You are on page 1of 14

Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang

Ikatlong Markahan – Modyul 13: Konsepto ng Patakarang Pananalapi


Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Oliver Sam H. Rivera
Editor/Tagasuri: Arnaldo A. Santos
Tagasuring Teknikal: Ernesto D. Tabios
Tagaguhit:
Tagalapat: Ernesto D. Tabios
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Manuel A. Laguerta, EdD
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division
Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
9
Araling
Panlipunan 9
Ikatlong Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 13
Konsepto ng Patakarang Pananalapi
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Modyul 13 para
sa araling Konsepto ng Patakarang Pananalapi
Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 9 ng Modyul para sa araling


Konsepto ng Patakarang Pananalapi!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan
pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay na
dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Sa modyul na ito, inaasahang matututunan mo ang sumusunod:


1. Naipaliwanag ang kahulugan ng patakarang pananalapi;
2. Naisa-isa ang mga patakaran sa pananalapi at ang pagkakaiba iba nito; at
3. Nasuri ang mga gampanin ng mga bangko bilang institusyon sa pananalapi.

PAUNANG PAGSUBOK
Panuto: Piliin ang wastong sagot sa loob ng kahon at isulat sa patlang

➢ Bangko
➢ Monetary Policy
➢ Land bank of the Philippines
➢ Bangkong Komersyal
➢ RA6848

_______________1. Ang batas na nagbigay bisa upang itatag ang Al Amanah Bank

_______________2. Ang pinakamaraming uri ng bangko

_______________3. Institusyon na tumatanggap at lumilikom ng mga salapi na


iniimpok ng mga tao at negosyante

_______________4. Bangko na tumutugon sa mga sa reporma sa lupa at nagsisilbing


bangko ng pamahalaan
_______________5. Ang pagmamanipula at pamamahala ng supply ng salapi sa
ekonomiya.

BALIK-ARAL

Panuto: Kilalanin ang uri ng buwis na tinutukoy ng sumusunod. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa patlang.

HANAY A HANAY B
____1. Buwis na ipinapataw sa halaga ng A. COMMUNITY TAX
produkto at serbisyo na kinokonsumo ng tao. B. BUWIS SA HANAPBUHAY
____2. Buwis na ipinapataw sa mga binibiling C. EXCISE TAX
imported na produkto D. VALUE ADDED TAX
____3. Kilala bilang sedula E. TARIFF
____4. Buwis na ipinapataw sa mga piling
produkto
____5. Buwis na ipinapataw ayon sa
tinatanggap na kita ng tao
ARALIN

ANG KONSEPTO SA PATAKARAN SA PANANALAPI

Sa pang-araw-araw na pamumuhay, malaking parte nito ay ang paggastos


kung kaya naman ang salapi ay may mahalagang ginagampanan sa ating buhay.
Ang salapi ang pangunahing instrumento sa pagbili (medium of exchange) ng
pagkain, pagbili ng mga gamit sa online, pagpapaload ng mga gadget, at iba pang
bagay na tutugon sa pang-araw-araw na pangangailangan.

Marahil ay naisip at naitanong mo na sa iyong sarili ang mga sumusunod na


tanong: Bakit hindi gumawa ng pera ang pamahalaan at ipamigay na lamang ito sa
mga tao upang wala ng mahirap sa bansa? Bakit kailangang umutang ng
pamahalaan sa ibang bansa upang mapunan ang kakulangan sa badyet na
kinakailangan ng bansa?
Mahalaga na mapag-aralan at maunawaan ang konsepto ng pananalapi lalo
na sa pamamahala nito. Ang pangangasiwa sa dami ng salapi sa sirkulasyon ay
kinakailangan ng matalinong pagdedesisyon lalo na kung ang pinag-uusapan ay ang
ekonomiya ng bansa. Ang patakaran sa pananalapi o monetary policy ay
tumutukoy sa gamit ng salapi at kung paano ito inilalalaan sa ibat ibang gawaing
pang-ekonomiya. Sa Pilipinas, ang pangunahing institusyon na nangangasiwa sa
patakaran sa pananalapi ay ang Bangko Sentral ng Pilipinas na may layuning
mapatatag ang ekonomiya ng bansa.

May dalawang uri o paraan ang patakaran sa pananalapi na ipinatutupad ng


pamahalaan sa pangunguna ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Ito ay ang easy money
policy o expansionary monetary policy at tight money policy o contractionary monetary
policy. Kapwa ang polisiya na ito ay mahalaga kapag ang ekonomiya ay nasa
sitwasyon ng pagiging sobrang masagana at sobrang paghina nito.

Ang expansionary money policy ay ipinatutupad kapag may depression o


recession. Iniiwasan sa sitwasyong ito ang zero rate ng produksiyon ng pambansang
ekonomiya at lumalala ang kaso ng unemployment. Sa panahon ng depression o
recession, mababa ang supply ng salapi. Isinasagawa sa expansionary monetary
policy sa pamamagitan ng mababang interes sa mga pautang sa mga bangko kung
kaya layunin nito na makahikayat ang mga negosyante na humiram ng pera na
pandagdag puhunan sa kanilang negosyo. Sa ganitong pangyayayri ito ay
magdudulot ng paglikha ng maraming trabaho at magkakaroon ng kakayanan ang
mga mamamayan na bumili ng produkto o serbisyo na magpapataas ng kabuuang
demand para sa sambahayan at bahay kalakal. Ang kaganapang ito ay magdudulot
ng masiglang ekonomiya.

Sa panahon na masigla ang takbo ng ekonomiya ng bansa, iniiwasan naman


ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang overheated economy. Ang overheated economy
ay nangyayari kapag sobrang taas ng demand dahil sa labis na paggasta. Kapag
hindi nakaaagapay ang produksiyon sa demand, magkakaroon ng inflation o
pagtaaas ng pangkalahatang presyo ng mga bilihin. Upang mahadlangan ang
inflation kailangan maibaba ang supply ng salapi. Ang pagbabawas sa dami ng salapi
sa sirkulasyon ay tinatawag na tight money policy o contractionary monetary
policy. Isinasagawa ito ng BSP sa pamamagitan ng mahigpit na pagpapahiram ng
pera sa mga negosyante. Sa ganitong pangyayari ang mga bahay-kalakal ay
magbabawas ng pasahod sa mga manggagawa na magbibigay-daan sa pagbaba ng
paggasta o demand. Ang pagbaba ng demand ay magreresulta sa pagbaba ng presyo
ng bilihin at pagbagal ng ekonomiya. Ang kalagayang ito ay ninanais ng pamahalaan
upang mapababa ang implasyon.

BANGKO
Ang mga bangko ay ang pangunahing institusyon na may kinalaman sa
patakaran sa pananalapi sapagkat ang institusyon na ito ang may pangunahing
layunin na maisaayos ang suplay ng salai sa ekonomiya. Ang salitang bangko ay
hango sa salitang Italian na Banca na halaw naman sa salitang German na
nangangahulugang bangko o bench.

May apat na pangunahing tungkulin ang mga bangko ito ay ang sumusunod:
1. Ang mga bangko ay tagapagtago ng salapi at pondo.
2. Ang bangko ay hiraman ng salapi.
3. Ang bangko ay guarantor sa mga nanghihiram ng salapi. Ang guarantor ay
nagpapatunay na ang pagkatao ng mga nanghihiram ng salapi ay mabuti.
4. Ang mga bangko ang nangangasiwa sa palitan ng mga salapi ng iba’t ibang
bansa.

MGA URI NG
MGA HALIMBAWA
BANGKO
1. BANGKONG KOMERSYAL- pangunahing kliyente nito ang
mga negosyante at namumuhunan. Nagpapautang sila ng
panandalian lamang. Tumatanggap sila ng mga papeles ng
pagpapautang tulad ng letter of credit, draft, bills of exchange at
nagdidiskwento sa mga promisory notes.
MGA 2. SAVINGS BANK- ito ang mga bangkong nagpapautang at
PRIBADONG impukan. Karaniwang programa nito ang magpautang at
BANGKO tumubo ayon sa itinakda ng batas
3. BANGKONG RURAL- pokus nito ang mga bayan kung saan
limitado lamang ang pinaglilingkuran
4. BANGKONG AGRIKULTURAL- pinaglilingkuran naman nito
ang mga magsasaka o maliliit na manggagawa.
1. LANDBANK OF THE PHILIPPNINES(LBP)- naitatag dahil sa
RA 3844 na layuning itaguyod ang pagapapaunlad sa reporma
ng lupa. Ito rin ang pangunahing bangko ng pamahalaan
matapos maisapribado ang Philippine National Bank o PNB.
Tagapag-ingat ng salapi ng pamahalaan
ESPESYAL NA
2. DEVELOPMENT BANK OF THE PHILIPPINES O DBP-
BANGKO
pangunahing bangko na itinatag upang makatulong sa
pagpapaunlad ng ekonomiya. nagpapautang ito sa mga small
and medium scale industries. Nagbibigay rin ito ng
pampinansyal na tulong para sa proyekto at programa na
magpapaunlad ng agrikulutra at industriya
3. AL-AMANAH ISLAMIC INVESTMENT BANK OF THE
PHILIPPINES (AL AMANAH)- itinatag sa bisa ng RA
6848.layunin ng bangkong ito na tulungan ang mga pilipinong
muslim na magkaroon ng puhunan at mapaunlad ang kanilang
kabuhayan.
1. ASIAN DEVELOPMENT BANK(ADB)-layunin ng bangkong ito
na tulungang magkaroon ng pang ekonomiko at panlipunan na
pag-unald ang mga umuunlad na bansang kasapi nito sa
pamamagitan ng pagpapautang ng pondo. Ang mga kasaping
rehiyon dito ay ang Asia,Far East at South Pacific).
2. WORLD BANK(WB)- pangunahing layunin na matulungan
ang mga bansang naging apektado ng ikalawang digmaang
PANDAIGDIGANG pandaigdig. Nagpapahiram rin ng puhunan sa mga mahihirap
BANGKO na bansa ngunit dapat sundin ang kondisyon nito. Minomoitor
ng World Bank ang takbo ng ekonomiya ng isang bansa upang
matiyak ang pag unlad nito.
3. INTERNATIONAL MONETARY FUND- nasa kamay ng IMF
ang paglikha ng international reserve currency o special drawing
rights na ang halaga ay katumbas ng average na halaga ng
limang salaping papel, US dollar, Japanese Yen, Pound Sterling,
French Franc, at Deutsche Mark.
1. SOCIAL SECURITY SYSTEM- naitatag sa bisa ng RA 1992.
layunin nito na tulungan ang mga manggagawa sa pribadong
kompanya na maiangat ang kanilang panlipunang kalagayan.
Tumatanggap ito ng buwanang kontribusyon sa mga kasapi
nito. Nagbibigay din ito ng tulong gaya ng pension, seguro , at
pautang.
2. GOVERNMENT SERVICE INSURANCE SYSTEM(GSIS)-
itinatag upang mag asikaso sa kapakanan ng mga empleyado sa
pamahalaan. ipinagkakaloob ng GSIS sa mga kasapi nito ang
mga sumusunod: housing loan, policy loan, salary loan,
MGA calamity loan, educational assitance loan, life insurance,
INSTITUSYONG disability insurance at iba pa.
DI BANGKO 3. PAGTUTULUNGAN SA KINABUKASAN:IKAW, BANGKO,
INDUSTRIYA AT GOBYERNO(PAG-IBIG)- itinatag upang
matulunagn ang mga kasapi na magkaroon ng sariling bahay.
tumatanggap ito ng kontribusyon sa mga kasapi tulad ng mga
empleyado ng pamahalaan at pribadong sektor at mga OFW o
Overseas Filipino Workers
4. BAHAY SANGLAAN(PAWNSHOP)- ito ay isang negosyo na
mahalaga sa ekonomiya, sapagkat nagiging takbuhan ito ng mga
tao na nangangailangan ng cash na salapi. Tumatanggap ito ng
mga bagay na maaaring isangla o gawing kolateral ng mga tao
upang makautang lalo na iyong di makautang sa bangko
1. BANGKO SENTRAL NG PILIPINAS- itinatag sa bisa ng
RA7653. pangunahing institusyon na nanglalayong mapanatili
ang katatagan ng halaga ng bilihin at ng ating pananalapi. Ang
REGULATOR mga patakaran ng pamahalaan tungkol sa pananalapi,
pagbabangko at pagpapautang ay nagmumula sa BSP. Ito rin
ang may kapangyarihan na maglimbag ng pera ng bansa.
Opisyal na bangko ng bansa.
2. PHILIPPINE DEPOSIT INSURANCE BANK- nasa ilalim ng
Department of Finance ang sangay ng pamahalaan na
naaatasang magbigay proteksyon sa mga depositor at tumulong
na mapanatiling matatag ang sistemang pinansyal ng bansa.
3. SECURITIES AND EXCHAGE COMMISSION- nagtatala at
nagrerehistro sa mga kompaya sa bansa. Nagbibigay ito ng mga
impormasyon ukol sa pagbili ng bono at panagot. nagbibigay din
ang SEC ng mga impormasyon upang maging gabay sa
matalinong desisyon sa pamumuhunan.

MGA PAGSASANAY

PAGSASANAY 1
Panuto: Punan ang kahon ng mga nawawalang titik upang makuha ang sagot
1. Ito ang nag-iingat ng salapi ng pamahalaan
L D B K O F T E P L S

2. Ang itinuturing na bangko ng mga bangko sa Pilipinas


N G O S N L N G P

3. Ang institusyon na nagbibigay ng Seguro sa mga mangagawa sa pribadong


sector
S C S C I T S M

4. Pangunahing layunin na matulungan ang mga bansang naging apektado ng


ikalawang digmaang pandaigdig.
L B K

5. Tumatanggap ito ng mga bagay na maaaring isangla o gawing kolateral ng


mga tao upang makautang lalo na iyong di makautang sa bangko
P W P

PAGSASANAY 2
Panuto: Tukuyin ang FACT kung ang pahayag ay totoo at BLUFF kung hindi
ito totoo at salungguhitan ang salitang nagpamali sa pahayag.
_____________1. Ipinatutupad ang Tight monetary policy kapag mababa ang
supply ng salapi.
_____________2. Ang patakarang piskal ay tumutukoy sa pagsasaayos ng
supply ng salapi sa ekonomiya
_____________3. Bangko sentral ng Pilipinas ang institusyon na nagunguna sa
pagtataguyod at pagsasaayos ng supply ng salapi ng bansa.
_____________4. Ang expansionary monetary policy ay isinasagawa kapag ang
ekonomiya ay nasa kalagayan ng depression at recession.
_____________5. Ang bangko ay tumatayong guarantor para sa mga taong
gustong mangutang dito.
PAGLALAHAT

CONCEPT MAP
Panuto: Punan sa kahon ang halimbawa ng mga Uri ng bangko.

PRIBADONG ESPESYAL NA PANDAIGDIGANG INSTITUSYONG


BANGKO BANGKO BANGKO DI BANGKO

1 1 1 1
2 2 2 2
3 3 3 3

Pamprosesong Tanong:
Sa paanong paraan nakakatulong ang mga bangko sa ekonomiya ng
bansa?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________

PAGPAPAHALAGA
Mag-React Ka!
Panuto: Isulat sa patlang ang iyong kasagutan.
Sa panahon ng pandemya maraming tao ang naapektuhan nito.
Marami ang nawalan ng trabaho at nagsara ng mga negosyo. Sa paanong
paraan makakatulong ang mga institusyong di bangko gaya ng SSS, GSIS at
Pawnshop sa mga taong miyembro nito na higit na naging apektado sa resulta
ng pandemyang COVID 19
_____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Bilugan ang letra ang tamang sagot sa bawat pahayag


1. Alin sa mga sumusunod ang dalawang uri ng patakaran sa
pananalapi?
A. Tight Fiscal Policy at Expansionary fiscal policy
B. Open market at rediscounting
C. Contractionary monetary policy at Expansionary monetary policy

2. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng espesyal na bangko maliban


sa isa. Alin ang HINDI kabilang dito?
A. Al Amanah Bank
B. Land Bank of the Philippines
C. Asian Development Bank
D. Development Bank of the Philippines

3. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang totoo tungkol sa monetary


policy?
A. Ito ay tumutukoy sa perang nalilikom ng pamahalaan mula sa
buwis ng taong bayan
B. Paraan sa pagmanipula ng perang nakukuha ng pamahalaaan
mula sa buwis
C. Patakaran na tumutukoy sa pagsasaayos ng supply ng salapi sa
ekonomiya
D. Patakaran na tumutukoy sa pagkontrol ng bangko.

4. Sino-sino ang pwedeng maging miyembro o kasapi at binibigyang


tulong ng PAG-IBIG?
A. Mga manggagawa sa pribadong sector lamang.
B. Mga manggagawa sa pamahalaan
C. Mga OFW
D. Lahat ng nabanggit

5. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa halimbawa ng


pribadong bangko.?
A. Bangkong Komersyal
B. Savings Bank
C. International Monetary Fund
D. Rural Bank
Panapos na Pagsusulit
1. C
2. C
3. C
4. D
5. C
Pagpapahalaga
Para sa pamprosesong tanong, maaaring magkaroon ng magkakaibang sagot
tang mga mag-aaral batay sa kanilang pagkakaunawa at pagkakaintindi sa
paksa.
Paglalahat
Para sa pamprosesong tanong ito ay nakabatay sa magiging sagot ng mag-
aaral
Pagsasanay 1
1. LAND BABK OF THE
PHILIPPINES
2. BANGKO SENTRAL NG
PILIPINAS
3. SOCIAL SECURITY Balik-Aral Paunang Pagsusulit:
SYSTME
4. WORLD BANK
1. D 1. RA 6848
5. PAWNSHOP 2. E 2. BANGKONG
Pagsasanay 2 KOMERSYAL
1. BLUFF- TIGHT 3. A
3. BANGKO
MONETARY POLICY 4. C
2. BLUFF- PATAKARANG
4. LAND BANK OF THE
PISKAL 5. B PHILIPPINES
3. FACT 5. MONETARY POLICY
4. FACT
5. FACT
SUSI SA PAGWAWASTO
SANGGUNIAN
Imperial, Consuelo, Antonio, Eleanor, Dallo, Evangeline, Samson, Maria
Carmelita, at Soriano, Celia. Kayamanan: Ekonomiks. Sampaloc
Manila: Rex Book Store Inc. , 2017.
Garcia, Mondejar, Mateo, Buising, Lumibao, Guzman at Balitao, Bernard.
Ekonomiks:Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral. Pasig City:
Department of Education-Instructional Materials Council
Secretariat(Deped-IMCS), 2015
Balitao, Cervantes, Nolasco, Ong, Ponsaran, at Rillo, Julia. Ekonomiks: Mga
Konsepto at Aplikasyon: Batayang Aklat sa Araling Panlipunan
Ikaapat na taon: Vibal Publishing House Inc. , 2012.
Viloria, Cruz, Rillo, at Lim, Alice. Ekonomiks: Batayang Aklat sa Ikaapat na
taon: SD Publications Inc., 2000.

You might also like