You are on page 1of 15

Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang

Unang Markahan – Modyul 11: Heograpiyang ng Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig


Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Virginia A. Puyawan
Editor: Cesar Y. Basilio
Tagasuri (Content/Language): Bernard R. Balitao
Tagaguhit: Edison P. Clet
Tagalapat: Elinette B. Dela Cruz
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors


Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)
Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Araling
Panlipunan 8
Unang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 8 ng Modyul
para sa araling Heograpiya ng Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig: Kabihasnang
Tsino!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 8 Modyul ukol sa Heograpiya


ng Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig: Kabihasnang Tsino!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Sa pagtatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang;

1. Nailalarawan ang heograpiya ng kabihasnang Tsino sa Silangang Asya.


2. Naiuugnay ang heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng sinaunang kabihasnang
Tsino.
3. Napahahalagahan ang heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga sinaunang
kabihasnan sa kasalukuyang panahon.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod na kabihasnan sa daigdig ang itinuturing na


pinakamatanda na nananatili hanggang sa kasalukuyan?

A. China
B. Egypt
C. Indus
D. Mesopotamia

2. Noon pa man, ay mithiin na ng mga Tsino ang pagkakaroon ng mahusay na


pamamahala. Ang pagkakaroon ng mga ideolohiyang suportado ng estado,
partikular ang ____________ at Taoism, ay lalong nagpatatag ng kabihasnang
ito.

A. Communism
B. Confucianism
C. Idealism
D. Marxism

3. Kilala rin ang ilog Huang Ho sa tawag na,

A. Indus River
B. Nile River
C. Yellow River
D. Yellow Sea
4. Maliban sa pagtaba ng mga lupain dahil sa pag-apaw ng ilog Huang Ho, ito
ay nagdudulot din ng,

A. Pagbaha sa karatig na lupain


B. Pagdami ng isda
C. Pagdami ng bangka
D. Pagkasira ng mga ari-arian

5. Tinawag ng mga Tsino ang kanilang lupain na Zhongguo na


nangangahulugang,

A. Eastern Kingdom
B. Lower Kingdom
C. Middle Kingdom
D. Upper Kingdom

BALIK-ARAL

Panuto: Isulat ang salitang FACT sa patlang kung ang pahayag ay tama at BLUFF
kung ito ay mali.

___________ 1. Ang Mesopotamia ay nangangahulugang lupain “sa pagitan ng


dalawang dagat” na inaakalang lunduyan ng unang kabihasnan.

___________ 2. Ang Mesopotamia ay itinuturing na kauna-unahang kabihasnan sa


buong daigdig. Sinakop at pinanahanan ito ng iba’t ibang sinaunang
pangkat ng tao.

___________ 3. Ang regular na pag-apaw ng ilog Tigris at Euphrates ay nagdudulot


ng baha na nag-iiwan ng banlik (silt). Dahil dito, nagiging mataba ang
lupain ng rehiyon na nakabubuti sa pagtatanim .

___________ 4. Ang mga lungsod ng Harappa at Mohenjo-Daro sa lambak ng Indus


ang pinakabagong tuklas na mga sinaunang sentrong kabihasnan sa
kasalukuyang panahon na natagpuan noong 1935.

___________ 5. Sakop ng lupain ng Indus ang malaking bahagi ng hilagang-


kanluran ng dating India, at ang kinaroroonan ng lupaing Pakistan
sa kasalukuyan.
ARALIN

Heograpiya ng Sinaunang Kabihasnan


sa Daigdig
Ang Kabihasnang Tsino sa Silangang Asya
Ang kabihasnang umusbong
sa China ay itinuturing na
pinakamatandang kabihasnang na-
nanatili sa buong daigdig hang-
gang sa kasalukuyan. Nag-ugat ito
halos apat na milenyo na ang
nakalilipas. Noon pa man, mithiin
na ng mga Tsino ang pagkakaroon
ng mahusay na pamamahala. Ang
pagkakaroon ng mga ideolohiyang
suportado ng estado, partikular ang
Confucianism at Taoism, ay lalo
pang nagpatatag sa kabihasnang Mapa ng China
Tsino. Sa aspektong politikal, https://image.slidesharecdn.com/dynastiesinchina-111206191206-
halinhinang nakaranas ang China phpapp01-150619040435-lva1-app6891/95/dynastiesinchina-
111206191206phpapp01-3-638.jpg?cb=1434686841
ng pagkakaisa at pagkakawatak-
watak. Ang mga pangyayaring ito ang humubog sa kultura at mamamayan ng bansa
hanggang sa makabagong panahon.

Heograpiya ng Ilog Huang Ho


Tulad ng Mesopotamia at
India, ang kabihasnan sa China ay
umusbong sa tabing-ilog malapit sa
Yellow River o Huang Ho. Ang ilog
na ito ay nagmumula sa
kabundukan ng kanlurang China at
may habang halos 3000 milya.
Dumadaloy ito patungong Yellow
Sea.

http://justbecreativ3.blogspot.com/2012/12/this-video-little-bit-
about-chinese.html
Mga Hangganan ng Lambak

Sa lambak sa pagitan ng mga ilog ng Huang Ho at Yangtze sumibol ang mga


unang pamayanan sa China. Ang hangganan ng lambak sa hilaga ay ang disyerto
ng Gobi at sa silangan naman ay ang karagatang Pasipiko. Ang mga kabundukan ng
Tien Shan at Himalaya ang nasa kanluran ng lambak at sa katimugan naman ay
ang mga kagubatan ng Timog-silangang Asya.

Hilaga- Disyerto ng Gobi Silangan- Karagatang Pasipiko

https://gobidesert.org/ https://www.earth.com/news/dust-asia-
fertilizes-north-pacific/

Kanluran Timog Silangan


-Tien Shan -Himalayas -Mga Kagubatan ng Timog
Silangang Asya

,https://en.wikipedia.org/wiki/ https://en.wikipedia.org/wiki/
Tian_Shan#/media/File:Central Himalayas#/media/File:Mount
_Tian_Shan_mountains.jpg _Everest_as_seen_from_Drukai https://www.sciencedaily.com/releases/2014
r2_PLW_edit.jpg /01/140124082608.html

Ang dinaraanan nito ay nagpa-


bago-bago nang makailang ulit sa
mahabang panahon at humantong sa
pagkakabuo ng isang malawak na
kapatagan, ang North China Plain.
Ang pag-apaw ng Huang Ho ay
nagdudulot ng pataba sa lupa ngunit
dahil sa pagiging patag ng North
China Plain, madalas nang nagaganap
ang pagbaha sa lugar na ito. Ayon sa
tekstong tradisyunal ng China, ang http://ap4hs.blogspot.com/2015/09/ang-kabihasnang-
Xia o Hsia ang kauna-unahang tsino-sa-silangang-asya.html

dinastiyang naghari sa China. Subalit dahil sa kakulangan ng ebidensiya, hindi


matiyak kung kailan ito pinasimulan ni Yu, ang unang pinuno ng dinastiya.
Pinaniniwalaang si Yu ang nakagawa ng paraan upang makontrol ang pagbahang
idinudulot ng Huang Ho. Ang pangyayaring ito ay nagbigay-daan upang
makapamuhay sa lambak ang mga magsasaka.
Naniniwala ang mga Tsino na sila lamang ang mga sibilisadong tao sa gitna
ng mga tribo na tinawag nilang barbaro sapagkat hindi sila nabiyayaan ng
kabihasnang Tsino. Tinawag din nila ang kanilang lupain na Zhongguo na
nangangahulugang Middle Kingdom.

MGA PAGSASANAY

A. Panuto: Punan ang mga nawawalang letra ng bawat salita upang matukoy ang
mga kasagutan sa bawat pahayag.

1. D _ S _ _ R _ O N _ G _ _ I -Ito ang hangganan ng lambak ng ilog Huang


Ho na matatagpuan sa gawing hilaga.
2. _ A _ I _ I C _ C _ _ N - Karagatang nasa silangan ng ilog Huang Ho.
3. M _ A K _ _ U B A _ A _ -Hangganan ng lambak Huang Ho sa gawi ng
Timog-silangang Asya.
4. T _ E _ _ H _ N A _ _ I M _ _ A _ A S - Mga kabundukang nasa gawing
kanluran ng lambak Huang Ho.
5. I _ _ G H _ A N _ _ O - Ito ang may malaking papel sa pagkatatag ng
kabihasnang Tsino.

B. Panuto: TAMA oMALI. Isulat sa patalang ang salitang Tama kung ang pahayag
ay may katotohanan at Mali kung walang katotohanan.

________1. Ang pag-apaw ng Yellow River ay nagdudulot ng pataba sa lupa


ngunit dahil sa pagiging patag ng North China Plain, madalas nang
nagaganap ang pagbaha sa lugar na ito.

________2. Ayon sa tekstong tradisyunal ng China, ang Xia o Hsia ang kauna-
unahang dinastiyang naghari sa China. Subalit dahil sa kakulangan ng
ebidensiya, hindi matiyak kung kailan ito pinasimulan ni Xiao, ang unang
pinuno ng dinastiya.

________3. Pinaniniwalaang si Xiao ang nakagawa ng paraan upang makontrol


ang pagbahang idinudulot ng Huang Ho. Ang pangyayaring ito ay nagbigay-
daan upang makapamuhay sa lambak ang mga magsasaka.

________4. Naniniwala ang mga Tsino na sila lamang ang mga sibilisadong tao
sa gitna ng mga tribo na tinawag nilang barbaro sapagkat hindi sila
nabiyayaan ng kabihasnang Tsino.

________5. Tinawag din nila ang kanilang lupain na Zhongguo na


nangangahulugang Middle Kingdom.
PAGLALAHAT

Panuot: Gumawa ng isang mapa/sketch na nakabatay sa tinalakay na paksa


tungkol sa pag-usbong ng kabihasanang Tsino sa lambak ng ilog Huang Ho.
Lagyan ng mga pananda ang mga lugar sa mapa at magsulat ng maikling
salaysay tungkol dito.

Salaysay:
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________.
PAGPAPAHALAGA

PANUTO: Sagutin ang mga katanungan.

1. Paano nakaapekto ang heograpiya ng sinaunang kabihasnan ng Tsino sa


kasalukuyang kalagayan ng bansang Tsina?
Sagot:
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
____________________________________________________________.

2. Sa iyong palagay, bakit kaya sa kabila ng modernong panahon ay may mga


taong nais pa rin na manirahan sa tabi ng mga ilog gaya ng Pasig River?
Sagot:
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang tamang sagot.

1. Kung ihahambing ang mga sinaunang kabihasnan ng Mesopotamia at Indus


sa kabihasnang Tsino, sa anong aspeto sila nagkakapareho?

A. Itinatag sa gitna ng disyerto ang mga sinaunang kabihasnan.


B. Magkakatulad ang kanilang relihiyon.
C. Nagsimula ang mga kabihasnang ito sa mga lambak-ilog.
D. Umusbong ang mga kabihasnang ito sa gitna ng kalupaan.
2. Ang pagpapanatili ng kabihasnang Tsino ay dulot ng mahusay na
pamamahala at pagkakaroon ng ideolohiyang suportado ng estado, partikular
ang Confucianism at _______________ na lalong nagpatatag sa kanilang
kabihasnan.

A. Communism
B. Idealism
C. Marxism
D. Taoism

3. Ang sinaunang kabihasnang Tsino ay umusbong sa lambak ng,

A. Euphrates River
B. Huang Ho River
C. Indus River
D. Nile River

4. Ang ilog Huang Ho ay nagdudulot ng pagbaha sa panahon ng pag-apaw nito,


ngunit bakit kaya nananatili pa rin ang mga tao sa paligid nito?

A. Maginhawa ang pamumuhay sa katubigan.


B. Nagdadala ito ng maraming isda.
C. Nagiging dahilan ito ng pagtaba ng lupa na mainam taniman
D. Nais nilang manirahan sa tubig.

5. Itinuturig ng mga Tsino ang kanilang lupain na Zhongguo o Middle Kingdom


dahil sa sumusunod na dahilan maliban sa,

A. Hindi nabiyayaan ng kabihasnang Tsino ang nasa paligid ng kanilang


lupain.
B. Matatagpuan ang kabihasnang Tsino sa gitna ng mga karagatan.
C. Naniniwala ang mga Tsino na sila lamang ang sibilisado.
D. Naniniwala ang mga Tsino na napapaligiran sila ng mga barbaro.
Panapos na Pagsusulit
1. C 2. D 3. B 4. C 5. B
Mga Pagsasanay
A.
1. D I S Y E R T O N G G O B I
2. P A C I F I C O C E A N
3. M G A K A G U B A T A N
4. T I E N S H A N A T H I M A L A Y A S
5 . ILOG HUANG HO
B.
1. Tama 2. Mali 3. Mali 4. Tama 5. Tama
Balik-aral
1. BLUFF (Ilog)
2. FACT
3. FACT
4. BLUFF (1920)
5. FACT
Paunang Pagsubok
1. A 2. B 3. C 4. A 5. C
SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian

A. Aklat

Blando, Rosemarie C., Mercado, Micheal M., Cruz, Mark Alvin M., Espiritu,
Angelo C., De Jesus, Edna L., Pasco, Asher H., Padernal, Rowel S.,
Manalo, Yorina C., Asis, Kalenna Lorene S., 2014. Modyul sa Araling
Panlipunan: Kasaysayan ng Daigdig, Unang Edisyon Pasig City.
Philippines:Vibal Group, Inc.

Mateo, Grace et al. 2012. Araling Panlipunan Serye III: Kasaysayan ng Daigdig,
Quezon City, Phillipines: Vibal Publishing House, Inc.

Soriano, Cecilia D.,Antonio, Eleonor D.,Dallao, Evangeline M.,Imperial, Consuelo


M., Samson, Carmelita B. 2017. Kayamanan: Kasaysayan ng Daigdig,
Quezon City: Philippines. Rex Bookstore.

B. Mga Sanggunian sa internet/web

https://yaosollano.blogspot.com/2014/07/kabihasnan-ng-china.html

https://gobidesert.org/

https://www.earth.com/news/dust-asia-fertilizes-north-pacific/

https://en.wikipedia.org/wiki/Tian_Shan#/media/File:Central_Tian_Shan_mountains.
jpg

https://en.wikipedia.org/wiki/Himalayas#/media/File:Mount_Everest_as_seen_from_
Drukair2_PLW_edit.jpg

https://www.sciencedaily.com/releases/2014/01/140124082608.htm

https://image.slidesharecdn.com/dynastiesinchina-111206191206-phpapp01-
150619040435-lva1-app6891/95/dynastiesinchina-111206191206phpapp01-3-
638.jpg?cb=1434686841

http://justbecreativ3.blogspot.com/2012/12/this-video-little-bit-about-chinese.html

http://ap4hs.blogspot.com/2015/09/ang-kabihasnang-tsino-sa-silangang-asya.html

You might also like