You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa Filipino 5

Kwarter 2

I. Nagagamit ang mga pangkalahatang sanggunian sa pagtatala ng mahahalagang impormasyon


tungkol sa isyu.

Naitatala ang mga impormasyon mula sa binasang teksto

II. Paggamit ng Pangkalahatang Sanggunian sa Pagtatala ng mga Impormasyon

MELC Based - Fs EP- IIe- i-6

Fs EP – IIa- f- 10

larawan

tsart

III – A 1.Magpakita ng larawan. Itanong : Mga batang anong lugar ito?

2. Paghahalo: sa layunin n g aralin. Punan ang nawawalang letra upang mabuo ang salita sa
bawat bilang.

1. P_ _ a y a _ _ n

2. T _ s _ w r _

B. Pagbasa ng isang balita,

Ang lungsod ng Valenzuela ay nilagdaan ang isang kasunduan para sa paunang pagbiliu ng
640, 000 na dosis ng bakuna sa coronavirus na binuo ng British pharmaceutical firm na Astra-Zeneca.
Ang pamahalaan ng Lungsod ng Valenzuela ay nagpahayag sa pamamagitan ng social media nuong
linggo ng gabi.

Sinabi ng pamahalaang lungsodf na naghanda na sila para sa paglabas ng programa sa


pagbabakuna. “Sa mga bakunang Astra-Zeneca 320,000 ang mga indibidwal ang mababakunahan na,
70% ng target na populasyon ng lungsod”. Inaasahang darating ang mga bakuna sa ika-2 kalahati ng
2021.
2. Pagsagot sa mga tanong sa binasang balita.

a. Anong lungsod ang lumagda sa kasunduan upang makabili ng bakuna kontra Covid-19?
b. Ilang dosis ng bakuna kontra coronavirus ang balak bilhin ng Lungsod ng Valenzuela?
c. Mula saang kumoanya manggagaling ang bakuna kontra Covid-19?
d. Mula saang sanggunian nagmula ang balita?

3. Pagtalakay ng aralin tungkol sa pangkalahatang sanggunian.

C. Paglinang ng Kabihasnan

Gawain 1- Laro: Bubunot ng balumbon ng papel sa loob ng kahon.

Tukuyin kung anong pangkalahatang sanggunian ang inilalarawan.

a. Ito ay makabagong teknolohiyang maaaring pagkunan ng impormasyon?


b. Ito ay naglalarawan ng mga impormasyon tungkol sa ibat-ibang pangyayari sa buong mundo.
c. Ito ay sangguniang naglalaman ng kahulugan ng mga salita.
d. Ito ay isang akat na naglalaman ng mga mapa ng ibat-ibang lugar.
e. Ito ay kalipunan ng mga aklat na nakaayos ng paalpabeto at naglalaman ng mga impormasyon
tungkol sa ibat ibang paksa.

Gawain 2- Piliin sa kahon kung anong sanggunian ang tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa
patlang.

Internet Pahayagan Tesawro

Diksyunaryo Atlas Almanak

Ensayklopedia

a. Ikaw ay may takdang-aralin sa Araling Panlipunan tungkol sa sukat at laki ng Lungsod ng


Valenzuela.

b. Nagbalik-tanaw kayo tungkol sa mga trahedya/sakunang naganap sa ating bansa noong


2000.

c. Gusto mong malaman ang kahulugan ng salitang Mitolohiya.

d. Gusto mong malaman ang kasingkahulugan ng salitang pandemya.

e. Ikaw ay may takdang-aralin tungkol sa pinakabagong balita sa coronavirus.

You might also like