You are on page 1of 39

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan

Baitang: Grade 7
Markahan: Ikalawa Linggo: Ikatlo

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang pagunawa sa mga kaisipang
Pangnilalalaman Asyano, pilosopiya at relihiyon na nagbigay-daan sa paghubog ng
sinaunang kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng pagkakakilanlang
Asyano.
B. Pamantayan sa Ang mga mag-aaral ay kritikal na nakapagsusuri sa mga kaisipang
Pagganap Asyano, pilosopiya at relihiyon na nagbigay daan sa paghubog ng
sinaunang kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng pagkakilanlang
Asyano.
C. Mga Kasanayan sa
Pagkatuto Napaghahambing ang mga sinaunang kabihasnan
sa Asya (Sumer, Indus, Tsina ). (AP7KSA-IIc-1.4 )
-Naituturo sa mapa ang pinagmulan ng mga
s inaunang kabihasnan
-Natatalak ay an g sistemang pampo litika at
pang - e konomiya ng kabihasnang Sumer,
Indus at Shang
-Nabibigyang -halaga ang mga sistemang ito
sa pang -araw -araw na buhay
II. NILALAMAN Sistemang Pampulitika at Pang-ekonomiya ng kabihasnang Sumer, Indus
at Shang
III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa
Gabay ng Guro
2. Mga Pahina sa Asya Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba p. 112-113
Kagamitang pang
Mag-aaral
3. Mga Pahina sa Asya Pag-usbong ng Kabihasnan pp. 132- 140
Teksbuk
4. Karagdagang
kagamitan mula
sa Learning
resourceso
nilalaman
B. Iba pang Kagamitang Laptop, projector,mapa ng Asya,mapa ng Fertile Crescent,mapa ng
Panturo lokasyon ng tatlong sinaunang kabihasnan, mga ginupit na colored paper
na may iba’t ibang hugis.

53
IV. PAMAMARAAN
ADVANCED LEARNER AVERAGE LEARNER
A. Balik-aral sa Wordstorm (5 minuto)
nakaraang aralin
Magbibigay ang guro sa ilang mag-aaral ng colored paper na may iba’t
ibang hugis na naglalaman ng mga letra. Hahanapin ng ilang mga mag-
aaral ang kapareho nilang hugis upang makabuo ng salita. (Ang
mabubuong salita ay may kinalaman sa nakaraang paksa). Maaaring
makita ang halimbawa ng gawaing ito sa Annex 1 Gabay na tanong:

Ano-ano ang nabuo ninyong mga salita? May kinalaman ba ito sa


paksang tinalakay natin kahapon?

Mga salitang mabubuo na magiging batayan ng pagbabalik –aral


kabihasnan, relihiyon, pagsulat

B. Paghahabi sa
Layunin ng Aralin
C. Pag-uugnay ng mga Hula-salita
halimbawa sa Ayusin ang mga letra upang makabuo ng pangalan ng mga
bagong aralin mahahalagang ilog na matatagpuan sa Asya

SIRGIT SETARHPUE
USIND HO HUANG

Gabay na tanong:
1.Ano kaya ang pagkakaiba ng mga ilog na ito sa mga ilog natin ngayon?
2. Sa inyong palagay, nagsimula kaya ang mga pamayanan natin ngayon
na malapit din sa mga ilog?
D. Pagtatalakay ng Magpapakita ang guro ng mapa ng Asya at ipaturo sa mga mag-
bagong konsepto aaral ang mga bansa kung saan matatagpuan ang mga ilog na
at paglalahad ng pinagusbungan ng mga unang kabihasnan (Sumer, Indus at Shang)
bagong kasanayan Gabay na tanong:
#1 Sa inyong palagay, bakit kaya sa mga lugar na ito unang sumibol
ang mga kabihasnan?

Paglalahad ng guro ng impormasyon ukol sa Fertile Crescent kung


saan umusbong ang kabihasnang Sumer.
(Magpapakita ang guro ng mapa ng Fertile Crescent).
Ipakita ang lokasyon ng tatlong sinaunang kabihasnan.

54
E. Pagtatalakay ng Pangkatang Gawain:
bagong konsepto Hatiin ang klase sa dalawang pangkat. Bigyan ng paksang tatalakayin.
at paglalahad ng Matatagpuan ang sipi ng paksa sa Appendix 1.21.4.
bagong kasanayan
#2 Pangkat 1-Sistemang pampolitika ng Sumer, Indus at Shang (News
Report)

Pamprosesong tanong:
1. Ano ang tawag sa pinuno ng mga lungsod estado ng Kabihasnang
Sumer, Indus at Shang?
2. Ano ang mga lung-sod na naitatag sa Sumer, Indus at Shang?
3. May mahalaga bang papel ang paring-hari sa kabihasnang Sumer, Indus
at Shang? Bakit?
4. Ano ang katangian ng lungsod ng Mohenjo-Daro at Harappa?
5. Ano ang dahilan ng paghina o pagbagsak ng mga lungsod sa
kabihasnang Sumer, Indus at Shang?

Pangkat 2- Sistemang Pang-ekonomiya ng Sumer,


Indus at Shang (Dula-dulaan)

Pamprosesong tanong:
1.Ano-ano ang gawain o sistema ng pamumuhay ng mga taga-Sumer,
Indus at Shang?
2.Paano hinarap ng Sumer, Indus at Shang ang hamon ng kalikasan?

Gamiting gabay ang rubric sa pagtataya ng mga presentasyon.


Tingnan sa Appendix 1.5
F. Paglinang sa I-Chart Mo!
Kabihasaan (Tungo Punan ang talahanayan ng mahahalagang datos at pagkatapos
sa Formative sagutin ang mga pamprosesong tanong.
Assessment) Sistema Sumer Indus Shang
Pampulitika
Pangekonomiya

Pamprosesong Tanong:

1. May pagkakatulad ba ang tatlong kabihasnan sa sistemang


pampolitika? Ano ang mga ito?
2. Bakit tinaguriang kambal na lungsod ang Mohenjo-Daro at Harappa?
3. Ano ang pagkakaiba ng lungsod estado na naitatag sa Sumer sa
lungsod ng Mohenjo-Daro at Harappa?
4. Ano ang kahalagahan ng mga naitatag na lungsod ng Sumer ,Indus at
Shang sa kasalukuyan?
5. Ano ang masasabi ninyo sa sistemang pangekonomiya ng tatlong
kabihasnan?
6. Umiiral pa ba ang mga nasabing sistemang pang-ekonomiya sa
kasalukuyan? Magbigay ng halimbawa.

55
G. Paglalapat ng aralin I-Tweet Mo!
sa pangaraw-araw Para sa inyo, ano ang mahalagang papel ng mga pari sa ating
na buhay lipunan sa kasalukuyan?

H. Paglalahat ng Aralin I Believe (5minuto)


I-Share It Ilalahad ng mga magaaral
Mo!(5minuto) ang mga natutunan sa
Ano ang maha - aralin sa pamamagitan
hala gang bagay na ng “I believe”…. Na
natutunan mo sa pangungusap
sistemang pampolitika
at e konomiya ng I believe ang napag-aralan
Kabihasnang Sumer, namin ngayon ay
Indus at Shang?
I believe natutunan ko na
__________________
I believe na magagamit
ko ang mga natutunan ko
sa
___________________
I. Pagtataya ng Aralin Maikling Pagsusulit: Sa ¼ na papel sagutin ang mga tanong.
A. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.
1. Ang kabihasnang Sumer ay sumibol sa pagitan ng dalawang ilog ang
___________.
2.Tawag sa pinuno ng Sumer, Indus at Shang.
3. Tawag sa mataas na moog sa Mohenjo-Daro at
Harappa _____________
4. Pinakasikat na lungsod sa kabihasnang Shang ay ang
_________.
5. Lider politikal at ispritwal ng mga Sumerian
ANYANG PARING-HARI
URCITADEL TIGRIS AT EUPHRATES
HUANG HO

C. Sa kasalukuyang panahon, paano ninyo pahahalagahan ang mga


lungsod estado na naitatag ng mga sinaunang kabihasnan?

J. Karagdagang Pag-aralan ang kabihasnang Indus at mga ambag nito sa kabihasnan.


gawain para sa Sanggunian: Modyul ng Mag-aaral, Asya:
takdang-aralin at Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba pa.113
remediation Asya Pag-usbong ng Kabihasnan pa.134-137

V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY

A. Bilang ng mag-aaral
na nakakuha ng 80%
sa pagtataya

56
B. Bilang ng mag-aaral
na nangangailangan
ng iba pang Gawain
para sa remediation
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng
mag-aaral na
nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mag-aaral
na magpapatuloy sa
remediation
E. Alin sa mga
estratehiyang ginamit
sa pagtuturo ang
nakatulong ng lubos?
Paano ito nakatulong?
F. Ano ang naging
suliranin na maaaring
malutas sa tulong ng
aking punongguro at
supervisor?
G. Anong inobasyon o
lokalisasyon sa mga
kagamitan ang
ginamit/ natuklasan ko
na nais kong ibahagi
sa ibang guro?

57
Appendix 1.1 Gawain para sa Balik-Aral

WORDSTORM
Hanapin ang magkakaparehong hugis na naglalaman ng mga letra upang makabuo ng salita.
(kabihasnan, pagsulat, relihiyon )

Mapa ng
Fertile
Crescent

ka re bi s

pag yon u
has

li
nan lat hi

58
https://www.google.com/search?q=kabihasnang+sumer&tbm=isch&source=iu&ict
x
=1&fir=tXv9SRCOPb
FkDM%253A%252CikBnz7CAXw4DAM%252C_&vet=1&usg=AI4
_
-kQDkg1WFH U

Pinagkunan: Araling Asyano -Padayon Araling Panlipunan sa Siglo 21 (Ronaldo B. Mactal,PhD)


p.288

Appendix 1.2

Sistemang Pampolitika at Pang-ekonomiya ng Sumer

Ang Sumer ay itinuturing na pinakamatanda at pinakaunang kabihasnan sa buong daigdig.


Matatagpuan ito sa Mesopotamia o lambak- ilog ng Tigris at Euphrates. Tinatayang noong 3500-
59
3000 B.C.E. umusbong ang mga lungsod na lumitaw sa Sumer, Ang Ur, Uruk, Eridu, Lagash,
Nippur at Kish. Karaniwang hugis parihaba ang mga lungsod sa Sumer at may malalapad na
kalsada. Pinalilibutan ito ng mataas at malapad na pader.

Ang pinakamalaking gusali ay ang ziggurat at nasa tuktok nito ang dambana para sa mga diyos at
diyosa ng lungsod. Nasa gitna ng lungsod ang ziggurat at mula rito nakaplano ang pagkakalatag
ng iba pang gusali. Malapit sa temple ang imbakan ng mga butyl, palasyo na may malawak na
bakuran at bahay ng iba pang opisyal ng lungsod. May lugar din para sa mga bazaar at pagawaan
ng mga artisan o may mga kasanayan tulad ng manghahabi at karpintero. Papalayo sa sentro ang
bahay ng iba pang ordinaryong mamamayan. Dahil nagsasarili ang bawat lungsod at ang sentro
ng lipunang Sumer ay nakatuon sa relihiyon, karaniwang tinatawag din na templong-estado ang
mga lungsod-estado ng Sumer.

Mahalaga ang naging papel na ginampanan ng pari-hari ( priest-king) sa mga templong –estado.
May mga tungkulin siya na dapat tuparin bilang tagapamahalang ispritwal at bilang isang pulitikal
na lider. Bilang pari, inaasahan mula sa kanya na maging tagapamagitan sa diyos at
mamamayan. Sa kabilang banda, bilang hari, siya ang tagapagpatupad ng batas upang
mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lipunan. Siya rin ang namamahala sa sistema ng
irigasyon. Sa kalaunan, ang mga templong-estado ay maglalaban para sa pagkontrol sa
limitadong lupa at tubig sa Mesopotamia. Magiging madalas ang digmaan na nangangailangan ng
pinunong militar. Ang pinunong militar ang papalit sa paring-hari bilang pinuno ng templong-
estado.

Pinagkunan:
ASYA Pag-usbong ng Kabihasnan ( Grace Estela C. Mateo, Ph.D. et al ) pp.
131-132

Appendix 1.3

Sistemang Pampolitika at Ekonomiya ng Indus

Ang kabihasnan ng Timog Asya ay umusbong sa lambak-ilog ng Indus. Noong 1922 lamang
natuklasan ng mga arkeologo ang mga labi ng sinaunang kabihasnan dito. Nakahukay ng mga
labi ng lungsod at bahay na gawa sa ladrilyo at mga selyong luwad. Ngunit marami pa ring
misteryo ang hindi nasasagot. Hindi pa rin naiintindihan ng mga eksperto ang kahulugan ng mga
simbolo sa pagsusulat ng Indus.Walang tala ukol sa mga pangalan ng kanilang hari o reyna. Wala
ring tala ng pagbubuwis at kahit isang literatura.

Ang nalalaman lamang ay nabuo ang ilang lungsod sa Indus noong bandang 2700 B.C.E. Sa
limang lungsod na nahukay, dalawa ang pinakaimportante: ang Harappa at Mohenjo-Daro.
Tinatayang umabot ang populasyon ng dalawang lungsod sa 40,000 katao. Sinasabi rin na ang
mga Dravidian ang bumuo ng kabihasnang Indus.

Tulad ng Sumer, kulang sa mga likas na yaman ang Indus: walang metal, kahoy at mga semi-
precious ang pangunahing gawain sa Harappa at Mohenjo-Daro. Upang makontrol ang pag-apaw
ng tubig sa Indus gumawa ng irigasyon, kanal at dike ang mga Dravidian. Ilan sa kanilang
pananim ay trigo, barley, melon, date at bulak. Ang bulak ay hinahabi upang maging tela. May
mga artisano na gumagawa ng palayok at alahas na gawa sa garing, ginto at kabibe. May ilang
60
gumagawa ng iba’t ibang kagamitang gawa sa bronse, tanso at pilak. Nakipagkalakalan din tungo
sa mga baybayin ng Arabian Sea at Persian Gulf hanggang sa mga lungsod ng Sumer. Lulan ng
mga barkong Dravidian ang samu’t saring produkto tulad ng perlas, tanso, tela, ivory comb at mga
butil.

Ang Harappa at Mohenjo-Daro ay mga planado at organisadong lungsod. May dalawang bahagi
ito-citadel o mataas na moog at mababang bayan. Karaniwang nasa bandang kanluran ng
lungsod ang moog. Nakapatong ito sa plataporma na ladrilyo nay may taas na 12 metro at
napapalibutan ng pader. Nasa loob ang malaking imbakan ng mga butil, malaking bulwagan at
pampublikong paliguan.

Maayos na nakalatag sa ibaba ng moog ang lansangang nakadisenyong kwadrado (grid-


patterned) at pare-pareho ang sukat na bloke ng kabahayan. Ang mga bahay ay gawa sa mga
ladrilyo na pinatuyo sa pugon. Pantay ang bubong ng bahay at karaniwang nakatalikod sa
pangunahing kalsada. May ilang bahay na umaabot sa dalawa o tatlong palapag at may
balkonahe na gawa sa kahoy. Ang bawat bahay ay may isa o higit pang banyo o palikuran na
nakakonekta sa sentralisadong sistema ng tubo at imburnal sa ilalim ng lupa. Patunay ito na may
sentralisadong pamahalaan ang mga Dravidian na namamahala ng paggawa ng mga
pampublikong proyekto tulad ng irigasyon at imburnal.

Maraming artifact na laruan ang nahukay sa mga lungsod estado ng Harappa at Mohenjo-Daro.
Samantala, wala namang artifact ng anumang armas o sandata.

Pinagkunan:

Asya Pag-usbong ng Kabihasnan ( Grace Estela C. Mateo, Ph.D. et al ) pp.134- 135

Appendix 1.4
Sistemang Pampolitika ng Kabihasnang Shang

Bandang 1700 B.C.E. lumitaw ang kabihasnang Shang sa lambak ng Huang Ho.Lumago ang
populasyon mula sa mga naunang neolitikong pamayanan at mas umunlad ang kaalaman sa
agrikultura.Walang gaanong irigasyon na ginawa sa Shang ngunit lagging masagana ang ani dahil
sa loess,tubig ng ilog at tubig-ulan sa lambak ng Huang Ho.
May pitong lungsod ng Shang ang nahukay ng mga arkeologo.Ang pinakasikat ay ang Anyang.
May maayos na paglalatag ang mga kabahayan at estruktura ng Shang. Nasa gitna ng lungsod
ang iba pang pampublikong gusali at tirahan ng mga opisyal. May nakatalagang lugar para sa
mga pagawaan ng mga artisan at iba pang mamamayan. Ang buong lungsod ay napalilibutan ng
mataas na pader. Nakahukay rin ang mga iskolar ng sementeryo sa labas ng lungsod. Dito nakita
ang malalaking libingan ng mga hari at matataas na opisyal ng Shang. Nakita sa isa sa mga
nahukay na libingan ng hari, ang malaking kahoy na kabaong, maraming kagamitang bronse,buto
at bato. Natagpuan na kasamang inilibing ang ilang pugot na bangkay ng alipin. Ang mga ulo ng
mga alipin ay nakalagay sa isang bahagi at ang kanilang mga katawan sa kabilang lugar. Ngunit
pinaka-importanteng nahukay sa mga sementeryo ng Shang ay ang iba’t ibang buto na ginamit sa
mga ritwal. Ang mga butong ito ay tinawag na oracle bones, mga butong pang-orakulo o
panghuhula.

61
Ang mga pinuno ng Shang ay mga paring-hari na namumuno sa mga hukbong gumagamit ng
mga sandatang bronse at sasakyang chariot. Madalas ang digmaan at marami ang mga rebelyon
kaya mahalaga ang pagkakaroon ng malakas na hukbo upang mapanatili ang kapangyarihan ng
hari.

Pinagkunan:
Asya Pag-usbong ng Kabihasnan (( Grace Estela C. Mateo, Ph.D. et al ) pp.138- 139

Appendix 1.5
Rubric sa Presentasyon

News Report

Indicator 1 2 3 4 5
1. May ganap na pag-unawa sa paksa na
pinagtutuunan ng pansin
2. Magaling na naipahayag ang paksang binigyang
diin
3. Mainam na nailahad ang kaalaman sa paksa
4. Nakahikayat sa nanonood
5. Nakapagbigay ng karagdagang impormasyon
Kabuuan
Dula-dulaan

Indicator 1 2 3 4 5
1. Kagalingan ng papel sa pagkaganap sa dula-dulaan
2. Napaloob sa dula-dulaan ang mensahe ng paksa
3. Naging malinaw ang paglalarawan sa mga tema,
konsepto at paglalahat na nilalaman ng instruksiyon
4. Nasagot at naipaliwanag ang tanong sa klase
5. Naipamalas at nagampanan ang papel na dapat
gampanan ng bawat tauhan
Kabuuan

Pinagkunan:

Asya Pag-usbong ng Kabihasnan (Manwal ng Guro) p.25

62
Appendix 1.6

Mga inaasahang sagot:

Kasanayan 2:

Pangkat I (Pamprosesong tanong)

1. Tinatawag na paring-hari ang pinuno sa mga lungsod sa kabihasnang Sumer, Indus at


Shang.
2. Sa Sumer ang mga lungsod-estado na naitatag ay ang Ur, Eridu, Uruk, Nippur at Lagash.
Sa Indus naman ay ang Mohenjo-Daro at Harappa samantalang sa Shang ay ang Anyang.
3. May mahalagang papel ang hari sa kabihasnang Sumer, Indus at Shang dahil sila rin ang
nagsisilbing lider ispiritwal at tagapamahala sa sistema ng ekonomiya sa kanilang
nasasakupan.
4. Ang lungsod ng Mohenjo-Daro at Harappa ay itinuturing na mga planado at organisadong
lungsod dahil sa mga lansangang nakadisenyo ng grid pattern.
5. Ang mga lungsod-estado sa Sumer ay bumagsak dahil sa madalas na paglalaban laban.
Ang lungsod ng Mohenjo-Daro at Harappa ay biglang naglaho dahil sa ilang mga dahilan;
una ay dahil sa pagbabago ng pisikal na kapaligiran kung saan nag-iba ng daanan ang ilog
Indus, pangalawa maaring dahil sa pagkakaroon nito ng mga mahinang namuno at
pangatlo ay dahil sa ito ay posibleng nasakop ng ibang dayuhan. Ang kabihasnang Shang
naman ay bumagsak dahil din sa pagkakaroon ng mahinang pinuno at pananakop ng mga
dayuhan na nagtatag ng bagong dinastiya.

Pangkat II (Sistemang Pang-ekonomiya ng Sumer, Indus at Shang) Inaasahang sagot sa mga

Pamprosesong tanong:

1. Pangunahing gawain sa Sumer ay pagtatanim ng mga butil, mayroon ding mga lugar para
sa pagawaan ng mga artisano tulad ng mga manghahabi at sapatero. Sa Indus ang gawain
ay may kinlaman rin sa agrikultura dahil sa matabang lupa malapit sa lamabak ng ilog
Indus, Nagtatanim sila ng trigo, barley, date at bulak. May mga gumagawa ng palayok at
alahas na gawa sa ginto at kabibe. Nakikipagkalakalan rin ang mga Dravidian na
sinasabing siyang bumuo ng kabihasnang Indus. Samantala pagtatanim rin ang
pangunahing gawain sa kabihasnang Shang na unang nalinang ng mga pamayanang
neolitiko rito tulad ng Lungshan at Yangshao.
2. Hinarap ng tatlong kabihasnan ang hamon ng kalikasan sa pamamagitan ng paggawa ng
mga dike at kanal na malaking tulong tuwing aapaw ang ilog Tigris at Euphrates, Indus at
Huang Ho.

Nakaimbento rin ang Sumer at Shang ng kalendaryong lunar upang bantayan ang pag-
apaw ng mga nasabing ilog.

Inaasahang sagot sa Paglinang sa kabihasaan (I-Chart Mo!)

63
Sistema Sumer Indus Shang
Pampulitika -paring-hari ang -paring-hari ang -paring-hari ang
pinuno - naitatag pinuno pinuno
ang lungsod -Mohenjo-Daro -Anyang ang
estado ng Ur, at Harappa ang pinakatanyag na
Uruk, Eridu, mga lungsod lungsod - ang mga
Nippur at -organisado at lungsod ay
Lagash -ang mga planado ang mga napalilibutan ng
lungsod ay lungsod mataas na pader -
napapalibutan ng ang mga hari ay
mataas na pader -mayroong namumuno sa
citadel mga hukbong
gumagamit ng
chariot dahil sa
madalas na
digmaan at mga
rebelyon
Pang -agrikultural ang -agrikultural ang -agrikultural ang
ekonomiya pamumuhay pamumuhay, pamumuhay
- nakipagkalakalan
nakikipagkalakala ang mga
n na Dravidian tungo
rin sa Arabian Sea
Inaasahang sagot sa Pamprosesong tanong:

1.Opo, Parehong pinamumunuan ng paring-hari ang tatlong kabihasnan. May mga lungsod estado
na naitatag at ang mga ito ay napalilibutan ng mataas na bakod bilang proteksyon ng kanilang
lugar.
2. Kambal na lungsod ang Mohenjo- Daro at Harappa dahil sa pagkakatulad ng mga lansangang
nakadisenyong kuwadrado (grid-patterned) at pare-parehong sukat ng bloke ng kabahayan.
3.Ang lungsod estado ng Sumer ay hindi masyadong organisado kung ikukumpara sa Mohenjo-
Daro at Harappa.
4. Ang mga lungsod-estado na naitatag ng tatlong kabihasnan ay mahalaga dahil ito ang
naging batayan ng konsepto ng ating mga lungsod sa kasalukuyan. Kung anong uri o sistema ng
pamamahala ang ating ipatutupad at kung paano natin ito pauunlarin.
5. Ang pamumuhay ay halos may kinalaman sa agrikultura o pagtatanim. Opo umiiral pa ang
ganitong uri ng pamumuhay tulad halimbawa ng mga naninirahan malapit sa kapatagan na ang
pangunahing ikinabubuhay ay pagsasaka.

Inaasahang sagot sa pagtataya:


A
1. Tigris at Euphrates 4. Anyang
2. Paring-hari 5. Paring-hari
3. Citadel

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan


Baitang 7
Markahan Ikalawa Linggo Ikatlo
64
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang
Pangnilalalaman pag-unawa sa mga kaisipang Asyano ,
pilosopiya at relihiyon na nagbigay-daan sa
paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Asya
at sa pagbuo ng pagkakakilanlang Asyano
B. Pamantayan sa Ang mga mag-aaral ay kritikal na
Pagganap nakapagsusuri sa mga kaisipang Asyano,
pilosopiya at relihiyon na nagbigay-daan sa
paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Asya at
sa pagbuo ng pagkakilanlang Asyano
C. Mga Kasanayan sa
Pagkatuto
Napaghahambing ang mga sinaunang
kabihasnan sa Asya (Sumer, Indus, Tsina)
AP7KSA -IIc-1.4
-Natatalakay ang sistemangpanrelihiyon at
panlipunan ng kabihasnang Sumer, Indus at
Shang
-Naihahambing ang sistemang panrelihiyon
at panlipunan ng kabihasnang Sumer, Indus at
Shang
-Napahahalagahan ang sistemang ito sa
pang-araw-araw na buhay

II. NILALAMAN Sistemang Panrelihiyon at Panlipunan ng


Sumer, Indus, at Shang
III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay
ng Guro
2. Mga Pahina sa Asya Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba p.
Kagamitang pang 112-113
Magaaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk Asya Pag-usbong ng Kabihasnan pp.132- 140

4. Karagdagang kagamitan
65
mula sa Learning
resources o nilalaman
B. Iba pang Kagamitang
Panturo
IV. PAMAMARAAN ADVANCED LEARNER AVERAGE LEARNER

A. Balik-aral sa nakaraang
aralin Ano ang paksang tinalakay natin kahapon?
B. Paghahabi sa Layunin Magpapakita ang guro ng larawan ng
ng Aralin simbahan, Santo Papa at Pangulo ng bansa.

Gabay na tanong:
Ano ang mahalagang papel na ginagam- panan ng
mga nasa larawan?

-Pagkatapos na masagot ng mga mag-aaral, ay ilalahad ng


guro ang layunin ng aralin.
C. Pag- Magbibigay ang mag-aaral ng sariling pakahulugan ng
uugnay sumusunod na mga salita.
ng mga 1.templo 3.opisyal
halimbaw 2.ritwal 4.mangangalakal
a sa
bagong
aralin

66
D. Pangkatang Gawain
Pagtat Hahatiin ang klase sa apat (4) na pangkat.Bigyan ng
alakay paksang tatalakayin. Tingnan ang sipi ng paksa sa
ng
bagong 2.4.
konsep
to at Pangkat 1-Sistemang Panrelihiyo
n ng Sumer
paglala (Interview)
had ng
bagong Pamprosesong Tanong:
kasana 1.Sino-sino ang kinikilalang diyos ng mga
yan Sumerian?
#1 2. Ano ang tawag sa templo ng mga
Sumerian?
3. Bakit habang papataas ang ziggurat papaliit
naman ang istruktura nito?

I -Sistemang Panrelihiyon ng Indus


(Dul
I a -dulaan)
Pamprosesong tanong:
-Ilarawan ang sistemang panrelihiyon ng
kabihasnang Indus

II -Sistemang Panrelihiyon ng Shang (News


Report)
I

Appendix 1.1-

Pamprosesong tanong:
67
-Bakit nagsasagawa ng mga ritwal, pagsasakripisyo at
dasal ang hari sa kabihasnang Shang?

IV-Sistemang Panlipunan ng Sumer, Indus at


Shang (Panel Discussion)

Pamprosesong tanong:
1.Sino ang itinuturing na nasa pinakamataas na antas sa
lipunan ng Sumer, Indus at Shang?

2.Ano-ano ang tungkuling ginagampananan ng


bawat antas sa lipunan ng kabihasnang
Sumer, Indus at Shang?

Tingnan ang rubric sa pagtataya sa Appendix


1.5.
E. Pagtatalakay ng bagong Data retrieval chart: Punan ng datos ang chart
konsepto at paglalahad tungkol sa sistemang panrelihiyon at
ng bagong kasanayan # panlipunan ng tatlong kabihasnan.
2 Kabihasnan Sistemang Sistemang
Panrelihiyon Panlipunan
Sumer
Indus
Shang
Pamprosesong tanong:
1.Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng
sistemang panrelihiyon ng kabihasnang Sumer,
Indus at Shang?
2. Ano ang kaibahan ng tirahan ng hari ng
Shang sa Sumer at Indus?

68
F. Paglinang sa
Kabihasaan (Tungo sa
Formative Assessment)

Pumili ng isang kabihasnan at gumawa ng


story board tungkol sa sistemang panrelihiyon
at panlipunan. (5 minuto)
Hal.
Ang Sumer ay Maliban sa pagiging
pinamumunuan ng… pinunong hari siya
……… ay may tungkulin din
sa lipunan……..

Ang hari ay Tungkulin ng mga


nagsisilbi rin
g……… pari na mapanatiling
malakas at masaya
ang mga diyos at
diyosa sa
pamamagitan ng…...

Rubric sa pagtataya ng story board


Indicator 12345
Nilalaman
Organisasyon ng ideya at
konsepto
Kabuuang epekto
Kabuoan
G. Paglalapat ng aralin sa Sa panahon ngayon, kinakailangan pa ba ang
pang-araw-araw na pagsasagawa ng pag-aalay para magkaroon
buhay ng masaganang ani? Ipaliwanag
H. Paglalahat ng Aralin Think-Pair- Share Exit Pass:

Humanap ng Tapusin ang


kapareha at pangungusap…
magbahagi ng 1.Ang mga Sumer ay
natutunan sa paksang naniniwala sa______
tinalakay 2. Ang pinuno sa
Sumer,Indus at Shang
ay tinatawag
na___________
3.Naniniwala ang hari ng
Shang sa pagsasagawa
ng ___.

69
I. Pagtataya ng Aralin Sagutin ang tanong sa ¼ na papel. Ibigay ang
nawawalang letra upang mabuo ang salita.
A.1.Naniniwala ang hari ng Shang sa
panghuhula gamit ang______.
o_a__le b__ _e
2.Paniniwala sa maraming diyos ________.
__ol__t__s__o
3.Tawag sa templo ng mga Sumerian_____.
Z__g__ ___r__t
B.May pagkakaiba ba ang tungkulin ng pari at
pinuno ng lugar (hal. sa bayan) sa
kasalukuyan? Bakit? (5 puntos)
J. Karagdagang
gawain para sa
takdang-aralin at
remediation

Pag-aralan ang mga ambag ng kabihasnang


Sumer, Indus at Shang.
Sanggunian:
Asya Pag-usbong ng Kabihasnan pp.133-140

V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang Gawain para sa
remediation
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng
mag-aaral na
nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mag-aaral na
70
magpa-patuloy sa
remediation
E. Alin sa mga
estratehiyang ginamit
sa pag-tuturo ang
nakatulong ng lubos?
Paano ito nakatulong?
F. Ano ang naging
suliranin na maaaring
malutas sa
tulong ng aking
punongguro at
supervisor?
G. Anong inoba-syon o
lokali-sasyon sa mga
kagamitan ang ginamit/
natuk-lasan ko na nais
kong ibahagi sa ibang
guro?

Appendix 1.1

Sistemang Panrelihiyon ng Sumer

Ang ziggurat o temple ay tahanan ng mga diyos ng mga Sumerian. Bunsod ng kakulangan sa
bato at kahoy sa paligid ng Mesopotamia, natuto ang mga artisan na ihubog ang luwad na galing
sa ilog upang maging mga ladrilyo. Karaniwang pinatutuyo ito sa raw upang tumigas. Kung higit
na espesyalisado ang gamit ng ladrilyo, ito ay pinapainitan sa isang sa isang kagamitang parang
pugon. Ayon sa matandang paniniwalang Sumerian, ang mga kabundukan ay sentro ng
kapangyarihang supernatural sa mundo. Kung pagmamasdan ang larawan ng ziggurat. Makikita
na marami itong baitang at habang tumataas lumiliit ang baitang sa tuktok nito. Ang bawat baitang
ay pinag-uugnay ng mga hagdan. Pagsapit sa tuktok, matatagpuan ang isang dambana na alay
sa diyos kung saan nananampalataya ang mga mamamayan ng bawat lungsod. Ang ibabang
palapag ng ziggurat ay nagsisilbing bahay ng mga pari at gawaan ng mga artisano.

Naniniwala sa maraming diyos at diyosa ang mga Sumerian. Apat ang pinaka-mahalaga nilang
diyos; si An ang diyos na kumakatawan sa kalangitan; Enlil –diyos ng hangin; Enki –diyos ng
katubigan; at Nihursag- diyosa ng sangkalupaan.

Bukod sa kanila, ang bawat lungsod ay may espesyal na diyos at diyosa na nagsisilbing parang
patron. Kontrolado nila ang mga puwersa ng kalikasan Tulad ng mga tao, ang mga diyos at diyosa
ay kumakain, umiinom, nag-aasawa at nagkakaanak. Tungkulin ng mga pari na panatilihing
malakas at masaya ang mga diyos o diyosa sa pamamagitan ng mga alay na hayop, butyl at alak
at iba-ibangmga seremonya at dasal. Sa pamamagitan nito, naniniwala ang mga Sumerian na
magiging masagana ang ani at ipagtatanggol ng diyos at diyosa ang kanilang mga lungsod sa
mga kalaban nito.

Pinagkunan:
71
ASYA Pag-usbong ng Kabihasnan (Grace Estela C. Mateo, Ph.D. et al ) pp.132-133

72
Appendix 1
.2

Sistemang Panrelihiyon ng Indus

Sinasamba ng mga Dravidian ang maraming diyos na sumisimbolo sa mga


puwersa ng kalikasan. Walang malaking temple o dambana na nahukay sa
Harappa at Mohenjo-Daro, ngunit nakakita rito ng mga estatwa na
hugishayop at tao. Maaaring sinsamba nila ang mga diyos ng tubig, puno, at
hayop. Isa sa mga hayop na sinasamba sa Indus ay ang toro. Ang
pinakatanging diyos ay isang babae na pinagmumulan ng lahat ng bagay na
tumutubo. Sa mga nasulat, walang tiyak na pangalan ang inang diyosa na ito.

Appendix 1.3

Sistemang Panrelihiyon ng Shang

Naniniwala ang mga Tsino sa panahon ng kabihasnang Shang na maaaring


makausap ang mga diyos ng kalikasan. Ang mga hari ng Shang ay may
tungkuling panrelihiyon bukod sa tungkuling political. Nagsasagawa ang hari
ng mga ritwal, pagsasakripisyo at dasal upang magkaroon ng masaganang
ani, baguhin ang panahon at Manalo sa digmaan. Si Shang Di ang diyos na
lumikha at hari ng langit. Pinaparaan ng hari ng Shang ang kanyang dalangin
para kay Shang Di sa pamamagitan ng mga namatay na ninuno. Ang mga
ninuno ang tagapamagitan sa mga nabubuhay at kay Shang Di.

Ang mga nahukay na butong pang-orakulo ay ginamit ng Shang para sa


pakikipag-usap sa kanliang mga ninuno. Nalalaman ang hinaharap sa
pamamagitan ng isang ritwal. Isinusulat ng hari ang kanyang mga tanong sa
buto ng hayop at pagong. Pagkatapos nito, inilalagay ang buto sa init ng apoy
hanggang sa magkaroon ng lama tang buto. Babasahin at ipaliliwanag ng hari
ang kahulugan ng hugis ng lamat. Ang mga simbolo sa mga butong
pangorakulo ang mga unang katibayan ng pagsulat sa China at mahalagang
labi upang mabuo ang kasaysayan ng Shang.

Pinagkunan:

ASYA Pag-usbong ng Kabihasnan (Grace Estela C. Mateo, Ph.D. et al )


pp.139-140

.4

Sistemang Panlipunan ng Sumer

Ang mga Sumerian ay may espesyalisasyon sa trabaho na nagbigay daan sa


pag-usbong ng uring panlipunan. Nasa tuktok ng lipunan ang mga pinunong

73
Appendix 1
pulitikal at ispirituwal. Kasama sa naghaharing uri ang matataas na opisyal at
kanilang pamilya. Kasunod ang mga mangangalakal, artisan, scribe o
tagasulat, at mababang opisyal. Pangatlo ang karaniwang magsasaka at
nasa ibabag uri ang mga alipin.

Sistemang Panlipunan ng Indus

Batay sa katibayan ng organisadong lungsod, masasabing may herarkiya ng


uring panlipunan ang kabihasnang Indus. Ang mga nakatira sa mataas na
moog ay mga naghaharing uri. Marahil bahagi nito ang paring-hari, mga
opisyal ng lungsod at mga eksperto.Nasa ilalim nito ang mga mangangalakal,
artisano at magsasaka. ANg mga magsasaka ang gumagawa sa dike at kanal
para sa irigasyon ng mga pananim. Ang mga nasa lungsod na artisan ay
abala sa paggawa ng samu’t saring produkto mula sa mga material na
bronse, tanso, ginto, pilak, garing , bulak at kabibe.

Sistemang Panlipunan sa Shang

Malinaw sa Shang ang paghahati ng lipunan batay sa mga labi ng tirahan at


libingan. Ang aristokrasya na binubuo ng mga pamilya ng hari at iba pang
maharlika ay nakatira sa sentro ng lungsod. Malapit sa templo at mga altar
ang mga tirahan ng mga aristokrasya. Isang palasyo ang bahay ng hari na
nasa ibabaw ng mataas na plataporma. Monopolyo ng aristokrasya ang
paggamit ng bronse sa iba’t ibang sisidlan, baluti at sandata. Bukod ditto,
kapag namatay ang hari o ang kasapi ng aristokrasya, ang kanilang libingan
ay mas marangya. May mga pabaon na kagamitan at alipin ang mga
aristokratiko. Halimbawa ng gamit na ipinapabaon ay ang chariot kasama ang
kabayo at alipin. Ang chariot ay sasakyang hinihila ng kabayo na ginagamit sa
labanan. May dalawa o apat na gulong ito.

Samantala, ang mga mababang uri ay nakatira sa mga bahay na tulad sa


bahay ng neolitikong panahon. Ito ay bahagyang nakabaon sa lupa at may
bubong na gawa sa pawid. Gawa sa bato lamang ang mga kagamitan ng
mababang uri at walang gaanong paghahanda sa kanilang paglibing.
Kabilang sa mga hanay ng mas mababang uri ang mga magsasaka,
mangangalakal, artisan at alipin na karaniwan ay bihag mula sa digmaan. Ang
mga bilanggo ang ginagamit sa pagsasakripisyo.

Pinagkunan:

ASYA Pag-usbong ng Kabihasnan (Grace Estela C. Mateo, Ph.D. et al ) p.140


.5 (Rubric sa pagtataya ng mga presentasyon)

News Report
Indicators 1 2 3 4 5
1.May ganap na pag-unawa sa paksa na pinagtutuunan

74
Appendix 1
ng pansin
2.Magaling na naipahayag ang paksang binigyang diin
3.Mainam na nailahad ang kaalaman sa paksa
4.Nakahikayat sa nanonood
5.Nakapagbigay ng karagdagang impormasyon
Kabuuan

Indicators 1 2 3 4 5
1. Taglay ang pag-unawa sa paksang tinalakay
2. May lohikal na pagkakaayos ang mga katanungan
3. Magaling ang paraan ng pagtatanong
4. Magaling ang pagsagot sa mga tanong
5. Magaling ang pagtanggap ng mga dagdag na
impormasyon
Kabuuan
Indicators 12 3 4 5
1. Kagalingan ng papel sa pagkaganap sa dula-dulaan
2. Napaloob sa dula-dulaan ang mensahe ng paksa
3. Naging malinaw ang paglalarawan sa mga tema,
konsepto at paglalahat na nilalaman ng instruksiyon
4. Nasagot at naipaliwanag ang tanong sa klase
5. Naipamalas at nagampanan ang papel na dapat
gampanan ng bawat tauhan
Kabuuan

75
Appendix 1

Interview

Dula-dulaan

Panel Discussion
Indicators 12 3 4 5
1. Organisasyon ng paksang tinatalakay ng panelist
2. Kagalingan sa pagpapaliwanag sa paksa
3. Kagalingan sa pag-uugnay ng mga paksa
4. Kagalingan sa pagsagot sa mga tanong ukol sa paksa

5. Naipamalas ang panghihikayat sa klase


Kabuuan

.6 Mga Inaasahang sagot

Kasanayan 1 Pangkat I Sistemang panrelihiyon ng Sumer

Inaasahang sagot sa Pamprosesong tanong:

76
Appendix 1
1.Ang mga kinikilalang diyos ng mga Sumerian ay sina: An-diyos ng
kalangitan, Enlil-diyos ng hangin, Enki-diyos ng katubigan at Ninhursag-
dakilang diyosa ng kalupaan.

2. Ziggurat ang tawag sa templo ng mga Sumerian

3. Habang papataas ang ziggurat ay papaliit naman ang estruktura nito dahil
sa paniniwala ng mga Sumerian na ang kapangyarihang supernatural ay
ang mga kabundukan kaya ang tuktok nito ay nagsisilbing dambana ng
kanilang mga diyos.

Pangkat II- Sistemang Panrelihiyon ng Indus

Inaasahang sagot sa pamprosesong tanong:

Sunasamba ang kabihasnang Indus sa maraming diyos na sumisimbolo sa


kalikasan na maaring diyos ng tubig, puno o hayop. Isa sa hayop na
sinasamba nila ay ang turo.

Pangkat III- Sistemang Panrelihiyon sa Shang Inaasahang

sagot sa Pamprosesong tanong:

Nagsasagawa ang hari ng Shang ng ritwal, pagsasakripisyo at dasal upang


magkaroon ng masaganang ani, baguhin ang panahon at manalo sa
digmaan. Pinaparaan ng hari ng Shang ang kanyang dalangin para kanilang
diyos sa pamamagitan ng mga namatay na ninuno.

Pangkat IV- Sistemang Panlipunan sa Sumer, Indus at Shang Inaasahang

sagot sa mga Pamprosesong tanong:

1. Ang paring-hari at ang kanyang pamilya ang itinuturing na nasa


pinakamataas na antas sa lipunan ng kabihasnang Sumer, Indus at
Shang.
2. Sa Sumer ang scribe ang tagatala ng mga nangyayari sa lungsod
estado, ang mga magsasaka ang tagabungkal ng lupain para sa mga
naghaharing uri at ang mga artisano naman ang may mga kasanayan
sa paggawa. Sa Indus, may herarkiya ang uring panlipunan, ang
paring hari ay lider political at sunod sa kanya ang mga opisyal ng
lungsod at mga eksperto samatalang ang mga magsasaka ang
gumagawa ng mga dike at kanal para sa irigasyon at ang mga artisano
naman ang gumagawa ng mga samut saring mga produkto. Sa Shang
naman ang

77
mga alipin ay karaniwang bihag sa digmaan at ang mga bilanggo ang
ginagamit na sakripisyo.

Mga Inaasahang sagot sa kasanayan 2


Pamproseong tanong;
1.Ang pagkakatulad sa sistemang panrelihiyon sa Sumer, Indus at
Shang ay parehong mga paring-hari ang pinuno o lider ispiritwal. Ang
Sumer at Indus ay naniniwala sa maraming diyos samantalang ang
Shang ay naniniwala na maaring makausap ang diyos ng kalikasan sa
pamamagitan ng namatay na ninuno. Guamagamit rin ng butong
pangorakulo ang hari ng Shang sa panghuhula at gumagawa ng ritwal
sa pagsasakripisyo para magkaroon ng masaganang ani at manalo sa
digmaan.
2. Ang hari ng Shang ay nakatira sa isang palasyo na nasa ibabaw ng
mataas na plataporma samantalang ang hari ng Sumer at Indus ay
nakatira rin sa isang moog subalit simple lang kung ikukumpara sa hari
ng Shang.

Inaasahang sagot sa pagtataya:


A.1. oracle bone
2. politismo
3. ziggurat
B. Ang puntos ay depende sa paliwanag na ginawa ng mag-aaral

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan

78
Baitang Grade 7
Markahan Ikalawa Linggo Ikatlo

I.LAYUNIN
A. Pamantayang Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa
Pangnilalalam sa mga kaisipang Asyano, pilosopiya at relihiyon na
an nagbigay-daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan
sa Asya at sa pagbuo ng pagkakakilanlang Asyano

B. Pamantayan Ang mga mag-aaral ay kritikal na nakapagsusuri sa mga


sa Pagganap kaisipang Asyano, pilosopiya at relihiyon na nagbigay
daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Asya at
sa pagbuo ng pagkakilanlang Asyano

C. Mga Napaghahambing ang mga sinaunang kabihasnan sa


Kasanayan sa Asya (Sumer, Indus, Tsina) AP7KSA-IIc-1.4
Pagkatuto - Natatalakay ang mga ambag ng kabihasnang
Sumer, Indus at Shang
- Naihahambing ang mga ambag ng kabihasnang
Sumer, Indus at Shang sa daigdig
-Napapahalagahan ang mga naiambag ng tatlong
kabihasnan sa Asya ( Sumer, Indus at Shang) sa
kasalukuyang panahon
II- NILALAMAN

Mga ambag ng kabihasnang Sumer, Indus at Shang


sa daigdig

III-KAGAMITANG

79
PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa
Gabay ng Guro
2. Mga Pahina sa Asya:Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba pp.112-114
Kagamitang
pang Mag-aaral
3. Mga Pahina sa Asya Pag-usbong ng Kabihasnan pp.133-140
Teksbuk
4. Karagdagang Larawan ng calligraphy at oracle bone ay mula sa
kagamitan https://www.scribd.com/document/335837679/MgaAmba
mula sa g-Ng-Kabihasnang-Shang
Learning
resources o
nilalaman
B. Iba pang laptop,projector, manila paper, pentel pen
Kagamitang
Panturo
III. PAMAMARAA ADVANCED LEARNER AVERAGE LEARNER
N
A. Balik-aral sa Ipasa Mo: (3 minuto)
nakaraang Pa-awitin ang mga bata ng isang awitin
aralin

(depende sa gusto nila) kasabay ang pagpasa ng isang


bagay. Titigil sa pagkanta sa hudyat ng guro at ang sino
mang may hawak ng nasabing bagay ang siyang
magbibigay ng maikling recap tungkol sa paksang naunang
tinalakay.
B. Paghahabi Magpabanggit sa mga mag-aaral ng mga bagay o alam
sa nilang impluwensiya ng bansang India at Tsina.
Layunin ng ❖ Ilalahad ng guro ang paksa at ang mga layunin ng
Aralin araling tatalakayin.

C. Pag- https://www.google.com/search?
uugnay q=kabihasnang+sumer&tbm=iCuneiform s
ng mga ch&source=iu&ictx=1&fir=tXv9SRCOPbFkDM%253A%252CikBnz7
halimbaw CAXw4DAM%252C_&vet=1&usg=AI4 _-kQDkg1WFHU
a sa
bagong
aralin

80
Ipakita ang sumusunod na mga larawan at pahulaan
kung anong kabihasnan ang may ambag nito.
calligraphy oracle bone

Pinagkunan:
https://www.scribd.com/document/335837679/Mga -
Ambag-Ng-Kabihasnang-Shang

Ziggurat Mohenjo
-daro at Harappa

Picture Parade:

➢ Ngayon ay aalamin natin kung tama ang inyong mga


naging kasagutan.

81
D. Pangkatang Gawain:
Pagtatal Hahatiin ang klase sa tatlong pangkat at bigyan ng
akay ng paksang tatalakayin.(15 minuto)
bagong Paalala: Inaasahan na naibigay na ng guro bilang takdang
konsept aralin ang tungkol sa mga ambag ng kabihasnang Sumer,
o at Indus at Shang. Maaring
paglalah
ad ng
bagong
kasanay
an #1

sumangguni sa modyul ng mag-aaral: Asya


Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba p.
112-114

Pangkat 1-Mga ambag ng kabihasnang Sumer


(Gallery Walk)

Bibigyan ng guro ng mga larawan ang pangkat


tungkol sa mga ambag ng kabihasnang Sumer.
Gagamitin nila ito sa presentasyon.

Pangkat 2-Mga ambag ng kabihasnang Indus


(Interview)

Pangkat 3- Mga ambag ng kabihasnang Shang


(News Report)

Pamprosesong Tanong

Ano-ano ang ambag ng Sumer, Indus at Shang


sa larangan ng relihiyon, pulitika,
ekonomiya,matematika at pagsulat?

Tingnan ang rubric sa pagtataya ng presentasyon


sa Appendix 1.2.

82
E. Pagtatalakay
ng bagong
konsepto at
paglalahad ng
bagong
kasanayan #
2

Batay sa mga presentasyon na ipinakita sagutan ang


talahanayan tungkol sa mga naging
ambag ng tatlong
kabihasnan(5 minuto)

Kabihasna Relihiyo Politik Ekonomiy Sistem


n n a a a ng
Pagsul
at

Sumer
Indus

Shang

Pamprosesong Tanong:
1. May pagkakatulad ba ang bawat kabihasnan?
2. Mayroon bang pagkakaiba ang tungkulin ng hari sa
kabihasnang Shang sa tungkulin ng hari sa
kabihasnang Indus at Sumer? Bakit?
3.Bakit tinawag na templong estado ang mga lungsod
estado ng Sumer?
4.Paano hinarap ng bawat kabihasnan ang hamon ng
kalikasan?

83
F. Triple – Matching Type (5 minuto)
Paglinang Buuin ang triple matching type sa pamamagitan ng
sa pagsasama-sama ng terminilohiya sa isang hugis.
Kabihasaan A C
B
(Tungo
sa Sa pagitan ng
Formati mga ilog Ziggurat
Oracle Bone
ve Sa Indian Calligraphy
Cuneiform
Assessment Lunar
Tsina Subcontinent
) calendar
Grid pattern
Indus Sa matabang Gulong
lupain sa
Sumer Huang Ho

G. Flash it ! Then and Now


Paglal Sa pamamagitan ng powerpoint presentation, makikita ang
apat mga larawan ng mga naging ambag ng tatlong kabihasnan at
ng sabihin ang kahalagahan nito sa kasalukuyan. (Maaring
aralin magprint ng mga larawan kung walang laptop at projector)
sa Tingnan sa Appendix 1.1.
panga
raw-
araw
na
buhay

84
H. Complete – It!
Paglala 1.Ang mga
hat ng unang
Aralin kabihasnan ay
umusbong sa
__________ 2.
Ang Sumer ay
unang
kabihasnang
nalinang
Gawin ang Gawain 9 pahina sa________
115 sa Modyul : Asya:
Pagkakaisa sa Gitna ng
Pagkakaiba
Likomin ang d atos. 3. Sinasabing
Punan ang talahanayan ng ang kabihasnang
mga naging mahalagang Indus ay kakaiba
ambag ng mga kabihasnan dahil
sa sangkatauhan _______________
__
Mga Kontribu - 4. Ang
Kabihasnan siyon Kabihasnang
Sumer Shang ay may
Indus sistema
Shang ng pagsulat
na____________

5.Ang mga
kontribusyon ng
tatlong
kabihasnan ay

I. Pasaporte:
Pagtatay Gawin ang pagtataya sa pamamagitan ng pagsagot ng
a ng mag-aaral sa isang eroplanong papel na ipapasa sa guro.
Aralin

Sagutin ang tanong sa ibaba at isulat sa pakpak ng


eroplano.
Paano mo pahahalagahan ang mga naging
kontribusyon ng sinaunang kabihasnan?
J. Karagdagang
gawain para
sa takdang-
aralin at
remediation
V.MGA TALA

85
VI.PAGNINILA
Y
A. Bilang ng
magaaral na
nakakuha ng
80% sa
pagtataya
B. Bilang ng
magaaral na
nangangailang
an ng iba pang
Gawain para
sa remediation
C. Nakatulong ba
ang remedial?
Bilang ng
magaaral na
nakaunawa sa
aralin

D. Bilang ng
magaaral na
magpapatuloy
sa remediation
E. Alin sa mga
estratehiyang
ginamit sa
pagtuturo ang
nakatulong ng
lubos? Paano
ito nakatulong?

86
F. Ano ang naging
suliranin na
maaaring
malutas sa
tulong ng aking
punongguro at
supervisor?
G. Anong
inobasyon o
lokalisasyon
sa
mga kagamitan ang
ginamit/ natuklasan
ko na nais kong
ibahagi sa ibang
guro?

Pinagkunan:
https://www.scribd.com/document/335837679/
M
ga-Ambag-Ng-Kabihasnang-Shang

Ziggurat karitong de-gulong

Appendix 1.1
Pag-uugnay sa aralin
Picture Parade at larawan din sa Flash it! Then and Now
calligraphy oracle bone

87
cuneiform
https://www.google.com/search?q=kabihasnang+sumer&tbm=isch
&source=iu&ictx=1&fir=tXv9SRCOPbFkDM%253A%252CikBnz7CAXw
4DAM%252C_&vet=1&usg=AI 4_-

kQDkg1WFHU Appendix 1.2

Rubric sa pagtataya ng mga presentasyon

Galery Walk
IndicatorS 1 2 3 4 5
1. Angkop ang presentasyon sa paksa
2. May lohikal na pagkakaayos ang mga konsepto ng
presentasyon
3. Magaling na panghikayat sa klase
4. Komprehensibo ang pagbibigay ng impormasyon
Kabuuan

Indicators 1 2 3 4 5
1. May ganap na pag-unawa sa paksa na
pinagtutuunan ng pansin
2. Magaling na naipahayag ang paksang binigyang
diin
3. Mainam na nailahad ang kaalaman sa paksa
4. Nakahikayat sa nanonood
5. Nakapagbigay ng karagdagang impormasyon
Kabuuan
Indicator 1 2 3 4 5
1. Taglay ang pag-unawa sa paksang tinalakay
2. May lohikal na pagkakaayos ang mga katanungan
3. Magaling ang paraan ng pagtatanong
4. Magaling ang pagsagot sa mga tanong
5. Magaling ang pagtanggap ng mga dagdag na
impormasyon
Kabuoan

88
News Report

Interview

Appendix 1.3 Inaasahang sagot

Paglinang sa Kabihasaan (tungo sa Formative Assessment)

89
A B C

Mesopotamia
Indus
Sa pagitan ng mga ilog
Sa Indian Sub continent
Tsina Ziggurat
Sa matabang Grid pattern
lupain sa Cunieform
Huang Ho Sewerage system
Oracle bone Lunar Calendar
Calligraphy

Mga Inaasahang Sagot:

Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin


Picture Parade:
1.calligraphy–kabihanang Shang
2.oracle bone- kabihasnang Shang
3. Ziggurat- kabihasnang Sumer
4. Mohenjo-Daro at Harappa– kabihasnang Indus
5. gulong- kabihasnang Sumer
6. cuneiform– kabihasnang Sumer

Kasanayan 2
Pamprosesong tanong:
Relihiyon
Sumer- naniniwala sa maraming diyos, may templong tinatawag na
ziggurat,paring- hari ang lider ispiritwal
Shang- naniniwala sa mga diyos na makikita sa ikasan,
kal paggamit ng oracle
bone sa panghuhula, paring- hari ang lider ispiritwal

Indus – naniniwala rin sa maraming diyos ,paring-hari ang lider ispiritwal

Politika
Ang Sumer, Indus at Shang ay pare-parehong pinamumunuan ng paring-hari
at may mga lungsod estado na naitatag.

Ekonomiya
Ang Sumer, Indus at Shang ay pare-parehong agrikultural ang pamumuhay at
nakipagkalakalan din. May mga mangangalakal at artisano rin sa kanilang
lipunan. Pagsulat
Sumer- cuneiform
Indus- pictogram
Shang –calligraphy

90
Kasanayan 2 (Inaasahang sagot ) Pamprosesong
tanong:
1. Opo,halimbawa pare-pareho silang nakalinang ng sariling sistema ng
pagsulat.
2. Opo may pagkakaiba dahil ang hari ng kabihasnang Shang ay
nagsasagawa ng ritwal at pagsasakripisyo at naniniwala sa ito sa
panghuhula gamit ang mga oracle bone
3. Tinawag na templong estado ang mga lungsod estado ng Sumer dahil
may kanya kanyang kinikilalang diyos.

4. Hinarap ng bawat kabihasnan ang hamon ng kalikasan sa


pamamagitan ng paggawa o pagtatayo ng mga dike at kanal upang
maihanda sa tuwing aapaw ang ilog.

91

You might also like