You are on page 1of 15

Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang

Ikatlong Markahan – Modyul 4: Pagsusuri sa Pambansang Kita


Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Aleah S. Siducon
Editor: Nora H. Talag / Arnaldo Santos
Tagasuri: Maricel F. Azcarraga
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Manuel A. Laguerta, Ed.D.
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division
Dr. Victor M. Javeña, Ed. D.
Chief, School Governance and Operations Division and

Education Program Supervisors


Librada L. Agon, Ed. D., EPP/TLE
Liza A. Alvarez, Science
Bernard R. Balitao. Araling Panlipunan
Joselito E. Calios, English
Norlyn D. Conde Ed. D., MAPEH
Wilma Q. Del Rosario, LRMS
Ma. Teresita E. Herrera, Ed. D., Filipino
Perlita M. Ignacio, Ph. D. ESP/SPED
Dulce O. Santos, Ed. D., Kinder/ MTB
Teresita P. Tagulao, Ed. D., Mathematics

Inilimbag sa Pilipinas ng Rizal High School


Department of Education – NCR, Division of Pasig City
Office Address: Dr. Sixto Antonio Ave. Caniogan, Pasig City
Contact No.: 8641-0472
Araling
Panlipunan
9
Ikatlong Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 4
Pagsusuri sa Pambansang Kita
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Modyul 4 para


sa araling Pagsusuri sa Pambansang Kita!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Dibisyon ng Pasig City na pinamumunuan ni Ma. Evalou
Concepcion A. Agustin, OIC Schools Division Superintendent at sa pakikipag
ugnayan sa Lokal na Pamahalaan ng Pasig sa pamumuno ng butihing Alkalde na si
Hon. Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang modyul na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo lalong lalo na ang 5 Cs (Communication, Collaboration,
Creativity, Critical Thinking and Character) habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Modyul 4 para


sa araling Pagsusuri sa Pambansang Kita!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan pagkatapos
mong makumpleto ang Modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo pang malaman
sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang I iyong matutuhan at naunawaan sa mga na unang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na ito.

MGA PAGSASANAY
Pagbibigay ng guro ng ibat ibang pagsasanay na dapat sagutan ng mga mag-
aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat bigyang
halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang pagkatuto ay
naiuugnay at nailalapat sa inyong mga pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Sa modyul na ito, inaasahang matututunan mo ang sumusunod:


1. Nakikilala ang mga palatandaan ng economic performance ng bansa;
2. Naihahambing ang Gross National Product sa Gross Domestic
Product; at
3. Nasusuri ang kahalagahan ng kabuuang pambansang produkto
bilang sukatan ng economic performance ng bansa.

PAUNANG PAGSUBOK

Pagtambalin
Panuto: Piliin sa hanay B ang wastong sagot sa mga tanong na nasa hanay A. Isulat
ang titik ng tamang sagot sa patlang baggo ang bilang.

Hanay A Hanay B

_____ 1. Yunit ng panukat na ginagamit sa pagsukat A. Economic


ng mga produkto at serbisyo. Indicators
_____ 2. Instrumento na maglalahad sa anumang B. Economic
narating na pagsulong at pag-unlad ng isang Performance
ekonomiya. C. Gross Domestic
_____ 3. Kabuuang produksiyon na nagawa ng mga Product
mamamayan ng bansa sa loob at labas ng bansa D. Gross National
sa loob ng isang taon. Income
_____ 4. Mga produkto at serbisyo na ginawa sa loob E. Market Value
ng bansa sa loob ng isang taon.
_____ 5. Pinagbabatayan ng pag-unlad ng isang bansa.
BALIK-ARAL
SEMANTIC WEB
Panuto: Punan ng tamang sagot ang mga kahon upang mabuo ang paikot na daloy
ng kita.

LUWAS ANGKAT

BUWIS BUWIS

PAG-IIMPOK
PAMUMUHUNAN

ARALIN

Panimula

Sa nakaraang aralin, inilarawan ang nagaganap na interaksyon ng iba’t


ibang sektor ng ekonomiya. Sa aralin na ito, aalamin naman kung paano
sinusukat ang pagganap ng ekonomiya.

Malalaman kung may pagsulong at pag-unlad sa ekonomiya ng isang bansa


sa pamamagitan ng pagsusuri sa economic performance nito. Mahalagang masuri
ang kakayahan ng isang ekonomiya dahil ito ang batayan kung nagagampanan ng
mahusay ng pamahalaan ang kaniyang gawain at tungkulin sa pamamagitan ng
paggamit ng economic indicators. Ang mga indicators na ito ay ang mga
instrumento na maglalahad sa anumang narating na pagsulong at pag-unlad ng
isang ekonomiya (Cervantes et al 2010, 101). Kabilang sa mga indicators na ito ang
Physical Quality of Life Index, Human Development Index, Gender Development
Index, Happiness Index, Misery Index at iba pa (Balitao et al 2010, 101). Ang
resulta ng pagsukat ng economic performance ng isang bansa ang magsisilbing
batayan ng bawat namumuno sa bansa upang gumawa ng kinakailangang
hakbang upang pag-ibayuhin pa o palakasin ang mga sektor ng nagpakita ng
kahinaan sa kanilang gampanin. Gagamitin rin ng mga economic managers ng
pamahalaan ang mga datos na ito upang maisagawa ang mga planong
pangkabuhayan sa mga darating na panahon. Layunin nito na matutukan o
mabigyan ng pansin ang mga kakulangan ng isang ekonomiya nang sa gayon ay
lalo pang mapalakas ang mga natukoy na kahinaan nito.

Gross National Economic Gross Domestic


Product Performance Product

kabuuang produksiyon ng kabuuang produksiyon


mga mamamayan ng bansa sa loob ng bansa

Sa mga nabanggit na indicators kalimitang ginagamit ang kabuuang


pambansang produkto o Gross National Product (GNP) na kilala rin bilang
kabuuang pambansang kita o Gross National Income (GNI) upang masukat ang
kalagayan ng ekonomiya ng isang bansa. Ginagamit ito ng halos lahat ng bansa sa
buong daigdig dahil ang mga datos ay mas kapani-paniwala, madaling maunawaan
at tinatanggap ng nakararami.

Si Simon Kuznets, isang ekonomistang Amerikano, ang pinaniniwalaang


“Ama ng Gross National Product . Binuo niya ang detalyadong paraan ng pagsukat
sa pambansang kagalingang pang-ekonomiko noong siya ay nasa National Bureau
of Economic Research sa United States of America. Sa kanyang aklat na National
Income and Its Composition, binuo ni Kuznets ang konsepto at ipinaliwanag ang
pamamaraan na naging dahilan upang mabuo ang kasalukuyang paraan ng
pagsukat sa pambansang kita.

Kahulugan ng Gross National Product/Gross National Income

Ang Gross National Product na sa kasalukuyan ay tinatawag ring Gross


National Income ay ang kabuuang halaga ng mga produkto at serbisyo na nabuo
ng isang bansa sa loob ng isang takdang panahon na kalimitang quarterly o yearly
(Balitao et al 2010,101). Ang National Statistical Coordination Board (NSCB) sa
ilalim ng pamumuno ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang ahensiya ng
pamahalaan ang naatasang mangalap ng datos tungkol dito. Ang lahat ng
produkto at serbisyo ay sinusukat sa pamamagitan ng isang yunit ng panukat na
tinatawag ng pamilihang halaga (market value) gamit ang salaping umiiral sa isang
bansa tulad ng piso sa kaso ng Pilipinas at Yen sa bansang Japan.

Tanging ang halaga ng mga tapos na produkto at serbisyo lamang ang


isinasama sa pagkuwenta ng Gross National Product. Binubuo ito ng mga
produkto na hindi na kailangang iproseso bago ikonsumo upang maiwasan ang
dalawang beses na pagbibilang. Halimbawa, kung ang tubǒ ay ibibilang sa GNP at
ibibilang din ang halaga ng asukal na gumamit ng tubǒ bilang pangunahing
sangkap, maliwanag na dalawang beses ibinilang ang tubǒ. Upang ito ay
maiwasan, hindi na isinasama ang halaga ng tubǒ bilang tapos na produkto, sa
halip ibinibilang na lamang ang halaga ng asukal na kasama na ang halaga ng
tubǒ.

Pagkakaiba ng Gross National Product (GNP) sa Gross Domestic Product (GDP)


Kung sinusukat ng Gross National Product ang kabuuang pampamilihang
halaga ng lahat ng tapos na kalakal at paglilingkod na nabuo sa loob ng isang
takdang panahon ng mga salik ng produksiyong pag-aari ng mga mamamayan ng
isang bansa, kahit saang bahagi ng daigdig ito nagawa, ang Gross Domestic
Product naman ay sumusukat sa kabuuang pampamilihang halaga ng lahat ng
tapos na kalakal at paglilingkod na ginawa sa loob ng isang takdang panahon ng
mga salik ng produksiyong matatagpuan sa loob ng bansa lamang kabilang ang
mga nabuong produkto at serbisyo ng mga dayuhang nasa loob ng bansa
(Cervantes et al 2010, 101). Halimbawa, ang isang negosyanteng dayuhan na may
negosyo sa bansa.
Ang kita ng dayuhang negosyante na
nabuo sa loob ng bansa ay kabilang sa pagsukat
ng Gross Domestic Product ng Pilipinas dahil
nabuo ito sa loob ng bansa. Subalit hindi
ibibilang sa Gross National Product ng Pilipinas
ang kinita ng dayuhan dahil hindi sila kabilang
sa mga mamamayan ng bansa. Sa kabilang
banda, ang kinita ng dayuhang negosyante sa
Pilipinas ay ibinibilang sa Gross National Product
ng kanyang bansang kinabibilangan.
larawan mula sa deped
images bank

Halimbawa, ang kinita ng isang Overseas


Filipino Workers (OFW) na nagtatrabaho sa
Saudi Arabia ay ibinibilang sa Gross Domestic
Product ng Saudi Arabia dahil nabuo ito sa loob
ng nasabing bansa ngunit hindi kabilang sa
Gross National Product ng bansang nabanggit.
Samantala ang kinita ng OFW ay binibilang
naman sa Gross National Product ng Pilipinas
dahil bagamat sila ay naghahanapbuhay sa
ibang bansa, sila ay kabilang naman bilang
mamamayan ng Pilipinas.

Ang Gross National Income ay instrumento ng pamahalaan upang iulat sa


mamamayan ang bunga ng kanilang pamamalakad. Ito ay itinuturing na panukat
ng kalagayan ng isang ekonomiya. Sa pamamagitan ng GNI ay mababatid ang mga
sektor na lubusang nakapag-ambag sa kaunlaran ng bansa. Kaya, taon-taon ay
kinukuwenta ang GNI upang makita ang takbo ng ekonomiya (Imperial et al 2017,
220).

Kahalagahan ng Pagsukat sa Pambansang Kita


Ayon kay Campbell R. McConnell at Stanley Brue sa kanilang Economics
Principles, Problems and Policies (1999), ang kahalagahan ng pagsukat sa
pambansang kita ay ang sumusunod:
1. Ang sistema ng pagsukat sa pambansang kita ay nakapagbibigay ng ideya
tungkol sa antas ng produksiyon ng ekonomiya sa isang partikular na taon
at maipaliwanag kung bakit ganito kalaki o kababa ang produksiyon ng
bansa.
2. Sa paghahambing ng pambansang kita sa loob ng ilang taon,
masusubaybayan natin ang direksiyon na tinatahak ng ating ekonomiya at
malalaman kung may nagaganap na pag-unlad o pagbaba sa kabuuang
produksiyon ng bansa.
3. Ang nakalap na impormasyon mula sa pambansang kita ang magiging gabay
ng mga nagpaplano sa ekonomiya upang bumuo ng mga patakaran at
polisiya na makapagpapabuti sa pamumuhay ng mga mamamayan at
makapagpapataas sa economic performance ng bansa.
4. Kung walang sistematikong paraan sa pagsukat ng pambansang kita, haka-
haka lamang ang magiging basehan na walang matibay na batayan. Kung
gayon, ang datos ay hindi kapani-paniwala.
5. Sa pamamagitan ng National Income Accounting, maaaring masukat ang
kalusugan ng ekonomiya.

PAGSASANAY

A. Smile Ka Rin
Panuto: Iguhit ang nakangiting mukha ( ) kung ang pangungusap ay tama at
kung mali iguhit ang malungkot na mukha ( ) sa patlang bago ang bilang.

_____1. Si Ginang Valencia ay may pabrika ng sapatos. Ang halaga ng balat na


ginamit sa paggawa ng sapatos ay ibinibilang sa pagsukat ng Gross
Domestic Product (GDP).
_____2. Si Ara ay Overseas Filipino Workers (OFW) sa Qatar kaya isinasama ang
kaniyang kita sa pagsukat ng Gross National Product (GNP) ng Pilipinas.
_____3. Sinusukat ang Gross National Product (GNP) kung nagagampanan nang
mahusay ng pamahalaan ang kaniyang mga gawain at tungkulin sa
pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa.
_____4. Si Ruby ay domestic helper sa France kaya kabilang ang kaniyang kita sa
Gross Domestic Product (GDP) ng bansang France.
_____5. Ang kinita ng isang Indiano na namamasukan sa Pilipinas ay kabilang sa
pagsukat ng Gross National Product (GNP) ng bansang India.
B. Venn Diagram

Panuto: Gamit ang venn diagram, ipaliwanag ang pagkakapareho at


pagkakaiba ng Gross National Product (GDP) at Gross Domestic Product (GDP).

PAGLALAHAT

Dayagram
Panuto: Gamit ang dayagram, ipaliwanag ang kahalagahan ng pagsukat ng
economic performance ng isang bansa.

Gross National
Product/Gross National

Economic
Indicators
Gross Domestic
Product

PAGPAPAHALAGA

Ibalita Mo!

Ipagpalagay na ikaw ay isang ekonomista ng ating bansa at hinihingan ka ng


opinyon ng isang pahayagan sa ating bansa tungkol sa kasalukuyang takbo ng
ekonomiya ng Pilipinas. Ano ang rating na ibibigay mo sa takbo ng ating
ekonomiya (10 ang pinakamataas at 1 ang pinakamababa). Bakit?
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Piliin ang titik ng pinakatamang sagot. Isulat ito sa patlang bago ang
bilang.

1. Paano malalaman kung may narating na pagsulong at pag-unlad ang


ekonomiya ng isang bansa?
A. sa pagsukat ng Gross National Income
B. sa pagsusuri ng economic performance
C. sa paggamit ng mga economic indicators
D. sa pag-alam sa National Income Accounting

2. Ayon sa Philippine Statistics Authority, ang Pilipinas ay gumagamit ng


tinatawag ng leading economic indicators maliban sa isa. Anong
economic indicators ito?
A. Birth Rate C. Stock Price Index
B. Consumer Price Index D. Foreign Exchange Rate

3. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng katotohanan


hinggil sa Pambansang Kita?
A. Ito ang nagsisilbing batayan upang matukoy ang katatagan ng
isang bansa.
B. Ito ang nagsisilbing batayan upang maging masagana ang
buhay ng bawat isa.
C. Ito ang nagsisilbing batayan upang makamit ng bansa ang
hinahangad na pagsulong.
D. Ito ang nagsisilbing batayan upang makabuo ng masusing
planong pang-ekonomiya.

4. Paano sinusukat ang GNI o Gross National Income ng isang bansa?


A. Pagsipat ng dami ng produkto na nalikha sa bansa.
B. Pagsusuri ng antas ng pasahod ng mga korporasyon.
C. Paggamit ng salapi ng ibang bansa gaya ng dolyar ng US.
D. Pagbilang sa kinita ng mga dayuhang negosyante sa bansa.

5. Bakit ang halaga ng mga tapos na produkto at serbisyo lamang ang


isinasama sa pagkuwenta ng GNP/GNI?
A. Upang maiwasan ang dalawang beses ng pagbibilang.
B. Upang malaman ang tunay na presyo ng tapos ng produkto.
C. Upang malaman kung ang produkto at serbisyo ay nabibilang
sa tapos ng produkto at serbisyo.
D. Upang ito ay maging batayan kung ang isang ekonomiya ay may
nagagawang produkto at serbisyo.
Balik – Aral
a. luwas ibang bahagi ng mundo angkat
b. bahay kalakal buwis pamahalaan buwis sambahayan
c. pamumuhunan institusyong pampinansiyal pag-iimpok
Paunang Pagsusulit
Pagtambalin
1. E
2. A
3. D
4. C
5. B
Pagsasanay
Smile ka rin!
1.malungkot
2.nakangiti
3.malungkot
4.nakangiti
5.nakangiti
SUSI SA PAGWAWASTO
Pagsasanay
Venn Diagram
Pagkakaiba: Ang GNI/GNP ay kabuuang halaga ng mga produkto at serbisyo na
nagawa ng mamamayan ng isang bansa,kahit saang bahagi ng daigdig ito
Sanggunian
ginagawa, sa loob ng isang takdang panahon samantalang ang GDP ay ang
kabuuang pampamilihang halaga ng mga tapos na produkto at serbisyo na
ginawa sa loob ng bansa kasama ang mga dayuhang nasa loob ng bansa sa
isang takdang panahon.
Pagkakatulad: Ang GNI at GDP ay parehong ginagamit na panukat sa
pambansang kita ng isang bansa. Ito ang magsasabi kung ang bansa ay
umuunlad o hindi.
(puwedeng mabago ang sagot depende sa sagot ng bata)
Paglalahat
Ang economic performance ay sinusukat ng pamahalaan upang malaman ang
antas ng kaunlaran na natatamo ng bansa. Gumagamit ang pamahalaan ng
economic indicators upang maging epektibo ang pagsukat ng pag-unlad ng
bansa. Ang dalawang economic indicators na ginagamit sa bansa ay ang Gross
National Income na kilala rin bilang Gross National Product at ang Gross
Domestic Product. Ang Gross National Income ay pagsukat ng pambansang kita
na kung saan ang isinasama rito ay ang halaga ng tapos ng produkto at
serbisyo na ginawa ng mamamayan ng bansa kahit nasa ibang panig ito ng
daigdig samantalang ang Gross Domestic Product ay sinusukat ang halaga ng
mga tapos na produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng bansa kasama ang
mga dayuhang naninirahan dito. (puwedeng mabago ang sagot)
Pagpapahalaga
Bibigyan ko ang Pilipinas ng rating na 8 dahil kung ating susuriin ang
ekonomiya nito ngayon ay maayos naman dahil maraming investors ang nag-
invest sa bansa at tumaas ang remittance ng mga OFW subalit may mga
problema ang bansa na hindi pa nabibigyang solusyon ng pamahalaan katulad
ng suliranin sa korupsiyon sa pamahalaan.
(Ang sagot ay magbabago depende sa opinyon ng bata)
Panapos na Pagsusulit
1. A 4. A
2. A 5. A
3. A
SANGGUNIAN

• Balitao, Bernard, Buising, Martiniano, Garcia, Edward, De Guzman,


Apollo, Lumibao Jr., Juanito, Mateo, Alex, at Modejar, Irene. 2015.
Ekonomiks Modyul para sa Mag-aaral. Pasig City: Vibal Group Inc.

• Balitao, Bernard, Rillo, Julia. 2004. Ekonomiks: Pagsulong at Pag-


unlad Makabayan. Serye. Quezon City: Vibal Publishing House Inc.

• Tullao, Tereso Jr. 2005. Unawain natin ang Ekonomiks sa Diwang


Pilipino. Mandaluyong: SIBS Publishing House.

• Villoria, Evelina, Cruz, Nilda, Rillo, Julia, at Lim, Alice. 2000.


Ekonomiks: Batayang Aklat para sa Ikaapat na Taon. Quezon City: SD
Publications Inc.

• Imperial, Consuelo, Antonio, Eleanor, Dallo, Evangeline, Samson,


Maria Carmelita, at Soriano, Celia. 2017. Kayamanan: Ekonomiks.
Sampaloc Manila: Rex Book Store Inc.

• Cervantes, Meriam at Balitao, Bernard. 2010. Sanayang Aklat sa


Bagong Kurikulum Ekonomiks. Quezon City: St. Jude Thaddeus
Publications.

You might also like