi ko kayong
aawitan.Pag ako’y wala, ang maliit kong supling ang aawit sa sa inyo.
Aawitin din nila ang mga awit na inawit ko.
“Hali kayo, sumakay kayo sa aking bagwis. Kayo’y dadalhin ko at
ipakikita sa inyo ang Lupang Hinirang. Doon kayo maninirahan.”
Sina Malakas at Maganda ay dinala sa mga pulong luntian at
kumikinang sa sikat ng araw. Ang mga ito’y tulad ng tinuhog na kuwintas
na isang mahalagang hiyas. Dito sa mga pulong ito, Perlas ng Dagat
Silangann, nagsimulang namuhay ang mag mag-asawang Malakas at
Maganda- ama’t inang pinagmulan ng ating lahing kayumanggi.
Ang Parabola ay kuwentong hango sa banal na aklat na nag tataglay ng moral
o reliyosong turo.

You might also like