You are on page 1of 2

Pinsala ng Bulkang Taal

(Deskriptib)
Isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa timog-kanlurang bahagi
ng Luzon sa rehiyon ng CALABARZON. Ang Lungsod ng Batangas, dito
matatagpuan ang isang Isla sa loob ng isang lawa at ito ang pinakamaliit na bulkan
sa daigdig, ang Bulkan Taal. Ang bulkan na ito ay nagkaroon ng maraming marahas
na pagsabog noon pa man, na nagdulot ng pagkawala ng mga buhay sa isla at ang
mga populasyon sa lugar na nakapaligid sa lawa. Maganda naman sa paningin ng
mga pangkalahatan na turista, takot at pinsala naman ang dala nito sa mga
nakakaalam sa kadahilanang naranasan na nila ito.

Mahigit isang million ang malapit sa kapital ng manila ang lumikas dahil sa
kinakatakutang pag sabog ng bulkang taal. Araw na lukob ng maitim na ulap na
nanggagaling sa kalderong tilang mayroong inihandang hamon sa nalalapit na
kabahayan ng mga mamamayan. Mga kahayopan na tumitira sa malalapit na
kagubatan wari naglikas dahil sa napaparating na pinsala nilang nararamdaman.
Ikinagulat ng lahat, ang kidlat na para bang katapusan na raw ng sangkatauhan, na
ang lahat na ito’y dahil lamang sa ating kapabayaan sa kalikasan at sa ating
kataastasang Panginoon. Sa oras na ito, ang pangkalahatan ay nawalan ng pag-asa
sa muling pagbabagong wari lahat na kagubatan , mga kahayopan at mga kabahayan
ay nasa panganib na mawala dahil sa patuloy na pag-ulan ng kamatayan sa bawat
pag-asa ng karamihang pamilya, dito sila umaasa para sa kanilang kabuhayan, kaya’t
karamihan ng mga mamamayan ay maluha na lumikas para lamang mailigtas nila
ang sarili sa kapahamakan. Pilit na bumalik ang ibang pamilya upang mailigtas ang
kanilang mga alagang hayop, kaya’t may mga residenteng nag boluntaryo para
lamang mailigtas ang kahayopan, sapagkat marami na rin na kahayopan ay namatay
dahil ang kulay ng kalikasan tila’y wala ng makita sa lalim ng pinsala. Ikinakatakot
ng lahat na residente sa Batangas ang papalapit na panganib, ngunit wala na silang
magawa kundi gugulin nalang ang oras at panahon nila sa paghihingi ng tawad at
tulong sa ating Panginoon.

Patuloy ang pagbuga ng Bulkang Taal at patuloy din ang paglaban ng ating
mga kababayan, mawalan man ng pag-asa ang bawat isa ay patuloy parin ang
pagtutulungan sa pagbangon ng bawat luhang pumapatak. Huwag natin ipabahala
lamang ang lahat sa ating Panginoon, sapagkat nasa Diyos ang awa at nasa tao ang
gawa.

You might also like