You are on page 1of 12

Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang

Ikalawang Markahan –Modyul 6: Mga Ambag ng Sinaunang Kabihasnan sa Asya


Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag
sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Marissa B. Germina
Editor: Zenaida N. Raquid
Tagasuri: Zenaida N. Raquid
Tagaguhit: Ernesto D. Tabios
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division
Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Araling
Ikalawang Markahan
Panlipunan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 6
7
Mga Ambag ng Sinaunang
Kabihasnan sa Asya

Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 7 at Ikapitong


Baitang ng Modyul para sa araling Mga Ambag ng Sinaunang Kabihasnan sa Asya!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay
makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap Araling Panlipunan 7 at Ikapitong Baitang Modyul


ukol sa araling Mga Ambag ng Sinaunang Kabihasnan sa Asya.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Mga Inaasahan – Sa bahaging ito malalaman moa ng mga dapat


mong matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

Paunang Pagsubok - Dito masusukat ang dati mo nang


kaalaman at mga dapat mo pang malaman sa paksa.

Balik-aral - Dito masusukat ang iyong matutuhan at


naunawaan sa mga na unang paksa.

Aralin . Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na


ito.

Mga Pagsasanay. Pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay.


na dapat sagutan ng mga mag-aaral.

Paglalahat - Sa bahaging ito ibubuod ang mahahalagang


konsepto na dapat bigyang halaga.

Pagpapahalaga - Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga


kasanayang pampagkatuto ay naiuugnay nailalapat sa inyong
mga pagpapahalaga.

Panapos na Pagsusulit - Dito masusukat ang mga natutuhan


ng mag-aaraal.

INAASAHAN

Sa pagtatapos na modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

LAYUNING PAMPAGKATUTO:
1. Napahahalagahan ang mga sinaunang kabihasnang Sumer, Indus at Tsina.

MGA INAASAHANG LAYUNIN:


1. Napahahalagahan ang katangian ng bawat kabihasnan sa Asya
2. Naipagmamalaki ang mga naging ambag ng sinaunang
kabihasnan sa pag-unlad ng mundo
3. Naisusulong ang kahalagahan ng pangangalaga sa mga ambag ng
sinaunang kabihasnan na bumuo ng pagkakakilanlan ng Asya

PAUNANG PAGSUBOK

PANUTO: Pag-ugnayin ang sanhi at bunga. Isulat sa patlang ang letra ng tamang
sagot.
Letra lamang ng wastong sagot ang isulat sa sagutang papel.
1. Ipinagawa ni Yang Chien ang Grand Canal
A. Bumagsak ang Dinastiyang Sui
B. Naghari ang Ginuntuang Panahon ng Tsina
C. Napagbuklod ang Hilaga at Timog Tsina
2. Pinakamahalagang gusali ang Ziggurat
A. Pagbibigay ng karangalan sa mga Diyos
B. Napagbuklod ang mga Sumerian
C. Naging proteksyon sa digmaan ng mga kaharian
3. Naging sistema ng pagsulat ang Cuneiform
A. Naisulat ang mga pangyayari sa kasaysayan ng Asya
B. Ginamit ang clay tablet
C. Nakilala ang pag ukit sa mga bato
4. Nakilala ang Confucianismo
A. Nagsimula ang pagkilala sa Tsina
B. May nanatili sa kasalukyan na kaisipang Asyano
C. Naging relihiyon sa buong Tsina ang Confucianismo
5. Ipinagawa ni Shah Jahan ang Taj Mahal sa India
A. Naging simbolo ng kasaysayan ng India
B. Naging modelo ng mga templo sa India
C. Naging tirahan ng namumuno sa India

BALIK-ARAL
Panuto: Tukuyin kung sino ang inilalarawan sa bawat callout. Isulat ang sagot sa
loob ng kahon.

1. Ako ang unang


emperador ng
Tsina

2. Ako ang tanyag na


nagtala ng mga batas
sa Babylon

3. Ako ang nagpalawak


ng teritoryo ng Persia
at nagpagawa ng Royal
Road
4. Ako ang namuno
mula sa Mongolia

5. Ako ang
pinakatanyag na
pinuno sa Kaharian ng
Maurya

ARALIN

Mga Ambag sa Kabihasnan ng Sumer, Indus at Shang


Hinubog ang sinaunang kasaysayan ng Asya ng mga kabihasnang
itinatag sa China, Mesopotamia at India. Naging tanyag ang mga naging pinuno,
kaisipan, relihiyon, sistema ng pagsulat, arkitektura at nagbigay impluwensiya sa
pag –unlad ng Asya.

Mula sa Sumer na sentro ng kabihasnang Mesopotamia, may mga


mahahalagang lungsod nabuo. Isa dito ang lungsod ng Ur kung saan naitayo ang
pinakamahalagang gusali na Ziggurat bilang pagbibigay karangalan sa kanilang mga
Diyos na nagsilbing panirahan.
City of Ur Ziggurat
http://www.historyshistories.com/mesopotamia-5-traits-of-civilization.html
Nagkaroon sila ng Sistema ng pagsulat na tinawag na Cuneiform at
nagkaroon ng mga scribe na tagasulat ng mga pangyayari sa pamamagitan ng pag-ukit
sa clay tablet.

http://earlyworldhistory.blogspot.com/2012/14/cuneiform.html
Mula naman sa pamayanang Mhergah sa kanluran ng ilog Indus makikita ang
dalawang mahalagang lungsod ng Harappa at Mohenjo-Daro.Sa kanilang kabihasnan
maituturing na mahiwaga dahil sa mga simbolo na ginamit sa pagsulat na pictogram. Nakilala
Taj Mahal sa India ng mabuo ang mga kaharian sa India sa panahon ng pamumuno ni Shah
Jahan.

Mula sa Kabihasnang Shang, naitatag ang mga dinastiya na nagbigay ng iba’t-


ibang ambag sa kabihasnan ng Tsina. Una ang sistema ng pagsulat na Calligraphy ito ang
nagsilbing taga-pag-isa sa mga Tsino at ginamit na simbolo ng pagsulat ang mga Oracle
Bones. Ang Great Wall of China ang pinakamahalagang ambag sa kasaysayan ng Tsina sa
kabihasnan. Nakilala sa panitikan ang mga sinulat ni Confucius.

https://en.wikipedia.org/wiki/Chinese
MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1- Bilugan ang thumbs up kung positibo ang epekto ng pahayag sa


mga ambag sa kabihasnan ng Sumer, Indus at Shang.

1. Naging daana ng Sistema ng pagsulat sa pagtatala ng mga


pangyayari sa pag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan sa Asya.

2. Sa pictogram ginamit ang bato sap ag- ukit ng mga simbolo at


salita.

3. Naging sentro ang lungsod ng Sumer sa pagbuo ng kabihasnang


Mesopotamia

4. Naging sentro ng kapangyarihan ng Tsina ang paggawa ng Great


Wall.

5. Nahati ang mga Tsino dahil sa pagkabuo ng Great Wall of China.

Pagasasany 2 – Punan ng tamang sagot ang patlang.


1. Pinaniniwalaang ginamit ang Oracle Bones sa sistema ng pagsulat na
____________.
2. Upang hindi mapasok ng mga barbaro ang Tsina Mu ipinag-utos ni Shih
Huang Ti ang pagpapagawa ng ___________.
3. Gumamit ng mga simbolo sa sistema ng pagsulat na __________ ang dahilan
ng mahiwagang kabihasnan dito.
4. Isa sa pinatanyag na lungsod sa Sumer ang ___________.
5. Tinawag na ______________ na ginamitan ng clay tablet sa kabihasnang ito.

PAGLALAHAT
Panuto: Likumin ang Datos. Punan mo ng sagot ang talahanayan ng mga
natutuhan mo mula sa paksa.
Mga Kabihasnan Lugar na Mga Katangian Mahalagang
Pinagmulan Ambag
Sumer
Indus
Shang

PAGPAPAHALAGA

Slogan
Panuto: Sa loob ng kahon lumikha ng isang slogan na nagsusulong ng
pangangalaga sa ambag sa kasaysayan ng Pasig tulad ng Revolving Tower/ Mutya
ng Pasig Tower. Isulat ang iyong simpleng slogan sa loob ng kahon.

en.wikipedia.org.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

PANUTO: Basahing mabuti ang tanong at piliin ang wastong sagot mula sa mga pagpipilian.
Letra lamang ng wastong sagot ang isulat sa sagutang papel.
1. Tanyag na estruktura na nagsilbing pananggalan laban sa mga barbaro mula sa labas
ng Tsina.
A. Great Wall of China
B. Forbidden City
C. Terracota
2. Pinakamalaking bansa na pinagmulan ng isa sa tatlong sinaunang kabihasnan sa Asya.
A. India
Mga Aklat:
Sanggunian
PAUNANG PAGSUBOK BALIK- ARAL
1. C 1. SHIH HUANG TI
2. A 2. HAMMURABI
3. B 3. CYRUS THE GREAT
4. KUBLAI KHAN
4. B 5. ASOKA
5. A
PAGSASANAY
PAGSASANAY 1 PAGSASANAY 2 PANAPOS NA PAGSUSULIT
1.THUMBS UP 1. CALLIGRAPHY 1. A
2.THUMBS UP 2. GREAT WALL 2. B
3.THUMBS UP 3. PICTOGRAM 3. B
4.THUMBS UP 4. CITY OF UR 4. C
5. THUMBS DOWN 5. CUNEIFORM 5. C
PAGPAPAHALAGA
- Walang pangunahing wastong sagot dito. Tiyakin lamang na tugma ang
slogan
PAGLALAHAT – Maraming iba- ibang sagot ang pwedeng ilagay ng mga bata ayon sa
kanilang pagkakaunawa.
SUSI SA PAGWAWASTO
C. India
B. Iraq
A. China
malalim na simula ng tradisyon, relihiyon at kultura?
5. Alin sa tatlong pinagmulan ng sinaunang kabihasnan ang kinikilala dahil sa
C. Timog Asya
B. Kanlurang Asya
A. Silangang Asya
4. Sa rehiyong ito ng Asya matatagpuan ang Kabihasnang Indus
C. Pictrogram
B. Calligrpahy
A. Cuneiform
3. Sistema ng pagsulat ng mga Tsino na umunlad sa panahon ng kabihasnan
C. Japan
B. China
1. Romela M. Cruz,Ed.D, Mary Dorothy dl. Jose, Joel B. Mangulabnan,
Michael M. Mercado, Jerome A. Ong, Araling Asyano: Tungo sa
Pagkakakilanlan(Pilipinas, Vibal Group, Inc., 2015),pp. 187-237
2. Maria Carmelita B. Samson,Eleonor D. Antonio,Evangeline M.
Dallo, Kayamanan: Kasaysayan ng Asya pp.189-222

Mga Website:
Sinaunang Kabihasnan sa Asya-slideshare,June10,2020.Edmond
Lozano http://www.slideshare,net
Online images/google search

You might also like