You are on page 1of 2

Alitaptap (Alamat sa Luzon)

Buod:

Noong unang panahon, sa lambak ng Pinak sa Gitnang Luzon, isa sa mga isla ng Pilipinas, mayroong isang
malalim, malaking lawa na mayaman sa mga isda. Doon, ang mga taga Pinak ay nangingisda para maging kanilang
pagkain ng lahat. Ngunit ito ay natuyo. Ilang buwan na walang ulan. Sa bukirin, ang lupa din ay natuyo, tuluyang
nalanta ang mga pananim. Nagkaroon ng taggutom.

Halos araw-araw, masigasig na nagdarasal ang mga taga Pinak na padalhan sila ng ulan at bigyan sila ng pagkain.
Hanggang isang madilim na gabi, sinagot ni Bathala ang kanilang panalangin. Nagulat ang mga taga Pinak dahil isang
karo ng ginto ang biglang bumungad sa kanila. Ngunit sila ay natakot nang biglang may narinig silang malaking boses na
galing sa karo ng ginto. Ito ay boses ni Bulan-Hari at kasama ang kanyang asawa na si Bitu-in. Pinadala sila ni Bathala
upang mamuno sa Pinak at para bigyan ng magandang buhay ang mga taga roon.

Habang nagsasalita si Bulan-Hari, bumukas ang itim na kalangitan, bumagsak ang ulan at hindi nagtagal
umusbong muli ang mga pananim sa bukirin, ang malaking lawa ay tumaas muli at nagkaroon ng mga isda. Kaya naging
masaya muli ang mga taga Pinak sa pamamahala ni Bulan-Hari.

Di nagtagal ay nagkaroon ng anak na babae sina Bulan-Hari at Bitu-in. Siya ay isang magandang dalaga, mahaba
ang mga maiitim na buhok, may maganda at mapupungay na mga mata, may kulot na pilikmata, may ilong na matangos
at mapupulang mga labi na parang mga rosas. Siya rin ay may makinis at malambot na balat. Pinangalanan nila itong
Alitaptap sapagkat sa noo niya ay may isang maliwanag at maningning na bituin na nakaukit sa kanyang noo.

Marami ang umibig kay Alitaptap, mga guwapo at matatapang na kabataan ng Pinak. Sinamba nila ang kanyang
kagandahan. HInaharana nila si Alitaptap. Hinahangad nila na makuha ang puso ni Alitaptap. Ngunit si Alitaptap ay may
pusong bato. Kasing lamig at tigas ng mga bituin na nasa kanyang noo. Hindi siya marunong umibig o magmahal.

Hanggang isang araw ay may isang matandang babae ang dumating sa kanilang lugar. May mahaba at
maruming buhok, at ang mga damit ay marumi din at punit-punit. Siya si Balo-na. At may hatid siyang isang malungkot
na balita kay Bulan-hari. Nakita niya sa kanyang bolang kristal na magkakaroon ang hinaharap ay magdudulot ng
kapahamakan at kalungkutan. At may mga mandirigma mula sa lupain ng La-ut sakay ng kanilang mga
makapangyarihang mga kabayo kasama ang kanilang makapangyarihang mga espada para sila ay lupigin. Sisirain nila an
gmga pananim, magtatapon ng mga lason sa lawa at wawasakin ang kanilang buong kaharian.

Kaya sabi ni Bulan-hari kung ano ang dapat nilang gawin? Kaya sumagot si Balo-na, na kailangan na si Alitaptap
ay manganak ng isang anak na lalaki na maaaring maging pinuno ng bayan at para sakupin ang lahat ng mananakop at
panatilihin ang kapayapaan sa ating lupain.

Kaya hinarap ni Bulan-hari si Alitaptap at pinapili siyasa mga kabataang lalaki upang magpakasal dahil dapat
siyang manganak ng isang anak na lalaki. Ngunit hindi sumagot si Alitaptap at nanahimik. Kaya hinawakan ni Bulan-hari
ang kanyang tabak at sinabi kay Alitaptap na susundin ba sya nito o mamamatay siya sa mga sandaling iyon. Nagalit si
Bulan-hari, hinugot ang kanyang tabak at tinabak niya si Alitaptap. Tinamaan nito ang bituin na nasa kanyang noo.
Sumabog ito at ang kadiliman sa buong paligid ay biglang napalitan ng mga kislap at liwanag na nanggagaling sa mga
durog na piraso ng bituin na nasa kanyang noo. Namatay si Alitaptap.
Di nagtagal ay natupad ang hula ni Balo-na. Sumalakay ang mga mandirigma ng La-ut Pinatay nila ang mga taga
Pinak, sinira ang mga pananim at nilason ang lawa. Nagkalat sila ng kalungkutan at pagkawasak saanman. Nang
matapos ang lahat, ang maganda, mapayapang lambak ng Pinak ay nabalot ng kawalang pag-asa. Sa gabi, walang
anuman kundi kadiliman ngunit di nagtagal ang maliliit na kislap ng ilaw ay kumikislap nang maliwanag gabi-gabi.

Dito nagsimula ang alitaptap.

You might also like