You are on page 1of 6

7

Araling Panlipunan
Unang Markahan

Mga Pilyego ng Gawaing Pampagkatuto


(Ikalimang Linggo)

Mga Likas na Yaman ng Asya

Manunulat:
BETHSAIDA RIZA D. BERTOS
Teacher III

Mataas ng Paaralang Pambansa ng General Luna


Sangay Ng Siargao
Panimula

Ang Pilyego ng mga Gawaing Pampagkatuto (Learning Activity


Sheets – LAS) ay disenyo at sinulat para sa batang katulad mo na nasa
ikapitong baitang upang matatalakay ang yaman likas at implikasyon ng
kapaligirang pisikal sa pamumuhay ng mga Asyano. Ang mga gawaing
matatagpuan dito ay inaasahang makatulong sa iyo upang malalaman
ang implikasyon ng likas na yaman sa pamumuhay ng mga Asyano.

Ang Pilyego ng mga Gawaing Pampagkatuto ay naglalaman


tungkol sa:
Aralin 2: Implikasyon ng Likas na Yaman sa Pamumuhay ng mga
Asyano
Pinakamahalagang Kasanayang sa Pampagkatuto
a. Nasusuri ang yamang likas at ang mga implikasyon ng kapaligirang
pisikal sa pamumuhay ng mga Asyano noon at ngayon;
(MELC –AP7)

Pagkatapos ng mga gawaing ito. ikaw ay inaasahang:


Layunin:
Pagkatapos ng gawaing ito, ang mag-aaral ay:
1. Nakapagsusuri ang yamang likas at ang mga implikasyon ng
kapaligirang pisikal sa pamumuhay ng mga Asyano;
2. Nakapagsusuri ang yamang likas at ang pisikal sa pamumuhay ng
mga Asyano ngayon; at
3. Nakapagpangangalaga sa mga yamang Likas ng Asya sa
pamumuhay ng mga tao sa pamamagitan ng konserbasyon na
likas yaman;
Aralin 2.1: Implikasyon ng Likas na Yamn sa
Pamumuhay ng mga Asyano
Suriin
Magbasa at Matuto

Ang Biodiversity ng Asya


Ang pagkakaiba-iba at katangi-tanging anyo lahat ng buhay na
bumubuo sa natural na kalikasan ay tinatawag na biodiversity. Ang Asya,
bilang pinakamalaking kontinente sa buong mundo ay itinuturing na
pangunahing pinagmulan ng global biodiversity. Ngunit, habang ang mga
bansa sa Asya ay patuloy na papunta sa kaunlaran, kasabay din nito ay
ang pagsulpot ng mga suliraning ekolohikal at pangkapaligiran bunsod
ng hindi mapigilang ekonomiya at ang patuloy na paglaki ng populasyon.
Ang mga bansang Asyano sa ngayon ay humaharap sa masalimuot na
interaksyon ng mga isyung panlipunan, political, ekonomiya, at ang
pangkapaligiran. Ang masusing ugnayan at pagbabaliktaran ng bawat
isa sa loob ng isang bansa, at sa pagitan ng bawat bansa ay mahalaga
upang makapagbalangkas at makapagpapatupad ng angkop na
solusyon sa mga suliraning ito.

EPEKTO NG MALALAKING POPULASYON SA


KALIKASAN

Habang, patuloy na tumataas ang bilang ng mga tao, lalong


nagiging mataas ang pangangailangan para sa likas na yaman.
Kinakailangan na nang malaking lupain na mapagtataniman upang
makasapat sa pagtugon sa pangangailangan o demand para sa
pagkain.
Sa patuloy na pagdami ng tao, nangangailangan nang sapat
na espasyo upang gawing tirahan. Ang mga dating mabubundok na
lugar o mga dating sakahan ay ginagawang subdibisyon o tirahan,
na nagreresulta naman sa unti-unting pagkawasak ng mga tirahan
na iba’t ibang species ng hayop.
Hindi maiwasan na naragdagan ang produksiyon ng mga
basura dahil sa pagdami ng mga tao. Ang mga basurang ito, na
kapag hindi maayos na napamahalaan, ay nagbubunsod ng
polusyon at kontaminasyon sa hangin, lupa, at tubig.
Gawain 1. Suri-Epekto
Panuto: Batay sa impormasyon na iyong binasa, sagutin ang
sumusunod na katanungan. Isulat ang iyong kasagutan sa iyong
kuwaderno.

1.Ano ang magiging epekto sa ekonomiya ng isang bansa kung ito ay


salat sa likas na yaman?

2. Ano ang implikasyon o epekto ng pagdami ng populasyon ng isang


bansa sa usaping pangkabuhayan?

3.Bunsod ng pagdami ng populasyon, ano ang nangyayari sa mga lupain


at sa likas na yaman ng isang bansa?

Gawain 2. Ano ang mangyayari?


Panuto: Ilahad ang mga implikasyon o epekto ng sumusunod na
sitwasyon sa iba’t-ibang aspeto. Isulat ang iyong sagot sa iyong
kuwaderno.

Aspeto Sitwasyon Epekto/Implikasyon


Pagkakaroon ng mataba
Agrikultura at malawak na lupang
sakahan
Kakulangan ng mga hilaw
Ekonomiya na materyales

Pananahan Paglaki ng populasyon


Gawain 3: Pahalagahan

A. Ang Asya pinakamalaking kontinente sa buong mundo at


itinuturing na pangunahing pinagmulan ng global biodiversity.
Paano mo kaya ito mapangalagaan at mapanatili ang likas na
yaman ng Asya?

Alin sa mga salita ang nagpapahayag ng iyong pagsuporta sa


wastong pangangalaga ng likas na yaman ng Asya.

Aytem na nais mo.


Pagsuporta sa mga Tsek (/) Bakit?
sumusunod

1. Reforestation
2. Dynamite Fishing
3. Deforestation
4. Kaingin

B. Gumuhit ng isang cartoon na nagpapahayag sa kagandahan ng


kontinenting Asya kapag ito’y napapangalagaan.
Ipaliwanag ang mensahe ng cartoon.
Susi sa Pagwawasto

(Sariling pagpapaliwanag ng mga mag-aaral.)

Sanggunian

ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba

Mga Manunulat:
Blando, Rosemarie C., Sebastian, Adelina A., Espiritu, Angelo
C., Golveque, Ema C., Jamora, August M., Capua, Regina R. Victor, Armi
S., Balgos, Sandra I., Del Rosario, Allan F. at Mariano, Randy R.

You might also like