You are on page 1of 11

Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang

Ikalawang Markahan – Modyul 5: Pagkakatulad at Pagkakaiba ng mga


Sinaunang Kabihasnan sa Asya.
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag
sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Marissa B. Germina
Editor: Zenaida N. Raquid
Tagasuri: Zenaida N. Raquid
Tagaguhit: Ernesto D. Tabios
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division
Education Program Supervisors
Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)
Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Araling
Panlipunan 7
Ikalawang Markahan

Modyul para sa Sariling Pagkatuto 5

Pagkakatulad at Pagkakaiba ng mga


Sinaunang Kabihasnan sa Asya
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 7 at Ikapitong


Baitang ng Modyul para araling Pagkakatulad at Pagkakaiba ng mga Sinaunang
Kabihasnan sa Asya.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay
makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap Araling Panlipunan 7 at Ikapitong Baitang Modyul
ukol sa Pagkakatulad at Pagkakaiba ng mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Mga Inaasahan – Sa bahaging ito malalaman moa ng mga dapat


mong matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

Paunang Pagsubok - Dito masusukat ang dati mo nang


kaalaman at mga dapat mo pang malaman sa paksa.

Balik-aral - Dito masusukat ang iyong matutuhan at


naunawaan sa mga na unang paksa.

Aralin . Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na


ito.

Mga Pagsasanay. Pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay.


na dapat sagutan ng mga mag-aaral.

Paglalahat - Sa bahaging ito ibubuod ang mahahalagang


konsepto na dapat bigyang halaga.
Pagpapahalaga - Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga
kasanayang pampagkatuto ay naiuugnay nailalapat sa inyong
mga pagpapahalaga.

Panapos na Pagsusulit - Dito masusukat ang mga natutuhan


ng mag-aaraal.
INAASAHAN

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

LAYUNING PAMPAGKATUTO:
1. Naipapaliwanag ang mga sinaunang kabihasnang Sumer, Indus at Tsina.

MGA INAASAHANG LAYUNIN:


1. Nasusuri ang pagkakatulad ng bawat kabihasnan na umusbong sa
Asya.
2. Nauunawaan ang pagkakatulad ng mga kabihasnan sa Asya
3. Nakikilala ang mga pagkakatulad at pagkakaiba ng pagbuo ng
sinaunang kabihasnan sa Asya

PAUNANG PAGSUBOK

PANUTO: Basahing mabuti ang tanong at Piliin ang wastong sagot mula sa mga
pagpipilian.
Letra lamang ng wastong sagot ang isulat sa sagutang papel.
1. 1. Siya ang nagtatag ng Dinastiyang Tang
A. Kublai Khan
B. Li Yuang
C. Yang Chian
2. Alina ng dinastiyang may pinakamahabang panahon ng pamumuno sa
China?
A. Hsia
B. Chin
C. Chou
3. Siya ang nagpagawa ng pinakakilalang Taj Mahal ng India
A. Shah Jehan
B. Akbar
C. Ghazni
4. Ano ang dinastiyag itinatag ni Chandragupta II sa India?
A. Aryan B. Maurya C. Gupta
5. Ang kauna-unahang imperyo sa kasaysayan sa pamumuno ni Sargon II sa
Mesopotamia ay ang
A. Babylonian B. Phoenicia C. Akkadia

BALIK-ARAL

Panuto: Tukuyin ang mga bansang pinagmulan ng sinaunang kabihasnan sa Asya.


Ilagay sa kahon ang iyong kasagutan.

ARALIN

Pamumuhay sa Sinaunang Kabihasnan sa Asya

Sinaunang Kabihasnan

Sumer Shang
Indus

Dinastiya
Imperyo
Imperyo
Sumer Zhou
Akkadian Qin
Babylonia Maurya Gupta Han
Assyrian Sui
Chaldean Mogul Tang
Persian Song
Yuan
Ming
Chin
Kabihasnang Mesopotamia
Sumer – Walang nabuong matatag na pamahalaan dahil sa madalas na tunggalian ng mga
lungsod –estado
Akkadian – itinatag ni Sargon I. Ito ang kauna-unahang imperyo sa daigdig
Babylonia – pinamunuan ni Hammurabi at pinalawak ang kanyang kaharian hanggang sa
hilaga ng Mesopotamia
Assyrian – itinatag ni Tiglath-Pileser I.Nagpadala ng mga ekspedisyong military pakanluran
ng Mesopotamia upang mapasakamay ang mahahalagang rutang pangkalakalan
Chaldean – pinamunuan ni Nabopolassar at ng kanyang anak na si Nebuchadnezzar II. Sa
panahon ng pamumuno ni Nebuchadnezzar natamo ang kadakilaan ng imperyong Chaldean.
Persian – tinawag na imperyong Achaemenid, Persia (Iran) ang sentro ng imperyo.
Pinamunuan ni Cyrus the Great at pinalawak ang nasasakupan sa Mesopotamia at Asia Minor
(kasalukuyang Turkey).
Kabishanang Indus
Dravidian – mga taong naninirahan sa sa maliliit na pamayanan.Mahalaga sa kanila ang
pagsasaka bilang pangkabuhayan. Walang pinuno na nakilala sa kabihasnang Indus.Sa
paghina ng pamayanan nakilala naman ang mga Aryan na nagmula sa kanluran ng Hindu
Kush.
Maurya – nasakop ni Chandragupta Maurya ang hilagang India at bahagi ng kasalukuyang
Afghanistan. Pinamunuan naman ni Asoka ang imperyo ang kinikilalang pinakamahusay na
pinuno ng Maurya at isa sa mahuhusay na pinuno sa kasaysayan ng daigdig.
Gupta – itinuturing na panahong klasikal ng India, pinamunuan ni Chandragupta II.Naging
epektibo ang pamumuno at nakilala ang panitikan, sining at agham.
Mogul – naitatag sa pagsakop ni Babur sa hilagang India at Delhi noong 1526.Pinamunuan
din ang imperyo ni Akbar, Shah Jahan at Aurangzeb.Humina ang imperyo sa pananakop ng
mga English sa India.
Kabihasnang Shang
Ang mga natural na hadlang sa China tulad ng mga disyerto, bulubundukin, at
dagat ang nagbigay-daan sa pagpapanatili ng natatanging kultura ng mga sinaunang Tsino
at pag-unlad ng isang kabihasnang tumagal ng halos 3,000 taon sa ilalim ng iba’t-ibang
dinastiya.
Shang – itinutring na pinakamaunlad na kabihasnang gumamit ng bronse.
Chou – “Mandate of Heaven “ ang pinaniniwalaan ng mga Tsino sa panahong ito na ang
emperador ay namumuno sa pahintulot ng langit. Dito din umusbong ang kasipang humubog
kamalayang Tsino kabilang ang Confucianism, Taoism at Legalism.
Chin – pinamunuan ni Ying Zheng at nagawang pag-isahin ang mga nagdidigmaang estado.
Naisalalim din niya ang iba pang rehiyon sa China. Inihayag niya ang sarili bilang unang
emperador ng China at kinilala bilang si Shi Huangdi o Shih Huang Ti.Sa panahong din ito
naitatag ang “Great Wall of China”.
Han – kauna-unahang dinastiyang tumanggap sa Confucianism.Anf pagsulat ng kasaysayan
ng China ang isang pinakamalaking ambag ng dinasityang ito.
Sui – sa panahong ito ginawa ang Grand Canal na nag-uugnay sa mga ilog ng Huang Ho at
Yangtze.
Tang – pinamunuan ni Li Yuan. Itinuturing na isa sa mga dakilang dinastiya ng China dahil sa
pagkakaroon ng kasaganaan ng lupain at mabilis na pagbabago sa larangan ng sining at
teknolohiya.
Yuan – pinamunuan ng isang dayuhan mula sa Mongolia. Itinatag ito ni Kublai Khan.
Ming – sa panahing ito naitayo ang Forbidden City bilang tahanan ng emperador
MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1- Pangkatin ang mga sumusunod ayon sa kinabibilangan. Isulat


ang M para sa Mesopotamia, I para sa Indus at S para sa Shang.

____1. Forbidden City _____6. Akbar


____2. Confucianism _____7. Iran
____3. Nebuchanezzar _____8. Taoism
____4. Maurya _____9. Cyrus the Great
____5. Gamit ng Bronze _____10. Delhi
Pagasasany 2 – Pagtapat-tapatin ng linya ang mga pangalan ng tao,
bagay,terminolohiya at lugar.

A B

1.Mandate of Heaven A. Turkey


2. Shih Huang Ti B. Babur
3. Mogul C. Order of God
4. Persia D. Great Wall of China
5. Asia Minor E. Iran
F. Iraq

PAGLALAHAT
Panuto: Kumpletuhin ang graphic organizer sa ibaba. Ilagay ang sagot sa loob ng
kahon.
Kabihasnan –ito ay pamumuhay na
nakagawian ng maraming pangkat ng
tao. Kasama rito ang wika, kaugalian,
paniniwala at sining.

MgaKabihasnan sa Asya Pamumuno ng mga


PAGPAPAHALAGA

Panuto: Reflective Journal Writing. Dugtungan ang open-ended statement na ito:

Ang katangian ng ating mga namumuno sa Lungsod ng Pasig na nais kong


taglayin ay ang _____________________________________________________

________________sapagkat__________________________________________________.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

PANUTO: Basahing mabuti ang tanong at Piliin ang wastong sagot mula sa mga pagpipilian.
Letra lamang ng wastong sagot ang isulat sa sagutang papel.
1. Tanyag na estruktura sa China na nagsilbing tahanan ng mga naging emperador
A. Great Wall of China
B. Forbidden City
C. Terracota
2. Pagsang- ayon ng “langit” na pamunuan ng ang China
A. monarkiya
B. dinastiya
C. mandate of heaven
3. Ang templo ng Taj Mahal ay pinatayo ni
A. Shah Jahan
B. Chandragupta
C. Akbar
4. Unang imperyo sa daigdig
A. Assyrian
B. Akkadian
C. Chaldean
5. Ilan ang imperyong nakilala sa Kabihasnang Indus?
A dalawa c. tatlo
B. isa
SUSI SA PAGWAWASTO

ng bansa.
ang pamahalaan sapagkat ito ang magiging daan sa pagkakaroon ng kaayusan
- Pagkakaroon ng paninindigan, katapatan, katapangan na pamunuan ng tama
PAGPAPAHALAGA
10. I 5. A 5. S
9. I 4. E 4. I
8. S 3. B SUMER -SUMERIAN 3.M
7. M 2. D INDUS - DRAVIDIAN 2.S
6. I 1. C SHANG - TSINO 1.S
PAGLALAHAT PAGSASANAY 2 PAGSASANAY 1
PAGSASANAY

5. C C 5.
4. A C 4.
3. A 3. INDIA A 3.
2. C 2. IRAQ C 2.
1. B 1. TSINA A 1.
PANAPOS NA PAGSUSULIT BALIK- ARAL PAUNANG PAGSUBOK

Sanggunian
Mga Aklat:
1. Romela M. Cruz,Ed.D, Mary Dorothy dl. Jose, Joel B. Mangulabnan,
Michael M. Mercado, Jerome A. Ong, Araling Asyano: Tungo sa
Pagkakakilanlan(Pilipinas, Vibal Group, Inc., 2015),pp. 187-195
2. Rosemare C. Blando, Adelina A. Sebstian, Angelo C. Espiritu, Ema
C. Golveque, August M. Jamora, Regina R. Capua, Armi S. Victor,
Sandra I. Balgos, Allan F. Del Rosario, at Randy R. Mariano. Asya:
Pagkakaisa sa gitna ng Pagkakaiba, pp.137-139,142-143
3. Maria Carmelita B. Samson,Eleonor D. Antonio,Evangeline M.
Dallo, Kayamanan: Kasaysayan ng Asya pp.189-209

Mga Website:
Sinaunang Kabihasnan sa Asya-slideshare,June10,2020.Edmond
Lozano http://www.slideshare,net

You might also like