You are on page 1of 5

Sinaunang Greece

Ang Sinaunang Gresya ang kabihasnang Griyego na kabilang sa isang panahon ng kasaysayan ng
Gresya na tumagal ng mga isang libong taon mula ika-8 siglo BCE hanggang ika-6 siglo BCE
hanggang sa wakas ng antikwidad(ca. 600 CE). Pagkatapos ng panahong ito ang pasimula ng
Maagang mga gitnang panahon at panahong Bisantino.[1] Kabilang sa Sinaunang Gresya ang
panahon ng Klasikong Gresya na yumabong noong ika-5 hanggang ika-4 siglo BCE. Ang Klasikong
Gresya ay nagsimula sa pagpapatalsik sa isang pananakop na Persa (Persian) ng mga pinunong
Atenian. Dahil sa mga pananakop ni Dakilang Alejandro, ang kabihasnang Helenistiko ay
yumabong mula Sentral Asya hanggang sa kanluraning dulo ng Dagat Mediteraneo.

Ang kulturang Griyego lalo na ang pilosopiya ay makapangyarihang nakaimpluwensiya sa


Imperyong Romano na nagdala ng bersiyon nito sa maraming mga bahagi ng Europo at ito ang
isa sa mga inspirasyon ng Muling Pagsilang sa Kanlurang Europa. Ito rin ang naging batayan ng
pagusbong ng Neoklasisismo sa Europa at mga Amerika noong ika-18 at ika-19 na dantaon.

Ginagamit ang salitang Sinaunang Gresya patungkol sa mga tao, pamumuhay at kaganapan sa
mga lugar kung saan Grego ang salita ng mga tao noong sinaunang panahon. Maliban sa
peninsula ng Gresya, kabilang dito ang Tsipre, mga isla sa Dagat Aegea, ang baybayin ng Anatolia
(kilala noon bilang Ionia), Sicily sa timog Italya (kilala noon bilang Magna Graecia), at ang mga
kalat na tirahan ng mga Grego sa baybayin ng Kolkis, Illyria, Thrace, Ehipto, Cyrenaica, timog Gaul,
silangan at hilagang-silangan ng Peninsulang Iberiko, Iberia at Taurica.

Ang Greece ay isa sa mga pinakakilalang bansa sa daigdig sapagkat marami silang naiambag sa
kasaysayan.Isa rin sa mga naging dahilan kung bakit sila ay kilala ay ang kanilang
Panitikan.Maraming tao ang naging interesado sa mga kuwento patungkol sa mga Diyos at Diyosa
ng Greece.

Maraming bagay-bagay mula sa iba'ti ibang larangan ang naiambag ng mga Griyego sa
daigdig.Ipinamalas ng Greece ang kagalingan ng kabihasnan nito sa larangan ng
agham,arkitektura,drama,eskultura,medisina,pagpinta,kasaysayan,pananampalataya at
pilosopiya.

Matatagpuan ang sinaunang Greece sa timog-silangang Europe,sa bahagi ng Balkan


Peninsula.Umunlad ang kabihasnang ito sa palibot ng dagat hindi tulad ng mga Kabihasang Asya
at Africa na umunlad sa lambak-ilog.
Klasikal na Greece
(A). Ang kabihasnang Minoe o sibilisasyong Minoano ay isang dating kabihasnan sa pulo ng Creta
na nagsimula noong Panahon ng Tansong-Pula. Umiiral ito mula noong mga 2700 BK. Tumagal
ito magpahanggang mga 1450 BK, bago napalitan ng kalinangang Miseneo. Hindi naman talaga
nalalaman ng mga dalubhasa kung ano ang tawag ng mga Minoe o Minoano para sa kanilang mga
sarili, sapagkat nagmula lamang kay Sir Arthur Evans ang kapangalanang Minoan, na ibinatay
mula sa maalamat o mitikong nilalang na si Haring Minos.
Muling natuklasan ang kalinangang Minoe sa pagsisimula ng ika-20 daangtaon sa pamamagitan
ng pangunguna ni Evans, isang Britanikong arkeologo. Noong 1939, inilarawan ito ni Will Durant
bilang "ang unang ugnay sa loob ng tanikalang Europeo".

Ang unang sibilisasyon ng bansang Gresya ay lumitaw sa isla ng Crete sa pagitan ng 3000
at 2000 b.k.
Ang sibilisasyong ito ay tinawag na Minoan sa karangalan ni haring minos na sinasabing
naghari noon doon.
Sa Knossos, ang kabisera ng Crete, natagpuan ng mga arkeologo ang magarang palasyong
Minoan nang maghukay sila noong 1900.
Pagsapit ng mga banding 1600 b.k, naglitawan naman sa may Mycenae ang mga
manggagaya sa maluho at maunlad na pamumuhay ng mga taga-knossos.

(B). Ang Mycenae o Misenas (Griyego: Μυκῆναι Mykēnai o Μυκήνη Mykēnē;


Kastila:Micenas) ay isang lugar na pang-arkeolohiya sa Gresya, na tinatayang nasa 90 km
timog-kanluran ng Athens, sa loob ng hilaga-silangan ng Peloponnese. Ang Argos ay 11
km papunta sa timog; ang Corinth, 48 km pakanluran. Mula sa burol na kinalalagyan ng
palasyo, matatanaw ang kahabaan mula sa Argolid hanggang sa Tangway na Saroniko.

Noong ika-2 milenyong BC, ang Mycenae ay isa sa pangunahing mga sentro ng
kabihasnang Griyego, isang matibay na tanggulang pangmilitar (kuta) na nangibabaw sa
katimugang Gresya.
Ang kapanahunan ng kasaysayan ng Gresya magmula sa tinatayang 1600 BC
magpahanggang sa 1100 BC ay tinatawag na Gresyang Miseno bilang pagtukoy sa
Mycenae.
Kabihasnang Greece
Ang kabihasnang Greek ay ang una sa napatanyag na kabihasnang klasika. Ang Greece ay
nasa timog na dulo ng Balkan Peninsula sa Timog Silangang Europe. Mabundok ang
Greece kung kaya ang nabuong kabihasnan nito ay pawang watak watak na mga lungsod-
estado o city state. Ang klima ng Greece ay angkop sa pagtatanim ng ubas, olive, trigo, at
barley. Liko-liko ang baybaying-dagat ng Greece at marami itong magagandang daungan.
Sparta at Athens
Ang Atenas (Griyego: Αθήνα, Athína; Ingles: Athens) ay ang kabisera at
pinakamalaking lungsod ng Gresya. Matatagpuan ito sa rehiyon ng Attica. Isa ang
Atenas sa mga pinakamatandang lungsod sa buong mundo, na may naitalang
kasaysayan sa loob ng humigit 3,000 taon. Ipinangalan ang lungsod sa dati nitong
patron na si Athena noong kapanahunan ng Matandang Atenas.

Sa kasalukuyan, may populasyon ng 745,514 noong 2001 ang lungsod ng Atenas,at


3.37 milyong katao sa kalakhan nito.] Bilang isang bantog at kosmopolitano na
lungsod, ang Atenas ay nagiging sentral sa buhay pang-ekonomiya, pampananalapi,
pang-industriya, pampolitika at kultural sa Gresya. Mabilis rin itong maging isang
sentro ng negosyo sa Unyong Europeo.

Noong unang panahon, isang malakas na lungsod-estado at bantog na sentro ng


sining, kultura, edukasyon at lalo na sa pilosopiya ang Atenas. Bilang luklukan ng
Akademiya ni Platon at ng Liseo ni Aristoteles, naging lugar ng kapanganakan ang
Atenas nina Socrates, Pericles, Sophocles at ibang mga importante at maka-
impluwensiyang mga pilosopo, manunulat at politiko ng matandang daigdig. Kilala
rin ang lungsod bilang duyan ng sibilisasyong Kanluranin at ng demokrasya dahil sa
impakto ng mga inambag nitong ideya at gawaing kultural at pampolitika noong
ikalima at ika-apat na siglo BC sa ibang mga bahagi ng noong-kilalang kontinente ng
Europa.
Sparta is a city in Greece. It is the capital of the Laconia prefecture. It is in the south
of Peloponnese peninsula. During antiquity, it was extremely powerful. Today, it is
a small city. 16,726 people lived there according to the 2001 census. The word
Spartan is used to describe somebody who lives a simple life or somebody who
suffered a lot without crying or showing that they suffered. It can also mean a life
of simplicity, without anything fancy or costly. Sparta is in the mountainous region
of Laconia.[3]:225 This is in the south-east of the Peloponnese. Ancient Sparta was
built on the banks of the Evrotas River.[3]:225 The river flows through a valley with
mountains on each side. To the west is the Taygetus Range (highest point 2407 m)
and to the east is the Parnon Range (highest point 1935 m).

You might also like