You are on page 1of 2

Si Malakas at si Maganda

Bago nagsimula ang panahon, ang tahanan ng Diyos ay di-masukat na


kalawakan. Naging malungkutin ang Diyos sapagkat wala Siyang makita at
marinig. Ang araw ay sumisikat, maliwanag na parang ginto at ang langit ay
napapalamutian ng mapuputing ulap. Sa malayo ay nakasilip ang buwang
kabilugan samantalang kukuti-kutitap ang libong mga bituin.

Iniangat ng Diyos ang Kanyang kamay at ito'y itinurong pababa. Sa isang iglap ay
nalalang ang mundo. Ang mga lunting kakahuyan ay sumibol, pati mga damo.
Namukadkad at humahalimuyak ang mga bulaklak.

Ang mga dagat ay umalon at ang mga ilog ay umagos. Nagliparan ang mga ibon
sa himpapawid at nag-awitan.

Nayari ng Diyos ang sanlibutan. Ito ay isang ginintuan at mahiwagang paraiso.

Isang araw ang hari ng mga ibon ay lumipad at ginalugad ang papawirin.
Pagkatapos ikinampay ang matipunong mga pakpak at paimbulog na pababa sa
kakahuyan. Mula sa malayo kanyang natanaw ang mataas na kawayang
yumuyukod sa mahinhing paspas ng hangin. Kanyang binilisan ang paglipad
pababa. Siya'y dumapo sa naturang kawayan upang magpahinga. Tok! Tok! Tok!
Nadama niya ang maririing katok na nagmumula sa loob ng kawayan. May tinig
siyang narinig! "Palayain mo ako, oh, makapangyarihang hari ng mga ibon!" ang
hinaing. "Tuktukin ng iyong tuka ang kawayang kinapapalooban ko. Hindi ako
makahinga. Para itong karsel!"

"Baka ito'y patibong!" ang isip ng ibon. Kinamaya-maya'y may butiking


gumapang na paitaas sa kawayan. Ang ibon palibhasa'y gutom, ito'y tinuka
ngunit hindi nahuli. Buong lakas na tinuktok uli ng ibon ang kawayan.

Nabiyak ang kawayan. Isang makisig na lalaki ang lumabas. "Salamat sa


iyo,dakilang hari ng mga ibon! Ako'y si Malakas. Tuktukin mong muli ang
kawayan. Iyong palabasin ang aking kasama!"

Tinuktok ng hari ng mga ibon ang isa pang kawayan. Isang mahinhin at
magandang babae ang lumabas. "Ito'y si Maganda, ang aking asawa. Pinalaya
mo kami, dakilang ibon. Ikaw ay magiging kasama namin habang buhay!"

"Hindi maaari. Maraming salamat," sagot ng ibon. "Akoay ibon at ang tahanan
ko ay malawak na papawirin. Ako'y naglalayag sa hangin. Ang aking bagwis ay
sinadya sa paglipad. Subalit umasa kayong lagi ko kayong aawitan. Pag ako'y
wala na, ang maliliit kong supling ang aawit sa inyo. Aawitin din nila ang mga
awit na inawit ko!"

"Hali kayo! Sumakay kayo sa aking bagwis. Kayo'y dadalhin ko at ipakikita sa inyo
ang Lupang Hinirang. Doon kayo maninirahan!"

Sina Malakas at Maganda ay dinala sa mga pulong luntian at kumikinang sa sikat


ng araw. Ang mga ito'y tulad ng tinuhog na kuwintas na isang mahalagang hiyas!

Dito sa mga pulong ito, Perlas ng Dagat Silangan, nagsimulang namuhay ang
mag-asawang Malakas at Maganda-ama't inang pinagmulan ng lahing
kayumanggi.

You might also like