You are on page 1of 15

Filipino 10

Filipino – Ikasampung Baitang


Unang Markahan – Modyul 1: Mitolohiya
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Geraldo L. See Jr.
Editor: Albert C. Nerveza at Melinda P. Iquin
Tagasuri: Geraldo L. See Jr.
Tagaguhit: Pangalan
Tagalapat: Edison P. Clet
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Filipino 10
Unang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto
Mitolohiya
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 10 Modyul ukol sa Mitolohiya!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibinuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

KASANAYANG PAMPAGKATUTO

1. Naipahahayag ang mahahalagang kaisipan/pananaw sa napakinggang


mitolohiya.
MGA INAASAHANG LAYUNIN
Pagkatapos ng aralin na ito, inaasahang…

A. Natutukoy ang mahahalagang impormasyon na may kaugnayan sa


Mitolohiya;
B. Napahahalagahan ang Mitolohiya bilang akdang pampanitikan;
sa sining, pananampalataya at pagpapalawak ng imahinasyon.
C. Nakikilala ang labindalawang pinakadakilang diyos at diyosa ng
mitolohiyang Romano at Griyego na sinasabing may malaking
impluwesya sa pagsulat sa Panahong Klasiko.

PAUNANG PAGSUBOK

Ang bahagi ng modyul na ito ay susukatin ang iyong dating


kaalaman hingil sa mga diyos at diyosa ng Romano at Griyego. Ito ay
magiging batayan ng iyong guro kung paano pagyayamanin ang iyong
kaalaman sa paksa.

Panuto: Kilalanin ang larawan sa pamamagitan ng pagpunan ng nawawalang


letra sa bawat patlang.

1. 2.

https://sites.google.com/site/allaboutancie http://www.ancientgreecefacts.com/ancient
ntgreekmythology/greek-gods-and- -greek-gods/greek-god-hermes/
goddesses

Z__S H _ RM _ _
3. 4.

https://www.greentube.com/game/almighty https://sites.google.com/site/greekdeities15
-jackpots-realm-poseidon/ /gods/athena

_ OS _ _ D _ N A__E_A

5.

https://www.tes.com/lessons/Jpw5mF_QivF
mMw/hades

H_D_S
ARALIN

Alamin natin kung gaano kalawak ang iyong kaalaman sa paksang


mitolohiya. Maging matiyaga at unawaing mabuti ang panibagong mga
konseptong matutuhan.

Madalas marinig ang matalinghagang pahayag na “Kung ikaw ay nasa Rome


gawin mo kung ano ang ginagawa ng mga taga-Rome. “Sumasalamin lamang ito sa
kultura ng mga taga-Rome kung saan pinakikinabangan at pinagyayaman ang mga
kaisipan, kabihasnan, sining at panitikang hinalaw nila mula sa mga lugar na
kanilang sinakop. Isang patunay nito ay ang kanilang mitolohiya mula sa Rome.
Bagaman ang mga ito ay halaw mula sa mga Greek, binigyan ito ng bagong mukha
at lalong pinagyaman ng mga taga-Rome. Sa kasalukuyan, ang mga mitolohiyang
ito ang pinagbatayan ng mga kaisipan sa iba’t ibang larangan tulad ng medisina,
pilosopiya, astrolohiya, sining, at panitikan sa buong daigdig.

Narito ang aralin na gagabay sa iyo upang lubos mong maunawaan,


mapahalagahan, at masuri ang isang akdang pampanitikan tulad ng Mitolohiya.
Isang malaking uri ng panitikan na kung saan ang madalas na tinatalakay ng
kuwento ay mga diyos at diyosa at iba pang makapangyarihang nilalang.
Kadalasan ito ay naka-angkla sa kultura, tradisyon, alamat at relihiyon ng
isang rehiyon o bansa. Madalas, ang tinatahak na tema ng mitolohiya ay
kababalaghan. Ngunit, kahit nababalot ito ng kababalaghan at madalas kathang-
isip lamang, mayroon pa rin itong mga naiambag sa kasaysayan at pati na rin sa
mga modernong pag-aaral.

Ang MITOLOHIYA ay isang halos na magkakabit-kabit na kumpol ng mga


tradisyonal na kuwento o mito (Ingles: myth), mga kuwento na binubuo ng isang
partikular na relihiyon o paniniwala. Karaniwang tinatalakay ng mga kuwentong
mito ang mga diyos at nagbibigay ng mga paliwanag hinggil sa mga likas na
kaganapan. Halimbawa na kung paano nagkaroon ng hangin o ang mga karagatan.
May kaugnayan din ang mitolohiya sa alamat at kuwentong-bayan.

Ang salitang mitolohiya ay nangangahulugang agham o pag-aaral ng mga


mito/myth at alamat. Tumutukoy ito sa kalipunan ng mga mito mula sa isang
pangkat ng mga tao sa isang lugar na naglalahad ng kasaysayan ng mga diyos-
diyosan noong unang panahon na sinasamba, dinadakila at pinipintakasi ng mga
mga sinaunang tao.

Ang salitang mito/myth ay galing sa salitang Latin na mythos at mula sa


Greek na muthos, na ang kahulugan ay kuwento. Ang muthos ay halaw pa sa mu,
na ang ibig sabihin ay paglikha ng tunog sa bibig. Sa Klasikal na Mitolohiya ang
mito/myth ay representasyon ng marubdob na pangarap at takot ng mga
sinaunang tao. Nakatutulong ito upang maunawaan ng mga sinaunang tao ang
misteryo ng pagkakalikha ng mundo, ng tao, ng mga katangian ng iba pang mga
nilalang. Ipinaliliwanag din dito ang nakatatakot na puwersa ng kalikasan ng
daigdig – tulad ng pagpapalit ng panahon, kidlat, baha, kamatayan, at apoy. Ito ay
naglalahad ng ibang daigdig tulad ng langit at lupa. Hindi man ito kapani-
paniwalang kuwento ng mga diyos, diyosa, at mga bayani, itinuturing itong
sagrado at pinaniniwalaang totoong naganap. Karaniwang may kaugnayan ito sa
teolohiya at ritwal.

Sa Pilipinas naman, ang mito ay kinabibilangan ng mga kuwentong-bayang


naglalahad ng tungkol sa mga anito, diyos at diyosa, mga kakaibang nilalang, at sa
mga pagkagunaw ng daigdig noon. Maaaring matagpuan ang mga mitong ito sa
mga kuwentong-bayan at epiko ng mga pangkat-etniko sa kasalukuyan. Mayaman
sa ganitong uri ng panitikan ang mga naninirahan sa bulubundukin ng Luzon,
Visayas at Mindanao.

May kuwento tungkol sa pagkagunaw ng daigdig ang mga Ifugao. Inilarawan


sa kanilang epikong “Alim” kung paano nagunaw ang daigdig. Ayon dito,
nagkaroon ng malaking pagbaha sa mundo at ang tanging nakaligtas ay ang
magkapatid na sina Bugan (babae) at Wigan (lalaki). Sa kanila nagmula ang
bagong henerasyon ng mga tao sa mundo.
Ginamamit ang mitolohiya bilang isang akdang pampanitikan upang:

• Ipaliwanag ang pagkakalikha ng daigdig


• Ipaliwanag ang puwersa ng kalikasan
• Maikuwento ang mga sinaunang gawaing panrelihiyon
• Magturo ng mabusting asal
• Maipaliwanag ang kasaysayan
• Maipahayag ang marubdob na pangarap, matindinding takot, at
pag-asa ng sangkatauhan

Ang Mitolohiya ng Taga-Rome

Ang mitolohiya ng mga taga-Rome ay kadalasang tungkol sa politika, ritwal


at moralidad na ayon sa batas ng kanilang mga diyos at diyosa mula sa Sinaunang
Taga-Rome hanggang ang katutubong relihiyon ay mapalitan na ng Kristiyanismo.
Kabayanihan ang isang mahalagang tema sa mga kuwentong ito. Itinuring ng mga
Sinaunang Taga-Rome na nangyari sa kanilang kasaysayan ang nilalaman ng mga
mito kahit ang mga ito ay mahimala at may elementong supernatural.

Ang kanilang mitolohiya ay hinalaw mula sa Greece na kanilang sinakop.


Labis nilang nagustuhan ang mitolohiya ng bansang ito, kaya inaangkin nilang
parang kanila at pinagyaman nang husto. Binigyan nila ng bagong pangalang
karamihan sa mga diyos at diyosa. Ang ilan ay binihisan nila ng ibang katangian.
Lumikha sila ng bagong mga diyos at diyosa ayon sa kanilang paniniwala at
kultura.

Sinikap nilang ipasok ang kanilang pagkakakilanlan sa mga mitolohiyang


kanilang nilikha. Isinulat ni Virgil ang “Aenid,” ang pambansang epiko ng Rome at
nag-iisang pinakadakilang likha ng Panitikang Latin. Isinalaysay ni Virgil ang
pinagmulan ng lahi ng mga taga-Rome at kasaysayan bilang isang imperyo. Ito ang
naging katapat ng “Illiad and Odyssey” ng Greece na tinaguriang “Dalawang
Pinakadakilang Epiko sa Mundo” na isinalaysay ni Homer. Si Ovid na isang
makatang taga-Rome ay sumulat din ayon sa taludturang ginamit ni Homer at Vigil
sa kaniyang “Metamorphoses.” Subalit hindi ito tungkol sa kasaysayan ng Rome
Empire o ng mga bayani, kundi sa mga diyos at diyosa, at mga mortal na may
katangian ng mga diyos at karaniwang mga mortal. Lumikha siya ng
magkakarugtong na kuwento na may temang mahigawang pagpapalit-anyo. Sa
mga akdang ito ng mga taga-Rome humuhugot ng inspirasyon ang mga mga
manunulat at mga alagad ng sining sa buong daigdig mula noon hanggang ngayon.

Upang lubos na maunawaan ang kuwento ng Cupid at Psyche mabuting


makilala mo ang labindalawang pinakadakilang diyos at diyosa ng Mitolohiya ng
Rome at Greece na kilala sa tawag na The 12 Great Olympian Gods. Maaari ito
panoorin sa youtube. Sa sumusunod na link:
https://www.youtube.com/watch?v=rUFjU0WhSts

Kagawaran ng Edukasyon Modyul para sa Mag-aaral sa Ikasampung Baitang sa Filipino, Unang Edisyon, 2015
Maaari din mabasa at makilala sa modyul na ito ang mga Diyos at Diyosa ng
Olympus.

Diyos at Diyosa ng Olympus

• Hari ng mga diyos, diyos ng kalawakan at


panahon
• Tagapagparusa sa mga sinungaling at hindi
1. Zeus Jupiter
marunong tumupad sa pangako
• Asawa niya si Juno
• Sandata niya ay kulog at kidlat
• Reyna ng mga diyos
• Tagapangalaga ng pagsasama ng mag-
2. Hera Juno
asawa
Asawa ni Jupiter
• Kapatid ni Jupiter
3. Poseidon Neptune • Hari ng karagatan at lindol
• Kabayo ang kanyang simbolo
• Kaptid ni Jupiter
4. Hades Pluto
• Panginoon ng impiyerno
• Diyos ng digmaan
5. Ares Mars
• Buwitre ang ibong maiuugnay sa kaniya
• Diyos ng propesiya, liwanag, araw, musika,
at panulaan
6. Apollo Apollo
• Diyos din siya ng salot at paggaling
• Dolphin at uwak ang kaniyang simbolo
• Diyosa ng karunungan, digmaan at
katusuhan
7. Athena Minerva
• Kuwago ang ibong maiuugnay sa kanya

• Diyosa ng pangangaso, ligaw na hayop, at


8. Artemis Diana
ng buwan
9. Hephaestus Vulcan • Diyos ng apoy, bantay ng mga diyos
• Mensahero ng mga diyos, paglalakbay,
10. Hermes Mercury pangangalakal, siyensya, pagnanakaw, at
panlilinlang
• Diyosa ng kagandahan, pag-ibig
11. Aphrodite Venus
• Kalapati ang ibong maiuugnay sa kanya
• Kapatid na babae ni Jupiter
12. Hestia Vesta
• Diyosa ng apoy mula sa pugon

Kagawaran ng Edukasyon Modyul para sa Mag-aaral sa Ikasampung Baitang sa Filipino, Unang Edisyon, 2015
Ang mga nabanggit mula sa aklat na Mitolohiya ni Hamilton ay
mahahalagang tauhan sa Olympus na laging nababanggit sa pagsulat lalo na
noong Panahong Klasiko. Ang impluwesya ng panahong ito’y masasalamin sa ating
panitikan noong panahon ng Panitikang Katutubo kung saan ang unang uri ng
panitikan ng Pilipinas ay pasalin-dila tulad ng alamat, mito, kuwentong-bayan,
epiko, at mga karunungang-bayan. (mula sa Panitikan ng Pilipinas nina
Panganiban, Panganiban, 1998)

MGA PAGSASANAY

Subuking sagutin ang sumusunod na pagsasanay upang matiyak


kung may nauwaan sa aralin na ating pinag-aralan.
PAGSASANAY BLG.1
PANUTO: Matapos mong mapag-aralan ang mitolohiya, subuking hanapin ang
mga salita na tutugon sa mga tanong na makikita sa ibaba. Bilugan ito gamit
ang inyong panulat.

E U M I N E R J L 1. Pambansang epiko ng taga-Rome at nag-


A U I L U A O P O iisang pinakadakilang likha ng Panitikang Latin.
Y W T G E N M P O
2. Nangangahulugang agham o pag-aaral ng
I J W N O A I I B
mga mito/myth at alamat
H A I R L I M T Q
O D B I N L F R V 3. Ang epiko ng pagkakagunaw ng daigdig ng
L R M L L K O E E mga taga-Ifugao.
O O F A E G I W N 4. Ito ay salitang Greek na nangangahulugang
T M L S W R I D U kuwento.
I M A T O L O H S 5. Ang diyosa ng kagandahan at pag-ibig.
M U T H O S P C A

PAGSASANAY BLG.2
PANUTO: Tukuyin sa HANAY B ang katangian at kapangyarihang taglay ng
mga diyos at diyosa na nasa HANAY A. Isulat ang letra sa patlang bago
dumating sa bilang.

HANAY A HANAY B
_____ 1. Hephaestus A. Diyos ng digmaan, buwitre ang
_____ 2. Hestia ibong maiuugnay sa kaniya.
_____ 3. Hermes B. Diyosa ng pangangaso, ligaw na
_____ 4. Ares hayop, at ng buwan.
_____ 5. Artemis C. Mensahero ng mga diyos,
paglalakbay at pangangalakal
D. Kapatid na babae ni Jupiter,
Diyosa ng apoy mula sa pugon.
E. Diyos ng apoy, bantay ng mga
diyos.
PAGSASANAY BLG.3
PANUTO: Basahin ang talaan ng kahulugan sa kolum na PAHALANG at
PABABA. Gamitin ang letra nasa krusigrama bilang karagdagang palatandaan
upang matukoy ang salita.

Pahalang Pababa
1. Ang may-akda ng dalawang 2. Isang makatang taga-Rome na
pinakadakilang epiko sa mundo. sumulat din ayon sa taludturan na
3. Nangangahulugang agham o pag- ginamit ni Homer.
aaral ng mga mito/myth at alamat. 4. Kapatid na lalaki ni Bugan mula sa
6. Panginoon ng impiyerno. kuwento tungkol sa pagkagunaw ng
daigdig ng mga taga-Ifugao.
5.Ito ay isa sa nilalaman at pinapaksa
ng mitolohiya ng sinaunang taga-Rome.

PAGSASANAY BLG.3
PANUTO: Tukuyin sa HANAY B ang katangian at kapangyarihang taglay ng
mga diyos at diyosa na nasa HANAY A. Isulat ang letra sa patlang bago
dumating sa bilang.

HANAY A HANAY B
_____ 1. Hephaestus A. Diyos ng digmaan, buwitre ang
_____ 2. Hestia ibong maiuugnay sa kaniya.
_____ 3. Hermes B. Diyosa ng pangangaso, ligaw na
_____ 4. Ares hayop, at ng buwan.
_____ 5. Artemis C. Mensahero ng mga diyos,
paglalakbay at pangangalakal
D. Kapatid na babae ni Jupiter,
Diyosa ng apoy mula sa pugon.
E. Diyos ng apoy, bantay ng mga
diyos.
PAGLALAHAT

Binabati kita at narating mo ang bahagi ng modyul na ito. Sa


bahaging ito, bibigyang-pansin natin ang ilang mahahalagang kaisipan na
nakapaloob sa aralin na ating pinag-aralan.

PANUTO: Ayusin ang mga salitang nasa loob ng kahon upang mabuo ang
pahayag at matukoy ang kaisipan na nais iparating nito.

Maaaring ang mga mito sa mga


epiko masalamin
at sa Pilipinas. kuwentong-bayan

1. ____________________________________________________________

Ang mga manunulat at alagad


sa buong daigdig
sa Mitolohiya ng inspirasyon
ng sining ay humuhugot ng Taga-Rome.

2. ________________________________________________________________

PAGPAPAHALAGA
Bilang mag-aaral sa Filipino, mahalaga na mapag-aralan natin ang
MITOLOHIYA na isa sa uri ng panitikan dahil ito ay nakatutulong sa
larangan ng sining, pananampalataya at nagpapalawak ng imahinasyon.

PANUTO: Isulat ang (S) kung sining, (P) kung pananampalataya at (I) kung
pagpapalawak ng imahinasyon ang isinasaad ng kaisipan sa bawat aytem.

_____ 1. Ang impyerno ay may ilog ng apoy at yelo para sa mga malalamig ang
puso.
_____ 2. Paggawa ng mga templo na yari sa marmol at karaniwa’y kulay
puti bilang pagbibigay ng parangal sa kanilang mga diyos at diyosa.
_____ 3. Ang pagsasagawa ng mga ritwal ng mga tao upang mapaamo ang diwata
o mga diyos kapalit ng malusog na pangangatawan, suwerte sa
pamumuhay
at kasaganahan sa panahon ng tag-ani.
_____ 4. Ang paglikha ng mga imahe at pigura na ganap at eksakto ang hubog ang
mga mukha ay hindi nagpapakita ng galit o pagtawa, tanging katiwasayan
lamang.
_____5. Paglikha ng iba’t ibang nilalang sa pamamagitan ng masining na
paglalarawan, taglay na kapangyarihan at lugar kung saan ito naninirahan.
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Bilang huling bahagi ng modyul na ito, tatayain ang iyong kaalaman


kung talaga naunawaan mo na ang paksa na tinalakay sa aralin na ito.

PANUTO: Basahin ang ngalan ng mga diyos o diyosa ng Griyego na nasa


HANAY A. Tukuyin ang katapat na ngalan ng diyos o diyosa sa Romano na
makikita sa HANAY B. Isulat ang letra ng wastong sagot.

HANAY A HANAY B
_____ 1. Athena A. Neptune
_____ 2. Hestia B. Juno
_____ 3. Ares C. Minerva
_____ 4. Poseidon D. Vesta
_____ 5. Hera E. Mars

B. PANUTO: Tukuyin ang letra ng wastong sagot na tutugon sa ipinahahayag


ng bawat bilang. Isulat ang iyong sagot sa patlang bago ang bilang.

_____ 1. Politika,moralidad at ______, ang pinapaksa ng mitolohiya ng taga-Rome .

A.kababalaghan B. kakikasan C. kasawian D. ritwal

_____ 2. Ang salitang muthos na mula sa Greek ay nangangahulugang __________.

A. awit B. kuwento C. panitikan D. tunog

_____ 3. Saan bansa halaw ang mitolohiya ng taga-Rome na kanilang labis na


naibigan

A. Germany B. Greece C. France D. Thailang

_____ 4. Ang pambansang epiko ng taga-Rome.

A. Aenid C. Illiad at Odyssey

B. Allegory of the Cave D. Metamorphoses

_____ 5. Ito ay nangangahulugang agham o pag-aaral ng mga mito/myth at alamat.

A. Kuwentong Bayan C. Mitolohiya

B. Maikling Kuwento D. Sanaysay


MODYUL 1
ARALIN 1.1 (Mitolohiya)
Paunang Pagsubok Mga Pagsasanay
1. Zeus BLG.1. 1. Aenid
2. Hermes 2. Mitolohiya
3. Poseidon 3. Alim
4. Athena 4. Muthos
5. Hades 5. Venus
BLG. 2. 1. E
Panapos na Pagsusulit 2. D
A. 1. C 3. C
2. D 4. A
3. E 5. B
4. A BLG. 3. 1. Homer
5. B 2. Ovid
B. 1. D 3. Mitolohiya
2. B 4. Wigan
3. B 5. Politika
4. A 6. Hades
5. C Paglalahat
1. Maaaring masalamin ang mga mito sa Pilipinas
sa mga kuwentong-bayan at epiko.
2. Ang mga manunulat at alagad ng sining sa
buong daigdig ay humuhugot ng inspirasyon
sa mitolohiya ng taga-Rome.
Pagpapahalaga
1. I 4. S
2. S 5. I
3. P
SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian
Kagawaran ng Edukasyon Modyul para sa Mag-aaral sa Ikasampung Baitang sa
Filipino, Unang Edisyon, 2015
https://takdangaralin.ph/mitolohiya/

https://www.scribd.com/doc/282876646/Mga-Akdang-Pampanitikan-Ng-
Mediterranean

https://www.kapitbisig.com/philippines/tagalog-version-of-mythologies-mga-
mitolohiya-kaligirang-pangkasaysayan-ng-mitolohiya_1150.html

https://www.kapitbisig.com/philippines/tagalog-version-of-mythologies-mga-
mitolohiya-kahalagahan-ng-mitolohiya_1151.html

MGA LARAWAN
https://sites.google.com/site/allaboutancientgreekmythology/greek-gods-and-
goddesses
http://www.ancientgreecefacts.com/ancient-greek-gods/greek-god-hermes/
https://www.greentube.com/game/almighty-jackpots-realm-poseidon/
https://sites.google.com/site/greekdeities15/gods/athena
https://www.tes.com/lessons/Jpw5mF_QivFmMw/hades

You might also like