You are on page 1of 3

Bulaklak at kandila (masyadong common, isip ka pa ng headline na parang

nagpahihiwatig ng pamamaalam ganiyan. Sa headline ha, hindi lang siya mismong


naglalarawan sa 1st paragraph, naglalarawan ito sa kabuuan ng artikulo mo.)

Isang kandila nanaman ang hinipan ng malakas na hangin, habang walang tigil sa
paghagulgol ang nangungilang ina bago magalay ng bulaklak sa isang libingan. Kung sa
kalendaryo ay tuwing Nobyembre pa ang undas, bakit para sa inang kalikasan ay araw-araw ang
undas (palitan ng “may pinaglalamayan”) dahil kasabay ng walang katapusang pagbabagong
klima, pagkatunaw mga yelo at kapabayaan ng mga tao ay ang pagkalagas ng mga anak nya na
kanyang pinangangalagaan at nagiging mitya (mitya o mitsa?) ng pagkasira ng ating tahanan.

HINDI NAPAKINGGANG SIGAW


Hindi biro ang pinagdadaanan ng iba't ibang species o mga hayop at halaman na
nanganganib nang maubos, isa ito ngayon sa mga dahilan kung bakit hindi mapatahan ang
inang kalikasan, ito ang "extinction crisis". Ito ay ang pagkabuos ng mga lahi ng iba't ibang
species o halaman at hayop na naninirahan sa mundo. Halimbawa ng mga kilalang extinct
animals o mga hayop na nabura na ang lahi sa mundo ay ang Irish elk, baiji, at Tasmanian tiger,
naputol na rin ang mga sanga ng 'family tree' ng mga halaman katulad ng Calamites, Cooksonia
at Lepidodendron.
Madami pang mga uri ng hayop na humihingi ng tulong ngayon (na hanggang ngayo’y
sumasaklolo) dahil sa pangambang maubos ang kanilang lahi. tinatawag ang mga itong
endangered species (tanggalin na). Ito ay ang mga nanganganib palamang na maubos, ngunit
may natitira pa sa kanilang lahi (tanggalin na). Nasa 93 ang mga species sa Pilipinas na
nanganganib maubos, umakyat naman sa 36% ang endemic crisis ng bansa. Ayon sa
zenrooms.com, kabilang ang tigre sa mga species na binabantayan na maubos ang lahi, kasabay
ng tamaraw, Philippine eagle, at Philippine crocodile.

HINDI LAMANG IISA ANG SALARIN


Base sa pagaaral ng ThoughCo. madami ang salarin kung bakit sunod sunod namamatay
ang iba't ibang species. Ang pangunahing suspek ay ang kapabayaan at walang katapusang
polusyon na dulot ng mga tao. Dahil sa pagkakalbo ng gubat na ginagawang syudad, nawawalan
ng tirahan ang ilang halaman hayop, at nawawalan rin sila ng pagkain dahil sa pagkaubos ng
likas na yaman. Marami rin ang mga isda at corals na umiiyak sa ilalim ng karagatan dahil sa
walang awang paggamit ng mga dinamita.
Isa pa sa mga suspek ay ang climate change, o pagbabago ng kilma kung saan hindi
umaayon ang klima, panahon at temperatura sa kung ano ang kailangan ng mga hayop at
halaman. Kakambal naman ng climate change at pagkasira ng tirahan ng mga species ang
pagkawala ng biodiversity o ang buhay ng kapaligiran kung unti unti nang nababawasan ang
mga naninirahan sa isang partikular na lugar tulad ng karagatan, kagubatan, at kabundukan.

GANTI NG ISANG API


Marami ang nangungila ngayong hayop at halaman sa pagkamatay ng kanilang pamilya,
ngunit ang pangungulila nila ay may kakambal na paghihiganti para sa mga tao maging sa
kalikasan. Dahil sa pagkawala ng biodiversity, natutuyot ang mga sapa, lawa at mga
dalampasigan, nagsimula naman malanta at masira ang mga halaman at puno sa kagubatan
maging sa ibang lugar nang lumisan ang mga nagaalaga dito. Mauubos rin ang mga coral reefs
at iba pang naninirahan sa ilalim ng karagatan.
Kung malaki ang epekto nito sa kapaligiran, doble naman ang ibinubunga nito sa mga
tao. Ilan sa mga ito ay ang pagkaubos ng mga likas na yaman na mapagkukunan natin, tulad ng
mga mapagkukunan ng prutas, karne, isda at marami pang iba. Umaaray din ang agrikultura
nang dumiretso ang pagbagsak nito dahil sa extinction crisis dulot rin ng pagkawala ng mga likas
na yaman.

PAKINGGAN ANG KANILANG HUNI


Huwag lang tayong tumayo basta basta at magtengang kawali, sa halip ay buksan ang
mata at tenga para sa hiling at sigaw ng kapaligiran. Isalba natin ito hangga't maaga pa bago pa
upang magpatuloy ang buhay at pagasa ng ating mundo. Ilan sa mga paraan upang matugunan
natin ang umiiyak na kapaligiran bilang isang mamamayan ay;
• Pagiwas sa paggamit ng dinamita na dahilan ng pagkamatay ng mga species sa ilalim ng
karagatam
• Pagtatanim ng halaman at puno
• Pagpapatigil sa deforestation o pagpuputol ng mga puno sa kagubatan
• Pagiwas sa pagtapon ng basura sa karagatan na dahil napagkakamalang pagkain ng mga isda
ang mga basurang itinatapon natin.
• Pagbabawas sa paggamit ng plastic
• At pagsasabuhay ng 5Rs o reuse, reduce, recycle, repair, recover
HULING BULAKLAK AT KANDILA
Lahat ng bagay sa mundo ay lilisan, kaya mas magandang umalis nang may naitulong ka
sa kapaligiran. Kung ang mga nagkakaroon nga ng COVID-19 ay gumagaling, kaya rin natin
pahilumin nang sama sama ang kalikasan. Sama sama nating pigilan ang extinction crisis upang
hindi na natin kailangan magsindi ng kandila at magalay ng bulaklak para sa mga lilisan na
angkan sa hinaharap.

KABUUAN:

 Maayos na ‘yung article mo, ang nagkaroon lang ng problema ay doon sa Headline. Diba
sinabi ko na kapag gagawa tayo ng headline dapat na maging creative na tipong
mapupukaw mo ‘yung atensyon ng mambabasa.
 Doon naman sa 1st paragraph mo, maganda siya kasi iniugnay mo siya sa undas. Hindi mo
lang ata nabasa ulit ‘yung bandang part na ‘yan kasi may naulit na salita kaya pinalitan ko ng
kasingkahulugan niya.
 Doon naman sa 3rd paragraph, naulit mo na ipinakilala ‘yung endangered species. Kapag
naipakilala mo na ‘yung topic sa second paragraph, hindi mo na need na ipakilala pa siya ulit
kasi medyo nakakaumay tignan kapag gano’n kaya may tinanggal ako na part.
 Bago ang huling talata, pwede ka pa maglagay ng isang talata kung saan nakasaad kung
anong maaaring maging solusyon o aksyon ng pamahalaan ukol dito. Kasi diba, hindi lang
naman ang mamamayan ang may pananagutan sa isyu na ito kundi maging ang
pamahalaan.
 Sa last paragraph, maganda na siya pero dapat naglagay ka ng parang pahapyaw na
solusyon, halimbawa na lang ng pagkakaroon ng disiplina ganiyan. Tsaka tandaan, sa
paggawa ng subhead, 2-4 paragraph, so dapat sa huling talata idagdag mo ‘yung sinabi ko
tungkol sa aksyon ng pamahalaan.
 Maganda na ‘yung article mo, kakaunti na lang ang mali. Keep improving! 

You might also like