Noong unang panahon, mayroong isang diwata na sumasamba ng
mga katutubong subanen na kanilang panginoon, Diwata Magbabaya ang lumikha ng daigdig.Tulad rin ng diwata, may isang nilalang na lalaki na may kakaibang kapangyarihan na naninirahan sa mundo ng mga tao sa loob ng isang libong taon. Siya ay pinangalanang Jobrael.
Isang araw, ipinatawag ng diwata ang kanyang pinagkatiwalaang
mensahero sa langit. “Pumunta ka sa lupa at sabihin mo kay Jobrael, “masyado ng mahaba ang buhay na inilaan niya sa lupa, ang oras niya ay tapos na, kailangan na niyang bumalik sa langit”. Pinuntahan ng mensahero si Jobrael para sabihin and mensahe ng diwata. “Gusto ko pang manirahan dito sa lupa kasama ang aking pamilya”, sagot ni Jobrael. Walang nagawa ang mensahero kundi bumalik sa langit upang ipaalam sa diwata ang nangyari. Nagalit ang diwata, “bumalik ka sa lupa at dalhin mo ang takureng ito na ang laman ay palay na ginto. “Sa oras na nasa lupa ka na, ilagay mo ito sa kinaroroonan ni Jobrael at ipaangat mo ito, kung kaya niya itong iangat ay papayagan ko siyang manirahan sa lupa”.
Habang iniangat ni Jobrael ang takure, siya ay biglang lumutang.
Hindi niya namalayan na isa na pala siyang kaluluwa. Siya ay nagtaka nang makita niya ang mga tao na nagdiriwang at nagsasayawan. Biglang lumitaw ang diwata, “sila ay nagdiriwang dahil sa iyong pagkamatay, ipinatawag ka ng tagapaglikha ngunit sinuway mo ang aking utos.” “Kaya paparusahan kita dito sa langit, hindi ka na maaaring pumunta kahit saan”. “ Paano na ang aking pamilya, ang aking anak?” sagot ni Jobrael. “Ang iyong kaisa-isang anak ay bibigyan ko ng pitong taon na manirahan sa lupa.
Pagkalipas ng pitong taon, binata na ang anak ni Jobrael. Nalaman
ng binata ang parusang ipinatong sa kanyang ama na si Jobrael kaya nag-isip ng paraan ang binata at humanap siya ng maging mapapangasawa niya. Sa loob ng pitong taon, gumawa sila ng altar, itim at dilaw ang palamuti nito, gumawa ng hugis daigdig parang garapon na mula sa kakaibang uri ng kahoy sa silangang bahagi ng kagubatan. Pagkatapos ay inaaanyahan niya ang lahat para simulan ang kanilang ritwal na pagsasayaw bilang pasasalamat at pag-aalay sa diwata. Tinatawag nila itong “Buklog”. Nakita ng diwata ang kanilang ginawa. Sa ika pitong taon, lumitaw ang diwata at sinabing “ako si diwata Magbabaya ang naglikha ng daigdig, narito ako upang sabihing “na ikaw na anak ni Jobrael ay maaari nang magpatuloy na manirahan sa lupa”. Mula noon, ipinagpatuloy na ng mga subanen ang ritwal na tinatawag na Buklog.