You are on page 1of 16

Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang

Ikatlong Markahan – Modyul 5: Mga Paraan sa Pagsukat ng Pambansang Kita


Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Aleah S. Siducon
Editor: Nora H. Talag / Arnaldo Santos
Tagasuri: Maricel F. Azcarraga

Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin


OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Manuel A. Laguerta, EdD
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division
Education Program Supervisors

Librada L. Agon, Ed. D., EPP/TLE


Liza A. Alvarez, Science
Bernard R. Balitao. Araling Panlipunan
Joselito E. Calios, English
Norlyn D. Conde Ed. D., MAPEH
Wilma Q. Del Rosario, LRMS
Ma. Teresita E. Herrera, Ed. D., Filipino
Perlita M. Ignacio, Ph. D. ESP/SPED
Dulce O. Santos, Ed. D., Kinder/ MTB
Teresita P. Tagulao, Ed. D., Mathematics

Inilimbag sa Pilipinas ng Rizal High School


Department of Education – NCR, Division of Pasig City
Office Address: Dr. Sixto Antonio Ave. Caniogan, Pasig City
Contact No.: 8641-0472
Araling
Panlipunan 9
Ikatlong Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 5
Mga Paraan sa Pagsukat ng
Pambansang Kita
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Modyul 5 para


sa araling Mga Paraan sa Pagsukat ng Pambansang Kita!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Dibisyon ng Pasig City na pinamumunuan ni Ma. Evalou
Concepcion A. Agustin, OIC Schools Division Superintendent at sa pakikipag
ugnayan sa Lokal na Pamahalaan ng Pasig sa pamumuno ng butihing Alkalde na si
Hon. Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang modyul na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo lalong lalo na ang 5 Cs (Communication, Collaboration,
Creativity, Critical Thinking and Character) habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Modyul 5 para


sa araling Mga Paraan sa Pagsukat ng Pambansang Kita!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan pagkatapos
mong makumpleto ang Modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo pang malaman
sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang I iyong matutuhan at naunawaan sa mga na unang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na ito.

MGA PAGSASANAY
Pagbibigay ng guro ng ibat ibang pagsasanay na dapat sagutan ng mga mag-
aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat bigyang
halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang pagkatuto ay
naiuugnay at nailalapat sa inyong mga pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Sa modyul na ito, inaasahang matututunan mo ang sumusunod:


1. Nakikilala ang mga pamamaraan sa pagsukat ng pambansang kita.;
2. Nasusuri ang pambansang produkto (GNP-GDP) bilang panukat ng
kakayahan ng isang ekonomiya; at
3. Nabibigyang halaga ang pagsukat ng pambansang kita sa ekonomiya.

PAUNANG PAGSUBOK

Pagtambalin
Panuto: Piliin sa hanay ng mga salita ang titik ng tamang sagot sa mga tanong.

A. Gross National Product D. Income Approach


B. Gross Domestic Product E. Expenditure Approach
C. Net Factor Income from Abroad F. Industrial Origin Approach
_____ 1. Ang pagkuwenta ng GNP batay sa pinagmulang industriya.
_____ 2. Ang pagkuwenta ng GNP batay sa kita ng iba’t ibang sektor ng ekonomiya.
_____ 3. Ang pagkuwenta ng GNP kung saan pinagsasama-sama ang lahat ng
paggasta sa ekonomiya.
_____ 4. Sumusukat sa halaga ng produkto at serbisyo kasama ang produksiyon ng
mga dayuhang ginawa sa loob ng bansa.
_____ 5. Sumusukat sa halaga ng mga produkto at serbisyo na nagawa ng mga
mamamayan ng bansa sa loob ng isang taon.

BALIK-ARAL
Venn Diagram
Panuto: Gamit ang venn diagram, ipaliwanag ang pagkakapareho at pagkakaiba ng
Gross National Product (GDP) at Gross Domestic Product (GDP).
ARALIN

Panimula
Taon-taon ay kinukuwenta ang Gross National Product na kilala rin bilang
Gross National Income upang makita ang takbo ng ekonomiya. Ito ang instrument
ng pamahalaan upang iulat sa mamamayan ang bunga ng kanilang pamamalakad.
Ang Gross National Product/Gross National Income ang nagiging panukat ng
kalagayang ng isang ekonomiya. Dahil rin dito mababatid ang mga sektor na
lubusang nakapag-ambag sa kaunlaran ng bansa.

Mga Paraan ng Pagsukat ng Gross National Product/Gross National Income

Industrial Origin
Approach

Expenditure Approach Income Approach

Paraan ng Pagsukat
ng GNP/GNI

May tatlong paraan sa pagsukat ng Gross National Product: (1) pamamaraan


batay sa gastos (expenditure approach), (2) pamamaraan batay sa kita ng sangkap
ng produksiyon (income approach), at (3) pamamaraan batay sa pinagmulang
industriya (industrial origin approach) (Balitao et al 2010, 102). Sinusukat muna
ang Gross Domestic Product (GDP) bago makuwenta ang Gross National Product
(GNP/GNI) ng bansa. Idinadagdag sa Gross National Product (GDP) ang Net Primary
Income from Abroad (NPIA) upang makuwenta ang Gross National Product (GNP).

1. Paraan Batay sa Paggasta (Expenditure Approach)

Ang lahat ng sektor ay tumatanggap ng kita na kanilang ginagastos sa


pagbili ng kanilang pangangailangan (Imperial et al 2017, 222). May apat na sektor
sa pambansang ekonomiya na binubuo ng sambahayan, bahay-kalakal,
pamahalaan at panlabas na sektor. Ang pinagkakagastusan ng bawat sektor ay
ang sumusunod:

A. Gastusing Personal (C) – napapaloob dito ang mga gastos ng isang tao tulad
ng pagkain, kasuotan, cellphone, serbisyo ng mga manggugupit ng buhok at
iba pa. Lahat ng pinagkakagastusan ng mga mamamayan ay kabilang dito.
B. Gastusin ng mga Namumuhunan (I) – kabilang ang mga gastos sa
kompanya tulad ng pagbili ng makinarya, sangkap sa produksiyon, renta sa
gusali, gamit sa opisina at iba pa.
C. Gastusin ng Pamahalaan (G) – kabilang ang mga gastusin ng pamahalaan
sa imprastruktura, pagpapasahod sa lahat ng empleyado at opisyal ng
pamahalaan at pagbibigay ng serbisyo sa mga tao.
D. Gastusin ng Panlabas na Sektor (X-M) – makukuha ito kung ibabawas ang
iniluluwas o export sa inaangkat o import.
E. Statistical Discrepancy (SD) – ang anumang kakulangan o kalabisan sa
pagtutuos na hindi malaman kung saan ibibilang. Ito ay nangyayari dahil
may mga trasaksiyong hindi sapat ang mapagkukunan ng datos o
impormasyon.
F. Net Factor Income from Abroad (NFIFA)/Net Primary Income (NPI) –
kapag ibinawas ang gastos ng mga mamamayan na nasa ibang bansa sa
gastos ng mga dayuhang nasa loob ng bansa.

Ang formula sa pagsukat ng Gross National Product sa pamamaraan batay


sa paggasta o expenditure approach ay:

GROSS NATIONAL PRODUCT = C + I + G + (X-M) + SD + NFIFA

Gamit ang datos mula sa National Statistical Coordination Board noong


Enero 2014 sa ibaba, sukatin ang Gross National Product gamit ang expenditure
approach.
Gastusing Personal (C) = ₱ 8,455,783

Gastusin ng Pamahalaan (G) = ₱ 1,243,113

Gastusin ng mga Namumuhunan (I) = ₱ 2,243,714

Gastusing ng Panlabas na Sektor: Import (X) = ₱ 3,332,196

Import (M) = ₱ 3,631,207

Net Primary Income (NPI) = ₱ 2,284,037

Statistical Discrepancy = ₱ -97,495


Solusyon: GNI = C + I + G + (X-M) + SD + NPI

A. Unahing isagawa ang operation sa loob ng parenthesis


GNI = ₱ 8,455,783 + ₱ 1,243,113 + ₱ 2,243,714

+ (₱ 3,332,196 – ₱3,631,207) + (- ₱ 97,495) + ₱ 2,284,037

B. Sundin ang rules sa pag-add ng sign numbers: (+) + (-) = -


GNI = ₱ 8,455,783 + ₱ 1,243,113 + ₱ 2,243,714 + (-₱ 299,011)

+ (-₱ 97,495) + ₱ 2,284,037

GNI = ₱ 8,455,783 + ₱ 1,243,113 + ₱ 2,243,714 – ₱ 299,011 - ₱ 97,495

+ Php 2,284,037

GNI = ₱ 13,830,140
Upang makuha ang Gross Domestic Product kailangan lamang ibawas ang
Net Primary Income from Abroad (NPIA) sa nakuhang Gross National Product
(GNP). Base sa halimbawa, ang Gross National Product ay ₱ 13,830,140
samantalang ang Net Primary Income from Abroad (NPIA) ay ₱ 2,284,037.

Gross Domestic Product (GDP) = GNP/GNI – NPIA

Gross Domestic Product (GDP) = ₱ 13,830,140 – ₱ 2,284,037

Gross Domestic Product (GDP) = ₱ 11,546,104

Mula sa ginamit na datos, mapapansin na malaki ang gastusing personal


dahil kailangang tugunan ang kanilang pangangailangan. Masusuri rin na ang
pamahalaan ay naglaan ng malaking budget para sa pag-angkat ng mga produkto
mula sa ibang bansa.

2. Paraan Batay sa Pinagmulang Industriya (Industrial Origin Approach)

Sa paraang batay sa pinagmulang industriya pinagsasama ang kabuuang


halaga ng produksiyon ng mga pangunahing industriya ng bansa. Kapag
pinagsama-sama ang halaga ng produksiyon ng agrikultura, industriya at serbisyo,
masusukat ang Gross Domestic Product. Samantala kapag isinama dito ang Net
Factor Income from Abroad na tinatawag rin sa kasalukuyan na Net Primary Income,
masusukat ang Gross National Income ng bansa (Balitao et al 2010, 103).

Gross Domestic Product (GDP) = Agrikultura + Industriya + Serbisyo

Gross National Product (GNP) = Gross Domestic Product (GDP) + NPIA


Suriin ang Gross National Product at Gross Domestic Product gamit ang
hipotetikal na datos sa pagsukat gamit ang Industrial Origin Approach. Halimbawa,
ang sektor ng agrikultura ay naglaan ng ₱ 1,297,903 sa kanilang produksiyon,
samantalang ang sektor ng industriya ay gumamit ng ₱ 3,582,787 at ang sektor ng
serbisyo ay ₱ 6,665,414. Ang Net Factor Income from Abroad ay nagkakahalaga ng
₱ 2,284,037.

Solusyon:

Gross Domestic Product (GDP) = ₱ 1,297,903 + ₱ 3,582,787 + ₱ 6,665,414

Gross Domestic Product (GDP) = ₱ 11,546,104

Gross National Product (GNP) = ₱ 11,546,104 + ₱ 2,284,037

Gross National Product (GNP) = ₱ 13,830,140

Sa paggamit ng Industrial Origin Approach ay makikita na ang sektor ng


serbisyo ang may malaking ambag sa Gross Domestic Product at maging sa Gross
National Income. Masusuri na ang Net Primary Income from Abroad ay malaking
tulong sa paglaki ng Gross National Income ng bansa.
3. Paraan Batay sa Kita (Income Approach)

Ang mga salik ng produksiyon na ginagamit sa paglikha ng produkto at


serbisyo ay tumatanggap ng kabayaran na nagsisilbing kita ng bawat salik. Ang
pagsama-sama ng lahat ng kita ng mga salik ng produksiyon ay magbibigay daan
sa pag-alam ng pambansang kita o national income (NI). Ang pambansang kita ay
ang kabuuang kita ng mga manggagawa, empleyado, entrepreneur, korporasyon at
pamahalaan (Imperial et al 2017, 224).

A. Sahod ng mga empleyado – suweldong ibinabayad sa sambahayan mula sa


mga bahay kalakal at pamahalaan.
B. Net Operating Surplus – tubo ng mga korporasyong pribado at pag-aari ng
pampamahalaan at iba pang negosyo.
C. Depresasyon – pagbaba ng halaga ng yamang pisikal bunga ng pagkaluma
D. Di-tuwirang Buwis – subsidy
• Di-tuwirang buwis – kabilang dito ang sales tax, custom duties at
lisensya.
• Subsidy – bayarin ng pamahalaan na hindi tumatanggap ng kapalit
na produkto o serbisyo.

Mahalaga ang pagsukat ng Gross National Income at Gross Domestic


Product dahil sinusukat nito ang dami ng pinagkukunang yaman ng pambansang
ekonomiya. Nailalarawan din ng GNI at GDP ang kahandaan ng pambansang
ekonomiya na tugunan ang pangangailangan at kagustuhan ng mga tao.

PAGSASANAY
A. Kumpletuhin Mo!
Panuto: Punan ang nawawalang titik upang mabuo ang sagot.

1. Paraan sa pagkuwenta ng GNI kapag pinagsama-sama ang halaga na


iniambag ng bawat sektor.

__ND__ __TR__A__ O__ __GI__ __PP__OA__H


2. Idinadagdag sa GDP upang makuha ang GNP/GNI.
__E__ P__I__ __R__ I__ __O__ __ __R__M __B__O__ __
3. Ang kita ng mga ito ay hindi isinasama sa pagkuwenta ng GDP ng bansa.
O__E__ __EA__ __IL__ __ I__O W__ __KE__S
4. Isang sektor na isinasama ang ambag sa pagkuwenta ng GNI.
A__R__ __UL__U__A
5. Anumang kakulangan o kalabisan sa pagtutuos na hindi malaman kung
saan ibibilang.
__TA__ IS__I__ __L D__ __C__ __PA__ __Y
B. I-Compute Mo!

Panuto: Kompyutin ang GNI at GDP sa paraang Final Expenditure Approach at


sagutin ang tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa patlang.
1. Ibigay ang pormulang ginamit. ______________________________________
I = ₱ 250,000,000 G = ₱ 264,000,000
X = ₱ 50,000,000 SD = ₱ 2,000,000
C = ₱ 340,000,000 M = ₱ 55,000,000
NPIA = ₱ 55,000,000
2. Ilan ang kabuuang GNI? _______________________
3. Ilan ang kabuuang GDP? ___________________________
4. Bakit mahalagang malaman ang gastusin ng bawat sektor ng bansa?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

PAGLALAHAT

Carousel Brainstorm
Panuto: Sagutan ang mga kahon sa abot na iyong makakaya.

Ano ang alam mo Magtala ng mga Ano ang


tungkol sa paksa? salita na may impormasyon na
kinalaman sa natutunan mo sa
__________________ iyong natutunan. paksa?
__________________
__________________ __________________ __________________
__________________ __________________ __________________
__________________ __________________ __________________
__________________ __________________ __________________
__________________ __________________ __________________
__________________ __________________ __________________
__________________ __________________ __________________
__________________ __________________ __________________
__________________ __________________ __________________
__________________ __________________ __________________
__________________ __________________ __________________
__________________ __________________ __________________
__________________ __________________ __________________
PAGPAPAHALAGA
I-Status Mo!
Ayon sa pahayag ng World Bank, mapapanatili ng bansa ang pitong porsyento
paglago sa Gross Domestic Product ngayong taon hanggang sa sunod na taon.
Kung ikaw ang tatanungin naniniwala ka bang may pagsulong sa ekonomiya ng
Pilipinas? Ipaliwanag.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Piliin ang titik ng pinakatamang sagot. Isulat ito sa patlang bago ang
bilang.

1. Ito ang idinadagdag sa Gross Domestic Product upang masukat ang


Gross National Product.
A. import
B. export
C. statistical discrepancy
D. Net Primary Income from Abroad

2. Ito ay paraan ng pagsukat ng Gross National Product na kung saan


ang batayan ng datos ay mula sa kabuuang halaga ng produksiyon ng
mga pangunahing industriya sa bansa.
A. National Income C. Income Approach
B. Expenditure Approach D. Industrial Origin Approach
3. Ito ay hindi maaaring isama sa pagsukat ng Gross Domestic Product
ng isang bansa.
A. Taxes and Subsidies
B. Net Factor Income from Abroad
C. Government Final Consumption Expenditure
D. Agriculture, Hunting, Forestry and Fishing production

4. Bakit kailangang masukat ang GNP/GNI at GDP ng isang bansa?


A. Upang malaman kung may korupsiyon sa pamahalaan.
B. Upang mapag-aralan ang desisyon sa pangungutang sa ibang
bansa.
C. Upang malaman ano dapat ang pagkakagastusan ng
pamahalaan.
D. Upang masuri kung ang ekonomiya ng isang bansa ay
umuunlad o hindi.

5. Bakit ang halaga ng mga tapos na produkto at serbisyo lamang ang


isinasama sa pagkuwenta ng GNP/GNI?
A. Upang maiwasan ang dalawang beses ng pagbibilang.
B. Upang malaman ang tunay na presyo ng tapos ng produkto.
C. Upang malaman kung ang produkto at serbisyo ay nabibilang
sa tapos ng produkto at serbisyo.
D. Upang ito ay maging batayan kung ang isang ekonomiya ay may
nagagawang produkto at serbisyo.
Balik – Aral
Venn Diagram
Pagkakaiba: Ang GNI/GNP ay kabuuang halaga ng mga produkto at serbisyo na nagawa
ng mamamayan ng isang bansa,kahit saang bahagi ng daigdig ito ginagawa, sa loob ng
isang takdang panahon samantalang ang GDP ay ang kabuuang pampamilihang halaga
ng mga tapos na produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng bansa kasama ang mga
dayuhang nasa loob ng bansa sa isang takdang panahon.
Pagkakatulad: Ang GNI at GDP ay parehong ginagamit na panukat sa pambansang kita
ng isang bansa. Ito ang magsasabi kung ang bansa ay umuunlad o hindi.
(puwedeng mabago ang sagot depende sa sagot ng bata)
Paunang Pagsusulit
1. F – Industrial Origin Approach
2. D – Income Approach
3. E – Expenditure Approach
4. B – Gross Domestic Product
5. A – Gross National Product
Pagsasanay
A.
1. Industrial Origin Approach
2. Net Primary Income from Abroad
3. Overseas Filipino Workers
4. Agrikultura
5. Statistical Discrepancy
SUSI SA PAGWAWASTO
Pagsasanay
B.
1. GNP = C + I + G + (X-M) + SD + NPIA
GDP = GNP – NPIA
2. GNP = 906,000,000
3. GDP = 851,000,000
4. Mahalagang malaman ang gastusin ng bawat sektor ng bansa para malaman
anong sektor ng bansa ang may malaking iniambag sa GNP ng bansa.
Paglalahat
Unang kahon: ang pambansang kita ay ang buwis na nakokolekta ng
pamahalaan.
Ikalawang kahon: Gross National Product/Gross National Income, Net Primary
Income from Abroad, Expenditure Approach, Income Approach, Industrial or
Origin Appoarch.
Ikatlong kahon: Ang GNP at GDP ang nagsusukat ng dami ng pinag-kukunang
yaman ng pambansang ekonomiya. Nailalarawan din ang kahandaan ng
pambansang ekonomiya na tugunan ang pangangailangan at kagustuhan ng
tao.
(Ang sagot ay mababago depende sa opinyon ng bata.)
Pagpapahalaga
Para sa akin masasabi ko na umuunlad naman ang ekonomiya ng bansa dahil
maraming pagbabago akong nakikita sa ating ekonomiya tulad ng mga
namumuhunan na nagbibigay ng trabaho sa mga tao. Pero ngayong panahon
ng pandemya masasabi ko na mahina ang ekonomiya ng bansa dahil sa mga
nagsaradong mga negosyo na naging daan upang marami ang mawalan ng
trabaho. Maraming OFW rin ang nawalan ng trabaho sa ibang bansa.
(Ang sagot ay magbabago depende sa opinyon ng bata)
Panapos na Pagsusulit
1. D 4. D
2. D 5. A
3. B
SANGGUNIAN

• Balitao, Bernard, Buising, Martiniano, Garcia, Edward, De Guzman,


Apollo, Lumibao Jr., Juanito, Mateo, Alex, at Modejar, Irene. 2015.
Ekonomiks Modyul para sa Mag-aaral. Pasig City: Vibal Group Inc.

• Balitao, Bernard, Rillo, Julia. 2004. Ekonomiks: Pagsulong at Pag-


unlad Makabayan. Serye. Quezon City: Vibal Publishing House Inc.

• Tullao, Tereso Jr. 2005. Unawain natin ang Ekonomiks sa Diwang


Pilipino. Mandaluyong: SIBS Publishing House.

• Villoria, Evelina, Cruz, Nilda, Rillo, Julia, at Lim, Alice. 2000.


Ekonomiks: Batayang Aklat para sa Ikaapat na Taon. Quezon City: SD
Publications Inc.

• Imperial, Consuelo, Antonio, Eleanor, Dallo, Evangeline, Samson,


Maria Carmelita, at Soriano, Celia. 2017. Kayamanan: Ekonomiks.
Sampaloc Manila: Rex Book Store Inc.

• Cervantes, Meriam at Balitao, Bernard. 2010. Sanayang Aklat sa


Bagong Kurikulum Ekonomiks. Quezon City: St. Jude Thaddeus
Publications.

You might also like