You are on page 1of 17

ANG MGA UNANG

BAYAN SA ASYA
PAMANTAYAN NG PAGKATUTO:
Nasusuri ang paghubog, pagunlad at
kalikasan ng mga mga pamayanan at
estado
Noong 6000 BCE ang kauna-unahang
mga bayan sa daigdig ay umusbong sa
Asya.
•Maliit na nayon sa
Jericho sa Katimugang
ng Palestine
•Catal Huyuk
•Cayonu sa Katimugang
Anatolia na ngayon ay
sakop ng Turkey
• Jarmo sa hilagang Iraq
• Hassuna at Ali Kosh sa kanlurang
Iran
• At Banpo sa Hilagang bahagi ng
China
ANG BAYAN NG JERICHO
• Naging sentro ng kalakalan ang Jericho at Catal Huyuk
subalit ang dalawang ito ay hindi naging ganap ng
siyudad.
• Daanan ang Jericho ng isang pinakamahalagang rutang
pangkalakalan na siyang maituturing na dahilan ng
pagyaman nito.
• Matatagpuan dito ang 10 acres ng lupain sa kanlurang
bahaging pampang ng ilog Jordan, naging bayan ito
noong 7000 BCE
• Ang bukal ng tubig ang ginagamit sa pagsasaka sa
kanilang irigasyon. Nagtatanim sila ng barley, trigo at
nag-aalaga din ng hayop tulad ng tupa, kambing,
gazelles at ilang uri ng ibon.
• Malapit din ang bayan sa mina ng mga mineral tulad ng
asin, Sulphur at pitch na siyang mahahalaga sa
kalakalan
• Sila rin ay nakagawa ng
kasangkapang yari sa obsidian.
• Turquoise mula sa Mt. Sinai at
• Ornamanteng kabibe mula sa
Dagat Mediterranean at Red
Sea.
• Sa pag unlad ng Jericho
maraming tao ang naakit na
manirahan at makipagkalakalan
dito umabot ng 2000 katao ang
pupulasyon ng Jericho na may 10
acres lamang.
• ITINUTURING NA PINAKAMATANDANG BAYAN
SA BUONG DAIGDIG ANG JERICHO ANG
BAYAN AY NALILIGIRAN NG HUKAY MULA SA
INUKIT NA MABATONG LUPA AT MAY BAKOD
NG 12 TALAMPAKAN ANG TAAS. NANG
MULING BUUIN ANG JERICHO ITINAAS ANG
BAKO NG 15 TALAMPAKAN AT NAGDAG DAG
PA NG BATONG TORE NA HINDI BABABA NG
25 TALAMPAKAN
Ang Bayan ng
CATAL HUYUK
(Forked Mound)
• Ito ay humigit kumulang 7000 BCE.
• Kinilalang pinakamalaking lugar
pansakahan sa kasaysayan ng daigdig.
• Naitatag ang Catal Huyuk sa isang
13 ektarya na matabang kapatagan sa
may south central Turkey. Noong
8000 BCE umabot ng 5000-6000 ang
populasyon nito
• Ito ay magy masaganang tubig at
angkop na klima sa pagsasaka.
• Ang mga pananim dito ay barley,
peas at trigo samantalang
nangunguna ang tupa at kambing sa
mag hayop na kanilang pinapastol.
Maliban dito, nanghuhuli rin sila ng
mga gala o wild cattle at nangingisda
sa kalapit na ilog
• Naging sentro din ito ng kalakalan, sa
mga natalang pagsusuri sa mga artifact
ng Catal Huyuk sila rin ay nakikipag
kalakalan sa ibang mga tao at
malalayong bayan na ang ilan ay sa Red
Sea pa matatagpuan.
• Ang pangunahing ikinakalakal ng Catal
Huyuk ay ang mineral na obsidian na
sagana sa lugar.
• Kilala din ang lugar sa paghahabi ng ng
halamang flax.
• Ang himaymay nito ay nagagamit sa
paghabi ng tela at ang buto naman nito
ay nagagamit sa paggawa ng langis.
• Ang Catal Huyuk ay binubuo ng mahigit 1000
magkakadikit na kabahayan. Naihahalintulad ito sa bahay
ng pukyutan.
• Magkakadikit ang mga dingding nito at kailangan pang
bumutas mula sa bubong upang makapasok sa bahay
• May mga kabahayan na takdang lugar na tila altar o
shrine para sa pagsamba. Matatagpuan ang isang rebulto
o estatwa na isang maliit na babae na tinatawag nilang
mother goddess, na kanilang pinaniniwalaang
nagkokontrol sa mga butil
Ban Po or Pan ` Po
Probinsya ng Sian
(Xian)
• Ang Ban Po bilang isang bayan o
malaking nayon na malapit sa ilog
Wei malayo layo sa Huang Ho ito
ay nanatili hanggang 4800 hanggang
4000 BCE.
• Tinatayang nasa 12.5 hanggang 17.5
acres ang kabuoang lawak nito ay
binubuo ng mahigit 100 kabahayan.
• Nahahati ito sa tatlong seksyon: ang
lugar ng tirahan ng mga tao, and
seksyon ng palayok kung saan
matatagpuan ang anim na pugon ng
gawaan ng palayok at seksyon ng
libingan o sementeryo.
• Ang Banpo ay piniling tirahan ng mga tao dahil sa matabang
lupain, saganang supply ng tubig at makapal na kagubatan.
• Angkong na angkop ang kapaligirang pisikal bilang
pinagkukunang-yaman para sa iba`t ibang aktibidad gaya ng
pagsasaka, pangingisda, pagpapalayok, pag aalaga ng hayop at
paggawa ng mga bahay.
• Nag mga tela at karayom ay patunay rin sa paig iral ng
pananahi at paghahabi da Bampo.
• Ang mga naninirahan dito ay natatanim ng millet, gulay gaya ng
Chinese gabbage at nag aalaga rin ng tupa, kambing at baboy.
Bahagi rin ang kanilang pang araw araw na pagkain ng isda
mula sa ilog, ibon, manok at isang uri ng usa na tinatawag na
sika o spotted dear
Sagutin ang katanungan
•Paano at bakit natatangi
ang Bampo Catal Huyuk
at Jericho?

You might also like