You are on page 1of 8

PROJECT 6 ELEMENTARY SCHOOL

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 1
Worksheet No. 1

Pangalan: _________________________________ Marka: ___________


Baitang at Pangkat: ________________________ Petsa: _____________

Panuto: Iguhit ang  sa kung ang larawan ay nagpapakita ng pagmamahal


at paggalang sa magulang at ang  naman kung hindi.

Lutasin: Iguhit at isulat ang iyong sagot.

Naglalaro kayo ng iyong kalaro sa inyong bakuran. Nakita mong padating


ang iyong nanay na maraming dala. Ano ang gagawin mo?(5 puntos)

WEEK 1/ 2nd Quarter


Competency: Nakapagpapakita ng pagmamahal at paggalang sa mga magulang.
Code: EsP1P- IIa-b – 1
PROJECT 6 ELEMENTARY SCHOOL
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 1
Worksheet No. 2
Pangalan: _________________________________ Marka: ___________
Baitang at Pangkat: ________________________ Petsa: _____________

Panuto: Iguhit ang sa patlang kung ang pangungusap ay nagpapakita ng


pagmamahal at paggalang sa mga magulang at
kung hindi.

_____1. Mahinahon at may respetong nakikipag-usap sa

magulang.

_____2. Mag-aaral nang mabuti upang maipakita sa mga

magulang ang pagmamahal at kabuluhan ng kanilang

sakripisyo.

_____3. Pahiyaw na sumagot kapag tinatanong ng magulang

kung saan nanggaling.

_____4. Nagpapasalamat sa mga magulang.

_____5. Sumisimangot at hindi magsasalita kapag inuutusan.

_____6. Tutulungan ang magulang sa mga gawaing bahay na

kayang gawin.

_____7. Magdadabog kapag pinagsasabihan ng magulang.

_____8. Niyayakap at hinahalikan ang magulang.

_____9. Inaalagaan sina Tatay at Nanay lalo na kapag may sakit.

_____10. Binibigyan ng simpleng regalo ang mga magulang.

WEEK 1/ 2nd Quarter


Competency: Nakapagpapakita ng pagmamahal at paggalang sa mga magulang.
Code: EsP1P- IIa-b – 1
PROJECT 6 ELEMENTARY SCHOOL
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 1
Worksheet No. 3

Pangalan: _________________________________ Marka: ___________


Baitang at Pangkat: ________________________ Petsa: _____________
Panuto: Kulayan ang mga larawang nagpapakita ng pagmamahal sa kapwa.

WEEK 2/ 2nd Quarter


Competency: Nakapagpapakita ng pagmamahal sa pamilya at kapwa sa lahat ng pagkakataon lalo na sa oras ng pangangailangan.
Code: EsP1P- IIc-d – 3

PROJECT 6 ELEMENTARY SCHOOL


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 1
Worksheet No. 4

Pangalan: _________________________________ Marka: ___________


Baitang at Pangkat: ________________________ Petsa: _____________
Panuto: Lagyan ng tsek ( ) ang patlang kung ang gawain ay tama at ekis ( )
kung hindi.

_____1. Ibinabahagi ko ang baon kong pagkain sa mga kaklase

kong walang baon.

_____2. Hindi ko pinahihiram ng kagamitan sa paaralan ang mga

kaklase kong walang gamit.

_____3. Ibinabahagi ko ang mga gamit at laruan kong hindi na

ginagamit sa mga batang nangangailangan.

_____4. Tumutulong ako sa pagbabahagi ng mga pagkain sa

mga biktima ng kalamidad.

_____5. Binibigyan ko ng mga tirang pagkain o sirang laruan ang

mga batang namamalimos sa kalye.

_____6. Inuunahan ko sa pila sa kantina ang mga batang may

kapansanan.

_____7. Nagbibigay ako ng regalo sa aking kaibigan tuwing

kaarawan niya.

_____8. Sinusuportahan ko ang aking kaklaseng sumali sa isang

paligsahan.

_____9. Isinasama ko sa pagdarasal at panalangin ang taong

may sakit.

_____10. Binabato ko ang mga katabi ko kapag sila ay maingay.

WEEK 2/ 2nd Quarter


Competency: Nakapagpapakita ng pagmamahal sa pamilya at kapwa sa lahat ng pagkakataon lalo na sa oras ng pangangailangan.
Code: EsP1P- IIc-d – 3
PROJECT 6 ELEMENTARY SCHOOL
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 1
Worksheet No. 5

Pangalan: _________________________________ Marka: ___________


Baitang at Pangkat: ________________________ Petsa: _____________

Panuto: Kulayan ng pula ang puso kung dapat mong gawin ang sinasabi ng
pangungusap at kulayan ng dilaw ang puso kung hindi mo dapat gawin.
1. Sumasali ako sa usapan ng matatanda kung hindi ako
kinakausap.

2. Iniiwasan ko ang magsalita kung may nagsasalita na.

3. Ibinibigay ko ang aking upuan sa matatanda at may


kapansanan sa sasakyan, sa simbahan, sa palatuntunan.

4. Humahalik o nagmamano sa magulang at mga


nakatatanda.

5. Gumagamit ng magagalang na pananalita sa pakikipag-


usap gaya ng “Salamat po” “Walang Anuman”
“Magandang umaga/hapon/gabi po” “Makikiraan po”
“Pakiabot po” “Paalam na po”.

Panuto: Isulat sa patlang kung PAKIKINIG, PAGBATI O PAGMAMANO


ang dapat mong gawin sa bawat sitwasyon.

__________6. Nagsasalita ang punong-guro sa selebrasyon ng


Buwan ng Wika.
__________7. Pumasyal sa inyong bahay ang mga matatandang
kamag-anak niyo.
__________8. Nakasalubong mo ang iyong ninong at ninang
pagkalabas mo ng simbahan.
__________9. Tinawag ng iyong guro ang iyong isang kaklase para
tumula.
__________10. Nakita mo ang iyong mga kaibigan na pumunta sa
birthday party.

WEEK 3/ 2nd Quarter


Competency: Nakapagpapakita ng paggalang sa pamilya at sa kapwa sa pamamagitan ng:
11.1. pagmamano/paghalik sa nakatatanda 11.2. bilang pagbati 11.3. pakikinig habang may nagsasalita 11.4. pagsagot ng “po" at “opo”
11.5. paggamit ng salitang “pakiusap” at 11.6. “salamat”
Code: EsP1P- IIe-f– 4
PROJECT 6 ELEMENTARY SCHOOL
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 1
Worksheet No. 6

Pangalan: _________________________________ Marka: ___________


Baitang at Pangkat: ________________________ Petsa: _____________

Panuto: Isulat ang T sa patlang kung tama ang isinasaad ng pangungusap at


M naman kung mali.

_____1. Dapat gumamit ng “po” at “opo” kapag nakikipag-usap

sa mga nakatatanda sa atin.

_____2. Binabati ko ang aking guro at mga ibang opisyal ng


paaralan sa tuwing nakikita ko sila.

_____3. Nakikinig ako kapag kinakausap ako ng kapwa ko bata.

_____4. Gumagamit ako ng salitang “pakiusap” kung ako ay may

nais hilingin o ipagawa sa iba.

_____5. Kumakatok muna ako bago pumasok sa pintuan.

_____6. Pinagtatawanan ko ang aking mga kalaro at kaklase

kapag sila ay nagkakamali.

_____7. Hindi ko pinapansin ang mga bisitang nagpupunta sa

bahay.

_____8. Ginagamit ko ang gamit ng ibang tao kahit hindi ako

nagpapaalam.

_____9. Lumalabas ako ng silid-aralan nang hindi nagpapaalam

sa aking guro.

_____10. Magalang akong nakikipag-usap sa lahat ng tao.

WEEK 3/ 2nd Quarter


Competency: Nakapagpapakita ng paggalang sa pamilya at sa kapwa sa pamamagitan ng:
11.1. pagmamano/paghalik sa nakatatanda 11.2. bilang pagbati 11.3. pakikinig habang may nagsasalita 11.4. pagsagot ng “po" at “opo”
11.5. paggamit ng salitang “pakiusap” at 11.6. “salamat”
Code: EsP1P- IIe-f– 4

PROJECT 6 ELEMENTARY SCHOOL


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 1
Worksheet No. 7

Pangalan: _________________________________ Marka: ___________


Baitang at Pangkat: ________________________ Petsa: _____________

Panuto: Iguhit ang masayang mukha ( ) sa patlang kung ang


pangungusap ay nagsasabi ng katapatan at malungkot na mukha
( ) naman kung hindi.

_____1. Niyaya ka ng iyong kaibigan. Sumama ka nang di-

nagpapaalam sa iyong magulang.

_____2. Sinasabi sa magulang ang kasama sa lakad.

_____3. Ipinaalam sa magulang ang oras ng pag-uwi.


_____4. Hindi umuuwi sa takdang oras na ibinibigay ng magulang.

_____5. Nagsabi kang kasama ang guro sa lakad ninyo, kahit

hindi totoo.

_____6. Sobra ang sukli ng tindera kay Sara. Umalis na lang siya at

hindi na ibinalik ang sobrang sukli.

_____7. Nakapulot si Janice ng paying. Ito ay may pangalan ng

kanyang kaklase, kaya naman, agad niya itong ibinalik.

_____8. Nagpaalam si Nessa sa kanyang nanay na pupunta siya

sa bahay ng kanyang kaklase upang manghiram ng libro,

ngunit sa parke siya nagpunta.

_____9. Sinabi ni Bugoy sa kanyang guro na siya ang nakabasag

ng plorera.

_____10. Kumuha si Gino ng pera sa pitaka ng kanyang nanay

nang hindi nagpapaalam.

WEEK 4/ 2nd Quarter


Competency: Nakapagsasabi ng totoo sa magulang/nakatatanda at iba pang kasapi ng mag-anak sa lahat ng pagkakataon upang maging
maayos ang samahan.
Code: EsP1P- IIg-i– 5
PROJECT 6 ELEMENTARY SCHOOL
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 1
Worksheet No. 8

Pangalan: _________________________________ Marka: ___________


Baitang at Pangkat: ________________________ Petsa: _____________
Panuto: Bilugan ang tamang sagot sa bawat bilang.
1. Nakita mo ang iyong kaklase na nangopya sa aklat habang kayo ay nagsusulit. Ano ang
gagawin mo?
a. Gayahin siya para tumaas ang grado.
b. Magkunwari na hindi nakita.
c. Sabihin sa guro na nangongopya ang kaklase.
2. Hindi mo sinasadyang nabasag ang inyong baso. Ano ang gagawin mo?
a. Sabihin ang totoo kay nanay.
b. Itago ang nabasag na baso para hindi mapagalitan.
c. Sabihin na ang bunsong kapatid ang nakabasag.
3. Nagpaalam ka sa nanay mong pupunta ka sa bahay ng iyong kaklase dahil may gagawin
kayong proyekto ngunit niyaya ka ng iyong kaklase na mamasyal sa parke. Ano ang
gagawin mo?
a. Umuwi na lang at hindi sasama sa kaklase.
b. Sumama sa kaklase na mamasyal sa parke.
c. Sabihin kay nanay na namasyal ka sa parke at humingi ng tawad sa nagawang
pagkakamali.
4. Nawala mo ang perang pambili ng aklat. Ano ang gagawin mo?
a. Hindi na bibili ng aklat.
b. Sabihin kay nanay at kay tatay na nawala ang pera.
c. Humiram ng aklat sa kaklase at ito ang ipakita kay nanay.
5. Sobra ang naibigay sayong sukli ng tindera. Ano ang gagawin mo?
a. Itago ang pera para makabili ng laruan.
b. Ibalik ang sobrang sukli sa tindera.
c. Ipamigay sa kaibigan ang sobrang pera.
Panuto: Bilugan ang  kung tamang gawain ang isinasaad sa bawat pangungusap at
lagyan ng ekis (X) naman ang  kung hindi tama.
  1. Nagpaalam si Berto na pupunta sa bahay ng kaklase ngunit nakipaglaro
lamang ito sa mga bata sa labas.
  2. Kinuha ni Leo ang lapis ng kaklase nang hindi nagpapaalam.
  3. Napansin ni Mark na mali ang kanyang sagot sa pagsusulit subalit
nalagyan ito ng tsek kaya sinabi niya sa kanyang guro.
  4. Sinusunod ang bilin ng mga magulang na mag-aral ng leksiyon at huwag
pang gumamit ng computer.
  5. Nasasabi ang totoo kay tatay sa nagawang pagkakamali sa
pagbubukas ng computer.
WEEK 4/ 2nd Quarter
Competency: Nakapagsasabi ng totoo sa magulang/nakatatanda at iba pang kasapi ng mag-anak sa lahat ng pagkakataon upang maging
maayos ang samahan. Code: EsP1P- IIg-i– 5

You might also like