You are on page 1of 21

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
SANGAY NG MGA PAARALANG LUNGSOD – MAYNILA
Manila Education Center Arroceros Forest Park
Antonio J. Villegas St. Ermita, Manila

ARALING
PANLIPUNAN 7
Indus at Hwang Ho:
Duyan ng Kabihasnan

Ikalawang Markahan Ika-3 Linggo


Modyul 3

Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto:


Napaghahambing ang mga sinaunang kabihasnan sa Asya
(Sumer, Indus, Tsina)

0
PAANO GAMITIN ANG
MODYUL
Larawan mula sa: https://www.nicepng.com/maxp/u2e6y3r5e6q8y3q8

Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat ng inyong
pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing pag – aaral gamit
ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa ibaba para makamit
ang layunin sa paggamit nito.

1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul na ito.


2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong kwaderno.
Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali mong matatandan
ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.
5. Pag – aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman ang
antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may kakailanganin
ka pang dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang aralin. Lahat ng
iyong natutuhan ay gamitin sa pang – araw – araw na gawain.
6. Nawa’ y maging masaya ka sa iyong pag – aaral gamit ang modyul na ito.

BAHAGI NG MODYUL
Larawan mula sa: https://clipartstation.com/checklist-clipart-3-2/

1. INAASAHAN - ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan pagkatapos


makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
2. UNANG PAGSUBOK - ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong
kaalaman at konsepto na kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.
3. BALIK – TANAW – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating
kaalaman at kasanayang nalinang na.
4. MAIKLING PAGPAPAKILALA NG ARALIN – dito ibibigay ang pangkalahatang
ideya ng aralin.
5. GAWAIN - dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may kapareha.
6. TANDAAN – dito binubuo ang paglalahat ng aralin.
7. PAG – ALAM SA MGA NATUTUHAN – dito mapatutunayan na natutuhan mo ang
bagong aralin.
8. PANGWAKAS NA PAGSUSULIT – dito masusukat ang iyong antas ng pagkatuto
sa bagong aralin.

1
INAASAHAN
Larawan mula sa: https://www.pinclipart.com/maxpin/hohRJ/

Ikaw ay inaasahang makapagsusuri sa mga naganap at naging kontribusyon ng


sibilisasyong Indus at Tsina.

Ang modyul na ito ay nahahati sa dalawang (2) paksa, ito ay ang mga sumusunod:
• Paksa 1 – Kabihasnan sa Ilog Indus
• Paksa 2 – Kabihasnan sa Ilog Hwang Ho

Ang modyul na ito ay may sumusunod na mga layuning dapat mong matutuhan
pagkatapos makompleto ang mga aralin sa modyul na ito:

1. Natatalakay ang mga sibilisasyon na umusbong sa mga lambak-ilog ng Indus at


Hwang Ho;
2. Naipaliliwanag ang mga mahahalagang konsepto na may kinalaman sa
Kabihasnang Indus at Dinastiyang Shang;
3. Nasusuri ang uri ng pamumuhay (pulitikal, pangkabuhayan at kultural) ng mga
sibilisasyong Indus at Shang;
4. Napaghahambing ang tatlong sinaunang sibilisasyong umusbong sa Asya

Simulan natin ang iyong paglalakbay upang mapalawak pa


ang iyong kaalaman ukol sa Mga Kontribusyon ng Sinaunang
Kabihasnan ng Asya. Tiyak akong ikaw ay handa na at
nasasabik nang sagutan ang Unang Pagsubok.

2
UNANG PAGSUBOK
Larawan mula sa:
https://www.clipartkey.com/view/hhTohR_test-clipart-multiple-
choice-test-multiple-choice-questions/

Gawain: TAMA O MALI? (Kasanayan sa Mapanuring Pag – iisip)


Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap sa bawat bilang. Lagyan ng tsek
(√) ang mga bilog na nagsasaad ng TAMA kung wasto ang pangungusap, at ekis (X)
ang mga bilog na MALI kung ito ay hindi wasto.

TAMA MALI

1. Ang mga sinaunang kabihasnan sa Asya ay


unang umusbong malapit sa mga lambak-ilog.

2. Ang mga lungsod estado ng Mohenjo-Daro at Harappa


ay nagsimula bilang isang malaking imperyo na
sumasaklaw sa malaking bahagi ng Timog Asya

3. Ang dinastiya ng Shang ang pinakaunang dinastiya ng


ng China na may patunay o ebidensya.

4. Ang mga lungsod-estado ng Mohenjo-Daro at Harappa


ay umusbong malapit sa mga ilog Tigris at Euphrates.

5. Lahat ng mga sinaunang lungsod-estado ay nakabuo


ng kanilang sariling sistema ng pagsulat.

6. Ang mga lungsod-estado na nabuo ay nagkaroon ng


mga kani-kanilang pinuno at sistema ng pamahalaan.

7. May mataas ng antas ng kabihasnan ang mga


natuklasang sibilisasyon sa mga lambak-ilog sa Asya.

8. Naimbento ng mga Tsino ang calligraphy, bilang


unang sistema ng pagsulat na ginamit ng tao.

Magaling, natapos mo nang sagutan ang mga katanungan.


Maaari mo nang hilingin sa iyong tagapagdaloy na suriin at
iwasto ang iyong gawain. Pagbati, ipagpatuloy mo pa ang
iyong pagkatuto!

3
BALIK - TANAW
Larawan mula sa: https://www.vectorstock.com/royalty-free-
vector/box-question-mark-image-vector-13735934

Sa araling ito ay tatalakayin ang tungkol sa pag-usbong ng mga sibilisasyon sa


lupain ng Mesopotamia, isa na rito ang sibilisasyong Indus at Tsina. Ngunit bago
iyon, balikan mo muna ang iyong mga natutunan sa katatapos lamang na aralin
tungkol sa SIBILISASYONG SUMER sa pamamagitan ng pagsagot sa sumusunod na
gawain.

Gawain: MGA KONSEPTO, BUBUUIN KO!


Panuto: May mga larawan sa bawat bilang. Kilalanin kung ano ang tinutukoy ng
bawat larawan, at isulat ang mga titik na bubuo sa salita sa bawat patlang.

Pininterest.
https://i.pinimg.com/originals/3f/8d/28/3f8d2861f03293 https://www.ancienthistorylists.com/wp-content/uploads/2015/12/ancient-
3db4dc7d1c21051e19.jpg map.jpg

G P

https://www.globalsecurity.org/military/world/iraq/images/hanging-
gardens-of-babylon-1.jpg

G R
(Sumer writing).
https://www.crystalinks.com/CuneiformTablet1.jpg

Y
Lagyan Edin dito ng boxRng
4 sagot
MAIKLING PAGPAPAKILALA
NG ARALIN
Larawan mula sa: https://www.pngguru.com/free-
transparent-background-png-clipart-mrwef

Mapa ng lokasyon ng mga lungsod estado Mapa ng lokasyon ng Dinastiyang Shang


ng Mohenjo-Daro at Harappa http://archive.artsmia.org/art-of-
https://i.pinimg.com/564x/ca/f7/55/caf755 asia/history/images/maps/china-shang-
8d732b689af8ce77e26334e156.jpg large.gif

Ang dalawang sibilisasyon naman na tatalakayin ay nagsimula rin sa mga lambak


ilog, ang ilog Indus na ngayon ay nasa bansang Pakistan, at ang ilog Hwang Ho sa
bansang China. Dalawang tanyag na lungsod-estado, ang Harappa at Mohenjo-
Daro ay umusbong malapit sa Ilog Indus. Samantala, isang dinastiya (tumutukoy sa
isang lugar na pinamumunuan ng isang makapangyarihang pamilya o angkan) ay
umusbong malapit sa Ilog Hwang Ho, ang Dinastiyang Shang. Sa araling ito,
tatalakayin ang naging pag-unlad ng dalawang sibilisasyong nabanggit, at kung ano
ang mahahalagang pangyayari na naganap sa mga ito.

Sa pagtatapos ng ating aralin, ay paghahambingin natin ang tatlong sinaunang


sibilisasyon na umusbong sa Asya: ang mga kabihasnan ng Sumer, Indus at China.

5
Aralin
PAMAGAT NG ARALIN
1
SIBILISASYON SA ILOG INDUS

Mga guho ng sinaunang lungsod-estado ng Harappa


(Harrapan Ruins). brewminate.com.
https://brewminate.com/wpcontent/uploads/2017/01/IndusValley01.jpg

Tinatawag din na Sibilisasyong Harappan ang sibilisasyong umusbong sa Ilog Indus,


dahil sa limang lugar na kinatuklasan ng mga sinaunang kabihasnan, Harrapa ang
nauna (Harappa, Mohenjo-Daro, Dholavira, Ganeriwala at Rakhigarhi), bagaman
ang mga hukay sa Harappa at Mohenjo-Daro ang may pinakamalawak, at kinilala
bilang UNESCO World Heritage Site.

Ipinapalagay na ang mga Dravidians, ang unang pangkat ng tao na nanirahan


malapit sa Ilog Indus, ang nagtatag ng mga sibilisasyon sa nabanggit na ilog. Ang
mga lungsod-estado sa Harappa at Mohenjo-Daro ay kinakitaan ng sistema ng pag-
aantas ng tao sa lipunan, pagkakaroon ng sistema ng pagsulat, ng isang planadong
lungsod at mga malalawak at malalayong pakikipagkalakalan sa ibang lugar. Ngunit
hanggang ngayon ay hirap ang mga arkeologo na pag-aralan ang paraan ng
pamumuhay ng mga lungsod-estado sa Ilog Indus, dahil hindi pa mabasa ang
nabuong sistema ng pagsulat ng mga tao dito noon. Bagaman litaw na litaw sa mga
guho ng mga gusali sa dalawang lungsod-estado ng Harappa at Mohenjo-Daro ang
pagkakaroon ng isang sistematikong paraan ng pamamahala. Ang mga lungsod-

6
estado ng Harappa at Mohenjo-Daro ay may sopistikadong sistema ng kanal at
posonegro. Bukod dito, ang mga lungsod-estado ay kakikitaan ng mga lansangang
nakadisenyong kwadrilyo (grid patterned), ang pagkakaroon ng mga kagamitan at
gusaling pampubliko at mga monumento na maaaring magpatunay na ito ay plinano
ng isang may awtoridad.

Batay sa mga nahukay na mga kagamitan, kakikitaan ang sibilisasyong Indus ng


mataas na kaalaman sa pagtukoy sa sukat, timbang at oras. May mga artifact na
nahukay tulad ng mga laruan at alahas na palamuti, at mga palayok na nagpapakita
ng kanilang kasanayan sa paggawa ng mga bagay na ito. Pinaniniwalaan na ang mga
mangangalakal ang unang gumamit ng kanilang sistema ng pagsulat, ang pictogram
na hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa nauunawaan at naipaliliwanag ng mga
eksperto ang kahulugan nito.

Hindi naging malinaw ang dahilan kung bakit naglaho ang sibilisasyon sa Ilog Indus
noong 1750 BCE. Ilang teorya ang nagsasabi na marahil ay nagkaroon ng kalamidad
o nasangkot sa pananakop sa lugar na pinaniniwalaang pinangunahan ng mga
Aryan.

GABAY NA TANONG:
1. Ano-ano ang mga patunay na ang mga lungsod-estado ng Harappa at Mohenjo-
Daro ay isang organisadong sibilisasyon?
2. Sa iyong palagay, paano nakatulong ang Ilog Indus sa Mohenjo-Daro at Harappa?

DINASTIYANG SHANG

Ang Dinastiyang Shang (kilala rin sa bansang


China bilang Dinastiyang Yin) ay naghari sa
katimugang bahagi ng Hwang Ho o Ilog Dilaw
noong 1766 hanggang 1122 BCE. Ito ang
pinakamatandang dinastiya ng China na may mga
matitibay na ebidensyang nagpapatunay na ito nga
ay umiral. Ang mga kaalaman natin hinggil sa
Dinastiyang Shang ay mula sa mga natuklasan ng
mga arkeologo sa mga guho ng Yin sa lugar ng
Anyang, ang itinuturing na huling kapitolyo ng
Shang.

Sa lugar na ito natuklasan ang ilan sa mga


pinakamatatandang kasulatang Tsino na
nakasulat sa mga tinatawag na oracle bones (mga
taklob ng pagong at mga buto ng hayop na
Halimbawa ng oracle bone ginagamit sa panghuhula). Animismo ang umiiral
Pinagkunan:https://www.ibiblio.org/c
hinesehistory/contents/02cul/c03s03i na relihiyon noon sa Shang, kung saan sila ay
02.jpg
sumasamba sa mga espiritu sa kanilang paligid.
7
Ang mga ito ay ginamit ng mga sinaunang tao ng Shang, na siyang pinaghalawan ng
mga mahahalagang kaalaman tungkol sa nasabing panahon.

Ang Shang ay pinamunuan ng mga pinuno na naging organisado sa pag-aayos ng


kanilang lungsod na napalilibutan ng mga matataas na pader na nagsilbing pag-
hahanda sa mga madadalas na digmaan sa kanilang lupain. Sa panahong ito umiral
ang paniniwalang mandate of heaven, isang pilosopiya na dapat taglayin ng isang
lehitimong pinuno ng China. Naniniwala sila na kapag mabuti ang namumuno, ay
nasa kanya ang mandate of heaven, ngunit ito ay iaalis sa kanya kapag naging
masama at maging mapang-abuso. May malinaw na paghahati ng lipunan sa lupain
na ito, ang mga kasapi sa mga aristokrata at mga mabababang uri. Masalamin ito
sa anyo ng kanilang mga tahanan. Natuklasan sa panahong ito ang kanilang sistema
ng pagsulat na tinatawag na calligraphy, na nagsisilbing tagapag-isa ng mga Tsino.
Bagaman may mga umiiral na iba’t ibang wika, nakasentro lamang sa iisang anyo
at sistema ng pagsulat ang mga Tsino at ang mga simbolo na nakikita sa mga oracle
bones ang ginamit na karaker sa unang simbolo ng pagsusulat nila. Ipinapalagay ng
mga Tsino na ang kanilang kabihasnang umusbong sa Hwang Ho ang isa sa mga
sinauna at pinakamatandang kabihasnang umiral sa daigdig. Ang pananaw nilang
ito ay nagpatuloy tungo sa pagtatatag ng mga imperyo.

Mga Sumunod na Dinastiya pagkatapos


ng Shang

Ang pagsibol ng kabihasnang Tsina ay sa


ilalim ng Shang. Ang haka-haka ukol sa
sanhi ng pagbagsak ng Shang, maging ito
man ay totoo o hindi, ay ginamit ng
humaliling dinastiyang Chou upang
bigyang matuwid ang kanilang paggupo
sa Shang.

Ang Dinastiyang Chou ay naghari mula


1122 B.K hanggang 256 B.K. Sa
panahong ito, ang Tsina ay nahati sa
maraming estado. Ang katungkulan ng
monarkong Chou ay panseremonya Si Confucius, na isinilang noong panahon ng
Dinastiyang Chou
lamang dahil sa ang tunay na Pinagkunan:https://www.biography.com/.image/ar_1:1%2C
kapangyarihan ay nasa puno ng bawat c_fill%2Ccs_srgb%2Cg_face%2Cq_auto:good%2Cw_300/MTE
5NDg0MDU0OTMwNjg3NTAz/confucius-9254926-2-402.jpg
estado. Ang lipunang alipin na umiral nang panahon ng Shang ay unti-unting
nawala dahil sa mga pag-aalsa ng mga alipin. Sa harap ng ganitong mga pangyayari
sumulpot ang iba’t ibang pilosopong Tsino. Pinakatanyag dito sina Confucius na
nagbigay ng Confusionismo at si Lao Tzu na sinasabing nagpasimula ng Taoismo.

8
Sa naganap na mga digmaan ng estado
sa panahon ng Chou, nagwagi ang
Dinastiyang Ch’in. Si Shih Huang Ti
ang nagtatag ng dinastiyang ito na
humalili sa Chou. Sa kauna-unahang
pagkakataon, napag-isa ni Shih Huang
Ti ang kabuuan ng Tsina. Nagtatag siya
ng sentralisadong pamahalaan,
pinalawak niya ang sakop na teritoryo
Ang Great Wall, na matatagpuan sa bansang China ng Tsina. Kasabay nito, itinayo ang
Pinagkunan:https://www.bookmundi.com/t/visiting-
the-great-wall-of-china Dakilang Pader ng Tsina (Great Wall)
upang mahadlangan ang pananalakay ng mga Han mula Hilagang Asya.
Hindi lahat ng ginawa ni Shih Huang Ti ay kanais-nais. Inutos niyang sunugin ang
lahat ng libro ng kasaysayan ng Tsina sa kanyang paghahari. Nahukay ng mga
arkeologo sa lambak ng Ilog Huang Ho, ang libingan ni Shih Huang Ti. Ang kasama
sa libingan ng emperador ay rebulto na lamang ng mga mandirigma at alila patunay
na nagwakas na ang lipunang alipin noong panahong iyon.

GABAY NA TANONG:
1. Alin sa tatlong dinastiya na nabanggit ang sa iyong palagay ang may
pinakamahalagang nagawa sa kasaysayan ng bansang China. Bakit?
2. Ano ang mandate of heaven? Paano nito ipinaliwanag ang pag-usbong at
pagbagsak ng isang dinastiya sa China?

9
MGA GAWAIN
Larawan mula sa:
https://www.pinterest.ph/pin/392024342552301210

Gawain 1.1: HANAP-SALITA!


Layunin: Natutukoy ang mga mahahalagang konsepto tungkol sa binasang aralin
Kagamitan: kwaderno, ballpen
PANUTO: Alamin ang sagot sa mga tanong na nasa ibaba sa pamamagitan ng
paghanap sa sagot sa krosword.

X O R Q T G V B U P M F G C I

D R V R C H O U Z C T L Y S N

W A S F R E W S T P L O F E D

Z C U C S X C I R A X L D R U

U L I V K H G O W F C I A Y S

O E C B Z Q X T S D N N H H X

G B U N U K A C U S B A W J Z

V O F Y R E T G A H V D A P C

D N N T R D L G H J H O N L R

R E O G S D F G H J K L G A B

D S C Q W E R T Y U I O H Q D

H S H I H H U A N G T I O D S

J W H V U I D A P P A R A H T

1. Ilog sa Pakistan na pinagmulan ng kabihasnan ____________________


2. Ilog sa China na pinagmulan ng kabihasnan ____________________
3. Pader na ipinatayo bilang depensa sa kalaban ____________________
4. Isa sa mga lungsod-estado na umusbong sa Indus ____________________
5. Dinastiyang sumunod sa Shang ____________________
6. Buto ng hayop na ginagamit sa panghuhula ____________________
7. Isang dakilang pilosopo ng China ____________________
8. Emperador na nagpatayo ng Great Wall ____________________

10
Gawain 1.2: NAGANAP, NASURI, IBANDILA!
Layunin: Nasusuri ang mga mga pangyayari na naganap sa bawat sibilisasyon at
sinaunang imperyo
Kagamitan: kuwaderno, ballpen
Panuto: Nasa loob ng kahon ang ilan sa mga konsepto na may kinalaman sa naging
talakayan tungkol sa mga sibilisasyon sa Indus at Hwang Ho. Gamit ang mga
konseptong ito, gumawa ng limang (5) pangungusap para sa Kabihasnang Indus at
limang pangungusap para sa Kabihasnang Tsino na magpapaliwanag sa kanilang
sariling kabihasnan.

Oracle bone reading Indus


Pampublikong paliguan Paniniwala sa dynastic cycle
Paniniwala sa mandate of heaven Paggamit ng mga pictograph
Mohenjo-daro at Harappa Mga gusaling citadel
Shang Hwang Ho
Dinastiya Organisadong pamayanan

(Ancient India) Pininterest.ph (Ancient Chinese Civilization)


Pinagkunan:https://i.pinimg.com/originals/41/12/91/41129163a Pinagkunan:https://s3.thingpic.com/images/sG/zqvsBoJLrRNo
bb091bc8b88fbc93a9500cd.png 9qfM1Wb4YuLK.jpeg

KABIHASNANG INDUS SINAUNANG TSINA

1. _________________________________ 1. _________________________________
2. _________________________________ 2. _________________________________
3. _________________________________ 3. _________________________________
4. _________________________________ 4. _________________________________
5. _________________________________ 5. _________________________________

11
MGA PAMPROSESONG TANONG:

1. Batay sa iyong binasa, ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang mabuting


pinuno sa isang bansa?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

2. “Kapag mabuti ang isang pinuno, pagpapalain ang buong kaharian. Kapag
malupit ang pinuno, mamalasin ang kaharian.” Ano ang iyong paliwanag ukol rito?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

TANDAAN
Larawan mula sa:
https://www.clipartmax.com/middle/m2H7H7G6d3d3m2G6_f
reephotos-vector-images-thinking-brain-machine-brain-
clipart//

 May mga sinaunang lungsod-estado na natatag malapit sa ilog Indus (na


matatagpuan ngayon sa bansang Pakistan). Ang pinakatanyag dito ay ang
Harappa at Mohenjo-Daro
 Nakabuo ng isang organisadong pamayanan ang mga lungsod-estado ng
Harappa at Mohenjo-Daro, batay sa mga nahukay na guho sa lugar na ito.
 Pinaniniwalaan na ang mga mangangalakal ang unang gumamit ng kanilang
sistema ng pagsulat, ang pictogram na hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa
nauunawaan at naipaliliwanag ng mga eksperto ang kahulugan nito.
 Ang Shang ang pinakaunang dinastiya ng China na ay may matibay na
ebidensya ng pag-iral ng sinauna at pinakamatandang kabihasnan. Ito ay
umusbong malapit sa Ilog Hwang Ho.
 Umiral noong Shang ang oracle bone reading, kung saan ay gumagamit sila ng
mga taklob ng pagong at buto ng mga hayop sa kanilang panghuhula.
 Naniniwala ang mga Shang sa mandate of heaven, kung saan ay naniniwala sila
na pagpapalain ng langit ang isang mabuting pinuno at nasa kanya ang basbas
ng langit.

12
PAG-ALAM SA NATUTUHAN
Larawan mula sa: https://www.pngguru.com/free-
transparent-background-png-clipart-npevr

Gawain 3 : PHOTO-COLLAGE
Panuto:
1. Ihanda ang mga materyales, katulad ng coupon bond o anumang papel na
maaaring pagdikitan, 1/8 illustration board, mga pandikit at pangkulay,
at mga larawan na mayroon sa loob ng inyong bahay.
2. Pumili ng isa sa tatlong paksa na nais mong gawing photo-collage tungkol
sa sibilisasyong Indus at Tsina:
a. Uri ng pamumuno noon at ngayon
b. Kalakalang barter vs paggamit ng salapi
c. Paghahambing sa mga mayaman at mahirap noon at ngayon
3. Mas mainam kung makapagsasagawa ng pananaliksik hinggil sa piniling
paksa para sa photo-collage.
4. Mas mainam kung lalagyan ito ng disenyo. Gumamit ng mga makukulay
na papel o materyales na maaaring makita sa loob ng bahay.
5. Maaaring makipagtulungan sa miyembro ng iyong pamilya na may
kaalaman sa pagbuo ng collage.

Ang iyong gagawing collage ay mamarkahan batay sa sumusunod na rubrik:

Pamantayan 1 2 3 MARKA
Pagkamalikhain Hindi naging Naging malikhain Lubusang
malikhain sa pagbuo sa pagbuo ng nagpamalas ng
ng collage. collage pagiging malikahain
sa pagbuo ng collage.
Kaangkupan sa Hindi angkop ang Angkop ang ilang Lubusang
paksa nabuong collage. (kalahati) bahagi napakaangkop ng
ng collage. nabuong collage.
Presentasyon Hindi naging Naging malinaw Lubusang malinaw
malinaw ang ang intension o ang intension o
intensyon o detalyeng detalyeng detalyeng
ipinahayag ng collage. ipinahahayag ng ipinahahayag ng
collage. collage.
Mensahe Hindi angkop ang Angkop ang Lubusang angkop na
mensaheng mensaheng angkop ang mensahe
ipinahahatid ng ipinahahatid ng ng collage.
collage. collage.
Kalinisan at Di malinis at maayos Naging malinis at Lubusang
kaayusan ang pagkakabuo ng maayos ang napakalinis at
collage. pagkakabuo ng maayos ang
collage. pagkakaguhit ng
collage.

13
Mga Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang dahilan kung bakit ito ang napili mong paksa sa iyong ginawang
photo-collage?
2. Anu-ano ang mga isinaalang-alang mo sa pagpili ng mga ilalagay mo sa iyong
ginawang photo-collage?

GAWAIN 4: MATRIX OF IDEAS

Panuto: Mula sa ginawang tatlong photo-collage sa sibilisasyong Sumer, Indus at


Tsina, ay magsagawa ng pagsusuri sa tema at mga nilalaman na iyong pinili.

SUMER INDUS CHINA

Magbigay ng tig-dalawang halimbawa ng paraan ng pamamahala, uri ng


pamumuhay ng mga mamamayan at anyo ng lipunan sa tatlong tinalakay na
sibilisasyon.

SIBILISASYONG SIBILISASYONG SIBILISASYONG


SUMER INDUS TSINO

1. Paraan ng 1. 1. 1.
pamamahala
2. 2. 2.

2. Uri ng 1. 1. 1.
kabuhayan ng
2. 2. 2.
mga
mamamayan

3. Anyo ng 1. 1. 1.
Lipunan
2. 2. 2.

MGA PAMPROSESONG TANONG:

1. Paano nagkakatulad ang tatlong sibilisasyon sa (a) uri ng pamamahala, (b) uri ng
kabuhayan ng mga mamamayan nila, at (c) anyo ng lipunan?

2. Sa kabuuan, paano masasabi na ang isang sinaunang pamayanan ay sibilisado


na o may kabihasaan na?
14
PANGWAKAS NA
PAGSUSULIT
Larawan mula sa: https://www.hiclipart.com/free-
transparent-background-png-clipart-ogrow

Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong sa bawat bilang. Piliin ang titik ng
tamang sagot.

1. Ang Tsina ay pinamunuan at pinagharian ng maraming mga dinastiya. Bawat


pinuno nito ay nag-iwan ng ambag sa sibilisasyon. Alin sa mga sumusunod ang
tanyag na kontribusyon ng Tsina sa mundo?
A.Colosseum B. Great Wall C. Petra Ruins D. Taj Mahal

2. Itinatag ng isang pangkat ng tao ang dalawang sibilisasyon malapit sa lambak-


ilog ng Indus, ang Mohenjo-Daro at ang Harappa. Sino ang mga pangkat ng tao
na ito?
A. Aryans B. Dravidians C. Hellenes D. Hittites
3. Ang sinaunang Tsina ay hindi nakikisalamuha sa ibang kultura. Nagsara ang
Tsina ng lupain sa ibang dayuhan, dahil sa:
A. Ayaw nilang mahaluan ng ibang lahi
B. Takot sila na masakop ng ibang bansa
C. Nagkaroon sila ng takot sa mga dayuhan
D. Naniniwala sila ang kanilang lahi ang pinakamataas
4. Ang kabihasnan ng Timog Asya ay umusbong sa lambak-ilog ng Indus. Alin sa
mga sumusunod ang dalawang pinakamahalagang lungsod na pinagmulan ng
sibilisasyong Indus?
A. Baluchistan at Mergarh C. Mohenjo-Daro at Harappa
B. Fertile Crescent at Mesopotamia D. Yangshao at Lungshan

5. Ang pamumuno ng isang angkan sa isang imperyo o kaharian sa loob ng


mahabang panahon ay tinatawag na:
A. Dinastiya B. Imperyo C. Kolonya D. Piyudal
6. Bahagi ng paniniwalang Tsino ang tinatawag na Son of Heaven o “Anak ng
Langit” ang kanilang Emperador, ano ang iyong pagkaunawa sa kahulugan ng
konseptong ito?
A. Namumuno ang emperador batay sa mga kautusang itinakda
B. Namumuno siya dahil pinili siya ng mamamayan na anak ng Diyos
C. Ang emperador ang pinakamabuti sa lahat at itinalaga siya ng Diyos
D. Ang emperador ay pinili ng Langit upang mamuno na may itinakdang
kasaganaan at kapayapaan

15
7. Bakit kinilala ng Arkeolohiya ang Kabihasnang Indus na isang organisado at
planadong lipunan?
A. Nagkaroon ng bakas ng pag-aaway sa mga lugar na ito
B. Maayos ang mga labi ng mga taong nabuhay sa lugar na ito
C. Maayos at mabilis na natagpuan ang mga labi ng kabihasnan
D. Natuklasan ang dalawang lungsod na may parehong sukat ng bloke ng
kabahayan
8. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa batayang salik sa pagkakaroon ng
kahihasnan sa Indus at China?
A. Pamahalaan, relihiyon, sining, arkitektura at pagsusulat
B. Pamahalaan, relihiyon, kultura at tradisyon, populasyon at estado
C. Sinaunang pamumuhay, relihiyon, pamahalaan, mga batas at pagsusulat
D. Organisado at sentralisadong pamahalaan, relihiyon, uring panlipunan,
sining, agrikultura at pagsusulat

9. Alin s amga nabanggit ang pinakamahalagang katangian ng sistema ng


pananampalataya na umiiral noong dinastiyang Shang?
A. Naniniwala ang Shang sa pang-orakulo o panghuhula
B. Nagsasagawa ang hari ng Shang ng tungkuling panrelihiyon
C. Ang pananalampataya ng Shang ay batay sa maraming diyos
D. Tumutupad ang hari ng Shang ng lampas sa itinadhana ng simbahan
10. Maraming artifact na laruan ang nahukay sa mga lungsod ng Mohenjo-Daro at
Harappa. Ano ang iyong mahihinuha dito?
A. Mahilig ang mga Dravidian na maglaro
B. Bata ang populasyon ng mga Dravidian
C. Marami sa mga Dravidian ang isip-bata
D. Ito ay kumakatawan sa mga diyos ng mga Dravidian

16
SANGGUNIAN
Larawan mula sa
https://www.pngkit.com/view/u2q8w7y3e6y3a9r5_books-clip-art-4-
books-clipart/

Mga Aklat at Modyul:


Mateo, G.E. et.al. (2010). Asya Pag-usbong ng Kabihasnan (Batayang Aklat). Vibal
Publishing House, Inc. pp.67-68.

Project EASE, (Effective Alternative Secondary Education) Modyul 3 (Pag-usbong ng


mga Kabihasnan), pp. 24-30.

Mga Online Sources


https://learn.canvas.not/module_3_early_civilizations_in_south_and_east_asia
https://www.youtube.com/watch?v=V1HDwXHUoEk&t=102s
https://www.slideshare.net/Jirahlicious/mga-sinaunang-kabihasnan-sa-asya-
63879397

Mga Pinagkunan ng mga larawan:


https://i.pinimg.com/originals/3f/8d/28/3f8d2861f032933db4dc7d1c21051e19.jpg
https://www.ancienthistorylists.com/wp-content/uploads/2015/12/ancient-map.jpg
https://www.globalsecurity.org/military/world/iraq/images/hanging-gardens-of-babylon-
1.jpg
https://www.crystalinks.com/CuneiformTablet1.jpg
https://i.pinimg.com/564x/ca/f7/55/caf7558d732b689af8ce77e26334e156.jpg
http://archive.artsmia.org/art-of-asia/history/images/maps/china-shang-large.gif
https://brewminate.com/wpcontent/uploads/2017/01/IndusValley01.jpg
https://www.ibiblio.org/chinesehistory/contents/02cul/c03s03i02.jpg
https://www.biography.com/.image/ar_1:1%2Cc_fill%2Ccs_srgb%2Cg_face%2Cq_auto:goo
d%2Cw_300/MTE5NDg0MDU0OTMwNjg3NTAz/confucius-9254926-2-402.jpg
https://www.bookmundi.com/t/visiting-the-great-wall-of-china
https://i.pinimg.com/originals/41/12/91/41129163abb091bc8b88fbc93a9500cd.png
https://s3.thingpic.com/images/sG/zqvsBoJLrRNo9qfM1Wb4YuLK.jpeg

17
Management and Development Team
Schools Division Superintendent: Maria Magdalena M. Lim, CESO V
Chief Education Supervisor: Aida H. Rondilla
CID Education Program Supervisor: Amalia C. Solis
CID LR Supervisor: Lucky S. Carpio
CID-LRMS Librarian II: Lady Hannah C. Gillo
CID-LRMS PDO II: Albert James P. Macaraeg

Editors: Ebuena P. Advarez & Flordeliza A. Jastia, Head Teachers


Writer: Danilo Acosta Lumabas, Teacher I

18
REFLECTIVE LEARNING SHEET
ARALING PANLIPUNAN 7

Pangalan: _________________________________ Baitang at Seksyon: _____________


Paaralan: _________________ Petsa:____________ Guro sa AP: ________________
Kwarter Blg: 2 Modyul Blg.: 3 Linggo Blg.: 3

Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto: Napaghahambing ang mga


sinaunang kabihasnan sa Asya (Sumer, Indus, Tsina)
Layunin: Nakasusulat ng isang sanaysay hinggil sa mga mahahalagang natutunan
ng mga mag-aaral hinggil sa mga sibilisasyon na nabuo sa mga ilog Indus
at Hwang Ho.
Paksa: Ang Sibilisasyon sa Indus at Tsina

Gawain: Isulat ang iyong repleksyon ng pagkatuto ukol sa naging aralin hinggil sa
mga sibilisasyon sa Indus at Tsina, sa pamamagitan ng pagsagot sa mga
katanungang nasa loob ng mga kahon. Maging mapanuri sa paglalahad ng mga
natutunan. Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na sagutang papel.

Ang mga natutuhan ko sa naging aralin ngayon ay…


____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

Ang kahalagahan at saysay ng paksa na ito para sa aking pamumuhay ay…


_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

Ang aking mga natutunan sa aralin na maaari kong maibahagi sa aking


pamilya at mga kaibigan ay…
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
19
____________________________________________________________________________
Susi sa Pagwawasto
Larawan mula sa https://www.clipartmax.com/middle/m2i8i8b1H7d3G6N4_lock-
clipart-open-lock-lock-unlock-icon-free/

Gawain 1 Gawain 2 Balik-Tanaw


O
R C H O U L
I
N
SIBILISASYONG INDUS 1. Ziggurat
A
C
S
U A
L D
U
Pampublikong paliguan
L I W S
Mohenjo-Daro at 2. Mesopotamia
E C T H
B
O
U
F E
A W
A Harappa 3. Hanging
N
E
N
O G
R N
G Indus Gardens of
C H
S H I H H U A N G T I O Pictograph Babylon
A P P A R A H
Organisadong lipunan
4. Cuneiform

SIBILISASYONG TSINO
Oracle bone reading
Mandate of heaven Pangwakas na
Shang Pagsusulit
Dynasty
1. D
Paniniwala sa dynastic 2. B
cycle 3. D
Hwang Ho 4. C
5. A
6. A
7. D
8. A
9. A
10. D

20

You might also like