You are on page 1of 4

Archdiocese of Tuguegarao

LYCEUM OF LAL-LO, INC.


Centro, Lal-lo, Cagayan
Email: lyceumoflallo@yahoo.com

SECOND PERIODICAL EXAMINATION


ARALING PANLIPUNAN – 7

Pangalan: _______________________________________ Iskor: ________________

I. Bilugan ang letra ng tamang sagot.


1. Sino ang nagtatag ng pilosopiyang Taoismo?
a. Lao Tzu c. Shang Yang
b. Han Feizi d. Kung Fu Tzu
2. Saan nakapaloob ang lahat ng mahahalagang aral ng Confucianismo?
a. Five Classics c. Quran
b. Torah d. Classic of Changes
3. Anong uri ng pamamahala ang itinataguyod ng Legalismo?
a. Malupit c. Marangal
b. Malaya d. Organisado
4. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga pilosopiya mula sa Silangang Asya?

a. Taoismo c. Confucianismo
b. Legalismo d. Buddhismo
5. Alin sa sumusunod ang gawaing higit na pinahalagahan sa ilalim ng pag-iral ng sistema ng
Legalismo?

a. Pagtuturo c. Pangangalakal
b. Pagsasaka d. Pagsusundalo
6. Ano ang kahulugan ng wu wei ng Taoismo?

a. kawalan ng karahasan c. paglilingkod


b. pagsuko sa diyos d. hindi pagkilos
7. Ano ang higit na pinagtuunan ng pansin ng Legalismo?

a. Pangangalaga sa mga mamamayan c. Pagtatanggol ng mga naaapi


b. Pagpapatatag sa estado d. Mabuting pamamahala
8. Ano ang sinasalamin ng Confucianismo tungkol sa antas ng lipunan?

a. Kawalan ng kahalagahan ng kababaihan


b. May kumukontrol at may kinukontrol
c. Walang anumang pagkakapantay-pantay
d. Puwang sa pagitan ng mayaman at mahirap
9. May maituturing bang pinakaepektibong pilosopiya?

a. Wala po, sapagkat ang pagiging epektibo nito ay depende sa sitwasyon at paraan ng
pamamahala.
b. Mayroon po, ang Confucianismo, sapagkat pinahahalagahan nito ang mabubuting asal at
moralidad.
c. Mayroon po, ang Legalismo, sapagkat itinataguyod nito ang mahigpit na pamamahala para sa
kaayusan.
d. Wala po, sapagkat ang lahat ay maituturing na epektibo kahit saan at kailan.
10. Paano pinagtutuunan ng pansin ng Taoismo ang kapaligiran?

a. Hinihikayat nito ang pagkakaroon ng mataas na uri ng kaalaman upang makontrol ang
kapaligiran.
b. Hinihikayat nito ang pagsasaayos ng mga bagay sa kapaligiran sang-ayon sa ikabubuti rin ng
mga tao.
c. Pinananatili nito ang natural na ayos at daloy ng mga bagay.
d. Pinananatili nito ang kapaligiran sa ayos nito matapos ang ginawang pagbabago ng mga tao.
11. Saan nagsimula ang Judaismo?

a. Israel c. Qatar
b. Palestine d. Turkey
12. Ano ang nagsisilbing gabay upang matamo ang nirvana sa paniniwalang Buddhismo?
a. Eightfold Path c. Four Noble Truths
b. Karma d. Reinkarnasyon
13. Anong relihiyon ang nakatuon sa Sampung Utos ng Diyos?
a. Judaismo c. Islam
b. Hinduismo d. Buddhismo
14. Ano ang kahulugan ng nirvana?
a. Estado ng kalayaan mula sa makamundong pagdurusa
b. Estado ng pakikiisa sa tagapaglikha ng mga bagay
c. Estado ng pagtatamo ng walang hanggang kaligayahan
d. Estado ng kaluwalhatian at kalayaan mula sa siklo ng reinkarnasyon
15. Ano ang karma?
a. Espiritwal na estadong natatamo ng lahat ng may buhay
b. Magagandang bagay na natatamo ng may buhay batay sa kaniyang gawi
c. Bagay o aksyong bunga ng gawi ng lahat ng may buhay
d. Pagkakamaling naisasagawa ng lahat ng may buhay
16. Paano nagkakaiba ang Mahayana at Theravada Buddhism?
a. Kung paano nila itinuturing si Buddha.
b. Lawak ng impluwensiya nila sa mundo.
c. Tagal ng pag-iral nila sa mundo.
d. Katuruan ni Buddha na sinusunod nito.
17. Ano ang kahulugan sa Islam?
a. Kapayapaang madarama sa oras ng pagsuko kay Allah
b. Kasaganaang matatamo sa oras na makiisa kay Allah
c. Kapayapaang matatamo sa pagtulong sa kapwa
d. Kasiyahang matatamo sa oras na isuko ang sarili sa makamundong bagay
18. Alin sa sumusunod na pamamaraan ang makatutulong sa tao upang makamit ang nirvana?
a. Pagkamal ng kayamanan at mga katulad nito
b. Paghingi ng gabay mula sa mga pinaniniwalaan
c. Pagtalikod sa makamundong pagnanasa
d. Pag-aayuno araw-araw sa buong buwan
19. Ayon sa Hinduismo, paano maaaring makamit ng tao ang moksha?
a. Sa pamamagitan ng pagdanas sa iba’t ibang karma ng buhay
b. Sa pamamagitan ng pagtatamo sa pinakamataas na uri ng karma
c. Sa pamamagitan ng pag-aalay ng buhay ng ibang tao
d. Sa pamamagitan ng paulit-ulit na pagkamatay at pagkabuhay ng kaluluwa
20. Ano ang sinasalamin ng limang haligi ng Islam?
a. Kabutihang dulot ng pagtulong sa kapwa
b. Kahalagahan ng pagpapakababang loob ng mga tao
c. Kagandahan ng pagsuko kay Muhammad
d. Paghihirap na dapat isagawa para sa ikabubuti ng kapwa
21. Ano ang kahulugan ng titulong Mahavira?
a. Dakilang tagapagtatag c. Dakilang hari
b. Dakilang tagasunod d. Dakilang bayani
22. Anong relihiyon ang nagpapaliwanag na ang buhay ay patuloy na labanan sa pagitan ng mabuti at
masama?
a. Zoroastrianismo c. Sikhismo
b. Jainismo d. Shintoismo
23. Alin sa sumusunod na relihiyon ang naglalayong sirain ang siklo ng reinkarnasyon?
a. Sikhismo c. Zoroastrianismo
b. Shintoismo d. Jainismo
24. Ano ang ibig sabihin ng ahimsa?
a. Ito ay ang panata sa paggalang sa natural na ayos ng kapaligiran.
b. Ito ay ang panata sa pag-iwas sa anumang uri ng pananakit.
c. Ito ay ang panata sa pag-iwas sa anumang uri ng pagdurusa.
Archdiocese of Tuguegarao
LYCEUM OF LAL-LO, INC.
Centro, Lal-lo, Cagayan
Email: lyceumoflallo@yahoo.com

d. Ito ay ang panata sa pagpapanatili ng balanse sa paligid.


25. Alin sa sumusunod na relihiyon ang may mataas na pagpapahalaga sa kalikasan?
a. Zoroastrianismo c. Sikhismo
b. Jainismo d. Shintoismo
26. Alin sa sumusunod ang pinakamahalagang aral ng Zoroastrianismo?
a. Pangingibabaw ng pag-ibig c. Pangingibabaw ng kasamaan
b. Patuloy na tunggalian sa mundo d. Pag-usbong ng karahasan
27. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa kahulugan ng buhay ayon sa tatlong hiyas ng Jainismo?
a. Wastong kaasalan c. Wastong pananampalataya
b. Wastong kaalaman d. Wastong kabuhayan
28. Alin sa sumusunod na gawain ang dapat iwasan ng mga tagasunod ng Jainismo upang
maisakatuparan ang kanilang panata?
a. Pagtatanghal c. Paglilingkod
b. Pagsasaka d. Pangangalakal
29. Ayon sa Sikhismo, alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga bagay na dapat isagawa upang
matamo ang kaligtasan?
a. Pagtalikod sa nakagisnang buhay c. Pagninilay-nilay sa takbo ng buhay
b. Paglilingkod sa kapananampalataya d. Pagsunod sa mga turo ng Guru
30. Alin sa sumusunod ang kabilang sa pamamaraan ng mga Shinto upang isagawa ang paglilinis na
panloob?
a. Pag-aalay ng pagkain c. Paghuhugas ng mga kamay
b. Pag-inom ng maraming tubig d. Paghuhugas ng bibig
31. Ano ang tawag sa kalipunan ng batas sa sinaunang Mesopotamia?
a. Konstitusyon c. Kodigo ng Sumer
b. Kodigo ng Nesilim d. Kodigo ni Hammurabi
32. Anong pagbabago sa lipunan ang dinala ng mga Aryan sa kabihasnang Indus?
a. Sistemang Caste c. Sistemang patrilinyal
b. Sistemang Devaraja d. Sistema ng estratipikasyon
33. Anong sistema ng pagsulat ang hinubog ng mga Tsino?
a. Calligraphy c. Hieroglyphics
b. Cuneiform d. Pictogram
34. Anong teknolohiya ang pinasimulan ng mga Tsino upang mas mapadali ang pagpapakalat ng
kaalaman?
a. Pictogram c. Paper printing
b. Printing Press d. Woodblock printing
35. Ano ang ibig sabihin ng teknolohiya?
a. Mga bagay na ginagawa ng mga tao upang mapalitan na sila sa pagtatrabaho
b. Mga bagay na natutuklasan ng mga tao upang higit na magawang perpekto ang kanilang
Gawain
c. Mga bagay na natututunan ng mga tao mula sa ibang kabihasnan
d. Mga bagay na naiimbento ng mga tao upang mapadali ang kanilang Gawain
36. Ano ang naging kahalagahan ng gulong sa mga Sumeriano?
a. Napadali nito ang transportasyon ng mga mabibigat na bagay.
b. Napadali nito ang transportasyon tungo sa ibang kabihasnan.
c. Nagdulot ito ng yaman dahil napadali nito ang pakikipagkalakalan.
d. Napatunayan nito ang kagalingan ng mga Sumeriano sa pag-iimbento.
37. Ano ang naging kahalagahan ng ziggurat?
a. Ito ay naging simbolo ng yamang taglay ng Sumer.
b. Ito ay naging simbolo ng pananampalataya ng mga Sumeriano.
c. Ito ay naging simbolo ng dominasyon sa larangan ng arkitektura.
d. Ito ay naging simbolo ng kaibahan ng Sumer sa iba pang pangkat.
38. Alin mula sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga imbensiyon mula sa Tsina?
a. Papel c. Magnetic Compass
b. Metric system d. Woodblock printing
39. Ano ang bahaging ginampanan ng mga magulang sa impormal na edukasyon?
a. Sila ang nagturo ng tradisyon at pagpapahalaga sa kanilang mga anak.
b. Sila ang nagturo sa kanilang mga anak tungkol sa kasaysayan ng kanilang mga ninuno.
c. Sila ang nagturo sa kanilang mga anak ng mga sining at kultura na nararapat nilang malaman
d. Sila ang nagturo sa kanilang mga anak ng pakikidigma laban sa ibang pangkat.Sila ang nagturo
sa kanilang mga anak ng pakikidigma laban sa ibang pangkat.
40. Bakit mahalaga ang edukasyon?
a. Ang edukasyon ang tumutukoy sa tagumpay na maaaring makamit ng mga tao.
b. Ang edukasyon ang nagbibigay pagkakakilanlan sa isang tao.
c. Ang edukasyon ang naghahanda sa mga tao para sa mas malaking gampanin.
d. Ang edukasyon ang tumutukoy sa antas sa lipunan na maaaring kabilangan ng mga tao.

41. Ano ang itinuturing na pinakamatandang epiko sa daigdig?


a. Ramayana c. Epiko ni Gilgamesh
b. Biag ni Lam-Ang d. Panchantantra
42. Ano ang pinakamahalagang estrukturang panrelihiyon at kultural sa sinaunang Sumer?
a. Citadel c. Palasyo
b. Templo d. Ziggurat
43. Anong kamangha-manghang estruktura ang ipinatayo ni Haring Nebuchadnezzar para sa kaniyang
asawa?
a. Hanging Gardens of Babylon c. Tower of Babel
b. Citadel d. Ziggurat
44. Ano ang nilalaman o tinatalakay ng Epiko ni Gilgamesh?
a. Paglalakbay para sa imortalidad d. Paglalakbay tungo sa ibang
b. Kabayanihan ng isang prinsipe kabihasnan
c. Pag-iibigan ng hari at reyna
45. Ano ang Panchatantra?
a. Ito ay naglalaman ng limang panuntunan para sa anak ng mga dugong bughaw.
b. Ito ay naglalaman ng mga pabula patungkol sa pag-iibigan ng mga magkasintahan.
c. Ito ay alamat ng pakikipagsapalaran ni Haring Rama at ng kaniyang reyna.
d. Ito ay patungkol sa pakikipaglaban ng itinuturing na bayani sa sinaunang kabihasnan.
46. Ano ang pinakamataas na pagturing sa kababaihan sa Hilagang Asya?
a. Reyna c. ilaw ng tahanan
b. Shaman d. pinunong mandirigma
47. Ano ang pinakamataas na pagturing sa anak na babae ng mayayaman sa Mesopotamia?
a. Eskriba c. high priestess
b. Reyna d. pinunong pulitikal
48. Ano ang tawag sa pangalawa at higit pang asawa ng hari o ng kalalakihan na mula sa mayamang
angkan?
a. Concubine c. Prinsesa
b. Geisha d. Reyna
49. Alin sa sumusunod ang pangunahing tungkulin ng kababaihan sa lipunan ng mga Tsino?
a. Mandirigma ng kabihasnan c. Dakilang Pilosopo
b. Tagapangalaga sa pamilya d. Pinunong pulitikal
50. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga katangian ng isang mabuting babaeng pinuno?
a. Busilak c. may kakayahang magsilang
b. Matalino d. mapagbigay

Write your reflection: PSALM 9:1-2 (3pts.)

Psalm of Thanksgiving

I will give thanks to you, Lord, with all my heart;


I will tell of all your wonderful deeds. I will be glad and rejoice in you;
I will sing the praises of your name, O Most High.

Prepared by: Approved by:

You might also like