You are on page 1of 3

ESP:

ARALIN 1: PAGGALANG pg 142-152


Iguhit ang STAR kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng pagiging masunurin.

Isulat ang D kung dapat gawin at HD kung hindi dapat gawin.


1. Susunod kaagad ako kung ako ay inuutusan.
2. Sasabihin ko na iba na lang ang utusan.
3. Ako ay magbibingi-bingihan.
4. Tatakbo akong palayo.
5. Ititigil ko ang aking ginagawa.

Isulat ang titik ng tamang sagot.


1. Aling Gelay: Alam mo na hanggang ikaapat ng hapon ka lamang maaaring maglaro.
Iking: Pasensya na po, Inay. Nalimutang ko ang iyong bilin.
Ano ang dapat gawin ni Iking?
a. Uuwi na sya sa tamang oras.
b. Magpapagabi na siya sa pag-uwi.
c. Hindi na siya kailanman maglalaro sa labas.
2. Lola Cela: Tandaan mo, apo, ang pagsesepilyo ay mahalaga.
Nita: Lola, alam ko na po iyan.
Ngunit hindi pa rin sinunod ni Nita ang payo ng kaniyang lola. Ano ang mangyayari kay Nita?
a. Masisira ang kaniyang mga ngipin.
b. Magiging malusog ang kanyang mga ngipin.
c. Magiging maputi ang kaniyang mga ngipin.
3. Aling Naty: Carlo, itapon mo nga ang mga balat ng saging sa basurahan.
Carlo: Opo, Inay.
Basta na lamang inihagis ni Carlo ang mga balat ng saging sa basurahan. Ang iba ay
nakakalat sa sahig. Ano ang maaaring mangyari?
a. Maaaring madulas ang makakatapak sa balat ng saging na nasa sahig.
b. Matutuwa ang nanay kapag nakita niya ang mga balat ng saging sa sahig.
c. Sasang-ayon ang nanay sa ginawa ng anak na paraan ng pagtapon ng basura.
ARALIN 2: PAGSUNOD pg 155-162
Isulat ang tsek kung tamang gawain sa tahanan o paaralan. At ekis kung hindi
TAHANAN PAARALAN
Pagkain ng gulay Pakikipagdaldalan sa katabi
Pakikipag-away sa kapatid Paggalang sa guro
Pagtulog ng maaga Pakikiisa sa klase
Malimit na paglalaro sa kompyuter o cellphone Pangongopya sa pagsusulit
Paggalang sa nakatatanda Pagpasa sa oras ng takdang aralin

Piliin ang tamang salita sa loob ng kahon.


magsalita maayos magdasal
maghugas pagkain pagnguya

1. ________________ ng kamay bago dumulog sa mesa.


2. ________________ muna at pasalamatan ang Diyos sa biyaya at pagkaing tatanggapin.
3. Umupo nang ________________ sa harap ng hapag-kainan.
4. Iwasan ang _____________ kapag may laman ang bibig.
5. Hinihintay ang pagkakataon upang makakuha ng ___________.
ARALIN: 3 KARAPATANG TINATAMASA, PINAHAHALAGAHAN KO pg 169-179
Isulat ang kung TAMA o MALI.
1. Ang lahat ng mga bata pati na ang mga may kapansanan ay may karapatang matuto at
makapag-aral.
2. Kahit mahirap pakainin ng gulay ang mga bata kailangan pa rin nilang masanay na kumain
nito.
3. Kahit may epekto sa kalusugan ng bata ang palaging pagkain ng mga produktong may
preserbatibo, dapat ibigay ito ng magulang kung ito ang nais ng kaniyang anak.
4. Mainam na hikayating mag-aral ang mga batang tinatamad pumasok sa paaralan.
5. Ang mga bata ang dapat masunod sa mga pagkaing gusto nilang kainin sa lahat ng
pagkakataon.
Isulat ang titik ng tamang sagot.
1. May pagsusulit kayo bukas, ngunit niyaya ka ng iyong kaibigan sa isang party ng kaarawan
ng kaibigan niya. Gagabihin kayo sa pag-uwi. Ano ang gagawin mo?
a. Sasama ako sa aking kaibigan at hayaang mababa ang makuha kong marka sa
aming pagsusulit.
b. Hindi ako sasama sa party at sa halip ay mag-aaral ako upang mataas ang makuha
kong marka sa aming pagsusulit.
c. Sasama ako sa party at mag-aaral nang kaunti sa bahay kahit gabi na.
2. Umuwi kayo sa probinsya. Puro sariwang gulay ang inihaing ulam ng inyong lola sa oras ng
kainan. Ano ang gagawin mo?
a. Hindi ako kakain ng ulam at sa halip ay magpapabili na lamang ako ng instant
noodles.
b. Kakainin ko ang mga inihaing ulam dahil mabuti sa katawan ang mga sariwang gulay.
c. Makikusap ako sa aming lola na karne naman ang iluto sa susunod.
3. Nakita mong itinatapon ng kapatid mo sa ilalim ng mesa ang mga gulay sa ulam ninyong
pinakbet. Karne lamang ang kaniyang gustong kainin. Ano ang gagawin mo?
a. Sasabihin ko sa kaniyan ghuwag itapon ang mga gulay at dapat niya itong kainin.
b. Sasabihin ko sa kaniya na sa plato ko na lamang ilagay ang mga gulay na itinatapon
niya.
c. Isusumbong ko siya sa aming nanay upang mapagalitan.
Isulat ang T kung pangungusap ay tama at M kung hindi.
1. May magagawa ka upang mapataas ang marka mo sa pag-aaral at matuwa ang iyong
mga magulang.
2. Upang makatipid ang pamilya, maaaring magtanim sa bakanteng lupa sa inyong bahay ng
masustansiyang gulay.
3. Hindi kailangang mag-aral ng mayayamang bata.
4. Dapat nating ubusin ang mga pagkaing nakalagay sa ating plato kapag tayo ay kumakain.
ARALIN 6: MALINIS NA TAHANAN pg 201-206
Isulat ang TAMA o MALI.
1. Mahalaga ang kalinisan ng tahanan upang makaiwas sa anumang sakit.
2. Dapat maglinis ng bahay isang beses sa isang buwan dahil may trabaho ang bawat isa.
3. Ang malinis na tahanan ay kaaya-aya sa paningin ng mga nakatira rito.
4. Nagiging matiwasay ang pag-iisip ng mga taong nakatira sa malinis na tahanan.
5. Hindi naman nakapagdudulot ng sakit ang hindi paglilinis ng tahanan.
ARALIN 7: MALINIS NA PAARALAN pg 207-215
Isulat ang TAMA o MALI.
1. Mas maaliwas ang paaralan kung ito ay palaging malinis at maayos.
2. May epekto sa iyong kalusugan ang iyong kapaligiran.
3. May epekto sa pag-aaral ang malinis at maayos na kapaligiran ng paaralan.
4. Ang mga guro lamang ang dapat na nakapapansin kapag malinis o hindi ang bawat bahagi
ng paaralan.
5. May magagawa ang bawat mag-aaral upang maging malinis ang paaralan.
Pag-aralan ang larawan. Tulungan mo ang bawat bata kung saan nila dapat ilagay ang mga
bagay na kanilang hawak.

You might also like