You are on page 1of 19

8

Araling Panlipunan
Quarter I – Modyul 5:
Mga Sinaunang Kabihasnan
Sa Daigdig

Kabihasnan

Self-Learning Module

“Una sa tanan, BATA: Buligan, Amligan, Tudluan, Alalayan!”

DIVISION OF BACOLOD CITY


Copyright Page
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Self-Learning Module
Unang Markahan – Modyul 5: Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig
Unang Edisyon, 2020

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work of
the Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or
office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit.
Such agency or office may, among other things, impose as a condition the payment of
royalties.
Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this module are owned by their respective copyright holders.
Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials from their
respective copyright owners. The publisher and authors do not represent nor claim ownership
over them.

Developed by the Department of Education – SDO Bacolod City


SDS Gladys Amylaine D. Sales, CESO VI
ASDS Michell L. Acoyong, CESO VI

Mga Bumubuo sa Pagsusulat ng Modyul


Mga Manunulat: Marie Franz J. Sarmiento, Meljoy D. Camarines
Editor: Melinda E. Dayot
Tagasuri: Pinky Pamela S. Guanzon, Ursula Jane C. Lupisan
Tagaguhit: Luna Lou D. Beatingo
Tagalapat: Crystal Lyn G. Villaster
Tagapamahala:
Janalyn B. Navarro
Pinky Pamela S. Guanzon
Ellen G. De La Cruz
Ari Joefed Solemne L. Iso

Printed in the Philippines by


Department of Education – Region VI – Division of Bacolod City
Office Address: Rosario-San Juan Sts., Bacolod City 6100
Telefax: (034) 704-2585
E-mail Address: bacolod.city@deped.gov.ph

ii
8
Araling Panlipunan
Quarter I – Modyul 5:
Mga Sinaunang Kabihasnan
sa Daigdig

iii
Paunang Mensahe

Para sa Tagapagdaloy

Ang materyal na ito ay masusing inihanda upang magabayan ang mga mag-aaral na
matuto gamit ang mga proseso at gawaing kapakipakinabang na maaring gabayan ng mga
magulang at nakatatandang mga indibidwal. Pinaalalahanan ang mga mag-aaral na gumamit
ng hiwalay na sagutang papel sa pagsagot sa pauna, pansarili at panapos na pagtataya.

Para sa Mag-aaral

Ang modyul na ito ay magiging gabay mo upang matamo ang kasanayan sa iyong
pagkatuto. Babasahin mo ang bawat aralin at sasagutin ang mga katanungang inihanda.
Susubukin mo rin na gawin ang bawat gawaing inihanda mula sa modyul na ito. Ang
gawain ay mula sa topikong mga sinaunang kabihasnan sa daigdig kung saan nasusuri ang
mga sinaunang kabihasnan ng Egypt, Mesopotamia, India at China batay sa politika,
ekonomiya, kultura, relihiyon, paniniwala at lipunan.

Makikita rin dito ang iba’t ibang lebel ng modyul tulad ng Aalamin Ko, Susuriin Ko,
Pag-aaralan Ko, Gagawin Ko, Tatandaan Ko, Isasabuhay Ko at Susubukin Ko.
Sa bahaging:

Aalamin Ko Bahagi ng modyul kung saan ipinapakilala ang


learning competency na dapat matutuhan sa
araling ito
Napapaloob dito ang ibat-ibang pagsasanay na
Susuriin Ko nagsisilbing pre-test at balik-aral sa nakaraang
leksiyon.
Napapaloob dito ang mga araling dapat mong
Pag-aaralan Ko matutunan.

Napapaloob dito ang ibat iba at karagdagang


Gagawin Ko gawain tungkol sa aralin.

Napapaloob dito ang mga aralin na maging gabay


Tatandaan Ko para magawa at masagutan ang mga
pagsasanay.
Nasusuri ang iyong kakayahan sa mga
Isasabuhay Ko natutunang aralin upang matamo ang
pamantayan sa pagganap.
Napapaloob dito ang iba’t ibang uri ng pagsusulit
Susubukin Ko
na angkop sa aralin
Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
Sanggunian paglikha o paglinang ng modyul na ito.

iv
Pamantayan sa Pagkatuto

Nasusuri ang mga sinaunang kabihasnan ng Egypt, Mesopotamia, India at China


batay sa politika, ekonomiya, kultura, relihiyon, paniniwala at lipunan.

AP8HSK-Ii-8 Aalamin Ko

Sa araling ito ay susuriin ang mga sinaunang kabihasnan ng Egypt, Mesopotamia,


India at China batay sa politika, ekonomiya, kultura, relihiyon, paniniwala at lipunan.
Matapos matutuhan ang pagsisikap ng mga sinaunang tao, na mapaunlad ang kanilang
pamumuhay, maiisip lamang na tuluyan nilang nakamit ang mataas na antas ng
kalinangang kultural. Ito ang pagtatag ng mga kabihasnang nagkaloob ng mga dakilang
pamana sa iyo at sa lahat ng tao sa kasalukuyang panahon.
Halina at pag-aralan ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig.

Susuriin Ko
Pangalan: _____________________________________Baitang: ______________
Paaralan: _____________________________________ Iskor: ________________

Panuto: Hanapin sa kahon ang mga salita na konektado sa kabihasnan na nakatala sa


ibaba. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

1. Egypt 3. Tsina
2. India 4. Mesopotamia

Ashurbanipal sistemang caste Confucianism pyramid


Pharaoh Ziggurat Mandate of Heaven Sargon I
Mentuhotep I Great Wall of China Shih Huang Ti Harappa at
Mohenjo-Daro
Aryan Reyna Hatshepsut Code of Hammurabi Dravidian
Menes Hinduism Hanging Gardens Gift of the Nile

1
Panuto: Ipaliwanag ang bawat salita batay sa nakaraang aralin na napag-aralan.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Mesopotamia

Ipaliwanag:
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
______________

2. Ilog Huang Ho

Ipaliwanag:
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

3. The Gift of the Nile

Ipaliwanag:
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

2
Pag-aaralan Ko

Kabihasnang Ehipto sa Egypt


Ekonomiya
Ang Kabihasnang Ehipto ay namukadkad noon sa tabi ng Nile, ang
pinakamahabang ilog sa daigdig. Ang tubig mula dito ang naging sanhi ng pag-unlad ng
sibilisasyong ito. Dahil sa pagbaha nito sa bawat taon, nagkakaroon ng buhay ang mga
lupain ng Egypt. Umuunlad ang agrikultura dahil sa biyaya ng ilog na ito.

Politika / Pamahalaan
Ang sinaunang kasaysayan ng Egypt ay kadalasang hinahati sa mga panahong
batay sa dinastiya ng naghaharing pharaoh. Ang pharaoh ang tumayong pinuno at hari
ng sinaunang Egypt at itinuring ding isang diyos na taglay ang mga lihim ng langit at
lupa. Para sa mga pharaoh, sila ang tagapagtanggol sa kanilang nasasakupan. Sa
pangkalahatan, maituturing na kontrolado ng isang pharaoh ang lahat ng aspekto ng
pamumuhay ng mga sinaunang Egyptian. Kabilang sa kaniyang mga tungkulin ang
pagsasaayos ng mga irigasyon, pagkontrol sa kalakalan, pagtatakda ng mga batas,
pagpapanatili ng hukbo, at pagtiyak sa kaayusan ng Egypt.

Nangingibabaw ang bawat dinastiya hangga’t hindi ito napatatalsik o walang


tagapagmana sa trono.

Pyramid o Piramide ng Egypt na itinayo sa panahon ng Matandang Kaharian ay


nagsilbing mga monumento ng kapangyarihan ng mga pharaoh at
huling hantungan sa kanilang pagpanaw.
Gitnang Kaharian - kaguluhan at pagdating ng mga Hyksos mula sa Asya ang
namayani sa panahong ito. Ang katagang Hyksos ay
nangangahulugang “mga prinsipe mula sa dayuhang lupain.”

Ang Bagong Kaharian ay itinuturing na pinakadakilang panahon ng Kabihasnang


Egyptian. Naitaboy ni Ahmose (1570 - 1546 BCE) ang mga Hyksos
mula sa Egypt noong 1570 BCE.
Reyna Hatshepsut (1503 - 1483 BCE), asawa ni Pharaoh Thutmose II ay kinilala bilang
isa sa mahusay na babaing pinuno sa kasaysayan. Siya ay
nagpagawa ng mga templo at nagpadala ng mga ekspedisyon sa
ibang mga lupain. Sa kaniyang pagkamatay, lalo pang pinalawig ni
Thutmose III, anak ni Thutmose II, ang Imperyong Egypt.
Paniniwala at Relihiyon
• Nasa humigit-kumulang 3000 magkakahiwalay na pangalan ng mga diyos ang
naitukoy sa mga sulating Egyptian.
• Sila’y nagtayo ng mga templo bilang pagdakila at pagpaparangal sa kanilang
mga diyos. Maliban dito, naniniwala ang mga sinaunang Egyptian sa kabilang
buhay (afterlife) matapos ang kamatayan.
• Sila’y naniwala na matapos mamatay ang tao, ang kanyang kaluluwa ay
maninirahan at mamumuhay sa daigdig ng mga patay. Dahil dito, nakabuo ng
detalyadong ritwal ng kamatayan ng paglibing ang mga Egyptians.
• Sila’y naniniwala na ang ating mga kaluluwa ay hindi namamatay kahit sa
kabilang buhay (eternal souls or spirits).

3
Lipunan

Pagsapit ng ikaapat na milenyo BCE, ang ilang pamayanan ay naging sentro ng


pamumuhay sa sinaunang Egypt. Nang lumaon, ang mga ito ay tinawag na nome o
malalayang pamayanan na naging batayan ng mga binuong lalawigan ng sinaunang
estado ng Egypt. Ang mga pinuno ng mga nome o nomarch, ay unti-unting
nakapagbuklod ng isang estado sa Nile River upang makabuo ng panrehiyong
pagkakakilanlan.
Ang proseso ng pagbubuo ng isang estado ay nagtagal ng ilang siglo.
Mahalagang salik ang pagkakaroon ng mga alyansa sa harap ng mabilis na mga
pagbabago sa aspektong pangkabuhayan at politikal. Unti-unti ring lumaki ang
populasyong nangailangan ng mas intensibong irigasyon para sa mga lupang sakahan.
Dalawang kaharian ang nabuo sa kahabaan ng Nile River, ang Upper Egypt at Lower
Egypt. Noong 3100 BCE, isang pinuno ng Upper Egypt, sa katauhan ni Menes, ang
sumakop sa Lower Egypt na nagbigay-daan upang mapag-isa ang lupain sa mahabang
panahon. Si Menes ay isa sa mga pinakaunang pharaoh sa panahon ng Unang
Dinastiya ng Egypt. Maliban sa pagkakaroon ng pinag-isang pangangasiwa, nagtalaga
rin siya ng mga gobernador sa iba’t ibang lupain. Ang Memphis ang naging kabisera sa
panahon ng paghahari ni Menes.

Ang antas ng lipunan noong sinaunang Egyptian.

Kabihasnang Mesopotamia
Sa itinatag na mga sinaunang kabihasnan sa daigdig, ang pangkat ng mga taong
nanirahan at nagtatag ng mauunlad na pamayanan sa Mesopotamia ang kauna-
unahang nakapagtaguyod ng kabihasnan. Binubuo ang kabihasnang Mesopotamia ng
mga lungsod-estado ng Sumer, at mga itinatag na imperyo ng Akkad, Babylonia,
Assyria, at Chaldea.

Ekonomiya at Lipunan
Namalagi ang mga nomadikong Sumer sa mga lupaing sakahan ng lambak ilog.
Sa panahon ng Babylonian saklaw ng Kodigo ang ilang praktis sa lipunan. Ang bawat
lalaki ay inaatasang maglingkod sa hukbo at magtrabaho sa mga gawaing pampubliko.
Ang mga magsasaka na biktima ng baha ay pinapayagang magbayad ng utang sa
susunod na tag-ani. Noong ika-9 na siglo sa Assyrian, nagpadala sila ng mga
ekspedisyong military pakanluran upang mapasakamay ang mahahalagang rutang
pangkalakalan at makatanggap ng tributo.

4
Politika
Dahil walang nag-iisang sentralisadong pamahalaan ang rehiyon ng Mesopotamia,
binubuo ito ng iba’t ibang mga lungsod estado. Sa bawat lungsod estado ay may haring
namumuno. Madalas ang tunggalian ng mga lungsod estado tungkol sa lupa at tubig
kaya hindi nakabuo ng isang matatag na pamahalaan ang mga Sumerian. Sa Akkad,
sinakop ni Sargon I (2334 – 2279 BCE) ang mga lungsod-estado at itinatag ang kauna-
unahang imperyo sa daigdig. Siya ay mula sa hilagang bahagi ng Mesopotamia sa
lungsod-estado ng Akkad o Agade. Si Naram Sin (2254-2218) naman ang pinakahuling
mahusay na pinuno ng Akkadia.
Sinakop ni Hammurabi, pinuno ng lungsod ng Babylon, ang Mesopotamia. Ang
Kodigo ni Hammurabi ay ipinalalagay na pangunahing kontribusyon ng Babylonia sa
kabihasnan. Inipon ni Hammurabi ang lahat ng batas ng mga Sumerian at ipinaukit sa
isang itim na bato na may taas na walong talampakan. Ang pinakatampok na probisyon
ng kodigo ay may kinalaman sa batas-kriminal. Alinsunod dito na sinumang taong
manakit sa kapwa ay dapat lamang na masaktan din. Itinakda ng kodigo ang uring
panlipunan na dapat kaaniban ng bawat tao. Ang kababaihan ay may ilang karapatan
din tulad ng pagkontrol ng kayamanan at pakikilahok sa negosyo. May proteksyon ang
mga babaeng may asawa batay sa halaga ng kanilang bigay.
Nang mamatay si Hammurabi ay nagkawatak-watak ang kaharian ng Babylon.
Sa Assyrian, isa si Ashurbanipal (circa 668 - 627 BCE) sa mga haring kinakitaan ng
maayos na pamamahala sa kaniyang panahon.
Sa imperyo ng Chaldean ay nagtatag ng bagong imperyo ng Babylonia si
Nabopolassar. Si Nebuchadnezzar II (anak ni Nabopolassar) naman ay ang pinuno ng
imperyo nang natamo nito ang rurok ng kadakilaan. Siya rin ang nagpagawa ng
Hanging Gardens of Babylon para sa kaniyang asawa.

Paniniwala, Relihiyon at Kultura


Sumer - naniniwala sila sa maraming diyos at diyosa na anthropomorphic o may
katangian at pag-uugaling tao. Naniniwala ang mga sila na pababa-
pataas ang diyos sa pagitan ng kanyang dalawang tahanan - ang langit
at ang lupa. Ang bawat palapag ay may iba't ibang pintura. Ang kulay itim
ay simbolo ng kasamaan at ang bughaw ay kalangitan.
Ziggurat - strukturang nagsilbing tahanan at templo ng mga patron o diyos na
makikita sa bawat lungsod.
Babylonian - naniniwala rin sila sa mga soothsayer o manghuhula sa pamamagitan ng
pag-susuri sa mga lamang loob ng bagong patay na hayop.

5
Kabihasnang Indus sa India
Ekonomiya
Ang antas ng pag-unlad ng ekonomiya ng Kabihasnang Indus ay makikita sa
dalawang lungsod nito –ang Mohenjo Daro at Harappa. Ang pinakamahalagang
produkto ng sibilisasyong ito ay ang bulak o “cotton”. Maunlad ang pakikipagkalakalan
ng sibilisasyong ito sa mga Mesopotamians. Kinakalakal din nila ang mga terracotta
pots, beads at mga gem stones. Mayaman ang kabihasnang ito sa mga produkto dahil
malapit sila sa Ilog Indus.
Politika
Ang lipunan ng sinaunang Kabihasnang Indus ay pinamumunuan ng mga pari na
nasa pinakamataas na antas ng caste. Ang mga matataas na mga antas ay mas
maraming karapatan at pribelihiyo. Nagsimula ito bilang diskriminasyon ng mga
mapuputing Aryan na sumakop sa mga maiitim na mga Dravidian, ang maiitim na unang
nanirahan sa sibilisasyong Indus.
Paniniwala at relihiyon
Ang kanilang relihiyon ay tinatawag na Hinduism. Naniniwala din ang
Kabihasnang Indus sa mahigit 300 na mga diyos at diyosa.
Noong 600 B.K., tinatayang nagsimula naman ang Buddhismo. Sinasabing
kasabay nito ang pilosopiyang Confucianismo sa Tsina. Ang Buddhismo ay itinatag ni
Gautama Buddha bilang pagtutol sa marahas at mahigpit na patakaran ng Hinduismo
batay sa sistemang caste. Ang Jainismo naman ay itinatag ni Mahavira na isa ring
relihiyon na tutol sa Hinduismo.
SISTEMANG CASTE

6
Lipunan
Ang lipunang Indus ay kinakitaan ng malinaw na pagpapangkat-pangkat ng
mga tao. Nakatira sa bahagi ng moog ang mga naghaharing-uri tulad ng mga
mangangalakal. May mga bahay ring may tatlong palapag. Maaaring katibayan ito ng
pagkakahati-hati ng lipunan sa iba’t ibang uri ng tao. Isang lumang paliwanag ang
teoryang Mohenjo-Daro at Harappa ay nawasak dahil sa paglusob ng mga pangkat
nomadiko-pastoral mula sa gitnang Asya, kabilang ang mga Aryan. Walang malinaw na
ebidensiya na naglabanan nga ang mga Dravidian at Aryan na nagdulot ng wakas sa
Kabihasnang Indus.
Aryan - Ang salitang “Arya” ay nangangahulugang “marangal” sa wikang Sanskrit.
Ginamit ito upang tukuyin ang mga pangkat ng tao o lahi. Ang lipunan ng mga
sinaunang Aryan ay may tatlong antas lamang: maharlikang mandirigma, mga
pari at mga pangkaraniwang mamamayan.

Kabihasnang Tsino sa China

Ekonomiya

Maraming nagawa sa ekonomiya ang Kabihasnang Tsino. Isa rito ang paggawa
ng unang papel na pera at paggawa ng barya. May sistema ng pagbubuwis din ang mga
Tsino. Sila ang nagsimula ng sistema ng mga daanan ng mangangalakal noon na
tinatawag na Silk Road. Ito ang dinadaanan ng mga produktong kinakalakal mula China
patungo sa buong Asya hanggang sa Europa.

Naging maunlad ang Kabihasnang Tsino dahil sa biyayang dinadala ng Huang Ho


o Yellow River sa kanila.
Politika, Relihiyon at Lipunan

Pinapamahalaan ang sinaunang kabihasnan ng mga dinastiya. Ang dinastiya o


dynasties ay tumutukoy sa pamumuno ng makapangyarihang linya ng pamilya. Ang
Tsina ay pinamumunuan ng halos na sa sampung pangunahing dinastiya na karaniwa’y
nagpapalit-palit sa paglipas ng panahon dulot ng pag-iral ng dynastic cycle. Ang dynastic
cycle naman ang siklo ng pagpapalit palit ng dinastiya. Ang isang namumunong
dinastiya ay nawawalan ng kapangyarihan matapos makaranas ang kaharian ng mga
kaguluhan at sakuna na di mapigilan. Ito ay magbunsod sa pag-iral ng bagong
pamunuan na lilitaw na mas malakas at aagaw sa kapangyarihan ng lumang dinastiya.
Nang bumagsak ang imperyong Romano, ang pinakamalaking estado ng daigdig
at pinakamaunlad na teknolohiya bago pa magsimula ang Renaissance ay ang Tsina.
Naniniwala ang mga Tsino na ang kanilang bansa ang sentrong daigdig kaya tinawag
nila itong Gitnang Kaharian. Noong mga 1500 BC, lumitaw ang unang mga pinunong
historikal, ang mga pinuno ng dinastiyang Shang. Hinalinhan ng mga pinunong Chou
noong 1000 BC ang Shang. Kapag hindi abala sa pakikidigma ay inaasikaso ng mga
pinunong Chou ang gawain ng pamahalaan. Habang umuunlad ang kanilang
pamahalaan umuunlad din ang kaalaman ng mga Tsino tungkol sa mabuting lipunan.

7
Mga Aral ni Confucius. Isa sa mga pilosopong malaki ang impluwensya sa
pamumuhay ng mga Tsino ay si Confucius. Siya ay guro at tagahubog ng diwa at
pagkatao ng mga tao. Bagaman hindi siya nagtagumpay sa layuning magkaroon ng
puwang sa pulitika ay lumaganap naman ang kaisipang unibersal ng jin tulad ng
pagkamakatao, kagandahang loob at ganap na kabutihan.
Utang ng mga Tsino ang sistemang etiko-pulitikal kung saan itinuturo ang
pagiging huwaran ng namumuno upang sundin. Ang tatlong pangunahing katangian ng
mabuting pamahalaan ay (1) tiwala ng tao sa namumuno, (2) sapat na pagkain, (3)
sapat na armas.
Lumitaw si Shih Huang Ti noong 221 BC. Itinatag niya ang pinakadakilang
estadong nakilala sa daigdig. Sakop ng kanyang imperyo ang Karagatang Tsina
hanggang Gitnang Asya. Napilitang gumawa ang mga tao ng mga daan at gayun din ng
Dakilang Pader. Pinalawak pang lalo ng Dinastiyang Han ng imperyong kasama ang
Gitnang Asya mula timog hanggang Vietnam at silangan hanggang Korea. Sinimulan ng
imperyong Han ang huwaran ng pamahalaang imperyal na nakasentro sa emperador.
Sinundan ng panandaliang dinastiyang Sui ang bumagsak na Han. Humalili ang
dinastiyang T’ang. Isa ang dakilang emperador nito si Tai Tsung. Nireporma niya ang
pamumuno, ibinalik na muli ang pangingibabaw ng serbisyo sibil at pinamunuan ang
bansa nang buong husay. Sinundan ang pagbagsak ng dinastiyang T’ang ng
pagkakapira-piraso ng imperyo hanggang muling nabuo ito ng dinastiyang Sung. Ibinalik
na muli ang kadakilaan ng imperyo. Nahati ang Tsina noong 1126 nang lusubin ng mga
Mongol na pinamumunuan ni Temujin.
Ginamit niya ang pangalang Genghis Khan (Panginoon ng Daigdig) at binalak na
salakayin ang daigdig sa labas ng Mongolia. Napatunayan na hindi kaya ng mga
Manchu, ang huling imperyong lagalag kaya muling nabuo ang imperyong Tsino sa
ilalim ng dinastiyang Yuan. Itinatag ng imperyong Ming ang pakikipag-ugnayan sa mga
Portuges at mga misyonerong Italyanong Heswita. Pinakamalaki at pinakamayaman
ang imperyong Tsino noon sa ibabaw ng lupa hanggang masakop ito ng mga Manchu
noong 1682. Namuno ang Dinastiyang Ming sa matandang tradisyon at itinatag ang
burukrasya. Naging daan ang pagbagsak ng Ming sa magkakatulad na pagbagsak ng
imperyo. Sinalakay muli ng mga barbaro mula sa Europa ang naguguluhang imperyo.
Nagkaroon ng sunud-sunod na digmaan noong ika-19 na siglo tulad ng
Digmaang Opium, Rebelyong Boxer at mga kasunduan na hindi maganda para sa
Tsina. Napilitan siyang magbigay ng mga pribilehiyong diplomatiko at kalakal, at
kontroladong himpilang diplomatiko ng Peking. Nanatili pa ring pinakamalaking bansa
ang Tsina sa daigdig sa pagpasok ng ika-20 siglo ngunit nawala na ang kanyang lakas
at katanyagan.
Han (202 B.C.E. - 220 C.E.)
Ito ang kauna-unahang dinastiyang yumakap sa Confucianism. Ang pagsulat ng
kasaysayan ng China ay isang napakalaking ambag ng Dinastiyang Han.
T’ang (618-907 CE)
Ang Buddhism na naging dominanteng relihiyon sa mga panahong ito ay
tinangkilik ng mga dugong bughaw at mga karaniwang tao.

Ibinalik ang civil service examination system na naging mahalaga sa pagpili ng


opisyal ng pamahalaan. Ang pagsusulit na ito ay unang ginamit sa panahong Han
subalit pinagbuti pa sa panahong T’ang.

8
Paniniwala at Kultura
Umusbong noon ang mahahalagang kaisipang humubog sa kamalayang Tsino
kabilang ang:

Confucianism - layuning magkaroon ng isang tahimik at organisadong lipunan sa


pamamagitan ng pagpapabuti sa sarili at pagpapahalaga sa ugnayan
ng mga tao sa lipunan.
Taoism - hangad ang balanse sa kalikasan at daigdig at pakikiayon ng tao sa
kalikasan.
Legalism - ipinanganak ang tao na masama at makasarili. Subalit sila ay maaaring
mapasunod sa pamamagitan ng mahigpit na batas at marahas na
kaparusahan.
Sa dinastiya ng Zhou o Chou (1045 B.C.E. - 221 B.C.E.) naniwala ang mga tao sa
Mandate of Heaven o “Basbas ng Kalangitan” na ang emperador ay namumuno sa
kapahintulutan ng langit. Pinili siya dahil puno siya ng kabutihan. Kapag siya ay naging
masama at mapangabuso, ay babawiin ng kalangitan sa anyo ng lindol, bagyo, tagtuyot,
peste o digmaan.

9
Gagawin Ko
Panuto: Ipaliwanag ang ekonomiya, politika, relihiyon, paniniwala, lipunan at kultura ng
mga sinaunang kabihasnang Egypt, Mesopotamia, India at Tsina sa pamamagitan
ng isang salita o pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

SINAUNANG
KABIHASNAN NG
EGYPT MESOPOTAMIA INDIA TSINA
DAIGDIG

EKONOMIYA

POLITIKA

RELIHIYON

PANINIWALA

LIPUNAN

KULTURA

➢ Paano nakatulong ang ekonomiya, politika, relihiyon, paniniwala, lipunan at


kultura sa mga mamamayan ng sinaunang kabihasnang Egypt, Mesopotamia,
India at Tsina?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

10
Tatandaan Ko

• Kabihasnang Ehipto
Pharaoh - “great house”
- pinuno ng Ehipto
Hyksos - ang mga taong sumakop sa kabihasnang Egypt mula sa Avaris.
Naniniwala ang mga Egyptian na ang kaluluwa ay walang kamatayan.
Pyramid o piramide - nagsilbing mga monumento ng kapangyarihan ng mga
Pharaoh at huling hantungan sa kanilang pagpanaw.
• Kabihasnang Mesopotamia
Code of Hammurabi - ang batas ng Babylon
Hanging Gardens of Babylon - ipinatayo ni Nebuchadnezar
Ziggurat - templo ng Kabihasnang Mesopotamia
• Kabihasnang Indus
Caste System – ang pagkakaayos ng Kabihasnang Indus sa iba’t ibang antas
Hinduism – relihiyon ng Kabihasnang Indus
Ang lipunang Indus ay kinakitaan ng malinaw na pagpapangkat-pangkat ng
mga tao.

• Kabihasnang Tsino
Ang dinastiya o dynasties - tumutukoy sa pamumuno ng makapangyarihang
linya ng pamilya.
Silk Road - ito ang dinadaanan ng mga produktong kinakalakal mula China
patungo sa buong Asya hanggang sa Europa.
Umusbong noon ang mahahalagang kaisipang humubog sa kamalayang Tsino
kabilang ang: Confucianism, Taoism at Legalism.
Mandate of Heaven o “Basbas ng Kalangitan.” - Ang emperador ay namumuno
sa kapahintulutan ng langit.

11
Isasabuhay Ko- A
Hanging Garden Noon, Backyard Urban Gardening Ngayon!

Panuto: Gamit ang Venn Diagram sa ibababa, isulat sa sagutang papel ang pagkakaiba at
pagkakatulad ng Hanging Garden sa Backyard Urban Gardening (BUG).
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Isasabuhay Ko- B
Panuto: Suriin ang tanong at ipaliwanag. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Para sa kaayusan ng lipunan, ang Mesopotamia ay nagsagawa at nagpatupad ng
mga batas, ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga batas o mga polisiyang
ipinapatupad ng ating bansa bilang pagtugon sa COVID -19 pandemic?
Ipaliwanag:
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
Sa kasalukuyan ang ekonomiya ng ilang bansa ay humina dulot ng pandemya, kung
ikaw ay isang negosyante sa Tsina at naapektuhan ang iyong negosyo, anong
hakbang ang iyong gagawin upang bumalik sa normal ang iyong pagnenegosyo?
Ipaliwanag:
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

12
Susubukin Ko

Pangalan: _____________________________________Baitang: ______________


Paaralan: _____________________________________ Iskor: ________________
Panuto: Basahin at unawain ang bawat katanungan at isulat ang titik sa sagutang papel.
1. Paano magkakatulad ang mga sinaunang kabihasnang umunlad sa Mesopotamia,
Egypt, Indus at China?
A. Magkakatulad ang kanilang relihiyon at sining ng sinaunang kabihasnan.
B. Sa tabi ng mga ilog naninirahan ang mga sinaunang kabihasnan.
C. Umunlad sa isang kontinente ang mga nabanggit na sinaunang kabihasnan.
D. Sa gitna ng disyerto itinatag ang mga sinaunang kabihasnan.
2. Aling pahayag ang may wastong impormasyon batay sa diyagram?
A. May pagkakapantay-pantay sa
lipunang Egyptian noong
sinaunang panahon.
B. Ang mga alipin at
mangangalakal ay may pantay
na karapatan sa Egypt.
C. Mas mataas ang posisyon ng
mga paring Egyptian kaysa sa
mga mandirigma.
D. Ang pharaoh, maharlika, at
magsasaka ang nasa mataas na
antas ng lipunang Egyptian.
3. Alin sa mga sumusunod ang batas ng mga Sumerian na ipinaukit sa isang itim na
bato na may taas na walong talampakan?
A. Kodigo ni Sargon I C. Kodigo ni Menes
B. Kodigo ni Hammurabi D. Kodigo ni Thutmose
4. Kung ikaw ay isang Sumerian na nabuhay noong panahon ng kabihasnan sa
Mesopotamia, aling sitwasyon ang hindi nararapat na maganap sa iyong lungsod-
estado?
A. Walang pagkakaisa ang mga lungsod-estado upang hindi madaling masakop
ang mga teritoryo nito.
B. May mahusay na pinunong mamamahala sa lungsod-estado na
magpapaunlad sa iyong pamumuhay.
C. May sistema ng pagsulat upang magamit sa kalakalan at sa iba pang bagay.
D. May aktibong pagpapalitan ng mga produkto sa loob at labas ng lungsod.

13
5. Para sa iyo, ano ang magandang katangian ng isang pinuno para sa isang bansa?
A. Iniisip ang sarili at kapakanan ng pamilya kapag nagkaroon ng sakuna sa
sariling bansa.
B. Isang matatag at matapang na pinunong handang magpatupad ng mga
pagbabago sa pamamahala.
C. Isang matapang na pinuno ngunit hindi makagawa ng sariling desisyon sa
panahon ng pandemya para sa mamamayan.
D. Pinunong may magandang plano para sa bayan bagaman kinakaltasan ang
bawat badyet na para sa mga proyekto.
6. Ang sinaunang kabihasnan ay nagsimulang gumamit ng ibat ibang uri ng barya
bilang salapi sa kanilang pangangalakal maliban sa isa. Ano ito?
A. Ginto C. Tanso
B. Pilak D. Luwad
Para sa bilang 7 -10: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at isulat ang
titik ng tamang sagot sa sagutang papel:
A. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Ekonomiya;
B. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Lipunan;
C. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Pulitika at
D. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Relihiyon
7. Ang mga turo ni Confucius, pangaral ni Zoroaster at ang pagdami ng
mananampalatayang Muslim na sumusunod sa mga turo ng Islam ay lumaganap sa
iba’t ibang panig ng daigdig.
8. Nagsimula ang Sistemang Caste sa India ng kilalanin ng mga Indo-Aryano ang
kanilang mga sarili bilang nakahihigit ng lahi kaysa Dravidians noong sinaunang
kabihasnan.
9. Ang paggamit ng mga kodigo o batas bilang batayan ng mga patakaran at kautusan
ng mga pinuno ay lumaganap sa mga bawat lungsod-estado na naging gabay sa
ating kasalukuyang mga batas.
10. Ang malawakang komersyo at kalakalan mula sa India at Tsina ang naging dahilan
at simula ng paglawak ng kanilang impluwensya sa ibang bansa.

Sanggunian

Modyul Para sa Mag-aaral, Kasaysayan ng Daigdig, Araling Panlipunan 8.


pahina 67- 94

Araling Panlipunan Grade 8 EASE Module, Ang Pag-unlad ng Sinaunang Kabihasnan sa


Asya Modyul 4.

14
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SDO Bacolod City

Office Address: Rosario-San Juan Sts., Bacolod City 6100


Telefax: (034) 704-2585
E-mail Address: bacolod.city@deped.gov.ph

You might also like