You are on page 1of 16

Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang

Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang


Ika-apat na Markahan – Modyul 13: Sektor ng Paglilingkod at Ekonomiya ng Bansa
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Christopher O. Ruinata
Editor/Tagasuri: Arnaldo Santos and Nelia Reynera
Tagasuring Teknikal: Pedro B. Cenera
Tagaguhit: Ernesto D. Tabios
Tagalapat: Ernesto D. Tabios
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, CESE
Assistant Schools Division Superintendent
Manuel A. Laguerta, Ed.D.
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division
Victor M. Javeña Ed.D.
Chief, School Governance and Operations Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P.
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ngTagulao EdD– (Mathematics/ABM)
Edukasyon Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Araling Panlipunan
9
Ika-apat Markahan
Modyul Para sa Sariling Pagkatuto 15
Ang Sektor ng Paglilingkod at Ekonomiya
ng Bansa
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Modyul13 para
sa araling Ang Sektor ng Paglilingkod at Ekonomiya ng Bansa.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 9 ng Modyul 13 para sa


araling Ang Sektor ng Paglilingkod at Ekonomiya ng Bansa. Ang modyul na ito
ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka
sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN
Sa modyul na ito, inaasahang matututuhan mo ang sumusunod:

1. Nasuri ang bahaging ginagampanan ng sektor ng paglilingkod;


2. Naipaliwanag ang ginagampanan at kalidad ng mga manggagawang Pilipino
sa sektor ng paglilingkod sa bansa; at
3. Napahalagahan ang mga institusyon at mga programang nakatutulong sa
sektor ng Paglilingkod.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat ahensya ng pamahalaan sa hanay


A at hanapin ang layunin ng mga ito sa hanay B. Pagtapatin ang mga ito sa
pamamagitan ng pagsulat sa patlang ng titik na may tamang impormasyon sa
bawat bilang.
Hanay A Hanay B
_____ 1. Department of A. Layunin nito ang isulong at paunlarin ang mga
Education programa ukol sa paghahanapbuhay sa ibayong
dagat at pangalagaan ang kapakanan ng mga
_____ 2. Department of Labor Overseas Filipino Workers.
& Employment B. Isinusulong ng batas na ito na hikayatin ang
_____ 3. Philippine Overseas buong partisipasyon ng industriya, paggawa, mga
lokal na pamahalaan, at mga institusyong
Employment teknikal at vocational upang sanayin at paunlarin
ang kasanayan ng mga manggagawa sa bansa.
Administration
C. Ito ang ahensiyang nagsasagawa ng
_____ 4. Professional Regulation integrasyon sa curriculum ng elementary at
Commission sekundarya.

_____ 5. Technical Education


D. Ito ang ahensiya ng pamahalaan na
nagsusulong ng malaking pagkakataon para sa
and Skills Development pagtatrabaho, humuhubog sa kakayahan at
nangangalaga sa kapakanan ng mga manggagawa
Authority at nagpapanatili sa kaayusan at kapayapaan sa
industriya ng paggawa sa bansa.
E. Ito ang ahensiya ng pamahalaan na itinatag
upang mangasiwa at sumubaybay sa gawain ng
mga manggagawang propesyunal upang matiyak
ang kahusayan sa paghahatid ng mga serbisyong
propesyunal sa bansa.
BALIK-ARAL

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Bilugan ang


tamang sagot sa bawat bilang.

1. Ito ang pangunahing gawain sa pang-ekonomikong sektor ng agrikultura.


A. Pagtotroso B. Pagmimina C. Paggugubat D. Pangangaso
2. Ang maitaas ang antas ng pamumuhay sa pamamagitan ng pagtuturo o
paglilipat ng kaalaman ng wastong teknolohiya ng paglinang ng yamang-
gubat ang layunin ng programang ito.
A. NIPAS B. DENR C. CLASP D. SIGA
3. Ito ang programa ng gobyerno para sa reforestation sa ilalim ng Executive Order
(EO) 193 na inilabas noong 2015.

A. ENGP B. CLASP C. DENR D. NIPAS


4. Layunin ng programang ito na mabigyan ng proteksiyon o pangangalaga ang
kagubatan at ang mga likas na pananim at hayop na matatagpuan dito.

A. ENGP B. CLASP C. DENR D. NIPAS


5. Ang pagtuturo sa mga estudyante na magtanim ng medium-sized flowering trees
katulad ng konsepto ng cherry blossoms sa Japan na ginaya ng Pilipinas sa
pamamagitan ng pagtatanim ng mga gulay sa kanyang mga paaralan ang layunin
ng programang ito.

A. NIPAS B. DENR C. CLASP D. SIGA

ARALIN

Sa ekonomiya ng isang bansa, hindi lamang mga produkto tulad ng mga


damit, gamot, bahay, at pagkain ang kailangan ng mga mamamayan. Kaalinsabay
ng kaunlarang pang-ekonomiya ay ang karagdagang pangangailangan para sa mga
taong bumubuo sa sektor ng paglilingkod. Ito ang sektor na gumagabay sa buong
yugto ng produksyon, distribusyon, kalakalan, at pagkonsumo ng mga produkto sa
loob o labas ng bansa. Ang sektor ng paglilingkod din ay maaring pampamayanan,
panlipunan, o personal. Sa pangkalahatan, ang paglilingkod ay ang pagbibigay ng
serbisyo sa halip na bumuo ng produkto o kagamitang kailangan ng tao.
Kabilang sa sektor ng paglilingkod ang mga serbisyong ibinibigay ng mga
abogado, sundalo, pulis, guro, doktor, masahista, labandera, barbero, pintor,
karpintero, salamangkero, bumbero, at iba pang uri ng pagbibigay ng serbisyo sa
ibang tao.

Paano nga ba nabuo ang sektor ng paglilingkod? Sa mga nakalipas na


kasaysayan ng tao sa mundo, ipinapakita rito ang malaking pagbabago sa paraan
ng pamumuhay ng mga lipunan. Dahil sa pagbabagong ito, lumawak ang
pangangailangan at kagustuhan ng tao para sa paglilingkod. Ang pagkakaroon ng
espesyalisasyon sa paggawa sa iba’t ibang larangan ang nagturo ng landas para sa
episyente o mahusay na paraan ng pagbibigay ng paglilingkod o serbisyo sa mga
taong nangangailangan nito. Maraming gawain ang mga tao ang hindi nila
matugunan sa sarili kakayahan lamang kung kaya’t malaking tulong ang
paghahatid ng iba’t ibang paglilingkod mula sa iba.

Ang espesyalisasyon sa paggawa ay tumutukoy sa pagkakaroon ng sapat na


kaalaman, kasanayan at kagamitan upang gawin ang isang kalakal o paglilingkod.
Nagiging mas mura at mas kapakipakinabang ang paggawa ng ibang tao sa isang
kalakal o serbisyo sa halip na gawin ng nangangailangan.
Ang mga sumusunod ay bumubuo sa sub-sektor ng paglilingkod: 1.)
transportasyon, komunikasyon, at mga imbakan 2.) kalakalan 3.) pananalapi 4.)
paupahang bahay at real estate 5.) paglilingkod na pampribado, at paglilingkod na
pampubliko.
1. Transportasyon, komunikasyon, at mga Imbakan. Binubuo ito ng mga
paglilingkod na nagmumula sa pagbibigay ng publikong sakayan, mga paglilingkod
ng telepono, at mga pinapaupahang bodega.
2. Kalakalan. Ito ay mga gawaing may kaugnayan sa pagpapalitan ng iba’t-
ibang produkto at paglilingkod. Isang napapanahong halimbawa ang Online Selling
na biglang umusbong at mabilis na dumami sa ating bansa. Bagamat maraming
maliliit na online sellers ang hindi naman nagbibigay ng tax sa ating pamahalaan
ito ay nakakatulong din dahil sa mga free delivery services ng mga ito lalo na ang
kalakalan na nagaganap lamang sa loob ng isang bayan o lungsod o kaya’y sa
kalapit na mga lugar.
3. Pananalapi. Kabilang dito ang mga paglilingkod na binibigay ng iba’t
ibang institusyong pampinansiyal tulad ng mga bangko, bahaysanglaan,
remittance agency, foreign exchange dealers at iba pa.
4. Paupahang bahay at Real Estate. Ito ay bumubuo sa mga paupahan
tulad ng mga apartment, mga developer ng subdivision, town house, at
condominium.
5. Paglilingkod na Pampribado. Ito ay tumutukoy sa lahat ng mga
paglilingkod na nagmumula sa pribadong sektor. Ang Business Process Outsourcing
(BPO) na higit pang sumikat at umunlad ngayon dahil sa sub-sektor nitong Call
Center Industries (CCI) ay isang perpektong halimbawa ng pampribadong
paglilingkod na umusbong sa ating panahon lalo na ngayon. Dahil sa pandemya
bunsod ng Covid-19 ay nauso na rin ang tinatawag na work from home sa
maraming manggagawang pilipino. Sa madaling sabi, ang pampribadong
paglilingkod ay isang sistema ng pagkuha ng serbisyo ng pribadong kompanya
upang gampanan ang ilang aspekto ng operasyon ng isang kliyenteng kompanya.
Sa kabilang banda, ang paglilingkod na pampubliko naman ay tumutukoy sa
lahat ng paglilingkod na ipinagkakaloob ng pamahalaan. Kadalasan ay mga
lisensya ang mga permanenteng tagapaglingkod o empleyado ng pamahalaan.

Nangungunang Destinasyon ng BPO ng Pilipinas

Noong una, nagsimula ang mga serbisyo sa call center ng Pilipinas sa Metro
Manila, ngunit hindi lamang ito ang lugar na may kakayahang tumupad sa
hinihingi, dumaraming pangangailangan ng industriya ng BPO. Kasama ang
Maynila, may iba pang itinatag na mga hub ng BPO. Kasama sa mga hub na ito
ang Metro Clark, Bacolod City, at Metro Cebu.

Ang mga sumusunod ay mga pangalan bilang susunod na Wave Cities:

Lungsod ng Cagayan de Oro Lungsod ng Dumaguete


Lungsod ng Baguio Lungsod ng Malolos
Lungsod ng Dasmarinas Lungsod ng Rosa
Lungsod ng Dagupan Lungsod ng Naga
Lungsod ng Lipa Lungsod ng Tagaytay

Ang mga lungsod na ito ay nagpakita ng mga potensyal sa mga tuntunin


ng imprastraktura, gastos, talento, at kapaligiran ng negosyo. Ang mga
sumusunod na lugar, sa isa pang tala, ay pinangalanan bilang mga bagong
umusbong na lungsod o mga lugar na malamang na maging susunod na mga
lungsod ng wave:
Lungsod ng Balanga Lungsod ng Puerto Princesa
Lungsod ng Batangas Lungsod ng Roxas
Lungsod ng Iriga Lungsod ng Tarlac
Laoag City Lungsod ng Tuguegarao
Lungsod ng Legazpi Lungsod ng Zamboanga

Source: https://www.slideshare.net/GesaMayMargaretteTuz/sektor-ng-
paglilingkod?fbclid=IwAR0O6pibhaBD8_9tQ0WywMzmidWylr921Fdz8gFFxa-9uzoOXu77FGsksug
Ang isa pa sa mga serbisyong paglilingkod na umusbong sa panahon natin
ngayon ay ang tinatawag na online selling o online shopping. Ayon kay Tarun
Mittal (2017), ang online shopping ay nakakatulong sa mga tao na mamili ng
maayos at walang pagod habang nasa bahay lamang. Hindi na kailangan
maghanap kung saan saan at hindi na rin kailangan tumawad upang makakuha
ng mababang presyo.

Mas pinipili na ng mga Filipino ang pagbili ng mga produkto gamit ang
online Shopping dahil sa mas madali, mas abot-kaya ang presyo at mas sigurado
sila sa kaligtasan ng kanilang pamimili (Manila Times, 2014). Ang Online Shopping
din ang isa na ngayon sa paraan ng madaliang pagbili ng mga gamit at damit para
sa mga taong wala ng oras makalabas sa kanilang mga hektik na iskedyul (Ice
Cube Digital, 2018).
Sa kabilang dako, may mga suliranin ding kinakaharap ang pagtangkilik ng
mga tao sa Online Shopping. Ayon sa isang blog na may pamagat na “Problems
Customers Face While Shopping Online” (Ice Cube Digital, 2018) ang mga mamimili
ay may sampung mabibigat na problema na hinaharap sa makabagong
teknolohiya. Ang mga suliranin na hinaharap ng mga mamimili ay ang
paghahanap sa dekalidad at walang depekto na produkto, inventory ng mga gamit
na binebenta, pagpapadala ng produkto mula sa seller patungo sa konsumer,
paraan ng pagpapadala ng bayarin, mga nakatagong dagdag bayad, di malinaw na
mga polisiya, magulong website, at hindi atraktibong disenyo sa website ng
produkto. Ilan lamang ang mga ito sa napakarami pang suliranin sa pagtangkilik
ng mga mamimili sa Online Shopping.

Suportado naman ng Department of Trade and Industry (DTI) ang online


selling o electronic commerce lalo’t nasa gitna ng krisis ang bansa. Ngunit paalala
ng DTI, dapat naka-rehistro ito maging ang gagamiting delivery service, at ang
presyo ng produkto ay kailangang nakasunod sa itinakdang suggested retail price
ng ahensiya. Babala ng DTI, maaaring kasuhan ang online sellers na
magpapatupad ng overpricing o kung iba ang itsura ng idi-deliver nilang produkto
kumpara sa nakapaskil sa kanilang online page.

“Kung ano ang naka-advertise doon sa online page mo sa social media page,
kailangan iyon mismo ang ide-deliver mo sa tao,” ani DTI Undersecretary Ruth
Castelo. “Hindi y’ong fine-fake mo lang y’ong advertisement mo para lang
makaengganyo ka ng pagbili pero hindi naman ‘yon y’ong actual na ipapa-deliver
mo doon sa tao because it is going to be a crime,” dagdag pa ni Castelo. – RRD
(mula sa ulat ni Correspondent Asher Cadapan Jr.)

MGA AHENSIYANG TUMUTULONG SA SEKTOR NG PAGLILINGKOD


Department of Labor & Employment. Ito ang ahensiya ng pamahalaan na
nagsusulong ng malaking pagkakataon para sa pagtatrabaho, humuhubog sa
kakayahan at nangangalaga sa kapakanan ng mga manggagawa at nagpapanatili
sa kaayusan at kapayapaan sa industriya ng paggawa sa bansa.
Overseas Workers Welfare Administration. Ito ang ahensiya na tumitingin sa
kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers.
Philippine Overseas Employment Administration. Ang ahensiya na itinatag sa
bisa ng Executive Order 797 noong 1982 na may layuning isulong at paunlarin ang
mga programa ukol sa paghahanapbuhay sa ibayong dagat at pangalagaan ang
kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers.
Technical Education and Skills Development Authority. Ang ahensiya ng
pamahalaan na itinatag sa bisa ng Republic Act 7796 noong 1994. Pinirmahan ito
ni Pangulong Fidel V. Ramos noong Agosto 25, 1994. Isinusulong ng batas na ito
na hikayatin ang buong partisipasyon ng industriya, paggawa, mga lokal na
pamahalaan, at mga institusyong teknikal at vocational upang sanayin at
paunlarin ang kasanayan ng mga manggagawa sa bansa.
Professional Regulation Commission. Ito ang ahensiya ng pamahalaan na
itinatag upang mangasiwa at sumubaybay sa gawain ng mga manggagawang
propesyunal upang matiyak ang kahusayan sa paghahatid ng mga serbisyong
propesyunal sa bansa.
Department of Education. Ito ang ahensiyang nagsasagawa ng integrasyon sa
curriculum ng elementary at sekundarya; ang mga kasanayang naghuhubog sa mga
mag-aaral bilang paghahanda sa larangan ng mga gawaing vocational,
pantahanan, entrepreneurship, at mga kasanayan sa buhay na makakatulong
upang mabuhay ang pamilya at madagdagan ang kanilang kita.
Commission on Higher Education. Ito ang ahensiya ng pamhalaan na
nangangasiwa sa gawain ng mga pamantasan at kolehiyo sa bansa upang
maiangat ang kalidad ng edukasyon sa higit pang mataas na antas.

Masasabing backbone o matibay na suporta ng ekonomiyang pangkaunlaran


ang sektor ng paglilingkod lalo na sa panahon ngayon ng pandemya. Sa
pangkalahatan, ang sektor na ito ay nakapag-aambag ng malaking kita sa Gross
Domestic Product o Pambansang Kita ng ating bansa.
MGA PAGSASANAY
Gawain 1: TAMA o MALI
Panuto: Basahin at unawin ang bawat pahayag ng bawat bilang. Isulat sa patlang
ang Tama kung totoo ang pahayag o Mali naman kung hindi totoo batay
sa natalakay na paksa.
_____ 1. Ang paglaganap ng online selling o e-commerce ngayon panahon ng
pandemya ay suportado ng Department of Trade and Industry o DTI.
_____ 2. Ang work from home scheme ng mga call center agents ay alternatibo
upang maipagpatuloy ang operasyon ng mga Business Process
Outsourcing (BPO).
_____ 3. Bumaba ang productivity rate ng ekonomiya ng bansa dahil sa covid_19.
_____ 4. Dahil sa patuloy nang paglawak at pag-unlad ng pamumuhay ng tao ay
lumiit o kumonte naman ang pangangailangan ng tao para sa sektor ng
paglilingkod o pagbibigay serbisyo.
_____ 5. Mas pinipili na ng mga Filipino ang pagbili ng mga produkto gamit ang
online Shopping dahil sa mas madali, mas abot-kaya ang presyo at mas
sigurado sila sa kaligtasan ng kanilang pamimili.

Gawain 2: Human Organizer

Panuto: Pumili ng limang (5) salitang pang-uri at isulat ito sa coupon card. Idikit
ang coupon card sa iba’t ibang parte ng katawan ng isa sa miyembro ng
pamilya. Ipaliwanag ang ginagampanan at kalidad ng mga manggagawang
Pilipino sa sektor ng paglilingkod sa bansa gamit ang limang salita na
napili.

Gawain 3: I-Slogan Mo-Paliwanag Mo

Panuto: Gumawa ng isang slogan na nagpapaliwanag sa ginagampanan at kalidad


ng mga manggagawang Pilipino sa sektor ng paglilingkod sa bansa.
PAGLALAHAT

Pag-uulat ng Natutunan

Panuto: Kumpletuhin ang pahayag sa ibaba batay sa iyong natutunan.

Bigyan katwiran ang sagot.

Ang natutunan ko sa paksang tinalakay ay ________________________

___________________________________________________________________.

PAGPAPAHALAGA
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang pahayag sa ibaba. Dugtungan
ng tamang konsepto ayon sa iyong pagpapahalaga sa sinimulang
pahayag.

Bilang pagpapahalaga sa mga ahensiya ng pamahalaan na


tumutulong sa sektor ng paglilingkod sa panahon ng pandemya,
ako ay __________________________________________________________
_________________________________________________________________.
PANAPOS NA PAGSUBOK

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang pangungusap sa bawat bilang.

Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ang ahensiya na tumitingin sa kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers.


A. Overseas Workers Welfare Administration
B. Philippine Overseas Employment Administration
C. Department of Labor & Employment
D. Professional Regulation Commission
2. Ang ahensiya na itinatag sa bisa ng Executive Order 797 noong 1982 na may
layuning isulong at paunlarin ang mga programa ukol sa paghahanapbuhay sa
ibayong dagat at pangalagaan ang kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers.
A. Overseas Workers Welfare Administration
B. Philippine Overseas Employment Administration
C. Department of Labor & Employment
D. Professional Regulation Commission
3. Ito ang ahensiya ng pamahalaan na nagsusulong ng malaking pagkakataon para
sa pagtatrabaho, humuhubog sa kakayahan at nangangalaga sa kapakanan ng
mga manggagawa at nagpapanatili sa kaayusan at kapayapaan sa industriya ng
paggawa sa bansa.
A. Overseas Workers Welfare Administration
B. Philippine Overseas Employment Administration
C. Department of Labor & Employment
D. Professional Regulation Commission
4. Ito ang ahensiya ng pamahalaan na itinatag upang mangasiwa at sumubaybay
sa gawain ng mga manggagawang propesyunal upang matiyak ang kahusayan sa
paghahatid ng mga serbisyong propesyunal sa bansa.
A. Overseas Workers Welfare Administration
B. Philippine Overseas Employment Administration
C. Technical Education and Skills Development Authority
D. Professional Regulation Commission
5. Ang ahensiya ng pamahalaan na itinatag sa bisa ng Republic Act 7796 noong
1994 at pinirmahan ito ni Pangulong Fidel V. Ramos noong Agosto 25, 1994.
A. Overseas Workers Welfare Administration
B. Philippine Overseas Employment Administration
C. Technical Education and Skills Development Authority
D. Professional Regulation Commission
SUSI SA PAGWAWASTO
Paunang Pagsubok: 1.C 2.D 3.A 4.E 5.B

Balik Aral: 1.C 2.C 3.A 4.D 5.D

Pagsasanay 1: 1.TAMA 2.TAMA 3.TAMA 4.MALI 5.TAMA


Pagsasanay 2: Ang sagot ng bawat mag-aaral ay batay sa kanyang natutunan
mula sa pakyang tinalakay.

Pagsasanay 3: Ang sagot ay batay sa personal na pagpapahalaga ng bawat


mag-aaral ayon sa natutunang paksa.

Paglalahat: Ang sagot ng bawat mag-aaral ay batay sa kanyang natutunan


mula sa pakyang tinalakay.
Pagpapahalaga: Ang sagot ay batay sa personal na pagpapahalaga ng bawat
mag-aaral ayon sa natutunang paksa.

Panapos na Pasusulit: 1.A 2.B 3.C 4.D 5.C

SANGGUNIAN
• Bernard R. Balitao, Martiniano D. Buising, Edward D.J. Garcia, Apollo D. De
Guzman, Juanito L. Lumibao Jr., Alex P. Mateo, at Irene J. Modejar, mga manunulat.
Ekonomiks, Modyul para sa Mag-aaral. Department of Education, 2015.
• https://www.slideshare.net/GesaMayMargaretteTuz/sektor-ng-
paglilingkod?fbclid=IwAR0O6pibhaBD8_9tQ0WywMzmidWylr921Fdz8gFFxa-
9uzoOXu77FGsksug
• https://hitratesolutions.com/brief-history-of-the-call-center-industry-in-the-
philippines/
• https://onlineshoppingphotoblog.wordpress.com/paggamit-o-pagtangkilik-sa-online-
shopping-ng-mga-filipino/
• https://www.untvweb.com/news/dti-may-paalala-sa-online-sellers-at-shoppers-sa-
gitna-ng-community-quarantine/

You might also like