You are on page 1of 1

Alamat ng Laiya

Noong unang panahon sa bayan ng Batangas ay may isang diwatang nag nangangalang
Liya, siya ay kinikilalang Allah ng mga naninirahan dito sapagkat siya ang nagliligtas sa mga tao
dito sa mga kalamidad at sakuna.
Ang bayang ito ay naliligiran ng mga anyong tubig karamihan dito ay dagat. Magagandan
ang dagat sa bayang ito kung kayat dinarayo talaga ito ng mga turista, kung kayat ang kanilang
bayan ay kilalang kilala.
Dahil nga sa ito ay madalas dayuhin ng mga tao, nag bunga din ito ng pagkakaroon nila
ng madaming basura. Nooong una ay kilala din ang bayang ito sa kalinisan at kaayusan,
pinapangalagaan ng mga tao dito ang bigay sa kanilang biyaya ng kanilang Bathala, ngunit dahil
nga ito ay dinarayo na ng madaming tao may mga basura ng naiiwan ang mga turista kapag
nililisan nila ang bayan na nag dulot upang maging madumi ang dagat.
Isang araw ay nabalitaan ng mga tao na may sakunang dadating sa bayan, ito ay
tinatalang pinakamalakas na sakunang dadaan sa bayan nila, at hindi nga nag tagal ay ito ay
dumating na, tulad ng mga nakaraang mga kalamidad ang kanilang Allah na si Liya ang nag
poprotekta upang hindi mapinsala ang kanilang bayan ngunit dahil nadin sa mga basurang
naipon dahil sa mga turista ay naging mahirap para sa kanya ang protektahan ang kanyang
nasasakupan. Tumagal ang bagyo ng tatlong araw. Ito ay nag dala ng malakas na hangin at
malakas na ulan. Nagawa namang protektahan ni Allah Liya ang bayan ngunit lubos itong
nanghina at dahil sa dami ng kapangyarihang nawala sa kanya ay tumanda ito, kung kayat
minabuti niyang tipunin ang mga mamamayan upang ipaliwanag ang kanyang kalagayan. Sinabi
niya na Dahil sa tindi ng dumating na bagyo ay lubos akong nanghina at madami sa kaing
kapangyarihan ang nawala, marahil kung may ganun kalakas na bagyong tumama ulit sa ating
bayan ay hindi ko na magawa itong protektahan wika ni Allah Liya, ngunit ano po ang dapat
naming gawin? tanong ng isang matanda dapat ninyo akong tulungan upang mapanatiling
malinis ang ating bayan upang magawa ko pang protektahan ang ating mahal na bayan at upang
hindi narin tumama ang ganung kalakas na bagyo At mula nga noon ay nag tulong tulong na
naglilinis ang mga taga roon at naging mas kilala ang bayan ngunit nag karoon sila ng batas na
Kalat ko linis ko para sa mga turistang dumadating sa kanilang bayan, at dahil sa kabutihan ng
kanilang Allah ay ipinangalan nila ang bayan sa kanilang Allah ang bayan ay kilala na ngayon
bilang LAIYA mula sa kanilang Allah Liya.
Pinaniniwalaang hanggang ngayon ay inaalagaan padin at pinoprotektahan ni Liya ang
bayan sa anu mang kalamidad.

You might also like