You are on page 1of 11

Araling Panlipunan- Ikalimang Baitang

Unang Markahan – Modyul 1: Mga Katangian ng Pilipinas bilang isang Bansang Archipelago
Unang Edisyon, 2020
Araling Panlipunan – Ikalimang Baitang
Unang Markahan – Pinagmulan ng Pilipinas Batay sa a.Teorya Tektonik b. Mito
c. Relihiyon
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Annaliza A. Soriano


Editor/Validator:
Tagasuring Teknikal: Lucy R. Laurio , Anna Lissa B. Cuison
Tagaguhit: Edison P. Clet
Tagalapat: Clifchard D. Valente
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Araling
Panlipunan
4
Unang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto
Pinagmulan ng Pilipinas Batay sa
a.Teorya Tektonik b. Mito c. Relihiyon
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 5 ng Modyul para
sa araling Pinagmulan ng Pilipinas Batay sa a.Teorya Tektonik b. Mito c. Relihiyon!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na pinamumunuan ng
Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na Tagapamanihala, Ma. Evalou
Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa
pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor Ma. Regis N. Sotto, upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay makauugnay
sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at
oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral na makamit ang mga kasanayang pang-
ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs (Communication, Collaboration, Creativity, Critical
Thinking and Character) habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.
Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng modyul sa
loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-
unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod
dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Aralin Panipunan 5 Modyul ukol sa Pinagmulan ng
Pilipinas Batay sa a.Teorya Tektonk b.Mito c. Relihyon

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan
pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo pang
malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga naunang
paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay na dapat
sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat bigyang-
halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang pampagkatuto ay
naiuugnay at nailalapat sa inyong mga pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Natatalakay ang Teorya ng Continental Drift at Teorya ng Tectonic o Plate Tectonic


bilang teoryang pinagmulan ng Pilipinas.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Basahing mabuti ang pangungusap. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Ang mga sumusunod ay teorya sa pagkabuo ng Kapuluan ng Pilipinas maliban sa


isa. Alin ito?
A. Teorya ng Bulkanismo C. Teorya ng Tulay na Kalsada
B. Teorya ng Tulay na Lupa D. Teorya ng Pagkaanod ng Kontinente
(Continental Drift)

2. Ito ay isang kaisipan o paliwanag sa isang mahalagang konsepto gamit ang


siyentipikong pamamaraan ng pananaliksik.
A. Teorya B. Mitolohiya C. Agham D. Sining

3. Tawag sa malalapad na tipak ng bato sa ibabaw ng mundo na nagdulot ng paggalaw


at pagkakaroon ng lindol.
A. Laurasia B. Plate Tectonic C. Pangea D. Teorya

4. Ito ay tumutukoy sa unti-unting paggalaw ng mga kalupaan sa daigdig at sa iba pang


prosesong pangheograpiya tulad ng paglindol, pagputok ng bulkan, at pagbuo ng mga
kabundukan.
A. Bulkanismo C. Pangea
B. Laurasia D. Teorya ng Tectonic

5. Mga patunay sa pagkakaroon ng paggalaw ng mga kalupaan noon,bunga ito ng


prosesong Plate Tectonic.
A. Palawan, Kanlurang Luzon, Timog ng Bundok ng Cordillera
B. Palawan, Cagayan, at Bundok Cordillera
C. Isabela, Cagayan at Pangasinan
D. Pangasinan, Ilocos at Tarlac
BALIK-ARAL

Ipaliwanag:

1. Ano-ano ang katangian ng Pilipinas bilang Isang Arkipelago?


2. Paano mailalarawan ang lokasyon at katangiang Heograpikal ng Pilipinas?

ARALIN
ANG PINAGMULAN NG PILIPINAS BATAY SA
TEORYA NG PAGKAANOD NG KONTINENTE
O CONTINENTAL DRIFT
Teorya – tawag sa isang kaisipan o paliwanag sa isang mahalagang konsepto ganit
ang siyentipikong pamamaraan ng pananaliksik maaring ito may katotohanan o wala.
Ayon kay Alfred Wegener siyentistang German, ang daigdig ay binubuo ng isang
malaking kalupaan may 240 milyong taon na ang nakalipas na tinawag na Pangaea. Pangaea
ang tawag sa malaking masa ng lupa at ang Pilipinas ay bahagi nito. Kontinental Drift
tawag sa unti-unting paggalaw ng mga kalupaan sa daigdig mula sa isang
supercontinent.Tinatayang 200 milyong taon na ang nakakalipas nang dahan- dahang nahati
ang Pangaea sa dalawang bahagi ito ay ang Laurasia sa hilagang-hating globo at
Gondwanaland o Gondwana sa timog hating globo.

Mula sa kontinente ng Laurasia ang pinaniniwalaang pinagmulan ng Pilipinas.Dahil


patuloy na paggalaw ng mga kontinente, patuloy ring nahahati ang mga kontinente hanggang
sa humantong sa kasalukuyang anyo nito. Patunay ni Wegener sa Teorya ng Continental Drift
ay ang pagkakaroon ng magkatulad na uri ng fossilized na labi ng hayop sa South Amerika at
Africa. Pagiging akma ng hugis ng silangang baybayin ng South America at kanlurang
baybayin ng Africa. Magkatugmang rock formation at mga kabundukan sa South America at
Africa.
ANG TEORYA NG PLATE TECTONIC

Ayon sa Teorya ng TECTONIC - Ang ibabaw ng mundo ay binubuo ng mga


malalapad na bato na tinatawag na platong tektonik (plate tectonic). Dulot ng paggalaw ng
init sa ilalim ng tektonic plate palayo, pasalubong at patagilid sa isa’t-isa. Dahil dito
nagkalayo-layo ang mga kontinente at nakakaranas din tayo ng mga lindol, pagputok ng mga
bulkan at pagbuo ng mga kabundukan. Sa pagkakabaluktot ng plato, nagkakaroon ng
guwang sa pagitan nito na siyang lumikha ng mga malalim na bahagi ng karagatan(trenches)
at pag-angat ng ilang bahagi ng plato.Ang Palawan, Kanlurang Luzon, Timog ng Bundok ng
Cordillera ay bunga ng prosesong Plate Tectonic.
Ang mga proseso ng Tectonic ay nagsimula sa pagitan ng 3 at 3.5 bilyong taon na ang
nakararaan. Ang modelo ay binuo ng konsepto continental drift, isang ideya na binuo sa mga
unang dekada ng ika-20 siglo.

Tulong-Kaalaman :
Ala mo ba na patuloy pa rin ang paggalaw ng mga kontinente sa kasalukuyan?
Gumagalaw ang mga tectonic Plate nang mula isa hanggang sampung sentimetro bawat taon.

MGA PAGSASANAY
GAWAIN 1
Panuto: Ilarawan ang Teorya ng Continental Drift gamit ang diagram sa ibaba. (3 puntos)

TEORYA NG CONTINENTAL DRIFT


(Tatlong kontinenteng pinagmulan ng Pilipinas)

GAWAIN 2
Panuto: Enumerasyon. Isulat ang hinihinging sagot sa bawat katanungan. (7 puntos)
1. Ano-ano ang resulta ng pagkakabaluktot ng plato ng kalupaan sa mundo? (1-5)
2. Ang ibabaw ng mundo ay binubuo ng mga malalapad na bato na tinatawag na______.
3. Sino ang siyentistang German na nag-aral at nagsaliksik sa Teoryang Pagkaanod ng
Kontinente or Continental Drift?

PAGLALAHAT
a
Panuto: Basahin at Ipaliwanag ang bawat tanong.
1. Ano ang ibig sabihin ng Teory ang Plate Tectonic?
2. Ano ang isinasaad sa Teorya ng Continental Drift?
3. Paano nabuo ang Pilipinas batay sa Teorya ng Plate Tectonic at Continental Drift?
PAGPAPAHALAGA

Bilang isang mag-aaral, paano mo bibigyang halaga ang pinagmulan ng Pilipinas?


Paano mo maibabahagi sa iyong kapwa ang iyong mga natutunang impormasyon?

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Basahing mabuti ang pangungusap.Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot.
1. Bago pa nagkaroon ng pitong kontinente sa mundo, anu-ano ang unang tatlong
kontinente na nabanggit sa Teorya ng Pagkaanod na Kontinente (Continental Drift)?
A. Pangea, Laurasia at Gondwanalan
B. Australia, Laurasia at South America
C. Pangea, Africa and Antartica
D. Asia, Africa at Gondwanalan

2. Anong teorya ang tumutukoy sa unti-unting paggalaw ng mga kalupaan sa daigdig at sa


iba pang prosesong pangheograpiya tulad ng paglindol, pagputok ng bulkan, at
pagbuo ng mga kabundukan.
A.Teorya ng Bulkanismo C. Teorya ng Tulay na Lupa
B. Teorya ng Plate Tectonic D. Teorya ng Continental Drift

3. Ayon sa teoryang ito, ang kapuluan ng Pilipinas ay mula sa malaking tipak na bato na
tinatawag na Pangea at naghiwa-hiwalay ito daang milyong taon na ang nakalilipas.
A.Teorya ng Bulkanismo C. Teorya ng Tulay na Lupa
B. Teorya ng Plate Tectonic D. Teorya ng Continental Drift

4. Siya ang naglahad ng Teorya ng Pagkaanod ng Kontinente o Continental Drift.


A. Bailey Willis B. Eduard Suess C. Alfred Wegener D. Jocano

5. Anong teorya ang pinapatunayan ng magkakatugmang rock formation at mga


kabundukan sa South America at Africa.
A.Teorya ng Bulkanismo C. Teorya ng Tulay na Lupa
B. Teorya ng Plate Tectonic D. Teorya ng Continental
BALIK-ARAL:
1. Ang Pilipinas ay binubuo ng mga kalat-kalat na malalaki at maliliit na mga pulo
kaya tinawag itong kapuluan o arkipelago.
2. Ang Pilipinas ay isang tropikal na bansa na matatagpuan sa itaas na bahagi ng
ekwador.Matutukoy ang kinalalagyan ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagtukoy sa
TIYAK LOKASYON AT RELATIBONG LOKASYON.
PAGSASANAY: Gawain 1
1. PANGEA 2. LAURASIA 3. GONDWANALAN
Gawain 2
1. Lumikha ng mga malalim na bahagi ng karagatan(trenches)
2. Pag-angat ng ilang bahagi ng plato, ang Palawan, Kanlurang Luzon, Timog ng
Bundok ng Cordillera ay bunga ng prosesong Plate Tectonic.
3. Paglindol
4. Pagputok ng bulkan
5. Pagbuo ng kabundukan
6. Plate Tectonic o Platong Tectonic
7. Alfred Wegener
PAGLALAHAT
1. Ang TEORYA NG PLATE TECTONIC- ay tumutukoy sa unti-unting
paggalaw ng mga kalupaan sa daigdig at sa iba pang prosesong
pangheograpiya tulad ng paglindol, pagputok ng bulkan, at pagbuo ng mga
kabundukan.
2. Isinasaad sa Teorya ng Continental Drift na ang kapuluan ng Pilipinas ay
mula sa malaking tipak ng lupain sa daigdig na naghiwa-hiwalay lamang
ilang daang milyong taon na ang nakalilipas.
3. Nabuo ang Pilipinas mula sa unang malaking kapuluan na tinawag na
PANGEA. At ang Pangea na ito ay nahating muli sa dalawang kapuluan-
ito ay ang LAURASIA AT GONDWANALAN.Dahil sa patuloy na
paggalaw ng mga kontinente,patuloy ring nahahati ang mga komtinente
hanggang sa humantong na sa kasalukuyang kaaunyuan nito.
PAGPAPAHALAGA
Mapapahalagahan ko ang pinagmulan ng Pilipinas sa pamamagitan ng
masusing pag-alam at pagsaisip ng mga natutunan ko. At kung saka-sakaling may
mangailangan ng tulong ukol sa araling ganito ay hindi ako magdadalawang isip n
ibahagi ito sa kanila.
Paunang Pagsusulit Panapos na Pagsusulit
1. C 1. A
2. A 2. B
3. B 3. D
4. D 4. C
5. A 5. D
SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian

Maria Annalyn P. Gabuat, Michael M. Mercado, et.al.Batayang Aklat sa Araling Panlipunan


5, Pilipinas Bilang Isang Bansa- mga pahina 39-41.1253 Gregorio Araneta Avenue,Quezon
City, Philippines. FEP Printing Corporation.
Continental Drift.(n.d).National Geographic. Hinango noong July 30, 2015 sa
http://education.nationalgeographic.com/encyclopedia/continental-drift
From Continental Drift to Plate Tectonics: The Evidence.(n.d) Hinango noong Hulyo 30/2015
sa http://einstein.byu.edu/ ⁓masong/htmstuff/textbookpdf/C31.pdf

You might also like