You are on page 1of 22

Si Tinay

Araw-araw siyang
ipinaghahanda ni Aling
Nora ng prutas at gulay
ngunit
hotdog at junk foods ang
kaniyang gustong
kainin.
Isang araw, umalis
si Aling Nora at si
Tinay lang ang
naiwan sa bahay.
Sa kaniyang pag-iisa, siya ay
nakatulog at nanaginip.
Gutom na gutom siya at
gulay lamang ang
nakahanda sa kanilang mesa.
Nagmamadaling
pumunta si Tinay sa
kusina at binuksan
ang ref.
Nagulat siya nang
biglang tumalon at
nagsalita ang mga
gulay.
“Tinay, gutom na
gutom ka na di ba?
Kainin mo na
kami,” sabi ni Okra.
“Parati na lang junk
foods ang kinakain
mo,” dagdag ni
Kalabasa.
“Ipikit mo lang ang
iyong mga mata at
ibuka ang iyong
bibig,” wika ni
Talong.
Sa sobrang gutom
ay
ipinikit na lamang
ni Tinay ang
kaniyang mga mata.
Isa-isang pumasok ang mga
gulay sa nakabuka niyang bibig.
“Ahhh..,Ang sasarap
n’yo naman pala. Pero
teka, bakit parang
luminaw ang aking mga
mata at parang lalo pa
akong lumakas?”
pagulat na sabi ni Tinay.
Narinig ni Aling Nora
ang sinabi ni Tinay.
“Anak, iyan ang
mangyayari kapag
masustansiya ang iyong
kinakain,” wika ni
Aling Nora.
Biglang nagising si Tinay
at sinabi sa kararating
niyang nanay, “Nay,
simula ngayon kakain na
po ako ng gulay para lalo
pa akong gumanda at
lumakas!”
Bilugan ang mga pagkain na dapat kainin ng
mga bata.
Tama o Mali
________1. Si Tinay ay may kapatid.
________2. Mahilig kumain si Tinay ng gulay.
________3. Nanaginip si Tinay na kumakain ng gulay.
________4. Si Aling Nena ang ina ni Tinay.
________5. Laging ipinaghahanda ni Aling Nora si
Tinay ng prutas at gulay.
Bilugan ang tamang sagot.
1. Ano ang gustong kainin ni Tinay?

a. prutas
b. gulay
c. hotdog
Bilugan ang tamang sagot.
2. Ano ang binuksan ni Tinay sa kusina?

a. Pintuan
b. Lutuan
c. Ref
Bilugan ang tamang sagot.
3. Sino ang gulay na nagsabi na kumain na si
Tinay ng gulay?
a. Okra
b. Kalabasa
c. Talong
Bilugan ang tamang sagot.
4. Ano ang naramdaman ni Tinay ng siya ay
kumain ng gulay?
a. Nanghina
b. Lumakas
c. Inantok

You might also like