You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
Schools Division of Bohol
City of Tagbilaran

ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN

GRADE: 7 QUARTER: 2 WEEK: 2 DAY: 1

Napaghahambing ang mga sinaunang kabihasnan sa Asya ( Sumer,


COMPETENCY :
Indus, Tsina) AP7KSA-IIc-1.

Naisa-isa ang mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya


Kabihasnang

● Kabihasnang Sumer
OBJECTIVES :
● Kabihasnang Indus

● Kabihasnang Shang

CONTENT Ang Mga Sinaunang Kabishanan ng Asya


:

LEARNING Aklat-Asya:Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba pp. 107-113 SLM AP


:
RESOURCES 7-Q2-Modyul 2, MELCS

PROCEDURE A. Paghahanda: (Preparation)


:
● Panalangin

● Pagtatala ng mga lumiban sa klase

● Pangungumusta sa mga mag-aaral.

B. Pagganyak: (Motivation)

Panuto: Isaayos ang mga letra upang makabuo ng salita.


1. MSUER- SUMER 6. NOYSASILIBIS- SIBILISASYON
2. SUDIN – INDUS 7. NAIREMUS- SUMERIAN
3. AHNGS – SHANG 8. AYAS- ASYA
4. NANSAHIBAK- KABIHASNAN 9. AYITSANID- DINASTIYA
5. NOHANAP- PANAHON 10. GIDGIAD- DAIGDIG

C. Paglalahad: (Presentation)

Ang sinaunang mga kabihasnan o matatandang mga kabihasnan ay


kauna-unahan mga kabihasnang o mga sibilisasyon. Kabilang sa mga ito ang
sibilisasyon ng mga Sumer sa Mesopotamia, Indus sa Timog Asya, at Shang
sa Tsina.
Indus
Shang
Sumer

Mga
Kabihasnan sa
Asya

D. Pagtatalakay: (Discussion/Abstraction)

● Tatalakayin ang paksa- Mga Kabihasnan sa Asya.

● Ang paksa na tatalakayin ay batay at mula sa AP 7 Ikalawang


Markahan-Modyul 2.

E. Paghahasa (Exercises)

Panuto: Isulat ang KABIHASNAN kung ang pahayag ay


nagpapahayag ng sinaunang mga kabihasanan at ASYA kapag hindi.

1. Umusbong sa mga ilog-lambak. - KABIHASNAN


2. Ang China ay sakop sa Silangang Asya. - ASYA
3. Sinasabing ang Sumer ang unang sibilisasyon ng Mesopotamia.-
KABIHASNAN
4. Nakahanay ang Mt. Everest sa bulubundukin ng Himalayas.- ASYA
5. Ang Mesopotamia ay kilala bilang ‘’Cradle of Civilization.’’-
KABIHASNAN
6. Ang mga mahahalagang lungsod ng Sumer ay ang Uruk, Eridu,
Nippur, Kish, at Lagash.- KABIHASNAN
7. May dalawang importanteng lungsod ang Kabihasnang Indus: ang
Harappa at Mohenjo-Daro. - KABIHASNAN
8. Ang Shang Dynasty ay tinatayang naitatag sa pagitan ng 1766 BC
at 1122 BC.- KABIHASNAN
9. Ito ang pinakamalaking kontinente sa buong daigdig at nahahati sa
limang rehiyon.- ASYA
10. Ang Shang Dynasty ang itinuturing pinakaunang totoong imperyo
sa Tsina.- KABIHASNAN

F. Paglalahat: (Generalization)

o Ang mga sinaunang kabihasnan ay umusbong sa Asya.

G. Paglalapat (Application)

o Batay sa paksang tinalakay ano ang iyong nauunawaan tungkol


sa kabihasnan?

H. Pagtataya: (Evaluation)

1. Ano-ano ang mga kabihasnang umusbong sa Asya?


2. Saan nagsimula at nalinang ang bawat kabihasnan?

I. Kasunduan/Takdang Aralin (Agreement/Assignment)

Panuto; Bigyan ng maikling depinisyon ang bawat kabihansnan,


1. Sumer 2. Indus 3. Shang

Prepared by:

Name: Sharmaine Sheena C. Autentico School San Jose National High School
Position/Designation: SST – III Division Bohol
Contact Number: 09073358041 Email Sharmainesheena.carredo@deped.gov.ph
Address

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Schools Division of Bohol
City of Tagbilaran

ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN

GRADE: 7 QUARTER: 2 WEEK: 2 DAY: 2

Napaghahambing ang mga sinaunang kabihasnan sa Asya (Sumer,


Competency :
Indus, Tsina) AP7KSA-IIc-1.

o Nakikilala ang mga sinaunang kabihasnan na umusbong sa Asya


Objectives :
o Natutukoy ang kinaroroonan ng bawat kabihasnan sa Asya

Content : o Mga Kabihasnan sa Asya

Learning : Aklat-Asya:Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba pp. 107-113 SLM AP 7-


Resources Q2-Modyul 2, MELCS

Procedure A. Paghahanda: (Preparation)


:
o Panalangin

o Pagtatala sa mga mag-aaral na lumiban sa klase

o Pagbabalik-aral sa nakaraang paksa.

B. Pagganyak: (Motivation)

o Papangkatin ang klase sa anim na pangkat.

o Bawat pangkat ay bibigyan ng puzzle o larawan na ginupit na


kailangan nilang buohin.
o Bawat pangkat ay bibigyan ng limang minuto para tapusin ang
puzzle.
o Ang makabuo sa puzzle ay makakakuha ng puntos.

Note: (Ang puzzle na dapat buohin ay may kinalaman sa Kabihasnang


Sumer, Indus, at Shang)

C. Paglalahad: (Presentation)

o Ipaliwanag ng bawat pangkat kung ano ang kanilang nabuo na


larawan.
o Ano kaya ang kinalaman ng larawan sa paksa na tatalakayin?

o Ano ang Kabihasnan?

o Ano-ano ang mga kabihasnan na umusbong sa Asya?

o Ilalahad ng guro ang paksang tatalakayin- Ang Mga Kabihasnan


na Umusbong sa Asya ( Sumer, Indus, at Shang)

D. Pagtatalakay: (Discussion/Abstraction)

o Tatalakayin ng guro ang paksa- Mga Kabihasnan sa Asya


( Kabihasnang Sumer, Indus, at Shang)

E. Paghahasa (Exercises)

Gawain: Magkadugtong si Sinauna at si Kasalukuyan!


Panuto: Magtala ng sampung (10) bagay (o mga gawain) na nasa loob
ng inyong bahay na sa tingin niyo ay hindi na uso sa kasalukuyan at may
katumbas na sa modernong panahon. Isulat ito sa inyong sagutang
papel.

F. Paglalahat: (Generalization)

o Ang sinaunang mga kabihasnan o matatandang mga


kabihasnan ay kauna-unahan mga kabihasnang o
mga sibilisasyon. Kabilang sa mga ito ang sibilisasyon ng
mga Sumer sa Mesopotamia, Indus sa Timog Asya, at Shang sa
Tsina..

G. Paglalapat (Application)

o Bilang isang mag-aaral mahalaga baa ng mga kabihasnan na


umusbong sa Asya?
o Paano nakakatulong ang mga kabihasnan sa mga Asyano?

H. Pagtataya: (Evaluation)

Panuto: Isulat kung anong Kabihasnan ang mga sumusunod na pahayag


napapabilang. Kung ito ba ay Kabihasnang Sumer, Indus, o Shang.
1. Ito ay umusbong rehiyon ng Hilagang-Silangan ng "China Tamang, sa
Yellow River. SHANG
2. Ito rin ang itinuturing bilang isang pinakaunang totoong imperyo sa
Tsina. SHANG
3. Sinasabing ang mga Sumerian ang unang sibilisasyon ng
Mesopotamia. SUMER
4. Ang kabihasnan ng Timog Asya ay umusbong sa lambak-ilog. INDUS
5. May dalawang importanteng lungsod ang kabihasnang ito: ang
Harappa at Mohenjo-Daro. INDUS
6. Sinasabi rin na ang mga Dravidian ang bumuo ng kabihasnang ito.
INDUS
7. Ang Mesopotamia ay kilala bilang "Cradle of Civilization" sapagkat dito
nagsimula ang sibilisadong lipunan ng tao. SUMER
8. Ang mga mahahalagang lungsod ng kabihasnang ito ay ang Uruk,
Eridu, Nippur, Kish, at Lagash. SUMER
9. Hindi malinaw kung may kinalaman ang Aryan sa paglaho ng
kabihasnang ito. INDUS
10. Sa lugar na ito matatagpuan ang Ilog ng Tigris at Euprates. SUMER

I. Kasunduan/Takdang Aralin (Agreement/Assignment)

o Pag-aralan ang paksang natalakay para sa isang lagumang


pasulit.

Prepared by:

Name: Sharmaine Sheena C. Autentico School San Jose National High School
Position/Designation: SST – III Division Bohol
Contact Number: 09073358041 Email Sharmainesheena.carredo@deped.gov.ph
Address
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Schools Division of Bohol
City of Tagbilaran

ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN

GRADE: 7 QUARTER: 2 WEEK: 2 DAY: 3

Napaghahambing ang mga sinaunang kabihasnan sa Asya (Sumer,


Competency :
Indus, Tsina) AP7KSA-IIc-1.

Nauunawaan ang paksang tinalakay at nasasagutan ang lagumang


Objective :
pasulit.

Content : o Mga Kabihasnan sa Asya ( Sumer, Indus, Shang)

Learning Aklat-Asya:Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba pp. 107-113 SLM AP


:
Resources 7-Q2-Modyul 2, MELCS

Procedure A. Paghahanda: (Preparation)


:
o Panalangin

o Pagtsek sa mga lumiban sa klase.

o Pagbabalik-aral sa paksang tinalakay sa nakaraang


pagtatagpo.

B. Pagganyak: (Motivation)

o Pagrereview para sa lagumang pasulit.

C. Paglalahad: (Presentation)

D. Pagtatalakay: (Discussion/Abstraction)

E. Paghahasa (Exercises)
F. Paglalahat: (Generalization)

G. Paglalapat (Application)

H. Pagtataya: (Evaluation)

Week 2- Lagumang Pasulit

Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Isulat ang titik ng


tamang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Ang mga sumusunod ay mga kabihasnang nalinang sa Asya
noong sinaunang panahon maliban sa_______.
A. Ehipto B. Sumer C. Shang D. Indus
2. Ito ay tinaguriang Fertile Crescent na umusbong sa lambak ng
Ilog Tigris-Euphrates.
A. Mesopotamia B. Palestina C. Syria D. Israel
3. Saan matatagpuan ang Kabihasnang Indus?
A. Pakistan B. China C. Iraq D. Iran

4. Dalawang importanteng lungsod na umusbong sa Kabihasnang


Indus.
A. Lagash at Nipur B. Harrapa at Mohenjo-Daro
C. Ur at Uruk D. Quezon City at Malabon City
5. Itinuturing ito na pinakamatanda at pinakaunang kabihasnan sa
daigdig.
A. Kabihasnang Shang B. Kabihasnang Indus
C. Kabihasnang Bato D. Kabihasnang Sumer
6. Narating ng mga Dravidian ang tugatog ng kanilang kabihasnan
noong________________.
A. 3000 B.C.E. B. 2000 B.C.E. C. 4000 B.C.E. D. 5000 B.C.E.
7. Ang mga __________________ ay pinaniniwalaang nagmula sa
Steppe ng Asya sa kanluran ng Hindu Kush at nakarating sa
Timog Asya sa pamamagitan ng pagdaan sa Khyber Pass.
A. Aryan B. Daryan C. Maryan D. Darius
8. Ang ilog na ito ay tinatawag na pighati ng Tsina dahil sa malapad,
malakas, at madalas itong umaapaw at nagdala ng
nakapipinsalang baha.
A. Ilog Huang Ho B. Ilog Yangtze C. Ilog Indus D. Ilog Tigris
9. Ano ang kauna-unahang dinastiyang naitatag sa kasaysayan ng
Tsina?
A. Dinastiyang Shang B. Dinastiyang Xia
C. Dinastiyang Ming D. Dinastiyang Yuan
10. Alin sa mga ilog na ito ang may pinakamahalagang papel na
ginagampanan ng kabihasnang Shang sa Tsina?
A. Indus B. Tigris-Euprates C. Mesopotamia D. Huang Ho
II. TAMA o MALI. Isulat ang tama kung ang pahayag ay tama at
salungguhitan ang salita na nagpakamali sa pahayag kung ito naman
ay mali.
______11. Ang sinaunang kabihasnan sa Asya ay nagbigay-daan sa
higit na pagkakakilanlan ng mga Asyano sa gitna ng pagkakaiba.
______12. Ang unang sibilisasyon sa Asya ay ang Kabihasnang
Indus.
______13. Umusbong ang kabihasnang Sumer sa ilog ng Huang Ho.
______14. Ang kabihasnan ng Timog Asya ay umusbong sa lambak-
ilog ng Indus.
______15. Ang Sumer ang unang sibilisasyon ng Mesopotamia
noong panahon ng Neolithic at Bronze Age.
______16. Ang Shang Dynasty ay tinatayang naitatag sa pagitan ng
1766 BC at 1122 BC.
______17. Ang China ay kilala bilang ‘’ Cradle of Civilization.’’
______18. Ang bumubuo ng Kabihasnang Indus ay ang mga
Akkadian.
______19. Ang Shang Dynasty ay pinamumunuan ni Emperador
Tang.
______20. Ang kabihasnang Sumer ay may dalawang mahalagang
lungsod ang Harappa at Mohenjo-Daro.

I. Kasunduan/Takdang Aralin (Agreement/Assignment)

o Mananaliksik ng mga larawan na nagpapakita ng mga


ebidensiya sa mga sinaunang kabihasnan sa Asya.

Prepared by:

Name: Sharmaine Sheena C. Autentico School San Jose National High School
Position/Designation: SST – III Division Bohol
Contact Number: 09073358041 Email Sharmainesheena.carredo@deped.gov.ph
Address

Attachments:
Susi sa Pagwawasto
Week 2-Summative Test
1. A 11. TAMA
2. A 12. Indus
3. A 13. Sumer o Huang Ho
4. B 14. TAMA
5. D 15. TAMA
6. A 16. TAMA
7. A 17. China
8. A 18. Akkadian
9. A 19. TAMA
10. D 20. Sumer

You might also like