You are on page 1of 17

8

Araling Panlipunan
Gawaing Pagkatuto
Ikaapat na Markahan – MELC 2
Nasusuri ang mga dahilan, mahahalagang
pangyayaring naganap at bunga ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig

REGION VI-WESTERN VISAYAS

1
Araling Panlipunan 8
Gawaing Pagkatuto
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon


ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
gawain kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang Araling Panlipunan 8 Gawaing Pagkatuto na ito ay inilimbag upang magamit


ng mga Paaralan sa Rehiyon 6 - Kanlurang Visayas.

Walang bahagi ng Gawaing Pagkatuto na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang porma nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 – Kanlurang
Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet

Manunulat: Hope P. Demasu-ay


Editors: Junal M. Marcon
Milka H. Gepulle
Tagasuri: Nescel P. Panes
Tagalapat: Sunny Grace P. Libo-on

Regional Management Team: Division of Passi City Management Team:


Ramir B. Uytico Jesse M. Gomez
Pedro T. Escobarte, Jr. Ernesto F. Servillon Jr.
Elena P. Gonzaga Ma. Nilma E. Casamayor
Donald T. Genine Nescel P. Panes
Mary Hazel Vivien P. Pineda Junal M. Marcon

Milka H. Gepulle

2
Pambungad na Mensahe

MABUHAY!

Ang Araling Panlipunan 8 Gawaing Pagkatuto na ito ay nabuo sa


pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan mga manunulat, illustrator, editor,
layout artist, tagasuri, at Quality Assurance Team ng Sangay ng Passi City, Rehiyon
6 Kanlurang Visayas at ng Kagawaran ng Edukasyon. Inihanda ito para maging gabay
ng mga learning facilitators upang matulungan ang mga mag-aaral na makamtan ang
mga inaasahang kompetensi na inilaan ng Kurikulum ng K to 12.

Layunin ng Gawaing Pagkatuto na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral


na mapagtagumpayan nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa
kani-kanilang kakayahan at laang oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng isang
buo at ganap na Filipino na may kapaki-pakinabang na literasi habang isinasaalang-
alang ang kani-kanilang pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga Learning Facilitators


Ang Araling Panlipunan 8 Gawaing Pagkatuto na ito ay binuo upang
matugunan ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larangan ng edukasyon,
na patuloy ang kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa kani-kanilang mga tahanan o
saan mang bahagi ng learning center sa kanilang komunidad.
Bilang mga Learning Moderators, siguraduhin nating malinaw ang mga panuto
sa mga gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating masubaybayan
ang pag-unlad ng mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang Araling Panlipunan 8 Gawaing Pagkatuto na ito ay binuo upang


matulungan ka, aming mag-aaral, na patuloy ang iyong pagkatuto kahit wala ka
ngayon sa paaralan. Pangunahing layunin ng learning material na ito na mabigyan ka
ng makahulugan at makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain
nang mabuti ang mga panuto sa bawat gawain.

3
Ikaapat na Markahan – MELC 2

Araling Panlipunan 8

Pangalan: ______________________________Baitang at Seksiyon: ____________


Petsa: ________________________________ Iskor: _______________________

GAWAING PAGKATUTO

ANG DAIGDIG SA KLASIKAL AT TRANSISYUNAL NA PANAHON

I. Kasanayang Pagkatuto at Koda

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kahalagahan ng pakikipag-


ugnayan at sama-samang pagkilos sa kontemporaryong daigdig tungo sa
pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa, pagtutulungan, at kaunlaran.
• Nasusuri ang mga dahilan, mahahalagang pangyayaring naganap at bunga
ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig (APAKD-IVf-6)

II.Panimula (Susing Konsepto)

“War does not determine who is right – only who is left” – Bertrand
Russell
Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay itinuturing na pinakamapanirang
digmaan sa kasaysayan. Kung ang mga operasyong militar sa panahon ng Unang
Digmaang Pandaigdig ay pangunahing naganap sa kontinente ng Europa, ang
Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay kinasangkutan hindi lamang ng Europa bagkus
ay nakasama sa digmaan ang Asya, Africa at maging ang mga isla sa Pasipiko.

Sa Gawaing Pagkatuto na ito ay tatalakayin at susuriin ang mga konseptong


may kinalaman sa mga pangyayari, dahilan, at bunga ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig. Inaasahang sa pagtatapos ng aralin ay matalino mong masasagot ang
tanong na: Paano nagwakas ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig? Ano-ano ang
mga naging epekto nito sa larangan ng kabuhayan, politika at kultura ng mga
bansang nasangkot?

Handa ka na ba? Basahin ang teksto at sagutan ang mga gawain.

III. Mga Sanggunian

• Modyul ng Mag-aaral, Araling Panlipunan, Kasaysayan ng Daigdig


Pahina 470-484
• Daigdig (Kasaysayan) pahina 412-424
• https://lrmds.deped.gov.ph/list/kto12/subject/1265
• https://images.search.yahoo.com/search/images;
• Project EASE module (ph. 31-37)
• Elements/Icons (www.canva.com)

4
IV. Mga Gawain

Gawain 1: I – KONEK MO!


Panuto: Tukuyin kung sino ang nasa larawan sa Hanay A sa pamamagitan ng
pagpili ng sagot sa Hanay B at i-konek kung saang bansa siya namuno na
nasa Hanay C. Isulat ang titik ng tamang sagot.

Hanay A Hanay B Hanay C

1 A. Benito A.
. Mussolini

Japan

https://images.search.yahoo.com
/search/images

2 B.
B. Adolf Hitler

Italy
https://images.search.yahoo.com
/search/images;

3 C.C.
C. Hideki Tojo
. ..

Germany
https://images.search.yahoo.com
/search/images;

Pamprosesong mga Tanong

1. Sino – sino ang mga nasa larawan?


________________________________________________________________
________________________________________________________________

2. May kaugnayan ba sila sa pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?


Patunayan.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

5
Magbasa at Matuto

Mga Sanhi ng Ikalawang Digmaang


Pandaigdig

Hindi pa man lubusang nakababangon sa


mga pinsala ng digmaan ang mga bansa
sa daigdig, muling umigting ang mga
hidwaan sa pagitan ng mga bansa. Dala
na rin ito ng nasimulang ambisyon ng mga
makapangyarihang bansa na
maipagpatuloy ang pananakop at
pagpapalawak ng kanilang teritoryo. Ang
mga pangyayarig naganap at nagpasiklab
ng ikalawang Digmaang Pandaigdig ay
ang mga sumusunod:

1. Pag-agaw ng Japan sa Manchuria

Noong 1931, inagaw ng Japan ang


lungsod ng Manchuria. Kinundena ng Liga
ng mga Bansa ang Japan at sinabing ang https://www.google.com/search?
ginawang ito ay paglusob. Kasunod ng q=japan+invades+manchuria&sxsrf

pagkundena, itiniwalag sa Liga ng mga


Bansa ang Japan.

2. Pag-alis ng Germany sa Liga ng mga


Bansa

Ang Germany naman ay tumiwalag sa


Liga noong 1933 sapagkat ayon sa mga
Aleman, ang pag-aalis at pagbabawal ng
Liga sa pagsasandata ng Germany ay
isang paraan ng pag-aalis ng karapatang
mag-aarmas. Matapos tumiwalag,
pinasimulan ni Adolf Hitler, ang lider ng
Nazi, ang muling pagtatatag ng
sandatahang lakas ng bansa. Layon ni Sanggunian:
Hitler na labagin ang kasunduan sa http://www.thejc.com/news/on-day/
39302/on-day-nazi-germany-pulls-out-
Versailles na naglagay sa Germany sa league-nations
kahiya-hiyang kondisyon upang
makabangon sa pagkagapi sa Unang
Digmaang Pandaigdig, pinagbalakang
mabuti ni Hitler ang mulng pananakop.
Bilang sagot ng mga bansa sa
paghahanda ng Germany, ang France ay
nakipag-alyansa sa Rusya laban sa
Germany.

6
Pinalilimitahan naman ng Inglatera 6. Paglusob sa Czechoslovakia
ang bilang o laki ng puwersa ng
Germany.Ngunit sa kabila nito’y Noong Setyembre 1938,
nagpadala pa rin ng tropa sa hinikayat ni Hitler ang mga
SONA ang Germany. Aleman sa Sudeten na
pagsikapan na matamo ng
3. Pagsakop ng Italya sa kanilang awtonomiya. Dahil dito,
Ethiopia hinikayat ng Inglatera si Hitler na
magdaos ng isang pulong sa
Sa pamumuno ni Benito Mussolini, Munich. Ngunit nasakop ni Hitler
sinakop ng Italya ang Ethiopia ang Sudeten at noong 1939,
noong 1935. Tuwirang nilabag ng ang mga natitirang teritoryo sa
Italya ang Kasunduan sa Liga Czechoslovakia ay napunta na
(Covenant of the League) rin sa Germany.

4. Digmaang Sibil sa Spain 7. Paglusob ng Germany sa


Poland
Nagsimula ang digmaang sibil sa
Spain noong 1936 sa pagitan ng Huling pangyayari na
dalawang panig: ang pasistang nagpasiklab sa Ikalawang
Nationalist Front at ang Digmaang Pandaigdig ang
sosyalistang Popular Army. Nanalo pagpasok ng mga Aleman sa
ang mga Nasyonalista. Marami Poland noong 1939. Ang
ang nadamay sa digmaang sibil ng pagsakop na ito ay pagbaligtad
Spain dahil sa pakikialam ng ibang ng Germany sa Russia na
bansa. kapwa pumirma sa kasunduang
Ribbentrop-Molotov, isang
5. Pagsasanib ng Austria at kasunduan ng hindi pakikidigma.
Germany (Anschluss) Ang pagbaligtad na ito ay dulot
ng sumusunod na pangyayari:
Nais ng mga mamamayang
Austriano na maisama ang 1.Hindi pagsali ng Russia sa
kanilang bansa sa Germany. negosasyon tungkol sa krisis
Ngunit ang pagsisikap na ito ay ng Czechoslovakia.
sinalungat ng mga bansang kasapi 2.Pagkainis ng Russia sa
sa Allied Powers (Pransya, Gran Inglatera nang ang ipinadalang
Britanya at Estados Unidos). Dahil negosyador ng Inglatera sa
sa kasunduan sa pagitan ng Italya Kasunduan ng Pagtutulungan
at Germany na kinalabasan ng (Mutual Assistance Pact) ay
Rome -Berlin Axis noong 1936, hindi importanteng tao.
ang pagtutol ni Mussolini sa
nasabing unyon ng Austria at
Germany ay nawalan ng bisa
noong 1938.

7
GAWAIN 2: PUNAN MO!

Panuto: Punan ang CONNECTION DIAGRAM, Ibigay ang PITONG DAHILAN ng


pagsiklab at pagsimula ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa iba’t
ibang panig ng mundo.

Pamprosesong mga Tanong

1. Ano - anong pangyayari ang naging dahilan ng pagsiklab ng Ikalawang


Digmaang Pandaigdig?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

2. Sa mga nabanggit na sanhi, ano sa palagay mo ang pinakamabigat na


dahilan? Bakit?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

8
Magbasa at Matuto

Ang Pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Noong tag-araw ng 1939, sinalakay ni Hitler at ng


kanyang hukbo ang Austria at Czechoslovakia upang
gawing teritoryo ang mga ito. Tinangka rin niyang kunin
mula sa Poland ang Baltic Port at ang Polish Corridor.
Tumanggi ang Poland kayat nagkakrisis. Unang araw ng
Setyembre 1939, nang ang puwersa ng Nazismo sa lupa at himpapawid ay
sumalakay sa Poland. Ipinaglaban ng magigiting na taga-Poland ang kanilang
kalayaan. Nang mabatid ito ng Britain at France, sila ay nagpahayag ng
pakikidigma sa Germany. Noong ika-17 ng Setyembre, ang Russia na may lihim
na kasunduan kay Hitler ay sumalakay rin sa Poland sa gawing Silangan.

Hindi nagtagal, ang Poland ay nalupig. Ang Poland ay pinaghatian ng


Germany at Unyong Sobyet nang walang labanan.

https://cdn.quotesgram.com/img/59/54/18989387-Adolf-Hitler-quote-on-disarming-citizens.jpg

Ang Digmaan sa Europe

Sa kanlurang Europe, ang mga hukbong Pranses


at Ingles ang nag-abang sa likod ng Maginot Line.
Hindi kaagad sumalakay dito ang mga Aleman
pagkatapos nilang masakop ang Poland. Noong
Abril 1940, ang Phony War ay biglang natapos
sapagkat sinimulan ni Hitler ang kanyang blitzkrieg
(biglaang paglusob na walang babala)
.
Ang mga taga-Norway ay lumaban subalit madaling natalo samantalang
ang mga taga-Denmark ay hindi lumaban. Noong ika-10 ng Mayo 1940, biglang
sinalakay ng mga Nazi ang neutral na mga bansa ng Belhika, Holland at
Luxembourg. Binomba ng mga eroplanong Aleman ang mga bansang ito na
kung tawagin ay Low Countries at sinira ang mga paliparan, pahatiran, at tulay.
Umurong sa tabing-dagat ng Dunkirk ang Hikbong Pranses. Sa ganitong
gipit na kalagayan, ipinasya ng Punong Ministro ng Inglatera na si Winston
Churchill na umurong na ang hukbo. Ang kagitingang ipinamalas ng mga
sundalo laban sa mga Aleman ay itinuring na Epiko ng Dunkirk.

Samantala, ang France na umasa sa Maginot Line


bilang kanilang tanggulan ay nabigla nang dumating na
lamang sa pintuan ng Paris ang mga Aleman noong
ika-10ng Hunyo,1940. Bumagsak ang Paris at ang
pamahalaan ay inilipat sa Bordeaux.

https://garahanhistory.files.wordpress.com/2019/03/100-6-1.jpg
https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/e/e3/American_soldiers_at_the_Magi
not_Line_-_NARA_-_292568.jpg
Maginot Line

9
Ang United States at ang Digmaan

Ang pagkapanalo ng Nazi sa Europe ay nagdulot ng pangamba sa mga


Amerikano. Nabahala sila sa kaligtasan ng Inglatera pati na ng layuning
demokrasya. Pinagpatibay ng Kongreso ang batas na Lend Lease na nagsabing
ang United States ay magbibigay ng kagamitang pandigma sa lahat ng lalaban sa
mga kasapi ng Axis Powers. Naging miyembro ng puwersang Alyado ang United
States noong 1941.

Noong Agosto 1941, sa may baybayin ng Newfoundland ay nagpulong


sina Pangulong Roosevelt ng America at Winston Churchill, punong ministro ng
Inglatera. Doon, isinagawa nila ang isang kasunduan na kilala sa tawag na
Atlantic Charter. Tinitiyak ng kasunduan na “pagkatapos wasakin ang tiraniya ng
Nazi, lahat ng mga bansa ay mabubuhay sa kapayapaan, malaya sa takot, at di
na muling gagamit ng puwersa.”

Ang Digmaan sa Pasipiko

Samantala, habang namiminsala ang Hukbong Nazi sa Europa, ay


naghahanda naman ang Hukbong Hapon sa pagsalakay sa Pasipiko. Upang ito
ay masugpo, pinatigil ng United States ang pagpapadala ng langis sa Japan mula
United States.

Ang Punong Ministro ng Japan na si Hideki Tojo ay


nagpunta kay Embahador Saburu Kurusu upang tulungan si
Admiral Kichisaburu Nomura sa pakikipagtalastasan nang sa
gayon ay maiwasan ang krisis ng Amerika at Japan. Habang
pinag-uusapan ang kapayapaan, ang mga Japan ay
naghahanda sa digmaan. https://cdn.britannica.com/45/100945-050-
481B494A/Tojo-Hideki.jpg

Ang Germany at Italy ay tumulong sa Japan at nagpahayag rin ng


pakikipagdigma laban sa United States noong ika-11 ng Disyembre, 1941. Ilang
oras matapos salakayin ang Pearl Harbor, ang mga eroplano ng Japan ay
sumalakay din sa Pilipinas at winasak ang hukbong panghimpapawid sa Clark
Field, Pampanga. Dumaong ang Japan sa Hilagang Luzon. Sa pamumuno ni
Pangulong Manuel L. Quezon ng Pamahalaang Komonwelt at Heneral Douglas
MacArthur, magiting na lumaban sa mga Hapon. Tuluyang nasakop ng Japan ang
Maynila noong ika-2 ng Enero, 1942. Ang pinakahuling pananggalang ng
demokrasya ang Bataan at Corregidor.

Noong ika-7 ng Disyembre 1941,


biglang sinalakay ng Japan ang Pearl Harbor,
isa sa mga himpilan ng hukbong dagat ng
United States sa Hawaii. Ang pataksil na
pagsalakay na ito sa Amerika ay tinawag
na “Day of Infamy.” Day of Infamy
https://vistapointe.net/images/pearl-harbor-10.jpg

Nagpahayag ng pakikipagdigma sa Japan ang United States, gayon din


ang Britanya. Ang Germany at Italy ay sumugod sa panig ng Japan at
nagpahayag din ng pakikipagdigma laban sa United States noong ika-11 ng
Disyembre, 1941. Samantala, nakapaghanda ang Austria at nabigo
ang Japan na masakop ito.
10
Kasabay ng pananalakay sa Pilipinas ang pagsalakay at
pagsakop ng mga Hapones sa Thailand, British Malaya,
Hongkong, Guam, at Wake Islands. Narating ng Hapon ang
tugatog ng tagumpay sa pananakop sa Pasipiko nong 1942
at nagtatag sila ng Greater East Asia Co-Prosperity Sphere.
history.army.mil

Unti-unti namang nakabangon ang United States mula sa pagkatalo sa


Pearl Harbor at sa Pilipinas. Gumawa agad ang mga Amerikano ng mga
kagamitang pandigma bilang kapalit sa mga nawasak ng Hapon. Tinipon nila
ang mga puwersang Alyado na pinamumunuan ni Heneral Douglas MacArthur
na nakatakas mula sa Corregidor at nangako sa mga Pilipino ng “I Shall Return.”

Halaw sa: Project EASE module (ph. 31-37)

GAWAIN 3: ITALA MO!


Panuto: Itala sa EVENT DIAGRAM ang mga impormasyon tungkol sa
mga mahahalagang pangyayari na naganap sa Ikalawang Digmaang
Pandaigdig.

Si Hitler at ang Ang Digmaan sa Ang Amerika at Digmaan sa


Nazi Europa ang Digmaan Asya Pasipiko

11
Pamprosesong mga Tanong

1. Bakit lumaganap sa ibang kontinente ang digmaan?


__________________________________________________________
__________________________________________________________

2. Ano ang naging dahilan ng Estados Unidos sa pagsali sa digmaan?


__________________________________________________________
______________________________________________________

3. Kung ikaw ang pangulo ng Amerika ng panahong iyon, sasali ka rin ba sa


digmaan? Pangatwiran.
__________________________________________________________
______________________________________________________

Magbasa at Matuto

ANG PAGWAWAKAS NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG AT


ANG MGA PAGBABAGONG DULOT NITO

• Tagumpay ng mga Alyadong Bansa sa Europe at Hilagang Africa

Taong 1943 nang magsimulang magbago ang ihip ng digmaan para sa


Alyadong Bansa. Noong ika-6 ng Hunyo 1944, ang mga hukbong Alyado ay
lumapag at dumaong sa Normandy samantalang sa Silangang Europe ay
nilumpo ng mga Ruso ang mga hukbong Nazi at nasakop ang Berlin.
Nagsimula sa pagkakapanalo ng Allied Powers sa Hilagang Africa noong
ika-13 ng Mayo, 1945, na sinundan ng pagkabihag sa Sicily noong ika-11 ng
Hunyo, at ang pagsuko ng Italya noong ika-3 ng Setyembre.

Habang nilalabanan ni Heneral Montgomery ang


mga Nazi sa Egypt, sinalakay naman ng mga puwersang
Anglo-Amerikano sa pamumuno ni Heneral Dwight
Eisenhower ang Morocco at Algeria. Pagkaraan ng
matinding labanan noong ika-13 ng Mayo, ang Hilagang
Africa ay napasakamay ng mga Alyadong Bansa. Sa
Hilagang Africa at Sicily, ang pagkatalo ng mga hukbong
Italyano ay nauwi sa pagbagsak ni Mussolini. Napaalis
siya ni Pietro Badoglio.
Dwight Eisenhower

Si Mussolini ay nakatakas mula sa bilangguan at nagtungo sa Hilagang


Italya. Nagtatag siya ng bagong pamahalaang Fascista, ngunit di ito tinangkilik ng
mga tao. Doon siya nahuli at pinatay kasama ng kanyang kinakasamang babae na
si Clara Peracci noong ika-2 ng Abril, 1945.

https://www.rutherford.or g/files_images/general/Ol dSpeak_Ike.jpg

12
Noong ika-2 ng Mayo, nabihag ng mga Ruso
ang Berlin. Noong ika-7 ng Mayo, tinanggap ang
walang pasubaling tadhana ng pagsuko ng
mga Aleman sa Rheims at nang sumunod na araw
sa Berlin, sa wakas ay sumapit din ang tinatawag
na V-E Day (Victory in Europe).
http://latesthdwallpaper.co m/wp-
E-Day-New-HD

Ang Pagbagsak ng Germany

Noong ika-6 ng Hunyo, 1944 (D-DAY), lumapag sa


Normandy, Pransya ang pwersa ni Heneral Eisenhower.
Pagkaraan ng ilang linggong paglalaban, natalo nila
ang mga Nazi.

Setyembre 1944 nang palayain ng mga Alyado ang


Belhika. Nakipagsapalaran si Hitler at sinalakay ang mga
alyado na malapit sa Luxembourg noong ika-6 ng Disyembre.
Tinawag na Battle of the Bulge ang labanang ito kung saan http://pacificparatrooper.file
natalo ang mga Nazi. s.wordpress.com/2013/06/a

Sa huling araw ng Abril 1945, bumagsak ang Germany dahil sa pag-atake


ng mga Alyado sa kanluran at ng mga Ruso sa Silangan. Napagtanto ni Hitler
mula sa pinagtataguan ang kanyang kakampi at noong umaga ng ika-30 ng Abril,
hinirang niya si Admiral Karl Doenitz bilang kahalili. Noong hapon ding iyon, siya
at ang kanyang kinakasamang babaeng si Eva Brawn, ay nagpakamatay.

Ang Tagumpay sa Pasipiko


Ika-20 ng Oktubre, 1944 nang bumalik sa
Leyte si Heneral Douglas MacArthur sa gitna ng pagbubunyi
ng mga Pilipino. Pagkatapos ng mahigit sa ilang buwang
pakikipaglaban ng mga Pilipino sa Hapones, idineklara ni
Heneral McArthur ang kalayaan ng Pilipinas mula sa mga
Hapon. Noong ika-6 ng Agosto, 1945, ang unang bomba
atomika ay ibinagsak sa Hiroshima. Sinalakay naman ng
Russia ang Manchuria, Korea at Timog Sakhalin. Noong https://i.pinimg.com/originals/cf/d7/cf/cfd7cf

ika-9 ng Agosto, muling nagbagsak ng bomba atomika sa 0ba0f59c3e32d705dce4108352.jpg


Nagasaki ang mga Amerikano. Nagimbal ang Hapon, kaya tinanggap nito ang
ultimatum ng mga Alyado noong ika-15 ng Agosto at pagkatapos ay tuluyan
nang sumuko.

Noong huling araw ng Agosto nang


lumapag sa bansang Hapon si Heneral
MacArthur bilang SCAP o Supreme
Commander of the Allied Powers. Ika- 2 ng
Setyembre, 1945, nilagdaan ng bansang
Hapon ang mga tadhana ng pagsuko sa
kipedia/commons/5/54/Atomi c_bombing_of_Japan.jpg
sasakyang US Missouri sa Tokyo Bay.

13
Mga Bunga ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nagdulot ng malaking pagbabago sa


kasaysayan ng daigdig.

1. Malaking ang bilang ng mga namatay at nasirang ari-arian. Tinatayang halos


60 bansa ang naapektuhan ng digmaan at higit na mas marami ang namatay
kaysa Unang Digmaang Pandaigdig.
2. Natigil ang pagsulong ng ekonomiyang pandaigdig dahil sa pagkawasak ng
agrikultura, industriya, transportasyon at pananalapi ng maraming bansa.
3. Bumagsak ang pamahalaang totalitaryang Nazi ni Hitler, Fascismo ni
Mussolini, at Imperyong Hapon ni Hirohito.
4. Napagtibay ang simulaing command responsibility para sa pagkakasalang
nagawa ng mga opisyal ng bayan at mga pinunong militar.
5. Naging daan ito ng pagsilang ng malalayang bansa – ang Silangan
Germany, Kanlurang Germany, Nasyonalistang Tsina, Pulahang Tsina,
Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Ceylon, India, Pakistan, Israel, Iran, Iraq at iba
pa.

GAWAIN 4: PAGSUNUD-SUNURIN MO!


Panuto: Ayusin ang mga pangyayaring naging hudyat sa pagwawakas ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig ayon sa tamang pagkasunud-sunod. Lagyan ng
bilang 1 – 5.

_____ Pagbomba ng Estados Unidos sa mga Lungsod ng Hiroshima at Nagasaki


sa Japan.
_____ Pagkamatay ni Adolf Hitler
_____ Paglagda ng bansang Japan ng pagsuko sa USS Missouri sa Tokyo Bay.
_____ Paglusob ng hukbo ni Heneral Dwight Eisenhower sa Normandy, France.
_____ Pagbabalik ni Heneral Douglas Mc Arthur sa Pilipinas.

Pamprosesong mga Tanong

1. Anong pangyayari sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang tumatak sa


iyong isipan? Ipaliwanag.
___________________________________________________________
___________________________________________________________

2. Para sa iyo, anong aral ang natutunan sa naganap na Ikalawang Digmaang


Pandaigdig?
___________________________________________________________
___________________________________________________________

14
GAWAIN 5: ITUTULA KO! (PERFORMANCE TASK)
Panuto: Sumulat ng isang maikling TULA tungkol sa mga naging bunga ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig na nagdulot ng malaking pagbabago sa
ating kasaysayan.
Mamarkahan ang iyong ginawa batay sa rubric sa paggawa ng tula.

KATEGORYA NAPAKAGALING MAGALING KATAMTAMAN PUNTOS


(10) (8) (6)
Napakalalim at Malalim at Bahagyang may
Nilalaman
makahulugan ang makahulugan ang lalim ang
kabuuan ng tula kabuuan ng tula kabuuan ng tula

Gumamit ng Gumamit ng Gumamit ng 1-2


Pagpili ng
simbolismo/pahiwatig simbolismo/pahiwatig simbolismo na
ginamit na na bahagyang na bahagyang nakalilito sa
salita nagpaisip sa mga nagpaisip sa mga mga
mambabasa. Piling mambabasa. May mambabasa.
pili ang salita at ilang piling salita at Ang mga salita
pariralang ginamit. pariralang ginamit ay di gaanong
napili.

Gumamit ng May mga sukat at May


Sukat at
napakahusay at tugma ngunit hindi pagtangkang
tugma angkop na angkop pare-pareho gumamit ng
na sukat at tugma sukat at tugma
ngunit halos
lahat ay hindi
pare-pareho

KABUUANG PUNTOS

15
16
GAWAIN 2: PUNAN MO!
Pagsasanib ng Paglusob sa
Austria at Germany Czechoslovakia
Digmaang Sibil sa
Spain
Pagsakop ng Italy
sa Ethiopia
Paglusob Germany
sa Poland
Pag-agaw ng Japan
Pag-alis ng Germany
sa Manchuria
sa Liga ng mga bansa
GAWAIN 1: I-KONEK MO!
1. B, C
2. C, A
3. A, B
VI. Susi sa Pagwawasto
17
GAWAIN 4: PAGSUNUD-SUNURIN MO!
__4__ Pagbomba ng Estados Unidos sa mga Lungsod ng Hiroshima at
Nagasaki sa Japan.
__3__ Pagkamatay ni Adolf Hitler
__5__ Paglagda ng bansang Japan ng pagsuko sa USS Missouri sa Tokyo Bay.
__1__ Paglusob ng hukbo ni Heneral Dwight Eisenhower sa Normandy, France.
__2__ Pagbabalik ni Heneral Douglas Mc Arthur sa Pilipinas.
GAWAIN 3: I-TALA MO!
Asya Pasipiko
Si Hitler at Ang Digmaan Ang United States Digmaan sa
Digmaan sa
Nazi sa Europe at ang Digmaan Asya-Pasipiko
• Sinalakay ni Hitler • Sinimulan ni Hitler •Nabahala ang Estados • Biglang sinalakay ng
at ng kanyang ang blitzkrieg o Unidos sa kaligtasan Japan ang Pearl
biglaang paglusob ng England Harbor na tinawag
hukbo ang Austria
na walang babala •Pinagtibay ng Kongreso na Day of Infamy
at Czechoslovakia
• Natalo ang Norway ng US ang Lend • Sinalakay at sinakop
• Sinalakay at at nasakop ang Lease ng Japan ang
sinakop ng Nazi Denmark •Naging miyembro ng Pilipinas
ang Poland • Sinalakay ng Nazi pwersang alyado ang
ang Belhika,Holland Amerika • Nagpahayag ng
at Luxembourg pakikipagdigma sa
•Nagkaroon ng
Japan ang US at Great
• Umurong sa tabing- kasunduan ang
Britain
dagat ng Dunkirk Inglatera at Amerika
ang hukbong na tinawag na • Sinakop ng Japan
Pranses at Ingles Altlantic Charter ang Thailand,British
• Bumagsak ang Paris Malaya,HongKong,
sa mga Aleman Guam at Wake
Islands

You might also like