You are on page 1of 14

Heograpiya at

Kasaysayan ng Pilipinas
Araling Panlipunan – Ika-Limang Baitang
Unang Markahan – Modyul 13: Nasusuri ang Sosyo-kultural at Politikal na
Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Lovely M. Delos Reyes
Editor: Rose B. Impuesto
Tagasuri:
Tagaguhit:
Tagalapat: Clifchard D. Valente
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Araling
Panlipunan 5
Unang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto
Nasusuri ang Sosyo-kultural at
Politikal na Pamumuhay ng mga
Sinaunang Pilipino
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 5 ng Modyul
para sa araling Nasusuri ang Sosyo-kultural at Politikal na Pamumuhay ng mga
Sinaunang Pilipino!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Aralin Panlipunan 5 Modyul ukol sa Nasusuri


ang Sosyo-kultural at Politikal na Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral
INAASAHAN
Pagkatapos ng mga Gawain sa bawat modyul na ito, Ikaw ay inaasahang
nakasusuri ng sistema ng pagsamba, at iba pang ritwal ng mga sinaunang
Pilipino.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at bilugan ang tamang


sagot sa pagpipilian.

1. Ito ay isang pangkalahatang katawagang ginagamit upang tukuyin


ang iba’t ibang pananampalatayang maraming diyos o relihiyong
politeistiko.
(Paganismo, Budismo)
2. Siya ang tagapamagitan sa mundo ng tao at mundo ng diyos at
yumao ayon sa mga Bisaya.
(Babaylan, Katalonan)
3. Sa mga Tagalog siya ay pinaniniwalaang pangunahing diyos o
dakilalang nilalang na maylikha ng langit, lupa, at tao.
(Bathala, Abba)
4. Siya naman ang pinaniniwalaang dakilang maylikha ng mga taga-
Bisaya.
(Kabuyian, Laon)
5. Siya ay diyos ng digmaan ng mga taga-Pangasinan.
(Apolaki, Sidapa )
BALIK-ARAL
 Ano-ano ang mga uri ng hanap-buhay ng mga sinaunang Pilipino?
 Saan ibinatay ang uri ng hanap-buhay ng mga sinaunang Pilipino?
 May kaugnayan ba ang uri ng kapaligiran sa uri ng hanapbuhay ng
mga tao sa isang lugar? Bakit?

ARALIN

Sistema ng Pagsamba, at Iba Pang Ritwal ng mga


Sinaunang Pilipino

Bago pa man dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas ay taglay na ng


mga sinaunang Pilipino ang isang mayamang kulturang maipagmamalaki
hanggang sa kasalukuyan.

Ano ang Kultura? Ang kultura ay tumutukoy sa paraan ng


pamumuhay ng tao. Kabilang dito ang paniniwala, kaugalian, sining,
panitikan, at aspetong Sosyo-Kultural na pamumuhay ng ating mga ninuno.

Ano ang Sosyo-Kultural? Ang Sosyo-Kultural ay ang larangan ng


sining, paniniwala, pakikipagkapwa-tao at pag-aaral ng pag-uugali ng tao.
Dito makikita ang ang pamamaraan ng buhay sa kasaysayan, modernisasyon
at teknolohiya.
Sistema ng Paniniwala: Paganismo/Animismo
May sariling Sistema ng paniniwala ang mga sinaunang Pilipino bago pa
man sila masakop ng mga dayuhan. Isa rito ay ang Paganismo o Animismo.
Ano nga ba ang Paganismo at Animismo? Ang Paganismo ay isang
pangkalahatang katawagang ginagamit upang tukuyin ang sari-saring
mga pananampalatayang maraming diyos o relihiyong politeistiko. Ito ay
mula sa salitang Latin na “paganus” na nangangahulugang naninirahan sa
nayon. Sangay nito ang tinatawag nating Animismo. Kung saan ang
Animismo ay mula sa salitang “anima” na ang ibig sabihin ay kaluluwa.
Isang paniniwala na nagsasabing mayroong puwersang hindi materyal na
nagpapakilos sa kapaligiran.

Ilan sa mga Halimbawa ng Panganismo:

 Naniniwala ang mga sinaunang Pilipino na may mga espiritung


nananahan sa kanilang kapaligiran. Tinatawag nila itong anito ng mga
tagalog at Diwata ng mga Bisaya.
 Pinaniniwalaan din ng mga sinaunang Pilipino na ang mga bagay sa
kalikasan tulad ng araw, bundok,,at ilog ay tirahan ng kanilang
yumaong ninuno.
 Bago simulan ng mga sinaunang Pilipino ang anumang gawain tulad
ng pagpapatayo ng tahanan, pagtatanim, at paglalakbay ay humihingi
muna sila ng gabay at pahintulot mula sa mga espiritu ng kalikasan.
Ang rituwal na ito ay pinangungunahan ng mga KATALONAN (ang
katawagan sa mga Tagalog) at BABAYLAN (para sa mga Bisaya) na
silang mga tagapamagitan sa mundo ng tao at mundo ng Diyos at
yumao. Katalonan o Babaylan ay mga katawagan sa mga babaeng
nanguna sa mga panrelihiyong rituwal sa sinaunang lipunan.
 Sumamba sa maraming diyos at pinaniwalaang banal ang daigdig.
Pinaniwalaan nila na may isang pangunahing Diyos o Dakilang nilalang
na siyang maylikha ng langit, lupa, at tao. Tinawag siyang Bathala ng
mga Tagalog; Abba ng mga Cebuano;Kabunyian ng mga Ifugao; at Laon
ng mga Bisaya.
 Mayroon din silang ibang diyos na pinaniniwalaan at sinasamba
maliban sa pangunahing diyos. Una ay si Apolaki Diyos ng digmaan ng
mga taga-Pangasinan. Si Dal’lang naman ang tawag sa diyos ng
kagandahan ng mga Ilokano. Si Sidapa naman ang Diyos ng kamatayan
ng mga tiga Bisaya. At ilan lamang ito sa mga pinaniniwalaan nilang
Diyos diyosan
.

Mga Pinaniniwalaang Diyos ng mga Sinaunang Pilipino

Iba Pang Paniniwala ng Sinaunang Pilipino


Ang mga sinaunang Pilipino ay naniniwala sa mga mangkukulam at
mangangaway sa mga Tagalog, at aswang, alakawat, barangan, at
dalondongan naman sa Bisaya. Ang paniniwalang ito ay patuloy na umiiral
sa mga tagong lugar sa Pilipinas sa kasalukuyan.

Larawan ng isang Mangkukulam


Mga Pamahiin ng Sinaunang Pilipino
Ano ang Pamahiin? Ang “pamahiin” ay paniniwala batay sa kutob,
kinagawian, tradisyon at relihiyon ng isang pamayanan. Ilan sa mga
pamahiin ng mga sinaunang Pilipino ay ang mga sumusunod:

1. Naniniwala sila na kapag humuni ang uwak sa gabi ang ibig sabihin
nito ay may masamang mangyayari.
2. Kapag naghilamos ang pusa ibig sabihin nito ay may darating na
ulan.
3. Kapag humuni ang butiki sa loob ng inyong bahay ay may darating
na bisita. Kapag ikaw naman ay bumahing bago manaog ng bahay
ibig sabihin lamang daw nito ay mamalasin ang iyong lakad.
4. Kapag nanaginip ka raw na nalagas ang mga ngipin mo ay may
mamamatay na kamag-anak o kaibigan.
5. Kapag may nasalubong kang pusang itim sa daan ay mamalasin ka
din sa iyong lakad.

MGA PAGSASANAY

A. Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang TAMA


kung ang pangungusap ay nagsasabi ng katotohanan at MALI kung
hindi. Isulat ang sagot sa unahan ng bawat pangungusap.

_____1. Ang Sosyo-Kultural ay ang larangan ng sining, paniniwala,


pakikipagkapwa-tao at pag-aaral ng pag-uugali ng tao.
_____2. Naniniwala ang mga sinaunang Filipino na may mga espiritung
nananahan sa kanilang kapaligiran.
_____3. Si Bathala ay pinaniniwalaan ng mga Cebuano na pangunahing
Diyos o dakilang nilalang na siyang maylikha ng langit, lupa at tao.
_____4. Katalonan ang tawag ng mga Bisaya sa tagapamagitan sa mundo ng
tao at mundo ng Diyos at yumao.
_____5. Ayon sa mga matatanda noon kapag naghilamos ang pusa ibig
sabihin nito ay may darating na bisita.

B. Panuto: Hanapin ang mga salita sa loob ng kahon na tumutukoy sa


bawat pangungusap. Bilugan ang mga ito.
1. Ito ay paniniwala batay sa
kutob, kinagawian, tradisyon
at relihiyon ng isang
pamayanan.
2. Ang itinuturing ng mga
Tagalog na dakilang nilalang
na siyang may likha ng langit
at lupa.
3. Siya ay diyos ng digmaan ng
mga taga-Pangasinan.
4. Ito ay mula sa salitang
“anima” na ang ibig sabihin
ay kaluluwa.
5. Katawagan ng mga Tagalog
sa mga babaeng nanguna sa
mga panrelihiyong rituwal sa
sinaunang lipunan.

PAGLALAHAT
Panuto: Punan ang patlang ng salita o lipon ng mga salita upang mabuo
ang diwa na ipinapahayag ng bawat pangungusap.

1. Ang mga sinaunang Pilipino ay may _____________________.

2. Sila ay_____________________, iba’t ibang diyos na may likha mga


bagay sa mundo, sa mga mangkukulam at pamahiin.

3. Pinahahalagahan ng ating mga ninuno ang


_______________________________________________________________.

4. Ang _________________________ ay may malaking kinalaman sa


buhay ng mga unang Pilipino.
PAGPAPAHALAGA
Ang mga sinaunang Pilipino ay mayaman sa kultura. Bilang isang mag-aaral,
paano mo maipagmamalaki ang mga kulturang minana natin sa mga
ninunong Pilipino?

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang mga sinaunang Pilipino ay naniniwala sa mga ____________sa mga


Tagalog, at aswang, alakawat, barangan, at dalondongan naman sa
Bisaya.
A. Mangkukulam at Mangangaway
B. Mangagaway at Albolaryo
C. Mangkukulam at Mangtatawas
D. Doktor at Mangtatawas

2. Ang ________ay paniniwala batay sa kutob, kinagawian, tradisyon at


relihiyon ng isang pamayanan. Isa sa halimbawa nito ay kapag
naghilamos ang pusa ibig sabihin nito ay may darating na ulan.
A. Pamahiin B. Pananampalataya C. Paniniwala D. Kultura

3. Ang _________ ay mula sa salitang Latin na “paganus” na


nangangahulugang naninirahan sa nayon.
A. Animismo
B. Paganismo
C. Kristiyanismo
D. Budismo
4. Bakit nagsasagawa ng mga ritwal ang mga sinaunang Pilipino?
Dahil________.

A. Utos ng babaylan.
B. Nais nilang makuha ang tulong at pagsang-ayon ng mga anito.
C. Ito’y paraan ng kanilang pagsamba.
D. Lahat ng nabanggit.

5. Anong dahilan kung bakit ang mga sinaunang Pilipino ay sumamba sa


kalikasan?Dahil________.

A. Impluwensiya ng mga dayuhan.


B. Tradisyon na kinagisnan.
C. Karanasang makakita ng espirito.
D. Nais lamang nila.
SUSI SA PAGWAWASTO

Sanggunian
Gabuat, M. A. P., Mercado, M. M., & Jose, M. D. D. L. (2016). Araling
Panlipunan 5: Pilipinas Bilang Isang Bansa. Quezon City: Vibal Group, Inc.
pp. 89-91.
Ang mga larawan ay hango sa google chrome.

You might also like