You are on page 1of 50

DIVISION OF NAVOTAS CITY

8
ARALING
PANLIPUNAN
Ikaapat na Markahan

S.Y. 2021-2022
NAVOTAS CITY PHILIPPINES
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Marc Erlwin L. Flores, Charlotte Anne P. Dimandal, Jennifer C. Ugalde,


Rowena L. Amomas, Ligaya A. Orqueza, and Michelle P. Nocete
Editor: Ruth R. Reyes
Tagasuri: Cristelita L. dela Cruz
Tagaguhit:
Tagalapat: Charlotte Ann P. Dimandal
Tagapamahala: Alejandro G. Ibañez, OIC-Schools Division Superintendent
Isabelle S. Sibayan, OIC-Asst. Schools Division Superintendent
Loida O. Balasa, Curriculum Implementation Division Chief
Ruth R. Reyes, EPS in Araling Panlipunan
Grace R. Nieves, EPS In Charge of LRMS
Lorena J. Mutas, ADM Coordinator
Vergel Junior C. Eusebio, PDO II – LRMS

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Navotas City


Office Address: BES Compound M. Naval St. Sipac-Almacen Navotas City
____________________________________________
Telefax: 02-8332-77-64
____________________________________________
E-mail Address: ____________________________________________
navotas.city@deped.gov.ph
Nilalaman

Subukin ....................................................................................... 1

Modyul 1 at 2 .............................................................................. 3

Modyul 3 at 4 ............................................................................... 11

Modyul 5...................................................................................... 18

Modyul 6...................................................................................... 23

Modyul 7...................................................................................... 29

Modyul 8...................................................................................... 35

Tayahin ....................................................................................... 40

Susi sa Pagwawasto...................................................................... 42

Sanggunian ……………………………………………………………….……. 45
Sa pagsisimula natin sa markahan na ito, basahin mo munang maigi ang mga
sumusunod na mga tanong para malaman mo kung hanggang saan pa lamang ang
iyong nalalaman sa markahan na ito. Bigyang pansin ang mga katanungan na hindi
nasagot ng wasto at subuking alamin ang mga sagot sa modyul na ito. Piliin ang
tamang sagot at isulat ito sa papel.

1. Ito ay naging bahagi ng patakaran ng mga bansa sa Europe kung saan kanilang
pinalawak at pinalakas ang kani-kanilang mga hukbo.

A. Imperyalismo
B. Militarismo
C. Nasyunalismo
D. Pagbuo ng Alyansa

2. Ito ang masidhing damdaming makabayan na nagbubuklod sa mga mamamayan


tungo sa pambansang tunguhin.

A. Imperyalismo
B. Militarismo
C. Nasyunalismo
D. Pagbuo ng Alyansa

3. Anong organisasyon ang naitatag pagkatapos ng Ikalawang Digmaan?


A. European Union
B. League of Nations
C. United Nations
D. World Organization

4. Bakit ikinagalit ni Adolf Hitler ang mga probisyon ng Treaty of Versailles?

A. Ginawang Mandated Territory ang lahat ng kolonya ng Germany


B. Pinagbayad ang Germany ng malaking halaga para sa reparasyon
C. Dahil ito ay kasunduang nabuo lamang ng samahang triple entente
D. Naniniwala si Hitler na labis na naapi ang Germany sa mga probisyong
nakasaad dito

5. Ang kasunduan ng mga bansa na nagbigay hudyat sa pagwawakas ng Unang


Digmaang Pandaigdig.

A. Treaty of Paris C. League of Nations


B. United Nations D. Treaty of Versailles

1
6. Sa Pilipinas, ang pinuno ng ating bansa ay pinipili ng mga mamamayan sa
pamamagitan ng pagboto. Ang pasya ng nakararami ang siyang nananaig. Anong
uring ideolohiya ang inilalarawan nito?

A. Awtoritayanismo
B. Demokrasya
C. Sosyalismo
D. Totalitaryanismo

7. Ang Cold War ay digmaang ng nagtutunggaling ideolohiya ng dalawang


makapangyarihang bansa o superpower. Anong dalawang bansa ang nakaranas nito
matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig?

A. Germany at United States


B. France at United States
C. United States at USSR
D. United States at South Korea

8. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapaliwanag ng katagang ito


“Ang sariling pagkakakilanlan ay nawawala dahil sa impluwensyang dayuhan”?

A. Napapanatili ang kultura ng isang bansa


B. Pinakikinabangan ng mga dayuhan ang likas na yaman ng mga kolonya
C. Ang kulturang dayuhan ang pinahalagahan ng mga bansang umuunlad pa
lamang
D. Nababago ng mga dayuhan ang kultura ng kolonya sa pamamagitan ng iba’t
ibang impluwensya nito.

9. Ito naman ay organisasyon na pinagkatiwalaan upang mamahala sa


pandaigdigang sistema ng pananalapi sa pamamagitan ng pagmasid sa halaga ng
palitan at balanse ng mga kabayaran.

A. World Bank
B. International Monetary Fund (IMF)
C. EU
D. WTO

10. Isa ring kasunduan ng hanay na pangkalakalan ng Kapisanan ng mga bansa sa


Timog-Silangang Asya.

A. European Union
B. Trade blocs
C. ASEAN Free Trade Area
D. Local manufacturing

2
MODYUL 1 at 2

Ang modyul na ito ay naglalaman ng aralin ukol sa:


• UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG
Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. Natutukoy ang mga sanhi na nagbunga sa Unang Digmaang


Pandaigdig
2. Nasusuri ang mga mahahalagang pangyayari sa Unang
Digmaang Pandaigdig
3. Nauunawaan ang mga bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig

Aralin ANG UNANG DIGMAANG


1&2 PANDAIGDIG

Ang panahong bago sumiklab ang Unang Digmaang Pandaigdig ay panahon


ng pag-unlad at hidwaan. Lumaganap ang paggamit ng bagong teknolohiya upang
paunlarin ang produksyon ng kalakal at pamumuhay ng tao. Ngunit sa kabila ng
natamasang pag-unlad at kapayapaan, namayani ang tensyon sa pagitan ng iba’t
ibang bansa.

Sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig


NASYUNALISMO • Ang damdaming nasyunalismo ay
naghihimok sa mga mamamayan na
kumilos upang makamit ang mga
pambansang layunin. Kaya nitong
pagbuklurin ang mga mamamayan
bilang iisang bansa.

https://www.pinterest.ph/khitamshohatee/the- • Maaaring magbunga ng hidwaan sa


main-causes-of-world-war-1/
pagitan ng mga bansa ang

3
nasyunalismo. Ito ang nagtulak sa
Germany na mangibabaw at
manakop ng teritoryo, at sa France
na bawiin ang Alsace-Lorraine.

• Ang nasyunalismo ay maaari rin


maging pwersang nakakapagbuwag
ng malalawak at makapangyarihang
mga imperyo. Ang Balkan ay isang
teritoryong dating nasa ilalim ng
Imperyong Ottoman. Ito ay naging
malaya mula sa imperyo noong
1878.

• Noong 1908, sinakop ng Austria-


Hungary ang Boznia at Herzegovina.
Ang mga bansang ito at mga karatig
lugar nito ay may malaking
populasyon ng mga Slav. Sa
panahong ito, lumalaganap ang Pan-
Slavism o damdaming makabayan
ng mga Slav. Nais nilang linangin
ang kanilang sariling kultura at
pagsama-samahin ang kanilang mga
kapwa Slav.

• Ang militarisimo ay ang


pagpapalakas at pagpapalawak ng
hukbo ng isang bansa. Naging
mahalagang bahagi ito ng
pambansang patakaran ng iba’t
ibang bayan sa Europe.

• Sa ilalim ng militarismo, malaking


MILITARISMO bahagi ng pambansang kaban ang
iinilalaan para pondohan ang
pagpaparami ng bilang ng mga
sundalo, armas at sasakyang
pandigma. Sinusuportahan din ang
pag-aaral upang bumuo ng bagong
teknolohiyang magagamit sa
https://www.militaer-wissen.de/battleship-sms-
pakikipagdigma.
braunschweig/?lang=en
• Sa panahong bago sumiklab ang
Unang Digmaang Pandaigdig,
nabahala ang United Kingdom sa

4
pagpaparami ng mga barkong
pandigma ng Germany. Ang United
Kingdom ay sinasabing nagtataglay
ng pinakamakapangyarihang
hukbong pandagat sa buong
daigdig. Ang militaristikong hakbang
ng Germany ay tila ba nagsilbing
hamon sa United Kingdom.
• Ang umiiral na tensyon sa pagitan
ng mga bansa sa Europe ay nagtulak
sa mga ito na makipagsundo sa mga
bansang kanilang pinaniniwalaan ay
may katulad na tunguhin.

PAGBUBUO NG ALYANSA • Naging mas mapangahas ang mga


bansang ito sa paniniwalang may
iba pang bansang susuporta sa
kanila sa pagkakataong sumiklab
ang isang digmaan.

• Dahil sa mga alyansang ito, naging


madali ang paglawak ng digmaan.
https://www.historyhit.com/europe-in-1914-
Sa halip na manatili ang hidwaan sa
first-world-war-alliances-explained/ pagitan ng dalawang bansa,
nasasangkot ang iba pa dahil sa
kanilang alyansa sa dalawang
bansang nagtutunggali.

• Bago sumiklab ang digmaan noong


1914, umiral ang dalawang alyansa
sa Europe: ang Triple Alliance
(Germany, Italy, Austria-Hungary) at
ang Triple Entente (France, Britain,
Russia).

• Ang imperyalismo ay pagpapalawak


IMPERYALISMO ng teritoryo ng isang bayan at
pagsasailalim ng iba pang bayan sa
kapangyarihan nito. Ang mga
nasakop na bayan o “kolonya” ay
nagsisilbing merkado para sa
kalakal ng mga mananakop at
pinagmumulan ng hilaw na
materyales para sa kanilang mga
industriya.

5
http://mrbanksapworldhistory.weebly.com/2015- • Ang agresibong pagpapalawak ng
newsfeed/scramble-for-africa-cartoons
teritoryo ng mga bansang Europeo
ay nagbunga ng hidwaan sa pagitan
ng mga ito.

Mahahalagang Pangyayari sa Unang Digmaang Pandaigdig

PAGPASLANG KAY • Ang nagsilbing mitsa ng pagsiklab ng


ARCHDUKE FRANZ Unang Digmaang Pandaigdig ay ang
FERDINAND asasinasyon kay Archduke Franz
Ferdinand, ang tagapagmana ng trono ng
Austria-Hungary. Siya ay pinaslang ng
isang Serbian, si Gavrilo Princip.

• Nagpataw ng isang ultimatum ang Austria-


Hungary sa Serbia. Isa sa mga hiling ng
Austria-Hungary ay ang pagi-imbestiga sa
kamatayan ni Franz Ferdinand. Tumalima
ang Serbia sa karamihan ng mga hiniling
ng Austria-Hungary ngunit nagdeklara pa
https://www.royal-menus.com/royal- rin ito ng digmaan noong Hulyo 28, 1914.
menus---archduke-franz-ferdinand--
• Sa Unang Digmaang Pandaigdig naging
talamak ang paggamit ng trench warfare o
ang paghuhukay ng mga trench sa
WESTERN FRONT NG larangan. Ito ay kanilang nilalagyan ng
DIGMAAN machine guns, barbed wire at landmines
upang hadlangan ang paglusob ng
kalaban. Ang pagitan ng trench ng
magkalabang panig ay tinatawag na No
Man’s Land. Umaabot ng buwan ang
kawalan ng pag-usad sa parehong panig.
Ito ay tinatawag na stalemate.

https://www.iwm.org.uk/history/how-
• Isa sa mga kilalang labanan sa front na ito
the-world-went-to-war-in-1914
ay ang Labanan Verdun. Umatake ang
mga Aleman (German) ngunit mabilis din
itong nabawi ng mga Pranses.
EASTERN FRONT NG • Sa Europe, pinaglabanan ang Unang
DIGMAAN Digmaang Pandaigdig sa dalawang fronts.
Sa silangang bahagi ng Europe, nagharap
ang Germany at Russia. Sa maagang
bahagi ng digmaan, nakatamasa ng
tagumpay ang Russia. Ngunit sa harap

6
karagdagang pwersa ng Triple Entente,
natalo at umatras ang Russia.

https://www.iwm.org.uk/history/how-
the-world-went-to-war-in-1914
• Sa labas ng Europe, nag-alab din ang apoy
ng digmaan. Ang Japan ay lumahok sa
DIGMAAN SA IBA PANG digmaan sa panig ng Triple Entente.
BAHAGI NG DAIGDIG Nilusob ng Japan ang mga kolonya o
teritoryong pinanghahawakan ng Germany
sa China at karagatang Pasipiko.

• Upang magkaroon ng daluyan tungo sa


Black Sea, sinugod ng Triple Entente ang
Imperyong Ottoman sa Gallipoli.
Matagumpay nilang nakuha ang ilang
teritoryo ng imperyo sa Kanlurang Asya.
https://www.iwm.org.uk/history/how-
the-world-went-to-war-in-1914

• Nang inatake ng Germany ang isang


barkong Amerikano, naitulak ang United
States of America na lumahok sa digmaan
sa panig ng Triple Entente na kinilala rin
bilang Allied Powers.

Wakas at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig


Nagtagal ang Unang Digmaang Pandaigdig nang apat na taon, mula 1914
hanggang 1918. Maraming pagbabago sa daloy ng digmaan sa huling taon nito:
nagkaroon ng rebolusyon sa Russia, nagkaroon ng bagong pinuno ang Germany, at
lumahok sa digmaang ang Estados Unidos. Nagwakas ito nang lagdaaan ang
armistice o tigil-putukan noong Nobyembre 11, 1918.

• Ito ang kasunduang nilagdaan ng


Germany. Pinatawan ang Germany nang
mahigpit na parusa: pagbabalik ng Alsace-
Lorraine sa France, paggawad ng 15-taong
KASUNDUANG VERSAILLES operasyon ng France sa coal mines sa Saar,
pagbuo ng isang demilitarized zone sa
Rhine, paglimita ng hukbo ng Germany sa
100,000 na sundalo lamang, at pagbabayad
ng reperasyon.

7
• Sa panukala ng presidente ng Estados
Unidos na si Woodrow Wilson, itinatag ang
samahang ito upang pagbuklurin ang mga
LEAGUE OF NATIONS bansa at magsilbing daluyan ng mga alitan
sa pagitan ng mga ito. Itinatag ito sa pag-
asang maiiwasan nito ang isa pang
digmaan sa hinaharap.

• Ang Austria-Hungary ay hinati sa dalawang


PAGKABUO NG MGA bansa: Austria at Hungary. Nabuo rin ang
BAGONG BANSA mga bansang Czechoslovakia, Yugoslavia at
Turkey.

• Ang mga kolonya at teritoryong sinakop ng


mga natalong bansa ay ipinakatiwala sa
SISTEMANG MANDATE France at Britain sa ilalim ng sistemang ito.
Ang mga teritoryo ng Germany sa
Karagatang Pasipiko ay napunta sa Japan.

GAWAIN BLG. 1
PANUTO: Suriin ang sumusunod na flowchart. Punan ang mga patlang sa
flowchart ng mga naging sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig. Sa kahon,
ipaliwanag.

8
GAWAIN BLG. 2
PANUTO: Suriin ang sumusunod na flowchart. Punan ang mga patlang sa
flowchart ng mga naging bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.

GAWAIN BLG. 3

PANUTO: Sa kasulukuyang panahon, ano-anong mga balakid sa pandaigdigang


kapayapaan at kapatiran ang ating hinaharap? Batay sa ating napag-aralan sa
module na ito, paano natin maisusulong ang kapayapaan at kapatiran ng mga
bansa?

BALAKID SA PANDAIGDIGANG MGA HAKBANG TUNGO SA


KAPAYAPAAN PANDAIGDIGANG KAPAYAPAAN

9
PANUTO: Ikaw ay hinimok na bumuo ng isang poster na may layuning pagbuklurin
ang mga bansa ng daigdig at isulong ang pandaigdigang kapayapaan at kapatiran.
Mag-isip ng tema. Iguhit at kulayan ang inyong poster sa bukod na papel.

10
MODYUL 3 at 4

Marami nang labanan ang kinaharap ng daigdig. Isa na rito ay ang Unang
Digmaang Pandaigdig na kinilala din sa katawagang The Great War. Ngunit hindi pa
dito natatapos ang lahat. Nasundan pa ito ng panibago pang digmaan, ang
Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sabay-sabay natin alamin ang mga kaganapan
tungkol sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Mula sa naging sanhi nito hanggang sa
naging bunga ng digmaan.

Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:

• Nasusuri ang mga dahilan, mahahalagang pangyayaring naganap at bunga


ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Aralin ANG IKALAWANG


3&4 DIGMAANG PANDAIGDIG

Taong 1914 hanggang 1918 naganap ang unang digmaang pandaigdig. Hindi
pa man tuluyang nakakabangon ang mga bansang kabilang dito ay panibagong
digmaan na naman ang kanilang kinaharap at ito ay ang Ikalawang Digmaang
Pandaigdig. Ang digmaang ito ay mas malawak at mas matagal kung ikukumpara sa
unang digmaan. Mas marami din ang mga bansang kasali dito.

Nagalit ng husto ang Germany at hindi matanggap ang parusang ipinataw.


Ang Japan at Italy naman ay bigong makakuha ng malawak na teritoryo para sa
pagsabak sa digmaan. Ang mga bansa sa Asya at Africa na umaasang makakamit
nila ang kalayaan matapos ang digmaan subalit sa halip ay napasailalim sa mandate
system. Higit sa lahat, ang hindi pagsapi ng United States sa League of Nations.

Matapos ang unang digmaan, maraming mga bansa ang sadlak sa kahirapan
na sumandig sa US. Taong 1929 ay ang pagbagsak ng ekonomiya ng US gayundin
ang mga bansa sa Europa. Ang pangyayaring ito ay tinawag na Great Depression.
Marami ang nawalan ng trabaho at hanapbuhay. Nagsara ang mga bangko at nalugi
ang mga negosyo. Maraming tao ang nagutom at marami rin ang kumitil ng sariling
buhay. Dahil sa pagkadismaya sa kawalan ng kakayahan ng demokratikong
pamahalaan na matugunan ang hamon ng Great Depression, umiral ang Pasismo sa
ilang mga bansa sa Europe. Ang Pasismo ay ideolohiya kung saan itinuturing na

11
higit na mahalaga ang kapakanan ng pamahalaan kaysa sa mamamayan. Ito ang
itinuturing na paraan upang makaahon ang mga bansa sa kahirapan.
Totalitaryanismo ang tawag sa uri ng pamahalaan na umiral dito. Sina Adolf Hitler
ng Germany, Benito Mussolini ng Italy at Joseph Stalin ng USSR ang tatlong diktador
na nakilala sa panahong ito.

Umabot hanggang Asya ang epekto ng Great Depression. Sa Japan, maraming


mamamayan ang nawalan ng trabaho at naghirap. Upang masolusyunan ang
pagkalugmok ng ekonomiya, iminungkahi ng pinunong militarya ang pananakop sa
Asya. Ang namuno rito ay si Emperador Hirohito.

Ang mga alyansang nabuo ay ang Allies na binubuo ng United States, Great
Britain, Soviet Union, at France. Ang Axis naman ay pinangungunahan ng bansang
Germany, Japan, at Italy.

Dahilan sa Pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig

1931 • Pag-agaw ng Japan sa Manchuria


1933 • Pag-alis ng Germany sa Liga ng mga Bansa
1935 • Pagsakop ng Italya sa Ethiopia
1936 • Digmaang Sibil sa Spain
1936 & 1938 • Pagsasanib ng Austria at Germany
1938 & 1939 • Paglusob sa Czechoslovakia
1939 • Paglusob ng Germany sa Poland

Pagsiklab ng Digmaan

Ang pagsalakay ni Hitler at ng kanyang hukbo sa Austria at Czechoslovakia


para gawing teritoryo ang naging mitsa ng ikalawang digmaan. Kinuha din nila ang
Baltic Port at Polish Corridor.

Septyembre 1939 • Pagsalakay ng Germany sa Poland gamit ang


estratehiyang blitzkrieg o lightning war.

Septyembre 3, 1939 • Pagdeklara ng France at Great Britain ng


digmaan sa Germany

Abril 1940 • Paglunsad ng Blitzkrieg ng Germany laban sa


Denmark at Norway

12
Mayo 10, 1940 • Pagsalakay ng mga Nazi sa mga neutral na bansa
tulad ng Belhika, Holland, at Luxembourg.

Hunyo 10, 1940 • Pagbagsak ng Paris sa Germany


1941 • Pagsakop ng Germany sa mga bansang kaalyado
ng Great Britain katulad ng Yugoslavia at Greece

Mayo 19, 1941 • Pag-abanduna ni Hitler sa pananakop sa Great


Britain sa harap ng matatag na pwersang British
Hunyo 22, 1941 • Paglunsad ni Hitler ng Operation Barbarossa sa
pagsakop sa USSR

Digmaan sa Pasipiko

Nagdulot ng pangamba sa US ang pagpakapanalo ng Nazi sa digmaan kaya


noong taong 1941, naging kaalyado ng Allied ang United States. Sa Japan naman,
ipinagpatuloy nila ang pagpapalawak ng teritoryo sa ilalim ng propagandang Greater
East Asia Co-Prosperity Sphere dahil naniniwala siya na ang “Asya ay para sa mga
Asyano”. Sa pagbanta ng US, sinalakay ng Japan ang baseng Amerikano.

Disyembre 7, 1941 • Pagsalakay ng Hapones sa Pearl Harbor sa


Hawaii

• Ang pataksil na pagsalakay ng mga hapones sa


mga amerikano ay tinawag na “Day of Infamy”.

Disyembre 11, 1941 • Nagpahayag ng pakikidigma ang US sa Japan.


Tumulong ang Germany at Italy sa Japan.

• Ilang oras matapos ang Pearl Harbor ay


sinalakay din ang Pilipinas at winasak ang
hukbong himpapawid sa Clark Field, Pampanga

Enero 2, 1942 • Tuluyang nasakop ng Japan ang Maynila

• Narating ng Japan ang tugatog ng tagumpay sa


pananakop sa Pasipiko

13
Pagwawakas ng Digmaan at ang Hilagang Africa

Noong Disyembre 22, 1941 ay nagpulong sina Winston Churchill ng Great


Britain, Franklin D. Roosevelt ng US, at Joseph Stalin ng USSR. Nag-isip sila ng
estratehiya laban sa pwersa ng Axis. Taong 1943, nagbago ang ihip ng hangin.
Sumuko ang mga German sa Stalingrad.

Hunyo 6, 1944 • Ang hukbong Allied ay lumapag at dumaong sa


Normandy samantalang sa silangan Europe
naman ay tinalo ng mga Russian ang hukbo ng
Nazi at nasakop nila ang Berlin.

Abril 2, 1945 • Nahuli si Mussolini at pinatay kasama ang


kanyang kinakasamang babae

Mayo 7, 1945 • Nakamit ang V-E (Victory in Europe)

Mayo 13, 1945 • Nanalo ang mga Allied Powers sa Hilagang Africa
Hunyo 11, 1945 • Pagkabihag sa Sicily

Septyembre 3, 1945 • Pagsuko ng Italy

Pagbagsak ng Germany

Hunyo 6, 1944 • (D-Day), Pagkatalo ng mga Nazi

Septyembre 1944 • Pinalaya ang Belhika

Disyembre 1944 • Natalo ng Allied ang Germany sa Battle of Bulge

Abril 1945 • Bumagsak ang Germany

Abril 30, 1945 • Nagpakamatay si Hitler at ang kanyang asawa

Pagkapanalo sa Pasipiko

Oktubre 20, 1944 • Pagbalik ni MacArthur sa Leyte

Agosto 6, 1945 • Binomba ng mga amerikano ang Hiroshima


gamit ang atomic bomb

Agosto 9, 1945 • Nagpabagsak muli ng atomic bomb sa Nagasaki

14
Agosto 15, 1945 • Tuluyang sumuko ang mga hapones

Septyembre 2, 1945 • Lumagda ang Japan gamit ang sasakyang US


Missouri sa may Tokyo Bay

Epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig

• Marami ang namatay at nasirang ari-arian


• Nahinto ang pagsulong ng pandaigdigang ekonomiya
• Bumagsak ang pamahalaang totalitaryan
• Napagtibay ang command responsibility
• Naging daan ito ng pagsilang ng malalayang bansa

Maraming pagbabago ang naganap sa daigdig dulot ng Ikalawang Digmaan.


Maraming pinsala sa buhay at ari-arian. May nakakamit ng katarungan at higit sa
lahat ay ang pagkakatatag ng pandaigdigang organisasyon, ang United Nations.

Gawain 1:
Panuto: Gamit ang ladder web, pagsunud-sunurin ang mga naging dahilan ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

a. Digmaang Sibil sa Spain


b. Pag-agaw ng Japan sa Manchuria
c. Pag-alis ng Germany sa Liga ng mga Bansa
d. Paglusob ng Germany sa Poland
e. Paglusob sa Czechoslovakia
f. Pagsakop ng Italy sa Ethiopia
g. Pagsasanib ng Austria at Germany

15
Gawain 2:
Panuto: Isulat sa patlang kung Tama o Mali ang tinutukoy sa mga pangungusap
kaugnay sa mahahalagang kaganapan na nangyari sa Ikalawang Digmaang
Pandaigdig.

____1. Ang bansang Germany ang nanguna sa Ikalawang Digmaang


Pandaigdig.

____2. Demokrasya ang ideolohiyang umiral sa Europe.

____3. Naglunsad ni Hitler ng Operation Barbarossa sa pagsakop sa USSR.

____4. Nagpakamatay si Mussolini kasama ang kanyang kinakasamang


babae.

____5. Kakampi ng United States ang bansang Italy.

____6. Natalo ng Allied ang Germany sa Battle of Bulge.

____7. Unang nagpabagsak ng atomic bomb ang America sa Nagasaki.

____8. Nasakop ng Japan ang bansang Pilipinas.

____9. Taong 1939 hanggang 1945 naganap ang Ikalawang Digmaan.

____10. Lumagda ang Japan gamit ang sasakyang US Missouri sa may Tokyo.

Gawain 3:
Panuto: I-react mo! Gamit ang mga emoji na masaya at malungkot , ibigay
ang reaksyon mo ukol sa mga sumusunod na sitwasyon at ipaliwanag kung bakit
iyon ang iyong naging reaksyon.

Epekto ng Ikalawang Digmaang Reaksyon Paliwanag


Pandaigdig
1. Pagkamatay ng mga mamamayan at
nasirang ari-arian
2. Paghinto ng ekonomiyang pandaigdig
3. Pagbagsak ng pamahalaang
totalitaryan
4. Pagpapatibay ng command
responsibility
5. Pagsilang ng mga malalayang bansa

16
Panuto: Ano ang iyong pagkakaintindi sa kasabihan na nasa ibaba. Ipaliwanag ito
sa limang pangungusap.

Make Love, Not War!

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

17
MODYUL 5

Ang modyul na ito ay tumatalakay sa Mga Nagkakaisang Bansa na may


pamantayan sa pagkatuto na “Natataya ang pagsisikap ng mga bansa na makamit
ang kapayapaang pandaigdig at kaunlaran”. Sa pagtatapos mo ng modyul na ito ay
inaasahang malilinang sa iyo ang mga sumusunod na kompetensi o kasanayan:

1. Natatalakay ang mga pangyayaring nagbigay daan sa pagkakatatag


ng nagkakaisang bansa o United Nations.

2. Nasusuri ang mahahalagang tungkulin ng mga sangay at ahensya


ng United Nations; at

3. Napapahalagahan ang United Nations bilang daan sa pagkamit ng


kapayapaang pandaigdig at kaunlaran.

Aralin
UNITED NATIONS
5

Nagwakas ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong 1945. Isa sa naging


positibong resulta ng digmaan ay ang pagkakatatag ng United Nations (UN) – ang
samahan ng nagkakaisang mga bansa na ang pangunahing layunin ay mapanatili
ang kaayusan, kapayapaan at kaunlarang panlipunan matapos ang Ikalawang
Digmaang Pandaigdig. Ang United Nations o UN ang pumalit sa organisasyon na
nabuo pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig na tinatawag na League of
Nations.

Nabuo ang panukalang itatag ang United Nations noong Pebrero 1945 sa
Yalta, isang resort sa Black Sea na dinaluhan ng Big 3 na binubuo nila Franklin
Roosevelt ng Amerika, Winston Churchill ng Great Britain at Joseph Stalin ng Soviet
Union. Noong makumpleto ang nabuong Karta ng samahan, pormal na itinatag ang

18
United Nations noong Oktubre 24, 1945 sa San Francisco sa Amerika, na nilagdaan
ng itinuturing na 51 founding members. Sa kasalukuyan, ang United Nations ang
may kasaping 193 na bansa.

May apat na mahahalagang layunin ang United Nations. Una, panatilihin ang
pandaigdig na kapayapaan, seguridad at katiwasayan. Ikalawa, paunlarin ang
mabuting pagsasamahan ng mga bansa at kilalanin ang pantay-pantay na mga
karapatan at kasarinlan ng bawat isa. Ikatlo, makipagtulungan sa paglutas ng mga
suliraning pandaigdig sa iba’t ibang aspeto gaya na lamang ng kabuhayan, lipunan,
kalinangan at pagtataguyod ng karapatang pantao at kalayaan. Ikaapat, magsilbing
sentro para sa pagkakasundo ng mga bansa upang ganap na makamit ng bawat
bansa ang layunin nito.

Ang Pilipinas ay bahagi ng United Nations at itinuturing din na founding


member. Ang United Nations ay nakatulong din sa ating bansa sa iba’t ibang
pamamaraan gaya ng pagtulong na maitaguyod ang karapatang pantao, pagbibigay
ayuda sa mga nasalanta ng kalamidad katulad ng bagyo at lindol, at pamamagitan
sa mga nakaalitang bansa sa paraan ng pakikipagnegosasyon at iba pa.

United Nations [Photograph]. (2014, July 27). Pixabay.com. https://pixabay.com/vectors/united-nations-blue-logo-uno-303670/

Mga Punong Sangay ng United Nations


Ang mga gawain ng United Nations ay naipapatupad sa pamamagitan ng anim na
punong sangay nito. Ito ay ang mga sumusunod:

1. Ang Pangkalahatang Asemblea (General Assembly) ang tagapagbatas ng


samahan. Ito ang bumuo ng mga polisiya ng organisasyon at nagpapasya sa
mga pandaigdigang isyu. Lahat din ng mga bansa na miyembro ng United
Nations ay may kinatawan dito at may responsibilidad na dumalo sa mga
pulong upang maipahayag nila ang kanilang opinyon sa iba’t ibang mga isyu
gaya ng digmaan, kahirapan, sakit at iba pa.

19
2. Ang Sanggunian Pangkatiwasayan (Security Council) ang tagapagpaganap
ng samahan. Ito ay na binubuo ng 15 miyembro. Lima sa mga permanenting
miyembro nito ay ang China, France, Russian Federation, United Kingdom at
United States samantalang ang sampung di-permanenteng kasapi ay
inihahalal ng General Assembly na manunungkulan na hindi hihigit sa
dalawang taon na termino. Ang pokus ng sangay na ito ay limitado lamang sa
mga usaping kapayapaan at seguridad sa internasyonal na lebel.

3. Ang Sangguniang Pangkabuhayan at Panlipunan (Economic and Social


Council (ECOSOC) ang sangay na namamahala sa aspetong pangkabuhayan
at panlipunan. Saklaw din nito ang mga isyu sa aspeto ng edukasyon,
siyentipiko at kalusugan ng daigdig. Ang Council na ito ay binubuo ng 54 na
miyembro at bawat miyembro ay may isang boto.

4. Ang Pandaigdig na Hukuman ng Katarungan (International Court of


Justice) ang sangay na nagdedesisyon sa mga kasong may kinalaman sa
alitan ng mga bansa at nagbibigay hatol sa mga legal na usapin. Ito ay
binubuo ng 15 hurado na pinagpasyahan ng General Assembly at Security
Council.

5. Ang Kalihim (Secretariat) ang sangay ng United Nations na pinamumunuan


ng Secretary-General katuwang ang iba pang kawaning internasyonal na
nagtatrabaho sa United Nations Headquarters sa New York a duty station sa
iba’t ibang mga bansa. Ito din ang tumutugon sa mga pang-araw-araw na
aktibidad ng organisasyon. Ang kauna-unahang Secretary General ng UN ay
si Trygve Lie ng Norway na inihalal noong Pebrero 1946.

6. Ang Konseho ng Pagkakatiwala (Trusteeship Council) ang sangay na ang


pangunahing responsibilidad ay bantayan ang pamamahala sa Trust
Territories. Ang Trust Territories ay mga teritoryo na isinailalim sa
pamamahala ng United Nations. Sa kasalukuyan ito ay hindi aktibo sa
kanyang gawain simula nang ang Palau, ang huling bansang napailalim sa
Trusteeship ay nagkamit ng Kalayaan.

Mga Organisasyon at Programang Espesyal ng United Nations


Upang matugunan ang iba pang hamong panlipunan bumuo ang United Nation ng
iba’t ibang espesyal na organisasyon at programa gaya ng mga sumusunod:

1. World Health Organization (WHO) - Ang ahensya ng United Nations na


katuwang ng mga bansa sa pandaigdigang pampublikong kalusugan. Ito ay
naitatag noong Abril 7, 1948 at ang punong tanggapan ay matatagpuan sa
Geneva, Switzerland.

2. United Nations Children’s Fund (UNICEF) - Ito ang programa ng United


Nations nanagbibigay ng pangmatagalang tulong panghumanitaryo at
pagpapaunlad sa mgakabataan at mga ina.Itinataguyod din nito ang

20
karapatan, kalusugan at kapakanan ng mgabata. Ito ay itinatag noong
Disyembre 11,1946

3. United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization


(UNESCO) - Ito angahensya ng United Nations na ang pangunahing layunin
ay ang pagtataguyod nginternasyonal na pakikipagtulungan sa pamamagitan
ng mga repormang pang-edukasyon, siyentipiko at kultural upang
mapalawak ang paggalang sa tuntunin sa batas,katarungan at karapatang
pantao. Ilan sa mga proyekto nito ay pagsasagawa ng mgaprograma sa agham
na pang-internasyonal at pagtataguyod ng pagkakaiba-iba sa kulturaat likas
na pamana ng mundo.

4. Food and Agriculture Organization (FAO) - Ang ahensya ng United Nations


na angpangunahing tungkulin ay mapabuti ang produksyon at pamamahagi
ng pagkain samundo at pagbutihin ang mga kondisyon ng pamumuhay.

5. International Labour Organization (ILO) - Ang ahensya ng United Nations


na angpangunahing layunin ay magtaguyod ng oportunidad upang ang bawat
isa ay magkaroonng marangal at mapagkakakitaang trabaho sa maayos,
ligtas, makatao at pantay-pantay na kondisyon.

Gawain A: Data-Retrieval Chart


Panuto: Ngayong naunawaan mo na ang paksa, magkakaroon tayo ng pagsasanay.
Sa gawain ito tutukuyin natin ang naunawaan mo sa mga nagkakaisang bansa o
United Nations. Isa-isahin sa talahanayan ang mga datos na hinihingi sa bawat
kolum.
UNITED NATIONS

Mga Layunin Ang Punong Sangay Organisasyon at Programa

21
Gawain: May Magagawa Ako!
Panuto: Bilang isang kabataan, Magbigay ng tatlong bagay na maaari mong gawin
upang mapanatili mo ang kapayapaan sa tahanan, paaralan at komunidad.
Inaasahan na maisasagawa mo din ito. Maaari ka nang magsimula.

1.

2.

3.

22
MODYUL 6

Maraming pagbabago ang naganap sa kasaysayan ng daigdig sa aspektong


politikal, ekonomiko, at panlipunan. Mahalaga rin ang mga gampanin ng mga
ideolohiya sa mga pagbabagong ito. Ngayon ay sabay -sabay naman nating alamin
ang mga ilang ideolohiyang nagdulot ng malaking epekto sa kasaysayan ng daigdig.

Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:

a. Natutukoy ang mga ideolohiyang pulitikal na umusbong sa iba’t ibang bansa

b. Nasusuri ang paglaganap ng komunismo sa Russia, Fascismo sa Italy, at


Nazismo sa Germany

c. Nabibigyang halaga ang mga mapanalatili ang katahimikan ng Daigdig

MGA IDEOLOHIYA, COLD


Aralin
6
WAR, AT
NEOKOLONYALISMO

Ang Kahulugan ng Ideolohiya

Ang ideolohiya ay isang sistema o kalipunan ng mga ideya o kaisipan na


naglalayong magpaliwanag tungkol sa daigdig at sa mga pagbabago nito. Galing ito
sa salitang ideya o kaisipan na tuwirang sinusunod ng mga tao.

Si Desttutt de Tracy -ang nagpakilala ng salitang ideolohiya bilang pinaikling


pangalan ng agham ng mga kaisipan o ideya. May tatlong kategorya ang ideolohiya.
Ito ay ang sumusunod:

1. Ideolohiyang Pangkabuhayan – Nakasentro ito sa mga patakarang pang –


ekonomiya ng bansa at paraan ng paghahati ng mga kayamanan para sa mga
mamamayan. Nakapaloob dito ang mga karapatang makapagnegosyo,
mamasukan, makapagtayo ng union, at magwelga kung hindi magkasundo
ang kapitalista at mga manggagawa.

23
2. Ideolohiyang Pampolitika – Nakasentro naman ito sa paraan ng pamumuno
ng pakikilahok ng mga mamamayan sa pamamahala. Ito ay mga pangunahing
prinsipyong political at batayan ng kapangyarihang political. Karapatan ng
bawat mamamayan na bumuo at magpahayag ng opinion at saloobin.

3. Ideolohiyang Panlipunan – Tumutukoy ito sa pagkakapantay-pantay ng mga


mamamayan sa tingin ng batas at sa iba pang pangunahing aspeto ng
pamumuhay ng mga mamamayan.

Ang Iba’t Ibang Ideolohiya

• Kapitalismo – Tumutukoy sa isang sistemang pangkabuhayang kung saan


ang produksyon, distribusyon, at kalakalan ay kontrolado ng mga pribadong
mangangalakal hanggang sa maging maliit na lamang ang papel ng
pamahalaan sa mga patakarang pangkabuhayan.

• Demokrasya – Ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa kamay ng mga


tao. Sa demokrasya, maaaring makilahok ang mga mamamayan nang tuwiran
o di – tuwiran.

• Awtoritaryanismo – Isang uri ito ng pamahalaan na kung saan ang


namumuno ay may lubos na kapangyarihan.

• Totalitaryanismo – Ang pamahalaang totalitarian ay karaniwang


pinamumunuan ng isang diktador o grupo ng taong makapangyarihan.

• Sosyalismo – Isang doktrina ito na nakabatay sa patakarang pang –


ekonomiya na kung saan ang pamamalakad ng pamahalaan ay nasa kamay
ng isang pangkat ng tao.

MGA PUWERSANG PANGKABUHAYAN SA POLITIKA NG BANSA

Ang Pagsilang ng Komunismo sa Rusya

• Nag-ugat ang ideolohiyang komunismo sa Rusya noong panahon ng mga Tsar.


Ang kaisipang sosyoekonimo – pulitiko; isang lipunang pantay-pantay ang
lahat ng tao, walang mayaman o mahirap, may kapangyarihan o tagasunod.
Ilan sa mga dahilan ng kaguluhang ito ay ang politikal, pangkabuhayan at
sosyal.

24
Ang Paglaganap ng Komunismo

• Mula 1917 hanggang 1920, nagkaroon ng mga labanan sa pagitan ng mga


Red Army ng mga Bolshevik at ng mga White Army ng mga konserbatibo na
dating tagasunod ng Tsar. Dala ng galit sa dating pamahalaan, nasupil ng
mga Red Army ang mga White Army. Noong 1920, napasailalim ng Komunista
ang buong Rusya. Ipinalalagay ni Lenin na kailangan ang dahas at pananakop
para maitatag ang "Diktadurya ng mga Manggagawa." Ang estadong naitatag
nila ay tinawag na Union Soviet Socialist Republic o USSR.

Mga prinsipyong pinaniniwalaan ng Komunismo ang mga sumusunod:

1. Pagtatatag ng diktadurya ng mga manggagawa: Ang manggagawa ang


supremong ng pamahalaan.

2. Pangangasiwa ng pamahalaan sa sistema ng produksiyon at distribusyon ng


pag-aari

3. Pagwawaksi sa kapitalismo.

4. Pagtatwa sa kapangyarihan ng Diyos at lubos na paghihiwalay ng estado at


ng simbahan.

5. Pagsuporta, paghikayat at pagpapalaganap ng Kilusang Komunismo sa buong


daigdig.

Pagsilang ng Fascismo sa Italy

Sa Italy, ibang ideolohiya naman ang namayani. Tinawag itong FASCISMO. Ito ay
nagtataguyod ng pamahalaang awtoritaryan. Mga kondisyong nagbibigay-daan sa
fascismo sa Italy ang sumusunod: Nasyonalismo, Paghihirap sa Kabuhayan at
Kahinaan ng Pamahalaan

Ang pagsilang ng Fascismo sa Italya ay pinangunahan ni Benito Mussolini na


bumuo ng mga pangkat militaryna tinawag na Black Shirts na nagsagawa ng mga
pagpupulong ng mga grupong sosyalista at komunista. Ipinangangako nilang
pangalagaan ang mga pribadong ari- arian. Ayon sa kanya ang demokrasya,
kapitalismo at sosyalismo ay bigo.
Ang Nazing Germany/Alemanya

Ang Nazing Alemanya na isa sa pinakamalupit na diktatoryang totalitarian sa


makabagong panahon ay pinamunuan ni Adolf Hitler na siyang bumuo ng National
Socialist Party na tinawag na Nazi.

Ang pagnanais na makabawi sa kahihiyan ng pagkatalo sa World War I at ang


paniniwala na ang mga Aleman ang dapat mamuno sa daigdig ay ilan lamang sa
pangunahing layunin ng diktaturyang Nazismo. Ang mga sumusunod ay may
kaugnayan din dito:
a. Ang kahinaan ng Weimar Republic- demokratikong pamahalaan na
itinatag sa Alemanya subalit hindi pinagtiwalaan ng mga tao.

25
b. Kasunduan ng Versailles- kasunduang pangkapayapaan sa pagtatapos
ng WW I, na nagdulot ng pagkapahiya sa bansang Alemanya dahil sa
mga probisyon nito.

c. Ang paghihirap sa kabuhayan- ang pinsalang dulot ng digmaan at


malaking pagkakautang at pagkakaroon ng mataas na implasyon ang
nagging sanhi ng kahirapan.

Si Adolf Hitler ang pinakamakapangyarihang pinunong Nazi. Isinilang siya sa


Austria at maituturing na isang panatikong nasyonalista. Pagkatapos ng Unang
Digmaang Pandaigdig, binuo niya ang Nazi. Ang mga prinsipyo ng Nazismo na
napapaloob sa akdang “Mein Kampf, Ang Aking Labanan”, ni Adolf Hitler ay ang
sumusunod:
1. Ang kapangyarihang racial- naniniwala ang mga Aleman na sila ang
pangunahing lahi sa buong mundo.

2. Anti-Semitism - Naniniwala ang mga Nazista na ang mga Hudyo ang


sanhi ng maraming suliranin at kabiguan ng kanilang bansa kayat
kinakailangang mawala sa daigdig. Ito ang naging dahilan ng holocaust
o pagpatay sa mga Hudyo. Tinatayang anim na milyong Hudyo ang
biktima dito.

3. Ang pagbuwag sa Treaty of Versailles - sinisisi rin ng mga Nazizta ang


kasunduan ito sa suliranin ng kanilang bansang Alemanya.

4. Pan-Germanism - kailangang maitatag ang mas malawak na Germany.

Gawain 1: Tama ka ba?


Panuto: Basahin ang sumusunod na pahayag at isulat ang TAMA kung ang
pangungusap ay nagpapakita ng katotohan at MALI kung hindi.

____1. Walang pagkakaiba ang Demokasya at Totalitaryanismo.

____2. Awtoritaryanismo ang tawag ni Pangulong Marcos sa kanyang


pamamahala sa ilalim ng batas militar.

____3. Ang Totalitaryanismo ay tumutukoy sa isang sistemang


pangkabuhayang kung saan ang produksyon ay nakasabatay sa gusto ng
pamahalaan.

____4. Sa Kapitalismo pinaniniwalaang dapat pinangangasiwaan ng


pamahalaan ang ekonomiya.

26
____5. Isang prinsipyong sinunod ng Fascismo ay paggawa ng tao para sa
kapakanan ng estado.

Gawain 2: Dapat -Tapat.


Panuto: Pagtapat- tapatin ang mga salita sa Hanay A sa mga kahulugan/
paglalarawang nasa Hanay B.

A B

1. Benito Mussollini A. ideolohiya nina Hitler at Mussolini

2. Pasismo B. pagpatay sa mga hudyo

3. Joseph Stalin C. pinuno ng USSR

4. Holocaust D. ang kapangyarihan ng pamahalaan


ay nasa kamay ng mga tao

5. Demokrasya E. pinuno ng Pasistang Italy

Gawain 3: Pag may Katuwiran, Ipaliwanag mo!


Panuto: Sagutin ng Oo o Hindi ang mga sumusunod na tanong at pangatuwiranan.
Pagkatapos ay sagutin ang tanong sa kahon bilang pagtatasa sa sarili.

1. Likas bang mabuti ang tao?


__________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________
2. Mabuti ba o masama ang prinsipyong awtoritaryanismo?
__________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________
3. Alin ang higit na makakabuti para sa lipunan? tradisyon o pagbabago?
__________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________

4.Sang- ayon kaba sa pribadong pagmamay-ari ng mga ari-arian?


__________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________
5.Dapat bang magtaglay ang pamahalaan ng ganap na kapangyarihan?
__________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________

27
Ano ang iyong realisasyon tungkol sa sarili batay sa iyong mga
sagot sa mga tanong sa itaas?
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
____

Gawain: Panuto: Meme ko toh! Huwag kang Ano? Pumili ng isang napapanahong
isyu. Bumuo ng paninindigan hinggil sa isyu. Gamit ang ideolohiyang natutuhan sa
modyul na ito, hikayatin ang mga tao na pumanig sa iyong pananaw o magsagawa
ng aksiyong naa-ayon sa iyong paniniwala sa pamamagitan ng isang meme.

RUBRIC SA PAGMAMARKA NG MEME


Pamantayan Deskripsiyon Puntos
Nilalaman Wastong naipahayag sa meme ang 8
paninindigan sa isang
napapanahong isyu. Gumamit ng
partikular na ideolohiya sa
ginawang meme.
Presentasyon Maliwanag sa mga titingin ng meme 8
ang ginamit na ideolohiya at
paninindigan sa isyu
Pagkamalikhain Mahusay, malinis, at malikhain ang 4
pagkakagawa ng meme.
Nakahihikayat itong tingnan
Kabuuan Kabuuang puntos na nakuha 20

28
MODYUL 7

Matutunghayan mo sa araling ito ang ginampanan ng mga nabuong


pandaigdigang organisasyon, samahan at alyansa na nakatulong sa ibat-ibang
aspeto ng pamumuhay ng mga tao lalo na ang kapayapaan sa ating daigdig.

Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:


• Natataya ang epekto ng mga Ideolohiya,Cold War at ng
Neokolonyalismo sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. (AP8AKD -IVi-
10)

MGA IDEOLOHIYA, COLD


Aralin
7
WAR, AT
NEOKOLONYALISMO
ANG KAHULUGAN NG IDEOLOHIYA

Ang ideolohiya ay isang sistema o kalipunan ng mga ideya o kaisipan na


naglalayong magpaliwanag tungkol sa daigdig at sa mga pagbabago nito. Galing ito
sa salitang ideya okaisipan na tuwirang sinusunod ng mga tao.Si Desttutt de Tracy
ang nagpakilala ng salitang ideolohiya bilang pinaikling pangalan ng agham ng mga
kaisipan o ideya.

Iba’t ibang Kategorya ang Ideolohiya

1. Ideolohiyang Pangkabuhayan

• Nakasentro ito sa mga patakarang pang- ekonomiya ng bansa at paraan


ng paghahati ng mga kayamanan para sa mga mamamayan. Nakapaloob
dito ang ang mga karapatang makapagnegosyo, mamasukan,makapagtayo
ng unyon, at magwelga kung hindi magkasundo ang kapitalista at mga
manggagawa.

2. Ideolohiyang Pampolitika

• Nakasentro naman ito sa paraan ng pamumuno at sa paraan ng


pakikilahok ng mga mamamayan sa pamamahala. Ito ay mga
pangunahing prinsipyong politikal at batayan ng kapangyarihang

29
politikal. Karapatan ng bawat mamamayan na bumuo at magpahayag ng
opinyon at saloobin.

3. Ideolohiyang Panlipunan

• Tumutukoy ito sa pagkakapantay-pantay ng mga mamamayan sa tingin


ng batas at sa iba pang pangunahing aspetong pamumuhay ng mga
mamamayan.

Ang Iba’t Ibang Ideolohiya

1. Kapitalismo- Tumutukoy ito sa isang sistemang pangkabuhayan kung saan


ang produksiyon, distribusyon, at kalakalan ay kontrolado ng mga pribadong
mangangalakal.

2. Demokrasya. - Ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa kamay ng mga


tao.

3. Awtoritaryanismo - Isang uri ito ng pamahalaan na kung saan ang namumuno


ay may lubos na kapangyarihan.

4. Totalitaryanismo. - Karaniwang pinamumunuan ng isang diktador o grupo ng


taong makapangyarihan.

5. Sosyalismo - Isang doktrina ito na nakabatay sa patakarang pang-ekonomiya


na kung saan ang pamamalakad ng pamahalaan ay nasa kamay ngisang
grupo ng tao.

ANG COLD WAR

Ang United States at Unyong Sobyet ay naging makapangyarihang bansa


matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Hindi naging mabuti ang ugnayan ng
mga bansang ito na kapwa tinatawag na “superpower”. Nauwi ito sa Cold War na
bunga ng matinding kompetensiya ng mga bansa noong 1940 hanggang 1990. Hindi
lamang tunggalian sa kapangyarihan kundi pati na sa ideolohiya ang dahilan nito.
Ang United States ang nagtaguyod ng demokrasya at kapitalismo samantalang ang
Unyong Sobyet ay kumatawan sa sosyalismo at komunismo. Malaki ang papel sa
muling pag-aayos ng daigdig ng Estados Unidos bilang pinakamalakas na
kapangyarihang kapitalista. Upang mapigil nito ang paglaganap ng sosyalismo at
komunismo ng USSR, gumawa ito ng iba’t ibang hakbang. Sa pamamagitan ng
Marshall Plan, tiniyak ng Estados Unidos ang pagbangon ng kanlurang Europe
bilang kapanalig sa kanluran. Sa silangan, tiniyak din nito ang pagbangon ng Hapon
sa pamamahala ni Heneral Douglas MacArthur.Ngunit dumating nga ang
pagkakataong sila’y nagkaroon ng Cold War o hindi tuwirang labanan. May mga
pangyayaring namagitan sa kanila at lumikha ng tensyon dahil sa pagkakaiba ng
ideolohiyang kanilang pinaniniwalaan. Ang kanilang sistemang politikal ay
nakaapekto sa maraming bansa. Upang mapanatili ng Soviet Union ang

30
kapangyarihan sa Silangang Europe, pinutol nito ang pakikipag-ugnayan sa mga
kanluraning bansa. Naputol ang kalakalan, limitado ang paglalakbay, bawal ang
pahayagan, magasin, aklat, at programa sa radyo. Ito ang tinagurian ni Winston
Churchill na Iron Curtain o pampolitikang paghahati sa pagitan ng Soviet Bloc at
taga Kanluran.

Kompetisyon sa Kalawakan ng USSR at USA

Naunahan ng Unyong Sobyet (USSR) ang United States (US) sa pagpapadala


ng sasakyang pangkalawakan. Sinimulan ng paglipad ng Sputnik I noong Oktubre
1957 ang Panahon ng Kalawakan (Space Age). Una ring nagpadala ng tao sa
kalawakan ang USSR, si Yuri Gagarin na unang cosmonaut na lumigid sa mundo,
sakay ng Vostok I noong 1961. Ngunit nahigitan pa ng US ang USSR nang nakaikot
sa mundo nang tatlong beses noong 1962 si John Glenn Jr. sasasakyang Friendship
7. Sinundan pa ito ng matagumpay na misyon noong Hulyo 20,1969 nang unang
makatapak sa buwan ang mga Amerikanong astronaut na sina Michael Collins, Neil
Armstrong, at Edwin Aldrin. Nakagawa ito ng unang submarino na pinatatakbo ng
puwersang nukleyar, ang USS Nautilus. Hindi lamang sa gamit pandigma ginagamit
ng USA ang lakas atomika kundi pati sa panahon ng kapayapaan. Ginagamit ito sa
medisina, agrikultura, transportasyon, at komunikasyon. Noong ika-10 ng Hulyo,
1962, pinalipad sa kalawakan ang Telstar, isang pang-komunikasyong satellite.
Nagulat ang buong mundo sa nagawang ito ng USA. Sa pamamagitan nito, maaari
nang makatanggap ng tawag sa telepono at makakita ng palabas sa telebisyon mula
sa ibang bansa.

Mabuting Epekto ng Cold War

Tiniyak din ng Estados Unidos na maayos ang takbo ng ekonomiya ng


pandaigdigang sistemang kapitalista.Binuo ang International Monetary Fund (IMF)
upang ayusin ang daloy ng malayang kalakalan sa mundo. Kasabay ring inayos ang
International Bank for Rehabilitation and Reconstruction (IBRR) o WorldBank upang
tumulong sa gawaing rehabilitasyon at rekonstruksyon. Nagkasundo sina
Gorbachev ng Unyong Sobyet at Ronald Reagan ng Amerika na tapusin na ang Arms
Race upang maituon ang badyet sa ekonomiya at pangangailangan ng nakararami.
Maraming imbensiyon ang naisagawa ng dalawang panig. Ang mga puwersang
nukleyar ay hindi lang ginamit sa digmaan kundi pati na rin sa komunikasyon at
medisina.

Mga Di-Mabuting Epekto ng Cold War

Dahil sa Cold War, umigting ang di pagkakaunawaang pampolitika, pang-


militar, at kalakalan ng mga bansa. Bumaba ang moral ng mga manggagawang
Unyong Sobyet na nagdulot ng malaking suliraning pang-ekonomiya. Dahil sa
matinding sigalot bunga ng Cold War, iginigit ng dalawang puwersa ang kanilang

31
pamamalakad kaya’t nawalan ng tunay na pagkakaisa. Nagkaroon pa ng banta ng
digmaan nang magkaroon ng mga samahang pansandatahan tulad ng North Atlantic
Treaty Organization (NATO), WARSAW Treaty Organization o Warsaw Pact, at
ikatlong pwersa o kilusang non-aligned.

NEOKOLONYALISMO: PAMAMARAAN O SANGKAP NITO

Tumutukoy ang neokolonyalismo sa patuloy na impluwensiyang pang-


ekonomiya at panlipunan ng mga mananakop sa mga bansang dati nilang kolonya,
bagamat wala silang tuwirang militar o pulitikal na kontrol sa mga ito.

Ang Pamamaraan ng Neokolonyalismo

Itinuturing ang neo-kolonyalismo na bago at ibang uri ng pagsasamantala sa


mahirap na bansa. Ayon sa mga agham-politika, ito ang pananatili ng kontrol ng
isang dating kolonyalista sa dati nitong kolonya. Malumanay at patago ang
pamamaraang ito. Layunin nitong patatagin ang pamumuhunan ng kolonyalistang
bansa, pigilan ang pagkamit ng tunay na kalayaan, at kunin ang mas malaking kita
sa negosyo. Kabilang dito ang pagbuo ng iba’t ibang uri ng kompanya; pandaigdigan
at pampribadong pondo; pagkakaroon ng mga korporasyon at konsoryum (samahan
ng mga namumuhunan), pagsisiguro ng pamumuhunan, at pagpapautang ng
malaking halaga na makakatulong hindi lamang sa nangangailangan kundi
magbibigay rin ng sapat na tubo sa magpapahiram.

URI NG NEOKOLONYALISMO

1. Pang-ekonomiya- Sa pamamagitan ng pakunwaring tulong sa pagpapaunlad


ng kalagayang pangkabuhayan ng isang bansa, ngunit sa katotohanan ay
nakatali na ang bansang tinutulungan sa patakaran at motibo ng bansang
tumutulong.

2. Pangkultura- Nababago nito ang pananaw ng tinutulungang bansa sa mga


bagay na likas na angkin nito. Bunga ng kulturang dala ng dayuhang
tumutulong o bansang dayuhan, nababago ang pinahahalagahan ng mga
mamamayan ng tinutulungang bansa sa pananamit, babasahin, maging sa
pag-uugali.

3. Dayuhang Tulong o Foreign Aid- Ito ay na maaaring pang-ekonomiya,


pangkultura o pangmilitar, ang libreng pagtulong ay may kapalit.

4. Dayuhang Pautang o Foreign Debt -anumang pautang na ibigay


ngInternational Monetary Fund (IMF/WORLD BANK) ay laging may kaakibat
na kondisyon. Kabilang dito ang pagbubukas ng bansang pinauutang sa
dayuhang pamumuhunan at kalakalan, pagpapababa ng halaga ng salapi at
pagsasaayos ng sistema ng pagbubuwis.

32
5. Lihim na Pagkilos (Covert Operation) -Kung hindi mapasunod nang
mapayapa, gumagawa ng paraan ang mga neokolonyalista upang guluhin ang
isang pamahalaan o ibagsak itonang tuluyan.

EPEKTO NG NEOKOLONYALISMO

Maraming epekto ang neokolonyalismo sa mga bansang sinakop at


pinagsamantalahan nito.

1. Over Dependence o labis na pagdepende sa iba- Malinaw na umaasa nang


labis ang mga tao sa mayayamang bansa lalong-lalo na sa may kaugnayan sa
United States.

2. Loss of Pride o Kawalan ng Karangalan – Sanhi ng impluwensiya ng mga


dayuhan, nabubuo sa isipan ng mga tao na lahat ng galing sa kanluran ay
mabuti at magaling, na isang dahilan kung bakit ang tao ay nawalan ng
interes sa sariling kultura at mga produkto.

3. Continued Enslavement o Patuloy na Pang-aalipin – Ang maliit na bansa


ay patuloy pa ring nakatali sa malakolonyal at makapitalistang interes ng
kanluran.

Gawain 1: Panuto: Gamit ang “Fishbone diagram “lagyan ng angkop na


impormasyon ang mga bahagi nito at magbigay ng kongklusyon batay sa paksa.

Konklusyon:

33
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
_________________________________________

Gawin 2: Panuto: Ito Ang Gusto Ko!

Kung bibigyan ka ng pagkakataon na pumili ng ideolohiyang pampolitika na


ipatutupad sa Pilipinas, Alin sa mga ideolohiyang nabanggit ang iyong pipiliin?
Bakit?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
_________________________________________

Panuto: Punan ng angkop na impormasyon ang tsart batay sa iyong saloobin.

Ang aking natutuhan sa Ang pinakamahalagang Mahalaga ito sapagkat


araling ito ay konsepto na nakaapekto _______________________
_______________________ sa akin ay _______________________
_______________________ _______________________ _______________________
_______________________ _______________________ _______________________
_______________________ _______________________ _______________________
_______________________ _______________________ _______________________
_______________________ _______________________ _______________________
_______________________ _______________________ _______________________

34
MODYUL 8

Matutunghayan mo sa araling ito ang ginampanan ng mga nabuong pandaigdigang


organisasyon, samahan at alyansa na nakatulong sa ibat-ibang aspeto ng pamumuhay ng
mga tao lalo na ang kapayapaan sa ating daigdig.

Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:

• Mapahalagahan ang bahaging ginampanan ng mga pandaigdigang


organisasyon sa pagsusulong ng pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa,
pagtutulungan, at kaunlaran.

MGA PANDAIGDIGANG
Aralin
ORGANISASYON, PANGKAT
8
AT ALYANSA

Hindi lamang ang United Nations ang naitatag upang mahilom ang
pagkakawatak ng iba’t ibang bansa dahil sa mga hidwaan. Tunghayan ang mga
sumusunod pang mga pangkat at ating alamin ang mga impormasyon na may
kaugnayan dito.

ANG MGA PANDAIGDIGANG ORGANISASYON

EUROPEAN UNION • Ito’y isang pang-ekonomiko at politikal na unyon ng


(EU) 27 malayang bansa.Itinatag noong 1992.Sakop ng
EU ang mga patakarang pampubliko, ekonomika sa
ugnayang panlabas, tanggulan, pagsasaka at
kalakalan.

35
Organization of • Ito ay nakabase sa Washington, D.C USA. Nasa 35
American States nagsasariling estado ng Amerika ang miyembro
(OAS) nito.Layunin nito ang magkaroon ng kapayapaan,
hustisya, pagkakaisa ng mga estado,magkaroon ng
pagtutulungan, mapangalagaan ang awtonomiya,
teritoryo at kalayaan.

Organization of • Samahan ito ng mga bansang Muslim. Binubuo ito


Islamic Cooperation ng 57 estado. Layunin nitong masiguro ang
(OIC) kanilang interes sa pamamagitan ng pagsusulong
ng kapayapaan.

Association of • Isa itong organisasyong heopolitikal, ekonomikal at


Southeast Asian pangkultura ng mga bansa sa Timog-Silangang
Nations (ASEAN) Asya.Layon nitong lumago ang ekonomiya,
kaunlarang politikal, pagsulong ng kultura ng mga
miyembrong bansa at magpalaganap ng
kapayapaang panrehiyon.

World Bank • Pandaigdigang bangko na nakakatulong sa


pananalapi at teknikal sa mga bansang papaunlad
pa lamang na may layong mapaunlad ang
programang pang kaunlaran gaya na
makababawas ng antas ng kahirapan.

International • Ang namamahala sa pandaigdigang sistema ng


Monetary Fund (IMF) pananalapi. Nagmamasid ito sa mga halaga ng
palitan at balanse ng mga kabayaran pati ang pag-
alok ng teknikal at pinansyal na tulong kung
kailangan.

World Trade • Pandaigdigang organisasyong naglalayong


Organization magbigay ng kalayaan sa kalakalang pang-
internasyunal.Nabuo ito noong Enero
1,1995.Pinalitan nito ang dating Pangkalahatang
Kasunduan sa mag Taripa at Kalakalan

May iba pang mga pandaigdigang organisasyon ang nilikha na naglalayong


patibayin ang kooperasyon ng mga bansa at magtaguyod ng kaunlaran.Mayroon
ding mga samahang rehiyunal na bumubuo sa trade blocs. Ang Trade blocs ay mga
kasunduan ng mga bansang kadalasan ay magkakampi sa isang rehiyonal na
layuning bawasan o tanggalin ang taripa pati na ang mga hadlang sa taripa sa
pagitan ng kanilang mga miyembrong bansa. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng
Trade Blocs.

36
ASEAN Free Trade • Ito ay kasunduan ng hanay na pangkalakalan ng
Kapisanan ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya
na nagtataguyod sa mga pagawaang pampook o local
manufacturing.
• Mithiin nila ang mga ss:
- mapalaki ang hangganang pagkainaman
bilang batayang pamproduksyon sa
pandaigdigang pamilihan.
- maghanap ng mga posibleng mamuhunan sa
ASEAN.
North American Free • Ang kasunduang ito ay nilagdaan sa Canada,Mexico
Trade Agreement at USA na lumilikha ng trilateral trade bloc sa North
(NAFTA) America. Binigyang bisa ito noong 1994 na
nagsilbing pinakamataas na na pinag-samang
purchasing power parity sa GDP.

Gawain 1:
Panuto: Ibigay ang mga hinihinging impormasyon sa bawat kolum.

ORGANISASYON TAON NG PAGKATATAG LAYUNIN

European Union

Enero 1, 1995

Maitaguyod ang paglago


ng ekonomiya,
kaunlarang panlipunan,
pagsulong ng kultura ng
mga kasapi at
pagpapalaganap ng
kapayapaan.

37
Gawain 2:

Panuto: Ano-ano ang mga pandaigdigang organisasyon ang itinaguyod at paano ito
nakakatulong sa mga miyembro nito. Ipaliwanag ang iyong sagot.

1.

2.

3.

4.

5.

6.

Gawain 3:

Panuto: Isulat ang buong katawagan ng mga pandaigdigang organisasyon at Trade


Bloc na nabuo matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

1.UN –

2.EU –

3.WB –

4.OAS –

5.OIC –

6.ASEAN –

7.IMF –

8.WTO –

9.AFTA –

10.NAFTA –

38
Panuto: Dugtungan ang pangungusap.

Kung ako mabibigyan ng pagkakataon na makapag-tatag ng isang pandaigdigang


organisasyon, tatawagin ko itong _________________________.

Ang mga layunin nito ay ang mga sumusunod.


1.__________________________________________________________
2.__________________________________________________________
3._________________________________________________________.

39
Panuto. Basahin at suriin mabuti ang mga sumusunod na tanong. Piliin ang titik
ng tamang sagot.

1. Isa ring kasunduan ng hanay na pangkalakalan ng Kapisanan ng mga bansa sa


Timog-Silangang Asya.

A. European Union
B. Trade blocs
C. ASEAN Free Trade Area
D. Local manufacturing

2. Ito naman ay organisasyon na pinagkatiwalaan upang mamahala sa


pandaigdigang sistema ng pananalapi sa pamamagitan ng pagmasid sa halaga
ng palitan at balanse ng mga kabayaran.

A. World Bank
B. International Monetary Fund (IMF)
C. EU
D. WTO

3. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapaliwanag ng katagang ito


“Ang sariling pagkakakilanlan ay nawawala dahil sa impluwensyang dayuhan”?

A. Napapanatili ang kultura ng isang bansa


B. Pinakikinabangan ng mga dayuhan ang likas na yaman ng mga
kolonya
C. Ang kulturang dayuhan ang pinahalagahan ng mga bansang
umuunlad pa lamang
D. Nababago ng mga dayuhan ang kultura ng kolonya sa pamamagitan
ng iba’t ibang impluwensya nito.

4. Ang Cold War ay digmaang ng nagtutunggaling ideolohiya ng dalawang


makapangyarihang bansa o superpower. Anong dalawang bansa ang nakaranas
nito matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig?

A. Germany at United States


B. France at United States
C. United States at USSR
D. United States at South Korea

40
5. Sa Pilipinas, ang pinuno ng ating bansa ay pinipili ng mga mamamayan sa
pamamagitan ng pagboto. Ang pasya ng nakararami ang siyang nananaig. Anong
uring ideolohiya ang inilalarawan nito?

A. Awtoritayanismo
B. Demokrasya
C. Sosyalismo
D. Totalitaryanismo

6. Ang kasunduan ng mga bansa na nagbigay hudyat sa pagwawakas ng Unang


Digmaang Pandaigdig.

A. Treaty of Paris
B. United Nations
C. League of Nations
D. Treaty of Versailles

7. Bakit ikinagalit ni Adolf Hitler ang mga probisyon ng Treaty of Versailles?

A. Ginawang Mandated Territory ang lahat ng kolonya ng Germany


B. Pinagbayad ang Germany ng malaking halaga para sa reparasyon
C. Dahil ito ay kasunduang nabuo lamang ng samahang triple entente
D. Naniniwala si Hitler na labis na naapi ang Germany sa mga probisyong
nakasaad dito

8. Anong organisasyon ang naitatag pagkatapos ng Ikalawang Digmaan?

A. European Union
B. League of Nations
C. United Nations
D. World Organization

9. Ito ang masidhing damdaming makabayan na nagbubuklod sa mga mamamayan


tungo sa pambansang tunguhin.

A. Imperyalismo
B. Militarismo
C. Nasyunalismo
D. Pagbuo ng Alyansa

10. Ito ay naging bahagi ng patakaran ng mga bansa sa Europe kung saan kanilang
pinalawak at pinalakas ang kani-kanilang mga hukbo.

A. Imperyalismo
B. Militarismo
C. Nasyunalismo
D. Pagbuo ng Alyansa

41
42
Modyul 1 at 2
Tayahin Subukin
1. C 1. B
2. B 2. C
3. D 3. C
4. C 4. D
5. B 5. D
6. D 6. B
7. D 7. C
8. C 8. D
9. C 9. B
10. B 10. C
43
Gawain 3 Gawain 1
1. MALI
• Iba’t ibang 2. TAMA
sagot. 3. MALI
4. MALI
5. TAMA
Gawain 2
1. E
2. A
3. C
4. B
5. A
Modyul 6
Ang mga ay
kasagutan ay
nakabatay sa mga
paksang natalakay.
Modyul 5
Gawain 2 Gawain 1
1. T 1. B
2. M 2. C
3. T 3. F
4. M 4. A
5. M 5. G
6. T 6. E
7. M 7. D
8. T
9. T
10. T
Modyul 3 at 4
44
Ang mga ay
kasagutan ay
nakabatay sa mga
paksang natalakay.
Modyul 8
Ang mga ay
kasagutan ay
nakabatay sa mga
paksang natalakay.
Modyul 7
Sanggunian
MODULE 1 at 2
Website
History.com Editors. "World War I." HISTORY. Last modified October 29, 2009.
Accessed March 3, 2021. https://www.history.com/topics/world-war-
i/world-war-i-history.
Royde-Smith, John Graham. "World War I." Britannica. Accessed March 3, 2021.
https://www.britannica.com/event/World-War-I.

Getchell, Michelle. "The United States in World War I." Khan Academy. Accessed
March 3, 2021.https://www.khanacademy.org/humanities/us-history/rise-
to-world-power/us-in-wwi/a/the-united-states-in-world-war-i.

Blakemore, Erin. "What caused World War I and what were its effects?" National
Geographic. Accessed March 3, 2021.
https://www.nationalgeographic.com/culture/article/world-war-i.

Aklat
Abejo, Arthur, et al. Kasaysayan Ng Daigdig 8. Vibal Group Inc., 2017.
Perry, Marvin .. .. .. Et Al. A History of the World. Houghton Mifflin, 1988.

MODULE 3 at 4
Aklat
Blando, R. et al. “Modyul 4: Aralin 2 ‘Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.” Chapter.
In Araling Panlipunan: Kasaysayan Ng Daigidig, 1st ed., 475–483. 2014. Pasig
City, NCR: Vibal Group, Inc., 2014.
Mateo, G. et al “Unit 3: Aralin 31 ‘Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.” Chapter. In
Kasaysayan Ng Daigdig, New Edition., 322–334. 3. Quezon City, NCR: Vibal
Publishing House, Inc., 2012
Cruz, M. et al. “Unit 3: Chapter 20.” Essay. In Kasaysayan Ng Daigdig, 366–375.
2014. Quezon City, NCR: VIBAL PUBLISHING HOME, INC., n.d.

MODULE 5
Aklat
Blando, Rosemarie C. etal. Kasaysayan ng Daigdig Araling Panlipunan- Modyul para
sa mga Mag-aaral. Vibal Group, Inc, 2014.pp. 484-485
Vivar. Teofista L. etal. Kasaysayan ng Daigdig Batayang Aklat para sa Ikatlong Taon.
SD Publishing, Inc, 2000. pp. 389-398

45
Larawan:
United Nations [Photograph]. (2014, July 27). Pixabay.com.
https://pixabay.com/vectors/united-nations-blue-logo-uno-303670/

Website:

"Mga Nagkakaisang Bansa." Wikipedia.org. Last modified May 4, 2020. Accessed


December 28, 2020. From
https://tl.wikipedia.org/wiki/Mga_Nagkakaisang_Bansa

MODULE 6
Aklat

Mark Alvin M. Cruz, Mark Andrew F. Fietas at Michael M. Mercado, K12 Kasaysayan
ng Daigdig L.M pp.366-399, Vibal Group Inc. 2015
Eleonor D. Antonio, Kayamanan Batayang Kagamitang Pampagtuturo (Kasaysayan
ng Mundo) III Binagong Edisyon pp. 208-211
Learners Module (akda nina Rosemarie C. Blando, Michael M.Mercado, Mark Alvin
M. Cruz, Angelo C. Espiritu, Edna L. De Jesus, Asher h. Pasco, Owel S.
Padernal, Yorina C. Manalo, at Kalenna Lorene S. Asis)

Project Ease Module sa Araling Panlipunan 8

MODULE 7
Aklat

Blando, R. et al. “Modyul 4: Aralin 3 ‘Mga Ideolohiya, Cold War, At Neokolonyalismo”


Chapter. In Araling Panlipunan: Kasaysayan Ng Daigidig, 1st ed., 493–517.
2014. Pasig City, NCR: Vibal Group, Inc., 2014.

Project Ease Module sa Araling Panlipunan 8

MODULE 8
Aklat

Blando, R. et al. “Modyul 4: Aralin 4 ‘Ang United Nations at iba pang Pandaigdigang
organisasyon, pangkat at alyansa.” Chapter. In Araling Panlipunan:
Kasaysayan Ng Daigidig, 1st ed., 524–33. 2014. Pasig CIty, NCR: Vibal Group,
Inc., 2014.

46
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division Office Navotas


Learning Resource Management Section

Bagumbayan Elementary School Compound


M, Naval St., Sipac Almacen, Navotas City

Telefax: 02-8332-77-64
Email Address: navotas.city@deped.gov.ph

You might also like