You are on page 1of 41

7

Modyul sa
Araling Panlipunan
Unang Markahan – Linggo Blg. 5 – 8
7
Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 5
Mga Suliraning
Pangkapaligiran sa Asya
Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 5: Mga Suliraning Pangkapaligiran sa Asya
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla, CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala/Nanunuparang Hepe: Jay F. Macasieb, DEM, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Sheryl V. Castro

Editor: Ma. Victoria P. Alvaro


Tagasuri: Michael M. Mercado
Michael V. Lorenzana
Ronald M. Ganiban
Tagaguhit: Jhoseplex M. Inocalla
Tagalapat: Maria Katherine T. Estrella
Tagapamahala:
Neil Vincent C. Sandoval
Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Michael M. Mercado
Pandibisyong Tagamasid, Araling Panlipunan

Inilimbag sa Pilipinas ng
Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng Pamahalaang Lokal ng Makati
(Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office- Makati City


Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo,
City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 888-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph

ii
Alamin
Ang modyul na ito ay isinulat ng may-akda
upang matutuhan mo ang paksang “Mga
Suliraning Pangkapaligiran sa Asya”.

Ang modyul na ito ay nahahati sa tatlong


aralin. Ito ay ang sumusunod:
Aralin 1 – Kahulugan ng
Timbang/Balanseng
Kalagayang Ekolohikal
Aralin 2 – Mga Napapanahong Suliraning
Pangkapaligiran sa Asya
Aralin 3 – Mga Pamamaraan ng Pangangalaga ng Timbang na Kalagayang
Ekolohikal

Sa pagtatapos ng iyong pag-aaral sa modyul na ito ay inaasahang makakamit mo


ang sumusunod na pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto (most essential
learning competency - MELC) at mga kaugnay na layunin:
1. Naipaliliwanag ang kahulugan ng timbang na kalagayang ekolohikal;
2. Natatalakay ang iba’t ibang suliraning pangkapaligiran sa Asya;
3. Naipahahayag ang kahalagahan ng pangangalaga ng timbang (balanse) na
kalagayang ekolohikal (MELC); at
4. Nakabubuo ng pamamaraan upang mapanatili ang timbang na kalagayang
ekolohikal.

Subukin
Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang napiling titik sa hiwalay na papel.
1. Ito ay pagkasira ng lupa dahil sa paglitaw ng asin sa ibabaw nito.
A. overgrazing B. red tide C. salinization D. siltation

2. Ito ay tumutukoy sa mabilis na pagbabago ng mga pook rural tungo sa moderno


at progresibong mga pook.
A. climate change B. desertification C. overgrazing D. urbanisasyon

3. Ito ay tumutukoy sa mga organismo, hayop o halaman na naubos na at hindi na


makikita pa kahit kailan sa daigdig.
A. endangered B. endemic C. extinct D. poaching

4. Alin sa sumusunod ang kabilang sa tinatawag na greenhouse gas?


A. Chloroflourocarbon B. Green Gas C. Liquified Petroleum Gas D.
Oxygen

5. Ang sumusunod na pahayag ay nagpapakita ng bunga ng mabilis na


urbanisasyon sa mga bansa sa Asya maliban sa isa, ano ito?
A. Lumaki ang pangangailangan sa mapagkukunan ng pagkain at inuming
tubig.
B. Lumabis na pangangailangan sa mga troso upang gawing mga
kabahayan.
C. Tumaas ng antas ng asin sa lupa na nagresulta sa pagkontamina ng
mga inuming tubig.
D. Lumala ang polusyon sa hangin, lupa at mga ilog na dinadaanan ng mga
tubo mula sa mga pabrika ng tunawan at pagawaan ng mga lata at
bakal.

1
Modyul Mga Suliraning
5 Pangkapaligiran sa Asya
Ang Asya ay biniyayaan ng iba’t ibang mga likas na yaman na bumubuhay sa
lahat ng mga naninirahan dito. Dahil ang mga tao, hayop, at halaman ay nakadepende
sa isa’t isa. Mahalagang panatilihin ang balanseng kalagayan ng ekolohiya ng Asya.

Balikan
Batay sa nakaraang
aralin, tinalakay ang Asya
na sagana sa iba’t ibang
likas na yaman. Alalahanin
ang iyong natutuhan at
sagutin ang tsart sa ibaba.
Gawin ito sa kuwaderno.

Tuklasin

Suriin
Ang Timbang na Kalagayang Ekolohikal
• Dahil sa lawak ng lupain ng Asya ay maituturing na
sagana ito sa iba’t ibang species ng halaman at
hayop. May mga species na endemic o tanging sa
Asya lamang matatagpuan.
• Tinatawag na timbang na kalagayang ekolohikal
ang pagkakaroon ng balanseng ugnayan ng mga tao,
hayop, halaman, at iba pang organismo sa kanilang natural na tirahan. Ito rin
ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng sapat na dami ng iba’t ibang uri ng
species sa isang likas na sistema ng ekolohiya. Subalit, ang saganang kapaligiran
at ang timbang na kalagayang ekolohikal ay unti-unting nanganganib dahil sa
iba’t ibang suliraning nararanasan ng mga bansa sa Asya.

2
Mga Napapanahong Suliraning Pangkapaligiran sa Asya
• Ayon sa pag-aaral ni Howes at Wyrwoll (2012), ang mga Asyano ay nahaharap sa
apat na pangunahing suliraning pangkapaligiran. Ito ay ang pagkasira ng lupa
at pagkaubos ng mga kagubatan, krisis sa tubig, polusyon sa hangin, at banta
ng climate change.
PAGKASIRA NG LUPA AT PAGKAUBOS NG MGA KAGUBATAN
• Salinization. Ang salinization ay ang pagtaas ng konsentrasyon ng asin sa
ibabaw ng lupa. Nangyayari ang salinization tuwing inaanod ang tubig na mula
sa dagat o tubig alat mula sa ilalim patungong ibabaw. Dahil marahil sa climate
change, mas tumataas ang lebel ng tubig sa dagat na
nagiging daan upang mas lalong mapabilis ang problema sa
salinization. Isa pa sa dahilan ng salinization ay ang maling
proseso ng irigasyon at ang labis na pagkuha ng tubig mula
sa ilalim ng lupa kung kaya’t naiiwan ang mga mineral
tulad ng asin sa lupa.
• Ang pagdami ng asin sa lupa ay nagiging daan upang
masira ang mga pananim at maging kontaminado ang mga
inuming tubig. Ang suliraning ito ay nagdulot ng mas lalong
paghihirap ng maraming Asyanong umaasa sa pagsasaka.
• Desertification. Ito ay proseso ng natural o gawa ng tao kung saan
nababawasan ang kapakinabangan ng lupa dahil sa labis na pagkatuyo nito.
Tinawag ito na desertification dahil nagmistulang disyerto at tigang ang mga
dating matabang lupain. Ang labis na pagkatuyo ng lupain
ay dulot ng pag-init ng temperatura ng daigdig dahil sa
climate change, pagkakalbo ng mga kagubatan,
urbanisasyon, labis na pagpapastol o overgrazing, maling
sistema ng irigasyon at hindi maayos na polisiya ng
pamahalaan. Dahil sa desertification, nagdulot ito nang labis
na kahirapan dahil hindi makapagsaka ang mga
mamamayan, sakit at taggutom, at migrasyon ng mga tao
mula sa pook rural patungong pook urban.
• Maliban sa pagkasira ng lupa, isa sa mga seryosong
suliranin ng Asya ay ang pagkaubos ng mga gubat tinatawag na deforestation.
• Ang mabilis na urbanisasyon, mataas na pangangailangan sa mga troso,
pagkakaingin at labis na pagsasaka ay ilan sa mga dahilan ng pagkasira ng
kagubatan. Ang pagkaubos ng mga kagubatan ay nagdudulot ng malaking
pagbaha, pagkatuyo ng lupa, polusyon sa hangin, pagkaubos ng mga hayop o
extinction. Sinasabing malaking ambag din sa paglala ng climate change ang
pagkaubos ng mga kagubatan dahil ang mga puno ay nakatutulong upang
mapanitili ang balanseng temperatura ng daigdig.

KRISIS SA TUBIG
• Ang tubig ay isa sa napakahalagang pangangailangan ng tao. Nakalulungkot na
malaman sa pag-aaral ng International Institute for Systems Analysis (IISA)
noong 2018, aabot sa apatnapung porsiyento o halos 2 bilyong Asyano ang
magkakaroon ng labis na kakulangan sa suplay ng nalinis na tubig sa taong
2050. Ang krisis sa tubig ay dahil sa sumusunod:
• Labis na pangangailangan sa tubig dahil sa mabilis na paglaki ng populasyon.
Mas maraming tubig ang nagagamit at nasasayang araw-araw dahil sa mga
gawain at pangangailangan ng tao.
• Ang pag-init ng daigdig bunga ng global warming ay nagiging dahilan upang
bumilis ang proseso ng ebaporasyon at madalang na pag-ulan. Kapansin-pansin
ito sa pagkatuyo ng mga dam at mga ilog.
• Polusyon. Ito ay bunga ng pagtatapon ng mga pagawaan ng kanilang dumi sa
tubig, pagdami ng mga pamilyang naninirahan malapit sa mga anyong tubig at
walang maayos na sistema ng palikuran na nagiging daan upang maging
kontaminado ang tubig.
• Ang maling sistema ng irigasyon at pag-iimbak ng tubig ay isa ring dahilan
ng pagkaubos ng suplay nito. Dahil sa hindi tamang pasilidad, maraming tubig
ang nasasayang at hindi nagagamit ng mga mamamayan. Maliban sa mga tao,
isa ring nangangailangan ng saganang suplay ng tubig ay ang sektor ng
agrikultura. Ang labis na pagkuha ng mga tubig sa ilalim ng lupa ay nagiging
3
dahilan upang humalo ang ibang mineral tulad ng asin sa tubig tabang na
nagdudulot ng kontaminasyon nito.
• Dahil sa urbanisasyon, kinakailangang putulin ang mga puno sa mga kagubatan
upang gawing mga kabahayan. Sa mga pook urban din nagdagsaan ang mga tao
kung kaya’t mas lumaki ang pagkonsumo sa tubig.
• Deforestation. Ang pagkaubos ng mga kagubatan ay nagdulot ng pagkatuyo ng
lupa dahil nawalan ng kakayahan ang mga lupa na magpanatili ng tubig.

POLUSYON SA HANGIN
• Ang polusyon sa hangin ay ang paghahalo ng mga
nakalalasong sangkap na maaaring gawa ng tao o mula sa
kalikasan. Ang polusyon sa hangin ay maaaring sa
pamamagitan ng natural na pamamaraan tulad ng
pagsabog ng bulkan o kaya ay kapag nagkakaroon ng wild
fire. Subalit karamihan sa mga ito ay kagagawan ng tao.
• Ilan sa pangunahing dahilan ng matinding polusyon ng
hangin sa Asya ay ang pagkakalbo ng mga kagubatan na hindi lamang nakasama
sa mga hayop na nakatira rito, ito rin ay nakapagpalala sa problema sa hangin.
Ang modernisasyon at urbanisayon ay isa ring aspekto na dapat tingnan sa
paglala ng polusyon sa hangin. Kaakibat ng pag-unlad ng mga bansa ay ang
pagkakaroon ng maraming sasakyan sa kalsada na hindi lamang nakakadagdag
sa bigat ng trapiko kundi sa paglala ng polusyon.
• Sa Kanlurang Asya, kung saan ang pangunahing
pinagkukunang yaman ay langis, ay humaharap din sa
matinding problema sa polusyon sa hangin. Kinakailangang
sunugin ang mga fossil fuel upang makalikha pa ng ibang
produktong petrolyo.

CLIMATE CHANGE
• Ang Climate Change ay hindi pangkaraniwang pagbabago ng klima sa iba’t ibang
panig ng mundo. Ito ay bunga ng mga nagpatong-patong na greenhouse gases
na nanatili sa atmospera kung saan ang init na nagmumula sa araw ay nakulong
at hindi makalabas ng daigdig. Tinatawag ang prosesong ito na greenhouse
effect. Ang greenhouse gases ay binubuo ng water vapor, carbon dioxide na gas
na nagmumula sa mga tao at hayop at pagsabog ng mga bulkan, methane gas
na mula sa mga nabubulok na basura at mga dumi ng tao at mga hayop, nitrous
oxide ay gas na mula sa mga fertilizer at pesticide, pagsusunog ng biomass at
fossil fuel, at chloroflourocarbons na nakukuha sa paggamit ng mga kagamitan
tulad ng air conditioning unit at refrigerator.
• Ang climate change ay bunsod ng global warming o pagtaas ng temperatura sa
mundo. May ilang bahagi ng mundo ang nakararanas ng matinding tag-init at
tagtuyot tulad ng nangyari sa India noong 2019 kung saan naitala ang
pinakamainit na temperatura na umabot sa 51 ֯C. Samantala, nararanasan
naman ang mga hindi pangkaraniwang pagbagyo tulad ng bagyong Yolanda na
ikinasawi sa mahigit 6000 katao noong 2013.

Mga Pamamaraang Isinagawa ng Ilang mga Bansang Asyano Upang


Mapanatili ang Timbang na Kalagayang Ekolohikal

• Tinatayang 40 porsiyento ng bakawan o mangrove sa mundo ay nasa Asya. Ito


ay tirahan ng mga isda at iba pang hayop, at nagbibigay ng natural na
proteksiyon sa malalakas na alon, pagpigil sa erosyon ng lupa at pagprodyus ng
sariwang hangin. Ang Mangrove Action Project (MAP) ay isang aktibong
samahang naglalayong protektahan at panatilihin ang mga bakawan sa Asya.
Maraming bansa sa Asya tulad ng Pilipinas, Thailand, India, at Cambodia ay
nagsasagawa ng preserbasyon ng mga bakawan.
• Upang labanan ang climate change, may mga bansang Asyano ang nagsagawa
ng pagtatanim ng mga punongkahoy sa mga pook urban o urban forest (muling
pagsasagubat ng mga lungsod). Halimbawa nito ay ang Singapore at Malaysia.

4
• Naglunsad ang Pakistan ng proyektong tinatawag na “Billion
Tree Tsunami” kung saan layunin ng pamahalaan nito na
makapagtanim ng 10 bilyong puno sa loob ng limang taon.
Naniniwala ang kanilang pamahalaan na ang pagtatanim ng mga
puno ay makalulutas sa kanilang problema sa mabilis na
pagguho ng mga lupa, pagbaha, mainit na temperatura at
mahabang tagtuyot.
• Dahil sa deforestation, nagsagawa ang ilang bansa ng afforestation o
pagtatanim ng mga punong kahoy upang makalikha ng panibagong kagubatan
tulad ng China.
• Sa Japan, nirecycle nito ang mga basurang electronics upang
gawing medalya para sa Tokyo 2020 Olympics. Tinawag ito na
“Medal Project”.
• Maliban sa mga nabanggit na solusyon sa itaas, maaari ring
mapanatili ang timbang na kalagayang ekolohikal sa
pamamagitan ng sumusunod na paraan:
• Magtanim ng mga puno at halaman. Sinasabing ang isang
malusog na punongkahoy ay katumbas ng 10 air conditioning
unit ng naibibigay na lamig.
• Magtipid sa tubig. Limitahan ang oras ng pagligo, gumamit ng
baso sa pagsisipilyo upang hindi maaksaya ang tubig. Kung
kinakailangan, i-recycle ang mga gamit na tubig at gamitin sa
iba pang bagay.
• Limitahan ang paggamit ng sasakyan. Sa halip na sumakay,
maaaring maglakad kung malapit lang naman ang pupuntahan. Maaari rin
namang gumamit ng bisikleta o iba pang alternatibo. Sumakay sa mga
pampublikong sasakyan o kaya naman ay mag-carpooling.
• Iwasan ang pag-aaksaya ng pagkain. Ang mga pagkaing natatapon ay napupunta
sa mga tambakan ng basura at kalaunan kapag nabulok ay naglalabas ng
methane gas.
• Ugaliing patayin at tanggalin sa saksakan ang mga kasangkapan na hindi na
ginagamit tulad ng telebisyon, computer, ilaw at iba pa upang makatipid sa
koryente. Makiisa sa “Earth Hour” kung saan papatayin ang mga ilaw at iba pang
kagamitan sa loob ng isang oras. Sa pamamagitan nito ay nakatutulong upang
maibsan ang epekto ng global warming.
• Iwasan ang paggamit ng single-use plastic. Ang plastic pollution ay seryosong
suliranin ng daigdig dahil ang isang plastic ay aabutin ng 1,000 taon bago
mabulok. Kung maaari, gumamit ng mga lalagyan tulad ng baunan ng pagkain,
sariling lalagyan ng tubig at kubyertos, at eco-bag kung mamimili.
• Gumamit ng mga energy-efficient na gamit tulad ng LED bulbs. Hindi lamang ito
nakatutulong sa kalikasan kundi nakatitipid pa sa koryente.
• Kumain ng gulay at prutas at limitahan ang pagkain ng karne. Ayon sa pag-
aaral, mahigit 460 galon ng tubig ay katumbas ng ¼ kilo ng karneng baka.
Maliban dito, ang mga hayop tulad ng baka ay naglalabas ng methane na isang
uri ng greenhouse gas.
• Mag-recycle at gumamit o bumili ng mga produktong eco-friendly tulad ng mga
gamit na recycled, reusable straw, cloth diaper at iba pa. Bumili ng mga gamit
na matibay at pangmatagalan nang sa gayon ay maiiwasan ang madalas na
pagbili ng mga gamit at mabawasan ang basura.
• Sumali sa mga organisasyon ng paaralan at komunidad na nangangalaga sa
kalikasan. Hikayatin ang mga kaibigan at mga kakilala na makiisa sa mga
ganitong gawain.

Pagyamanin

Pagkatapos mong maunawaan ang aralin tungkol sa “Mga Suliraning Pangkapaligiran sa


Asya”, masasagot mo ba ang mga gawain? Simulan mo na.

5
Gawain 5.1
Suliranin-Dahilan-Epekto Tsart. Punan
ang tsart batay sa binasang teksto.
Pagkatapos ay sagutin ang tanong sa
ibaba. Gawin ito sa isang buong papel.

Ano ang mahalagang gampanin mo


bilang Asyano sa iyong kapaligiran?
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________

Isaisip

Gawain 5.2
Tinalakay sa modyul na ito ang mga
suliraning pangkapaligiran sa Asya.
Unawain ang sumusunod na tanong
at sagutin ang mga ito.

Isagawa

Gawain 5.3
Campaign Brochure. Magkakaroon ng “Care for the Environment Campaign” ang
inyong barangay. Hinihikayat ang lahat na lumahok sa programang ito. Bilang isang
responsableng mamamayan, nais mong makibahagi sa gawaing ito. Naatasan ka at ang

6
iba pang mga kabataan na gumawa ng mga babasahin patungkol sa mga suliraning
pangkapaligiran at ang wastong pangangalaga nito.
Ikaw ay gagawa ng isang brochure na iyong ipamamahagi sa mga kasama mo
sa inyong tahanan. Upang maisagawa ang gawaing ito kailangan mong gawin ang
sumusunod:
1. Magsaliksik ng mga suliraning pangkapaligiran sa inyong
barangay.
2. Kumuha ng mga angkop na larawan o sariling guhit at lagyan
ito ng deskripsiyon.
3. Tiyaking malinaw ang mensahe at nilalaman ng iyong brochure
upang madali itong maunawaan ng mga makababasa.
4. Itala ang kahalagahan ng ugnayan ng tao at kapaligiran batay
sa iyong nasaliksik.
5. Isaalang-alang ang mga pamantayan ng pagmamarka sa ibaba
bilang iyong gabay.
Rubriks sa pagmamarka ng gawain:
Pamantayan Puntos
Kompleto at wasto ang mga nakalap na impormasyon. 10
Buong husay na naipakita ang mensahe ng epekto ng pagkasira ng
10
kalikasan at ang kahalagahan ng wastong pangangalaga nito.
Makabuluhan at makatotohanan ang mga larawang nakalagay. 10
Kabuuan 30

Tayahin
Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang mga sagot sa hiwalay na papel.
1. Ano ang tawag sa labis na pagkatuyo ng mga dating matatabang lupaing dulot
ng pag-init ng temperatura ng daigdig?
A. Desertification
B. Salinization
C. Siltation
D. Urbanisasyon
2. Alin sa sumusunod ang programang inilunsad ng Japan upang mabawasan ang
basurang electronics?
A. Award Project
B. Electronic Waste Management Project
C. Medal Project
D. Zero-Electronic Use Project
3. Ang sumusunod ay kabilang sa greenhouse gases maliban sa______.
A. Carbon Dioxide C. Oxygen
B. Methane Gas D. Sulfur Oxide
4. Bilang kabataan, paano mo maipahahayag sa ibang tao ang kahalagahan ng
pangangalaga ng balanseng kalagayang ekolohikal?
A. Alagaan ang mga hayop na may karamdaman.
B. Isuplong sa pamahalaan ang mga nagtatapon ng basura.
C. Mag-post sa social media ng mga impormasyon tungkol sa epekto ng hindi
tamang pangangalaga ng kalikasan.
D. Magpunta sa mga kalbong bundok at magtanim ng mga puno upang
muling mabuhay ang mga nasirang kagubatan.
5. Anong titik ang nagpapakita ng suliranin sa lupa na bunga ng salinization?
A. Larawan A
B. Larawan B
C. Larawan C
D. Larawan D

A B C D

7
Karagdagang Gawain

Gawain 5.4
Anong Nangyari? Kung may pagkakataon, pumili ng isang video at panoorin ito sa
YouTube at sagutin ang mga gabay na tanong.

A. Aral Sea: The sea that dried up in 40 years - BBC News


https://www.youtube.com/watch?v=5N-_69cWyKo

B. The Yamuna, India's most polluted river


https://www.youtube.com/watch?v=eHCaIvPN2rY

C. Excerpt from "Hope in a Changing Climate"

https://www.youtube.com/watch?v=yl-MFfVhTuM

Mga Tanong:
1. Ano ang ipinakikitang suliraning pangkapaligiran sa video? Ano ang sitwasyon bago
naganap ang suliranin?

2. Ano ang mga dahilan ng suliraning ito?

3. Paano nakaaapekto ang suliraning pangkapaligirang ipinakita sa video sa


pamumuhay ng mga tao?

4. Magbigay ng mga hakbang na ginawa ng mga mamamayan o pamahalaan upang


masolusyunan ang kanilang suliranin.

5. Sa iyong palagay, may pag-asa pa bang matapos ang mga suliraning


pangkapaligiran? Ipaliwanag.

8
7
Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 6
Ugnayan ng Tao at
Kapaligiran
Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 6: Ugnayan ng Tao at Kapaligiran
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla, CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala/Nanunuparang Hepe: Jay F. Macasieb, DEM, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Michael V. Lorenzana

Editor: Lorna June S. Vallano


Tagasuri: Michael M. Mercado
Tagaguhit: Jhoseplex M. Inocalla
Tagalapat: Michael M. Mercado
Tagapamahala:
Neil Vincent C. Sandoval
Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Michael M. Mercado
Pandibisyong Tagamasid, Araling Panlipunan

Inilimbag sa Pilipinas ng
Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng Pamahalaang Lokal ng Makati
(Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office- Makati City


Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo,
City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 888-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph

ii
Alamin

Ang modyul na ito ay isinulat ng may-akda upang matutuhan mo ang paksang


“Ugnayan ng Tao at Kapaligiran”.

Ang modyul na ito may isang aralin. Ito ay ang sumusunod:


Aralin 1 – Ugnayan ng Tao at Kapaligiran

Sa pagtatapos ng iyong pag-aaral sa modyul na ito ay inaasahang makakamit mo


ang sumusunod na pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto (most essential
learning competency - MELC) at mga kaugnay na layunin:
1. Naipaliliwanag ang mahalagang ugnayan ng tao at ng kaniyang kapaligiran;
2. Nasusuri ang ugnayan ng tao sa kaniyang kapaligiran; at
3. Napahahalagahan ang ugnayan ng tao at kapaligiran sa paghubog ng
kabihasnang Asyano (MELC).

Subukin

Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang napiling titik sa hiwalay na papel.
1. Ito ang pinakamahalagang salik sa paghubog ng isang kabihasnan sa isang
lugar. Ano ito?
A. dagat
B. ilog
C. kapatagan
D. tao
2. Seryoso ang magiging epekto ng patuloy na pagkasira ng kapaligiran dahil sa
maling paggamit at pagmamalabis sa kapaligiran. Alin sa sumusunod na
pahayag ang nagpapatunay nito?
A. Paglinang ng mga tao sa mga yamang likas.
B. Wastong paggamit ng mga pinagkukunang yaman ng bansa.
C. Karaniwang pagkaubos ng likas na yaman at matinding sakuna ang
epekto ng kawalan ng pagmamalasakit sa kapaligiran.
D. Lahat ng nabanggit.

1
3. Ang sumusunod na pahayag ay nagpapakita ugnayan sa pagitan ng tao at
kapaligiran maliban sa isa. Ano ito?
A. Pagbuo ng iba’t ibang uri ng kabuhayan ng mga taong nakabatay sa
kaniyang kapaligiran.
B. Pagkasira ng mga pinagkukunang yamang likas dahil sa hindi wastong
paggamit sa mga ito.
C. Pagbabago sa kalagayan ng kapaligiran upang maiwasan ang mga
panganib sa pamumuhay ng mga tao.
D. Pagsasagawa ng mga taong baguhin ang kaniyang kapaligiran upang
maging angkop ito sa kaniyang pangangailangan.
4. Bakit mahalaga ang ugnayan ng tao at kapaligiran?
A. Upang maging maunlad ang pamumuhay.
B. Upang maihanda ang kinabukasan ang mga tao.
C. Upang mapanatili ang mabuting kalagayan ng kapaligiran.
D. Upang mapakinabangan ng kapaligiran ang pagbabagong ginawa ng mga
tao.
5. Paano naipakikita ang ugnayan ng tao at kapaligiran?
A. May mga paraan ang kapaligiran upang matuwa ang tao.
B. May kakayahan ang kapaligirang makiangkop sa mga tao.
C. Walang ugnayang nagaganap sa pagitan ng tao at kapaligiran.
D. Umangkop ang pangangailangan ng tao batay sa kaniyang kapaligiran.

Modyul
Ugnayan ng Tao at
6 Kapaligiran
Maraming kinakaharap na suliraning pangkapaligiran ang mga bansa sa Asya
na nakaaapekto sa uri ng pamumuhay ng mga Asyano. Sa kabilang banda, mahalaga
ang papel na ginagampanan ng ugnayan ng tao sa kaniyang kapaligiran. Makatutulong
ang maayos na ugnayang ito upang mahubog, malinang, at mapaunlad ang lipunang
ginagalawan ng mga tao at mapangalagaan ang kanilang kapaligiran.

Balikan
Batay sa nakaraang aralin, tinalakay mo ang Asya na humaharap sa iba’t ibang
hamon bunsod ng nagpapatuloy at lumalalang mga suliraning pangkapaligiran.
Kompletuhin ang nilalaman ng dayagram.

2
Tuklasin

Bago mo simulan ang pagtalakay sa bagong


aralin, tukuyin ang kaugnayan ng maaaring
sagot sa bawat tanong sa kahon. Pagkatapos
ay iyong sagutan ang huling tanong.

Bakit maraming suliraning


pangkapaligiran ang kinakaharap ng
Asya?

Bakit hindi wasto ang paggamit ng mga


tao sa mga likas na yaman?

Bakit may kakulangan ang mga tao sa


kaalaman sa wastong paggamit ng mga likas
na yaman?

Suriin
• Mahalaga ang ugnayan ng tao at ng kaniyang kapaligiran. Napatunayan ang Asya
bilang isang kontinenteng sagana sa likas na yaman. Nagkakaiba-iba man o
nagkakatulad ang mga taglay na kayamanang likas ng mga rehiyon sa Asya, hindi
kailanman magpapatuloy ang buhay ng mga Asyano kung mawawala ang mga likas
na yamang ito. Gayundin naman, ang pagkasira ng kapaligiran sa Asya ay tiyak na
magbubunga ng kahirapan sa pamumuhay ng mga Asyano at pagkawala ng
maraming buhay sa tao at maging ng iba pang species.
• Dahil dito, mahalaga ang wastong ugnayan ng tao at kaniyang kapaligiran. Hindi
maitatanggi na isa sa mahalagang ugnayan ng tao sa kaniyang kapaligiran ay ang
kakayahan ng mga taong linangin, gamitin, at baguhin ang kaniyang ginagalawang
kapaligiran. Kung ang isang pangkat ng mga Asyano ay naninirahan sa Kanlurang
Asya, nagiging lubhang mahalaga ang paglinang ng mga Asyano sa yamang mineral
na taglay ng nasabing rehiyon.

3
• Mahirap sa isang bansa ang maging maunlad kung ang
lupain nito ay pawang naglalakihang disyerto. Malaki ang
magiging kakulangan ng bansa sa pagkain at iba pang
pangunahing pangangailangan ng mga tao. Naging biyaya
sa Kanlurang Asya ang pagkakatuklas ng yamang langis sa
mga bansang kinabibilangan nito. Nagbigay-daan ang mga
produktong langis upang umunlad ang mga bansa sa
Kanlurang Asya dahil ang nasabing produkto ay
pangunahing pangangailangan ng maraming bansa.
Makikita ang ugnayan ng tao at kapaligiran sa halimbawang ito. Ipinagkakaloob ng
kapaligiran ang isang mahalagang yaman nito - ang langis na kapag nilinang at
ginamit ay magiging kapaki-pakinabang sa mga Asyano.
• Mahalaga ang ugnayan ng tao at kapaligiran sa aspekto ng
pangangalaga at pananatiling nasa mabuting kalagayan
ang kapaligiran. Pinatunayan sa mga nakaraang aralin
ang kakayahan ng mga tao na sirain, abusuhin, at
pabayaan ang kanilang kapaligiran.
• Seryoso ang magiging epekto ng patuloy na pagkasira ng
kapaligiran dahil sa maling paggamit at pagmamalabis sa
yamang dulot ng kalikasan. Karaniwang pagkaubos ng
likas na yaman at matinding sakuna ang epekto ng
kawalan ng pagmamalasakit sa kapaligiran. Kailangang sikapin ng bawat Asyano na
gampanan ang tungkuling pangalagaan at mahalin ang kapaligiran. Gayundin ang
pagtataguyod ng pamahalaan ng mga programa at batas na mangangalaga sa
kapaligiran ng sariling bansa.
• Ipinakikita rin ang mahalagang ugnayan ng tao at kaniyang kapaligiran sa pagtatag
ng mauunlad na pamayanan sa Asya. Tinatawag ang mga pamayanang ito bilang
mga kabihasnan. Umunlad ang mga unang kabihasnan sa Asya sa tabing ilog. Ito ay
dahil malaki ang pakinabang ng ilog sa pamumuhay ng mga sinaunang Asyano.
Halimbawa ng mga kapakinabangan sa ilog ay pangingisda, irigasyon sa sakahan, at
paraan ng transportasyon. Nangangahulugan lamang na matagumpay na naiangkop
ng mga sinaunang Asyano ang kanilang pamumuhay sa ibinibigay ng kanilang
kapaligiran. Idagdag pa rito ang wastong paglinang ng mga sinaunang Asyano sa
kanilang kapaligiran. Ito ang naging daan sa pagkamit nila ng maunlad at mahusay
na pamumuhay.

Pagyamanin

Pagkatapos mong maunawaan ang aralin tungkol sa “Kaugnayan ng Tao at


Kapaligiran”, masasagot mo ba ang mga gawain? Simulan mo na.

Gawain 6.1
Tao-Kapaligiran Dayagram. Kompletuhin ang dayagram sa pamamagitan ng
pagtala ng mga sitwasyong nagpapakita ng kahalagahan ng ugnayan ng tao at
kapaligiran. Gawin ito sa isang buong papel.

4
Isaisip

Gawain 6.2
Tinalakay sa modyul na ito ang kaugnayan ng tao at kapaligiran. Unawain ang
sumusunod na tanong at sagutin ang mga ito.

Kumusta mag-aaral? Sagutin


ang mga tanong sa pisara.

1. Ano-ano ang magiging bunga ng maayos na ugnayan


ng tao at kapaligiran?
2. Sa paanong paraan nagkakaroon ng ugnayan ang tao
sa kaniyang kapaligiran?
3. Bakit mahalaga ang ugnayan ng tao at kapaligiran?

4. Ano-ano ang iyong dapat gawin upang


mapangalagaan ang kapaligiran?
5. Bilang isang responsableng mag-aaral,
paano mo mapananatili ang maayos na
ugnayan ng tao sa kaniyang kapaligiran?

5
Isagawa

Gawain 6.3
My Community Plan. Ikaw ay inatasan ng Junior Geography Club ng inyong paaralan
na gumawa ng isang community plan na magpapakita ng maayos na ugnayan ng mga
tao sa kanilang kapaligiran. Upang maisagawa ang gawaing ito ay kailangan mong
gawin ang sumusunod na panuntunan:

1. Magsaliksik ng mga gawaing pangkabuhayan sa inyong barangay tulad ng


pamilihan, pagawaan, lugar-komersiyo at iba pa.
2. Maaaring kumuha o gumuhit ng mga angkop na larawan at lagyan ito ng
paglalarawan.
3. Maglagay ng mga angkop na pananda o label sa bawat larawan.
4. Maglahad ng mensahe sa bandang ilalim ng community plan na nagtatampok sa
ugnayan ng tao at kapaligiran.
5. Isaalang-alang ang mga pamantayan ng pagmamarka sa ibaba bilang iyong gabay.

Rubriks sa pagmamarka ng gawain:


Pamantayan Puntos
Kompleto at angkop ang mga nakalap o iginuhit na larawan,
10
impormasyon at mga pananda o label.
Wasto at napapanahon ang nilalaman ng mensahe tungkol sa
10
kahalagahan ng ugnayan ng tao at kapaligiran.
Maayos ang ipinakita o iginuhit na community plan na nagtatampok
10
sa ugnayan ng tao at kapaligiran.
Kabuuan 30

6
Tayahin
Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang mga sagot sa hiwalay na papel.

1. Anong sitwasyon ang nagpapakita ng mahalagang ugnayan ng tao at kaniyang


kapaligiran?
A. Hindi kailangang magtrabaho ni Marco dahil nakatira naman siya sa
condominium sa Makati.
B. Pangingisda ang kabuhayan ni Mang Manuel dahil malapit ang kaniyang
tirahan sa dagat.
C. Maaaring ubusin ang mga puno sa lugar ni Carlo dahil marami namang
puno sa gubat na malapit sa kanila.
D. Lahat ng sagot ay wasto.

2. Ang sumusunod ay nagpapakita ng ugnayan ng tao at kapaligiran sa Kanlurang


Asya maliban sa isa. Ano ito?
A. Ang langis na kapag nilinang at ginamit ay magiging kapaki-pakinabang
sa mga Asyano.
B. Naging biyaya sa Kanlurang Asya ang pagkakatuklas ng yamang langis sa
mga bansang kinabibilangan nito.
C. Nililisan ng mga taga-Kanlurang Asya ang kanilang lugar dahil sa
kakulangan ng taniman at inuming tubig bunsod ng pagiging disyerto nito.
D. Nagbigay-daan ang mga produktong langis upang umunlad ang mga bansa
sa Kanlurang Asya dahil ang nasabing produkto ay pangunahing
pangangailangan ng maraming bansa.

3. Alin sa sumusunod ang magiging resulta ng hindi maayos na ugnayan ng tao at


kapaligiran sa aspekto ng pangangalaga at pananatiling nasa mabuting
kalagayan ang kapaligiran?
A. Pagkasira ng mga likas na pinagkukunang yaman ng bansa.
B. Paglinang nang wasto sa mga pinagkukunang yamang likas ng bansa.
C. Pagdami ng bilang ng mapagkukunan ng pagkain at inuming tubig ng mga
tao.
D. Pagsagawa ng proteksiyon sa mga nanganganib na species ng mga
halaman, hayop at ibon.

4. Paano naipakikita ang ugnayan ng tao at kapaligiran?


A. Umaayon ang kapaligiran sa pangangailangan ng tao.
B. Walang nagaganap na ugnayan sa pagitan ng tao at kapaligiran.
C. Binabago ng tao ang kapaligiran upang matustusan ang kaniyang
pangangailangan.
D. Lahat ng nabanggit.

5. Bakit mahalaga ang ugnayan ng tao at kapaligiran?


A. Upang maipalaganap ang responsableng paglinang sa kapaligiran.
B. Upang maipagmalaki ng mga tao ang pag-unlad ng kanilang kapaligiran.
C. Upang maiangkop ang mga tao sa pangangailangan ng kanilang
kapaligiran.
D. Upang mapakinabangan ng tao ang mga pagbabagong nagaganap sa
kapaligiran.

7
Karagdagang Gawain

Gawain 6.4

TSK Chart. Buoin ang tsart batay sa magiging bunga ng mga sitwasyong nakatala sa
pangalawang kolum sa mga tao at kapaligiran. Gawin ito sa isang buong papel.

Tao Sitwasyon Kapaligiran

Pagputol ng mga puno

Maraming bilang ng mga


pinapastol na mga hayop

Pag-convert ng mga
sakahan upang maging
tirahan
Malalawak na taniman

Pag-reclaim sa bahagi ng
dagat upang gawing mall
o lugar-komersiyo

8
7
Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 7
Yamang Tao ng Asya
Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 7: Yamang Tao ng Asya
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla, CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala/Nanunuparang Hepe: Jay F. Macasieb, DEM, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Ariel C. Urmenita

Editor: Marlene Q. Ting


Tagasuri: Michael M. Mercado
Michael V. Lorenzana
Joy B. Cabonce
Tagaguhit: Teena Landayao
Jhoseplex M. Inocalla
Tagalapat: Maria Katherine T. Estrella
Tagapamahala:
Neil Vincent C. Sandoval
Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Michael M. Mercado
Pandibisyong Tagamasid, Araling Panlipunan

Inilimbag sa Pilipinas ng
Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng Pamahalaang Lokal ng Makati (Local
School Board)

Department of Education – Schools Division Office- Makati City


Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo,
City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 888-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph

ii
Alamin
Magandang araw sa iyo. Sa modyul na
ito ay pag-aaralan mo ang tungkol sa
kahalagahan ng populasyon at yamang tao ng
Asya. Aalamin mo rin ang iba’t ibang
katangian ng yamang tao na nakaaapekto sa
kaniyang kalagayan. Sinasabing ang tao ang
pinakamahalagang yaman ng bansa. Mula sa
tao ay mahuhubog ang iba pang yamang
makikita sa ating kapaligiran. Kung
magkakaisa at magtutulungan ang mga
Asyano ay mapauunlad nito ang kanilang
buhay at ang bansa sa pangkalahatan.
Tingnan ang larawan sa ibaba. Suriing mabuti
kung paano nakatutulong ang iba’t ibang lahi
ng tao para paunlarin ang bayang kanilang
sinilangan.

Ang modyul na ito ay nahahati sa dalawang aralin. Ito ay ang sumusunod:


Aralin 1 – Katuturan ng Populasyon at Yamang Tao
Aralin 2 – Katangian ng Yamang Tao (Dami ng Tao, Komposisyon ayon sa
Gulang, Inaasahang Haba ng Buhay, at Kasarian)

Sa pagtatapos ng iyong pag-aaral sa modyul na ito ay inaasahang makakamit mo


ang sumusunod na pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto (most essential
learning competency -MELC) at mga kaugnay na layunin:
1. Natutukoy ang kahulugan ng populasyon at yamang tao;
2. Natatalakay ang mga katangiang bumubuo sa yamang tao ng Asya;
3. Nasusuri ang komposisyon ng populasyon (at kahalagahan ng yamang tao) sa
Asya sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan sa kasalukuyang panahon
(MELC); at
4. Nabibigyang-halaga ang gampanin ng tao bilang yaman ng isang bansa.

Subukin
Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang napiling titik sa hiwalay na papel.
1. Ito ay bahagi ng populasyon na may kakayahang paunlarin ang kaniyang sarili
at bansang kinabibilangan.
A. karaniwang tao B. mayayamang tao C. populasyon ng tao D.
yamang tao
2. Ito ay dami o kapal ng tao sa isang lugar o bansa.
A. Alipin B. maharlika C. mamamayan D. populasyon
3. Ito ang tawag sa mga taong nasa edad 0 hanggang 14 taong gulang na
dumedepende sa mga naghahanapbuhay.
A. batang populasyon C. matandang populasyon
B. malakas na populasyon D. maliit na populasyon
4. Ito ang tawag sa mga taong nasa edad 60 at pataas na bahagi ng populasyon.
A. batang populasyon C. matandang populasyon
B. malakas na populasyon D. maliit na populasyon
5. Ang bansa sa Asya na may pinakamalaking bilang ng populasyon.
A. China C. Japan
B. India D. Pilipinas

1
Modyul

7 Yamang Tao ng Asya

Ikaw ba ay yaman ng ating bansa? Paano mo masasabi? Bawat mamamayan ay


maituturing na mahalagang salik sa kaunlaran ng bansang kaniyang kinabibilangan.
Ang bawat tao sa isang lugar ay may kaugnayan sa kasalukuyang kalagayan nito at sa
magiging kalagayan nito sa hinaharap.
Sa kasalukuyang panahon, ang tinatayang kabuoang populasyon ng daigdig ay
nasa 7.7 bilyong tao at ito ay patuloy pa sa paglaki. Ang 59.76 porsiyento nito ay mula
sa kontinente ng Asya. Kung susuriin ay napakabilis ang paglaki ng ating populasyon.
Bunga nito, mabilis din ang pagkonsumo sa ating kalupaan, kagubatan, katubigan, at
mga produktong bigay ng ating kapaligiran. Ipinakikita nito na kung walang gagawing
solusyon ang tao, patuloy lamang ang pagliit ng yaman ng kapaligirang lubos na
pinakikinabangan.

Balikan
Bawal ‘yan, Puwede ‘yan. Muling balikan ang iyong napag-aralan tungkol sa ugnayan
ng tao at kapaligiran. Sagutin ang pangungusap gamit ang salitang Bawal ‘yan kung ito
ay ipinagbabawal gawin sa ating kapaligiran at Puwede ‘yan kung maaari. Gumamit ng
hiwalay na papel sa iyong pagsagot.
_______ 1. Putulin ang puno upang ipanggatong at hindi na magtanim muli.
_______ 2. Linisin ang paligid araw-araw upang maging maganda ang paligid at sariwa
ang hangin.
_______ 3. Mangisda sa mga ilog at dagat gamit ang dinamita at iba pang explosive
material para maging marami ang huling isda at iba pang yamang dagat.
_______ 4. Pumunta sa kagubatan at hulihin ang mga hayop na nakatira doon.
_______ 5. Makisama sa mga kaibigang tutulong sa barangay upang maglinis ng kalsada
at itapon ang mga basura sa tamang lagayan.

Tuklasin

2
Suriin
Katuturan ng Populasyon at Yamang Tao
• Ang populasyon ay tumutukoy sa kabuoang dami ng tao sa isang lugar o bansa.
• Ang yamang tao ay bahagi ng populasyon na may kakayahang maghanapbuhay
upang paunlarin ang sarili at ang kaniyang bansa. Mahalaga ang kanilang
kontribusyon upang malinang ang mga yaman sa kapaligiran.

Mga Yamang Tao na Nagbibigay ng Serbisyo at Produkto

• Mahalaga ang gampanin ng tao bilang yaman ng bansa. Ang mga tao ang lumilinang
ng likas na yaman ng bansa. Sila rin ang gumagawa ng produkto at nagbibigay ng
serbisyo upang matugunan ang pangangailangan ng bawat isa. Ang mga tao ang
nangunguna sa pagpapaunlad ng bansa. Dahil dito, ang pamahalaan ay nagbibigay
ng iba’t ibang benepisyo para pangalagaan ang kalusugan, edukasyon, at seguridad
ng populasyon at yamang tao nito.
• Samantala, ang isa sa pangunahing
suliranin ng ating daigdig sa kasalukuyan ay
ang mabilis na paglaki ng populasyon. Ayon
sa datos ng United States Census Bureau
(2020), ang Asya ay may kabuoang
populasyong umaabot sa 4,641,054,775 at
patuloy pang tumataas. Bunga nito, ang
Asya ang may pinakamalaking populasyon
sa mga kontinente ng daigdig.
• Ang talahanayan ay nagpapakita ng
populasyon ng mga kontinente sa daigdig at
mga rehiyon ng Asya.

Katangian ng Yamang Tao

• Mahalaga ang gampanin ng mga tao bilang


yaman ng bansa. Ano ang mga katangian ng
yamang tao? Ilan sa mga ito ay dami ng tao,
gulang, haba ng buhay, at kasarian. Makikita
sa mga katangiang ito ang kalagayan ng bansa
sa aspekto ng populasyon at yamang tao.
Gayundin ang mga suliraning kaakibat ng
paglaki ng populasyon, mga solusyon, at
programang pampamahalaan. Tingnan ang
larawan at suriing mabuti ang ipinahihiwatig
nito.

3
• Dami ng Tao (Densidad) – Ito ay bilang ng mga taong nakatira sa tiyak na sukat
ng lupain. Natutukoy ang densidad kapag inalam ang dami ng tao sa bawat
kilometro kuwadrado o milya kuwadrado ng lupain.
• Ang Asya ay may densidad na 150 kilometro kuwadrado o kabuoang bilang na
387 katao kada milya kuwadrado. Dapat na isiping kabilang sa kabuoang lupain
ng Asya ang mga bundok, bulkan, at mga disyerto na karamihan ay hindi
maaaring tirhan ng mga tao. Dahil dito, may mga lupain kung saan napakalaki
ng populasyon. Halimbawa nito ay mga lugar na lambak at kapatagan.
• Komposisyon ayon sa Gulang – Ito ay binubuo ng batang populasyon at
matandang populasyon. Tinatawag ang populasyon bilang batang populasyon
kung ang malaking bilang ng tao sa bansa ay nasa 0 hanggang 14 taong gulang.
Ang matandang populasyon naman ay nasa 65 taong gulang pataas.
• Ang mga edad 16 hanggang 64 ay tinatawag na lakas paggawa o produktibong
populasyon. Sila ang naghahanapbuhay para suportahan at maibigay ang
pangangailangan ng mga bata at matandang populasyon. Sa Asya, may 36
porsiyento ng umuunlad na bansa ay may batang populasyon.
• Inaasahang Haba ng Buhay (life expectancy) – Ito ang karaniwang inaasahang
buhay ng tao sa mundo.
• Sa Asya, tinatayang mas mahaba ang buhay ng kababaihan kaysa kalalakihan.
Ang mga babae ay karaniwang nabubuhay ng hanggang 76.4 o 76 na taon
samantalang ang mga lalaki ay hanggang 72.1 o 72 taon lamang. Sa Pilipinas,
ayon sa United Nations Population Division, ang haba ng buhay ng mga lalaki ay
nasa 67.7 o 68 taon samantalang ang mga babae ay 75.9 o 76 na taon.
Samantala, mas mataas ang bahagdan na ito kumpara sa mga nakaraang taon.
Bunga na rin ng mas mataas na antas ng teknolohiya at mas mabisang mga
gamot na natutuklasan.
• Kasarian ng Populasyon – Ito ay may kinalaman sa bilang ng lalaking
ipinanganganak ng buhay kada bilang ng babaeng ipinanganganak ng buhay sa
isang lugar.
• Nagkakaroon ng suliranin kung hindi balanse ang bilang ng mga lalaki at babae
sa isang bansa. Maaaring magkaroon ng diskriminasyon sa kasarian at iba pang
suliraning pangkasarian.
• Sa paglaki ng populasyon, maraming suliranin ang maaaring kaharapin ng mga
bansang Asyano. Ilan dito ay pagtaas ng konsumo sa mga likas na yaman at
pagsisikip ng maraming lugar upang tirhan. Ang hanapbuhay ay maaapektuhan
din bunga ng pagdami ng taong kailangang magtrabaho. Bibilis din ang pagkalat
ng mga sakit o virus katulad ng COVID-19 dahil mabilis na nagkakahawaan ang
mga tao.

Pagyamanin
Pagkatapos mong maunawaan ang
aralin tungkol sa “Yamang Tao ng Asya”,
masasagot mo ba ang mga gawain? Simulan
mo na.

Gawain 7.1
Puwede na bang Lumabas? Sa loob ng
ilang buwan na panawagan ng pamahalaan
na bawal lumabas dahil sa pandemya, ikaw
ay nanatili sa loob ng iyong tahanan. Dahil
nag-comply ka at ang maraming
mamamayan, ay isipin nating natapos na
ang pandemya. Subukan mong ipakita sa
iyong magulang ang inyong barangay.
Pagkatapos ay itanong mo kung sino-sino
ba ang mga yamang tao na kaniyang nakita.
Isa-isahin at lagyan ng puso ang mga ito.

4
Gawain 7.2
Ayuda ni Juan. Sa panahon ng ECQ, nagbibigay ng mga ayuda ang pamahalaan sa
ating mga kababayan. Isa itong pagpapakita na mahalaga ang kanilang mamamayan.
Subalit hindi lamang sa ganitong panahon may benepisyo na ibinibigay ang ating
pamahalaan. Ang bawat indibidwal na nagbibigay ng kaniyang lakas-paggawa ay
sinusuklian ng benepisyo ng ating pamahalaan. Subukan mong alamin ang ilan sa mga
ito. Maaaring humingi ng tulong sa iyong magulang o sino mang miyembro ng iyong
pamilya. Pagkatapos ay isulat ang iyong sagot sa hiwalay na papel.

Isaisip

Gawain 7.3
Magtala Tayo. Matapos mong pag-aralan ang mga aralin tungkol sa “Yamang Tao ng
Asya” ay subukan mong sagutan ang sumusunod na tanong.

5
Isagawa

Gawain 7.4
Ang E-PASS Ko. Sa ngayon, ikaw ay isang karaniwang mag-aaral lamang. Ang nakikita
mong paraan ng pagtulong ay ang maayos mong pag-aaral at paggawa sa mga gawaing
bahay. Ngunit hindi dito nagtatapos ang tungkulin mo. Maaari kang maging isang
yaman ng bansa sa takdang panahon. At para matiyak mo ang bagay na ito ay gumawa
ka ng iyong plano sa buhay. Plano sa paraan ng pag-abot mo ng iyong tagumpay.
Samahan mo rin ito ng dasal upang may patnubay ka ng Maykapal. Gawin ito sa isang
buong papel.

6
Rubriks sa pagmamarka ng gawain:
Pamantayan Puntos
Kompleto at wasto ang planong isinulat na may kaugnayan sa paksa. 15
Mahusay at makatotohanan ang mga planong nabuo. 10
Malinis at maayos ang nagawa. 5
Kabuuan 30

Tayahin
Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang mga sagot sa hiwalay na papel.

1. Ang sumusunod ay kabilang sa yamang tao maliban sa isa. Ano ito?


A. bata
B. dyanitor
C. inhinyero
D. karpintero
2. Alin sa sumusunod na kontinente ang may malaking bilang ng populasyon?
A. Asya
B. Europa
C. North America
D. South America
3. Alin sa sumusunod na rehiyon ng Asya ang may maliit na populasyon?
A. Hilagang Asya
B. Silangang Asya
C. Timog Asya
D. Timog Silangang Asya
4. Ano ang suliraning dulot ng malaking populasyon?
A. Darami ang mga basura at mga kalat sa paligid.
B. Maaaring magkaroon ng maliit na oportunidad sa paghanap ng trabaho.
C. Magkakaroon ng malawakang pagkonsumo sa mga likas na yaman.
D. Lahat ng nabanggit.
5. Ano ang benepisyong ibinibigay ng pamahalaan para sa lakas paggawa o
mamamayang naghahanapbuhay sa bansa?
A. Mga bonus bilang dagdag sahod ng pamahalaan.
B. Nagbibigay ng suporta sa mga mamamayan na gusto pang makapag-
aral.
C. Pagkakaloob ng sahod o buwanang suweldo para sa manggagawang naka
maternity leave.
D. Lahat ng nabanggit.

7
Karagdagang Gawain

Gawain 7.5
S.A.P. (Sektor Ako ng Pag-unlad). Isipin mong ikaw ay miyembro ng Sangguniang
Kabataan o SK. Gusto mong makatulong sa mga suliranin ng inyong barangay. Ngayon
ay gagawa ka ng isang programa na magbibigay ng solusyon sa mga ito. Isa-isahin mo
ang iyong mga nakikitang suliranin sa iyong komunidad at isipin ang mabuting
programa para dito. Isulat ang iyong gawain sa isang buong papel.

Mga Suliranin

1.
2.
3.

Mga Programa

1.

Iginuhit ni Teena Landayao 2.


3.

8
7
Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 8
Yamang Tao ng Asya
Ikalawang Bahagi
Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 8: Yamang Tao ng Asya (Ikalawang Bahagi)
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla, CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala/Nanunuparang Hepe: Jay F. Macasieb, DEM, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Gloricen S. Gannaban

Editor: Lorna June S. Vallano


Tagasuri: Michael M. Mercado
Michael V. Lorenzana
Joy B. Cabonce
Tagaguhit: Jhoseplex M. Inocalla
Tagalapat: Maria Katherine T. Estrella
Tagapamahala:
Neil Vincent C. Sandoval
Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Michael M. Mercado
Pandibisyong Tagamasid, Araling Panlipunan

Inilimbag sa Pilipinas ng
Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng Pamahalaang Lokal ng Makati
(Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office- Makati City


Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo,
City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 888-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph

ii
Alamin

Magandang araw sa iyo. Sa modyul na ito ay


pag-aaralan mo ang iba pang komposisyon ng
populasyon at yamang tao ng Asya. Ibabahagi sa mga
araling nakapaloob dito ang kakayahan ng mga
Asyanong mapaunlad ang kani-kanilang bansa. Sa
kabilang banda, ang mabilis na paglaki ng
populasyon at kawalan ng hanapbuhay ng maraming
Asyano ay nakapagdudulot ng hindi mabuting
kalagayan ng kani-kanilang bansa.

Ang modyul na ito ay may isang aralin. Ito ay ang


sumusunod:
Aralin 1 – Iba Pang Komposisyon ng Populasyon

Sa pagtatapos ng iyong pag-aaral sa modyul na ito ay inaasahang makakamit mo


ang sumusunod na pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto (most essential
learning competency -MELC) at mga kaugnay na layunin:
1. Naipaliliwanag ang kaugnayan ng hanapbuhay, kita ng bawat tao, at literacy sa
mga bansang Asyano;
2. Nasusuri ang komposisyon ng populasyon (at kahalagahan ng yamang tao) sa
Asya sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan sa kasalukuyang panahon
(MELC); at
3. Nasusuri ang kahalagahan ng yamang tao sa Asya sa pagpapaunlad ng
kabuhayan at lipunan sa kasalukuyang panahon.

Subukin
Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang napiling titik sa hiwalay na papel.
1. Alin sa mga komposisyon ng populasyon ang nagpapakita ng pagiging maunlad
ng isang bansa batay sa kakayahan ng pamahalaang mamuhunan sa edukasyon
ng mga mamamayan nito?
A. GDP per capita C. Literacy Rate
B. Gross Domestic Product D. Uri ng Hanapbuhay
2. Alin sa sumusunod ang hindi pangangailangan sa lumalaking populasyon?
A. alahas B. edukasyon C. pabahay D. pagkain
3. Bakit mas maunlad ang bansa kung ito ay may mataas na kita ng bawat tao?
A. Maraming mamamayan nito ang kumikita sa labas ng bansa bilang mga
OFW.
B. Masigla ang kalakalan at negosyo sa bansa na tinutumbasan ng buong
populasyon nito.
C. Mas maunlad ang may mababang kita ng bawat tao kaysa sa may
mataas na kita ng bawat tao.
D. Walang wastong sagot.
4. Alin sa sumusunod ang taong may kamuwangan?
A. Hindi makapangatuwiran.
B. Marunong bumasa at sumulat.
C. Malayang naipagtatanggol ang sarili.
D. Naipahahayag ang saloobin.
5. Anong katangian ng isang bansang Asyano ang karaniwang nagpapakita ng
kaunlaran batay sa uri ng hanapbuhay ng mga tao?
A. agrikultural B. industriyal C. pagmimina D. pangingisda

1
Modyul
Yamang Tao ng Asya
8 Ikalawang Bahagi

Mahalaga ang yamang tao ng bawat bansa. Sa Asya, ang yamang tao ay isa sa
mahahalagang yaman ng bansa. Tulad ng iyong napag-aralan sa nakaraang modyul,
malaki ang bahaging ginagampanan ng yamang tao sa lahat ng mga bansang Asyano.
Tatalakayin sa araling ito ang iba pang komposisyon ng populasyon na nakaaapekto sa
pag-unlad ng isang bansa.

Balikan
Bubble Word. Isulat sa loob ng
mga bubble ang keyword o
mahahalagang salita na iyong
napag-aralan tungkol sa yamang
tao. Gawin ito sa iyong
kuwaderno. Pagkatapos ay
sagutin ang mga tanong sa ibaba.
Mga Tanong:
1. Bakit mahalaga ang mga salitang isinulat mo sa mga bubble?
2. Ano ang epekto ng mga salitang ito sa pag-unlad at hindi pag-unlad ng mga
bansang Asyano?

Tuklasin
Tukuyin ang ipinakikita ng larawan at ipaliwanag ang kaugnayan nito sa yamang tao.
Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.

Suriin

Maliban sa edad o gulang ng tao, kasarian, at inaasahang haba ng buhay ng


isang tao, may iba pang komposisyon ang populasyon na nakaaapekto sa kalagayan ng
isang bansa, maging ito man ay sa aspekto ng ekonomiya o lipunan. Malaki ang
kaugnayan ng mga ito sa pag-unlad ng mga bansang Asyano sa kasalukuyan.

2
Iba pang Komposisyon ng Populasyon
• Ang kaunlaran ng bansa ay maaaring ibatay sa komposisyon ng populasyon nito.
Dahil dito, mahalagang matutuhan mo ang mga katangian o komposisyon ng
populasyon ng mauunlad na bansa at mga bansang papaunlad pa lamang.
• Makikita sa talahanayan ang iba’t ibang komposisyon ng populasyon ng mga
bansang Asyano.
Talahanayan 1
Katangian ng Populasyon sa Asya

Bansa Populasyon Bahagdan ng Bahagdan Unemployment GDP Per


(2020) Marunong ng Rate Capita
Bumasa Migrasyon
Afghanistan 38,928,346 38.20 3.3 11.1 1,000
Armenia 2,963,243 99.70 -3.8 17.9 5,500
Azerbaijan 10,139,177 99.80 -1.1 4.8 10,300
Bahrain 1,701,575 95.70 16.1 3.9 27,900
Bangladesh 164,689,383 61.50 -1.6 4.2 735
Bhutan 771,608 64.90 0 3.4 6,200
Brunie 437,479 96.00 2.6 9.1 50,000
Cambodia 16,718,965 77.20 -0.3 0.7 2,200
China 1,439,323,77 96.40 -0.3 5.9 8,500
6
Georgia 3,989,167 99.80 -4.1 12.7 5,600
India 1,380,004,38 71.20 -0.1 23.5 3,700
5
Indonesia 273,523,615 93.90 -1.2 4.99 4,700
Iran 83,992,949 86.80 -0.1 10.4 13,200
Iraq 40,222,493 79.70 0 7.9 3,501
Israel 8,655,535 97.80 2.1 4.2 31,282
Japan 127,202,192 99.00 0 2.6 35,200
Jordan 10,203,134 95.40 -14.3 19.3 4,666
Kazakhstan 18,776,707 99.80 -3.3 4.8 13,200
North Korea 25,778,816 100.00 0 3.3 1,800
South Korea 51,269,185 99.00 2.3 4.5 32,150
Kuwait 4,270,571 96.30 0.7 2.17 62,664
Kyrgyzstan 6,524,195 99.50 -2.6 3.1 2,400
Laos 7,275,560 79.90 -1.2 0.6 2,700
Malaysia 32,365,999 94.60 -0.4 5 15,800
Maldives 540,544 99.30 -12.6 6.4 6,405
Mongolia 3,278,290 98.40 0 8.1 3,056
Myanmar 54,409,800 93,10 -0.3 1.6 1,310
Nepal 29,136,808 63.90 0.6 3.2 619
Oman 5,106,626 91.10 -0.5 3.1 25,221
Pakistan 220,892,340 57.90 -2.2 5.7 2,800
Philippines 109,581,078 96.30 -1.3 17.7 4,100
Qatar 2,881,053 97.30 -4.9 0.1 92,501
Saudi Arabia 34,813,871 94.70 5.7 N/A
Singapore 5,850,342 96.80 4.6 2.4 60,500
Sri Lanka 21,413,249 92.60 -2.2 4.5 5,700
Syria 17,500,658 86.40 -11.2 8.4 5,100
Tajikistan 9,537,645 99.80 -1.2 2.1 2,100
Taiwan 23,816,775 98.50 4.16 N/A
Thailand 69,799,978 96.70 0 1 9,500
Timor Leste 1,318,445 67.50 3 N/A
Turkey 84,339,067 95.00 0.5 10,498
Turkmenista 6,031,200 99.70 -1.9 3.9 4,722
n
UAE 9,890,402 93.80 19.0 2.64 45,653
Uzbekistan 33,469,203 99.60 -2.7 5.5 3,300
Vietnam 97,338,579 94.50 -0.4 2.15 3,400
Yemen 29,825,964 70.10 0 12.8 1,361
Pinagkunan: https://worldpopulationreview.com/countries/literacy-rate-by-country/ http://statisticstimes.com/economy/asian-countries-by-gdp-per-
capita.php https://tradingeconomics.com/country-list/unemployment-rate?continent=asia http://hdr.undp.org/en/content/2019-human-development-index-
ranking?fbclid=IwAR0dmrFCG4P9vfTbPL3nt3Nm4A2FCJYaPA335PI0otmqv_d2QblpS3yyJUw

3
Bilis ng Paglaki ng Populasyon
• Batay sa World Population Review, ang Asya ay tinatayang may apat na beses na
mabilisang pagtaas ng populasyon. Tinatayang umaabot na sa 4.6 bilyon ang mga
tao sa Asya at patuloy pa itong tumataas. May mabuti at hindi mabuting dulot ang
pagdami ng populasyon. Magiging sapat ang lakas-paggawa ng isang bansa na
kakailanganin sa pag-unlad nito. Sa kabilang dako, malaki rin ang pagkakataong
magdulot ang bilis ng paglaki ng populasyon ng mga suliranin. Halimbawa nito ay
pagtaas ng pangangailangan tulad ng pagkain, tirahan, edukasyon, at hanapbuhay.
Kung hindi makagagawa ng solusyon ang pamahalaan ay maaaring magdulot ito ng
paghina ng ekonomiya at kahirapan ng mga mamamayan.
Uri at Bilang ng Hanapbuhay
• Karaniwang nakasalalay ang hanapbuhay ng mga Asyano sa mga gawaing
agrikultural at industriyal. Ang mga bansang sagana sa yamang lupa at yamang
tubig ay nakatuon sa agrikultura. Naging masigla ang pagsasaka at pangingisda ng
mga Asyano sa mga bansang ito. Nariyan din ang mga bundok na may malalagong
kagubatan. Naging potensiyal ang mga gubat na ito para sa isa pang pinagkukunang
yaman at kabuhayan ng mga Asyano.
• Ang ekonomiya ng maraming bansang Asyano ay nakasalalay din sa
industriyalisasyon o pagkakaroon ng iba’t ibang industriya. Nagkaroon ng bagong
pamamaraan ng kabuhayan gamit ang teknolohiya. Nanguguna dito ang China,
Japan, South Korea, at Singapore.
• Ang bilang ng may hanapbuhay sa Asya ay nalalaman sa pamamagitan ng pagkuha
ng employment rate taon-taon. Tumutukoy ang employment rate sa porsiyento o
bahagdan ng mga may hanapbuhay sa isang bansa. Sa kabilang banda, ang
unemployment rate naman ay tumutukoy sa porsiyento o bahagdan ng mga walang
hanapbuhay. Mahalagang matukoy ito upang makita ang kalagayan ng bansa batay
sa lakas-paggawa na may hanapbuhay o wala. Kailangan ito upang maging gabay sa
paglikha ng nga gawaing pang-ekonomiya ng bansa at mabigyan ng solusyon kung
sakaling mataas ang unemployment rate.
Kita ng Bawat Tao
• Ang kita ng bawat tao sa isang bansa ay tinutukoy sa pamamagitan ng iba’t ibang
economic indicator o indikasyon sa ekonomiya. Halimbawa nito ay Gross Domestic
Product o GDP. Tumutukoy ang GDP sa kabuoang kita ng bansa mula sa mga
produkto at serbisyo nito na ginawa sa loob ng bansa sa isang tiyak na panahon,
halimbawa ay isang taon. Sa pamamagitan nito ay makikita kung umuunlad ang
bansa o hindi. Isa rin sa indikasyon ng kaunlaran ng bansa ay ang GDP per capita.
Ito naman ay kabuoang kita ng bansa sa loob ng isang taon na hahatiin sa buong
populasyon ng bansa. Kapag mataas ang GDP per capita ng isang bansa,
nangangahulugang masigla ang kalakalan at negosyo. Gayundin ang mataas na
bahagdan ng may hanapbuhay sa bansa.
• Ang pagsisikap ng tao na mapaunlad ang kaniyang buhay ay may malaking ambag
sa ekonomiya ng bansa. Kapag maayos ang pangangasiwa at may mahusay na
programa ang pamahalaan, mapauunlad ng tao ang kaniyang kita at kabuhayan.
Bahagdan ng Marunong Bumasa at Sumulat
• Ang literacy rate o bahagdan ng marunong bumasa at sumulat ay mahalaga sa bawat
bansa. Nagpapakita ng kaunlaran ang isang bansa kung ito ay may mataas na
literacy rate. Nangangahulugan lamang na may kakayahan ang bansang itaguyod
ang edukasyon para sa mga mamamayan nito.
Migrasyon
• Noon pa man ang mga tao ay palipat-lipat na ng lugar upang matugunan ang
kanilang pangangailangan. Sa kasalukuyan, mas mabilis ang paglipat ng tao mula
sa isang lugar patungo sa ibang lugar dahil sa mataas na teknolohiyang
pangtransportasyon.
• Ang proseso ng paglipat ng panirahan ay tinatawag na migrasyon o pandarayuhan.
May iba’t ibang dahilan kung bakit nagsasagawa ng migrasyon ang mga tao sa
kasalukuyan. Ilan dito ay oportunidad sa trabaho o pag-aaral, seguridad at

4
kaayusan ng lipunan, at pag-iwas sa mga kalamidad o sakuna. Ang migrasyon ay
may dalawang uri. Ito ay panloob at panlabas na migrasyon.
• Panloob na migrasyon ang tawag kung saan ang isang tao o pangkat ng tao ay
lumilipat sa loob lamang ng bansa. Ang panlabas na migrasyon naman ay kung ang
paglipat ng tao ay mula sa isang bansa patungo sa ibang bansa. Ito ay maaaring
permanente o pansamantala. Ang pagtukoy ng migrasyon sa bansa ay maaaring
gamitin sa paggawa ng mga batas o polisiyang makatutulong sa bansa.

Pagyamanin

Pagkatapos mong maunawaan ang aralin tungkol sa “Iba pang Komposisyon ng


Populasyon ng Asya”, masasagot mo ba ang mga gawain? Simulan mo na.

Gawain 8.1
Alamin! Punan ng tamang sagot ang patlang at isulat ito sa hiwalay na papel.
1. ______________ Kabuoang panloob na kita ng isang bansa sa loob ng isang taon.
2. ______________ Tumutukoy sa antas ng paglaki ng populasyon o bahagdan
ng bilis ng pagdami ng tao sa isang bansa sa bawat taon.
3. ______________ Bahagdan ng populasyon na walang hanapbuhay o pinagkakakitaan.
4. ______________ Tumutukoy sa pandarayuhan o paglipat ng tao sa ibang o lugar.
5. ______________ Bahagdan ng populasyon na may kakayahang bumasa at sumulat.

Gawain 8.2
Yamang Tao, Yaman ng Bansa!
(Mabuti at Hindi Mabuti) Piliin ang
titik ng iyong kasagutan sa kahon sa
ibaba at isulat ito sa hiwalay na
papel.

Gawain 8.3

Map Organizer. Batay sa talahanayan,


ano ang mga bansang may mataas na
literacy rate, unemployment rate, at
may mataas at mababang GDP?
Pagkatapos ay tukuyin ang maaaring
maging epekto nito sa bansa. Isulat
ang sagot sa hiwalay na papel.

5
Isaisip

Gawain 8.4
Magtala Tayo. Matapos mong pag-aralan ang mga aralin tungkol sa “Yamang Tao ng
Asya” ay sagutin ang mga tanong.

Kumusta mag-aaral? Sagutin ang


mga tanong sa pisara.

1. Ano ang pagkakaiba ng bansang


may mataas at mababang
populasyon?
2. Bakit kailangang malaman ng
pamahalaan kung mabilis ang
paglaki ng populasyon ng bansa
nito?
3. Ano ang kaugnayan ng hanapbuhay
sa pag-unlad ng bansa?

4. Dapat bang bigyang-pansin ng pamahalaan at


mamamayan ang edukasyon? Bakit?
5. Bakit mahalagang malaman ang kalagayan ng yamang
tao ng isang bansa?

Isagawa

Gawain 8.5
Yamang Tao ng Pamilya Mo, Ikuwento Mo. Kompletuhin ang dayagram sa
pamamagitan ng paglagay ng hinihinging impormasyon tungkol sa sariling pamilya.
Gawin ito sa isang buong papel.

6
Pangalan ng may Mga dapat gawin upang
hanapbuhay: umunlad ang pamilya:

Natapos na pag-aaral:
Ang Aking
Pamilya
Mga dapat na maging
Uri ng hanapbuhay: ___________ plano sa paglaki upang
umunlad ang buhay:

Buwanang Kita ng may


hanapbuhay:

Rubriks sa pagmamarka ng gawain:


Pamantayan Puntos
Kompleto at wasto ang mga impormasyon sa dayagram. 10
Mahusay at makatotohanan ang mga paliwanag. 10
Kabuuan 20

Tayahin
Tukuyin ang titik ng wastong sagot. Isulat sa hiwalay na papel.
1. Sa kasalukuyan, isa sa mga pangunahing suliranin ng mga bansa sa Asya ay
ang lumalaking populasyon nito. Alin ang hindi epekto ng mataas na
populasyon?
A. Lilitaw ang mga suliranin sa hanapbuhay.
B. Magkaroon ng kakapusan sa likas na yaman.
C. Magiging sagana ang pangangailangan ng tao.
D. Magiging limitado ang lugar na titirhan ng mga tao.
2. Kung ang isang bansa ay sagana sa yamang lupa at yamang tubig, ano ang
karaniwang gawain at hanapbuhay ng mga Asyano dito?
A. agrikultura
B. industriyal
C. teknolohikal
D. Wala sa pagpipilian
3. Ano ang nais ipahiwatig ng mataas na literacy rate sa isang bansa?
A. Nagpapakita ito ng mahirap na pamumuhay ng mga mamamayan sa
bansa.
B. Mas maraming bansa ang may mataas na literacy rate kaysa mababang
literacy rate.
C. May kakayahan ang pamahalaang itaguyod ang edukasyon ng mga
mamamayan nito.
D. Lahat ng nabanggit.
4. Ang pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng bawat bansa ay may kaugnayan sa
katangian ng kanilang ____________.
A. Likas na kapaligiran
B. Likas na yaman
C. Yaman ng bansa
D. Yamang tao

7
5. Ano ang nais ipinahihiwatig ng
ilustrasyon?
A. Hahayaan na lamang ng mga
bansa na magkaroon ng
overpopulation.
B. May mga hakbang na gagawin
ang mga bansa laban sa
overpopulation.
C. Kailangan nang solusyonan ang
mabilis na pagdami ng
population.
D. Wala nang magagawa upang
kalabanin ang overpopulation.

Karagdagang Gawain

Gawain 8.6
Ako Bilang Yaman ng Bansa. Sa isang buong papel ay magdikit ng sariling larawan at
isulat ang mga katangiang dapat mong taglayin para makatulong sa pag-unlad ng
bansa.

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

You might also like