You are on page 1of 17

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-siyam na Baitang

Ika-apat na Markahan – Modyul 4 : Ako at Mga Personal na Salik sa Pagpili ng Kurso


Para sa Maayos at Maunlad na Hinaharap

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na
ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Rosario M. Santiago


Editor: Minerva D. Magtaan, Nida A. Leaño
Tagasuri: Perlita M. Ignacio, RGC,PhD., Josephine Z. Macawile
Tagaguhit: Rema A. Agustin
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Manuel A. Laguerta, EdD
Chief, Curriculum Implementation Division
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division

Education Program Supervisors


Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)
Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
NorlynD.Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Edukasyon sa
Pagpapakatao
9
Ika-apat na Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 4
Ako at Mga Personal na Salik sa Pagpili
ng Kurso Para sa Maayos at Maunlad
na Hinaharap
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 9 ng


Modyul para sa araling Ako at Mga Personal na Salik sa Pagpili ng Kurso Para
sa Maayos at Maunlad na Hinaharap
Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


mapatutunayan na ang pagiging tugma ng mga personal na salik sa mga
pangangailangan (requirements) sa napiling kursong akademiko, teknikal-
bokasyonal, sining at isports o negosyo ay daan upang magkaroon ng makabuluhang
hanapbuhay o negosyo at matiyak ang pagiging produktibo at pakikibahagi sa
pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paggabay ang bawat mag-


aaral upang sila ay mahikayat na pag-aralan at kanilang mapatutunayan na ang
pagiging tugma ng mga personal na salik sa mga pangangailangan (requirements) sa
napiling kursong akademiko, teknikal-bokasyonal, sining at isports o negosyo ay
daan upang magkaroon ng makabuluhang hanapbuhay o negosyo at matiyak ang
pagiging produktibo at pakikibahagi sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa.

. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng angkop na paalaala, maayos at buong


kahusayan na masasagut

an niya ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.


Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Modyul ukol sa
Ako at Mga Personal na Salik sa Pagpili ng Kurso Para sa Maayos at Maunlad na
Hinaharap

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Napatutunayan na ang pagiging tugma ng mga personal na salik sa


mga pangangailangan (requirements) sa napiling kursong akademiko,
teknikal-bokasyonal, sining at isports o negosyo ay daan upang magkaroon
ng makabuluhang hanapbuhay o negosyo at matiyak ang pagiging
produktibo at pakikibahagi sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa.

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

A. naisa-isa ang mga pansariling salik sa mga pangangailangan


(requirements) sa napiling kurso, ito man ay kursong
akademiko,teknikal-bokasyonal, sining o isports o negosyo pagkatapos
ng Senior High School;
B. napahahalagahan na ang pagiging tugma ng mga personal na salik sa
napiling kurso ay makatutulong upang magkaroon ng makabuluhang
hanapbuhay o negosyo sa hinaharap at
C. nakasusulat ng mga nararapat gawin upang maging produktibo at
pakikibahagi sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa kahit ikaw ay
mag-aaral pa lamang

PAUNANG PAGSUBOK
A Panuto: Alin sa mga personal na salik sa pagpili ng kurso o
negosyo ang tinutukoy sa bawat pahayag. Bilugan ang letra ng
tamang sagot.
1. May malaking bahagi sa pagtamo ng iyong naiisin sa buhay at
hinahamon ang iyong kakayahan upang isakatuparan o gawing ganap
ang iyong naisin sa buhay.
A. Hilig C. Pagpapahalaga
B. Mithiin D. Talento

2. Ito ay tumutukoy sa mga bagay kung saan tayo mahusay o magaling.


Ito ay madalas na iniuugnay sa salitang abilidad, kakayahan
(competency0 o kahusayan (proficiency) upang makilala at matukoy mo
ang iyong hilig o interes.
A. Hilig C. Pagpapahalaga
B. Kasanayan (Skills) D. Talento
Para sa bilang 3-5, Piliin mula sa kahon ang titik ng tamang sagot at isulat
ito sa patlang.

A. Hilig C. Pagpapahalaga
B.Kasanayan D. Talento

3.Nasasalamin ito sa mga paboritong gawain na nagpapasaya sa iyo dahil


gusto mo at buo ang iyong puso na ibigay ang lahat ng makakaya nang hindi
nakakaramdam ng pagod o pagkabagot. ______________
4.Ito ay isang pambihirang biyaya at likas na kakayahang kailangang
tuklasin dahil ito ang magsisilbing batayan sa pagpili ng tamang kursong
akademik o teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay. _________________
5. Dahil sa iyong mga ipinamalas na pagsisikap na abutin ang mga ninanais
sa buhay at nakakapaglingkod nang may pagmamahal sa bayan bilang
pakikibahagi sa pag-unlad ng ating ekonomiya, alin sa mga personal na salik
sa pagpili ng kurso ang higit na nakatulong sa iyo.________________________

BALIK-ARAL

Panuto: Ilagay sa patlang ang masayang mukha �


kung ito ay

hakbang na nararapat na ginawa upang mapaunlad ang iyong talento

at kakayahan ayon sa iyong hilig, mithiin at pagpapahalaga, ito man ay

lokal at global na demand at ilagay naman ang malungkot na mukha

� kung hindi.

_____1. Tuklasin mo ang iyong talento at kakayahan gamit ang Multiple

Survey Form na nilikha ni Dr. Walter McKenzie.

_____2. Pabayaan at kalimutan ang mga gustung- gusto mong gawin o ang

iyong mga hilig.

_____3. Ang mga kasanayan (skills) ay isa sa pinakamahalagang salik sa

pagpili ng kurso kaya nararapat na unti-unting kang mamulat sa mundo ng

paggawa.
______4.Ipagpatuloy ang ginagawa kung ikaw ay may kasiyahan na natatamo

sa paggawa ng mga bagay.

_____5.Huwag ipagpatuloy ang pangarap na makatapos ng pag-aaral dahil

hindi naman kayang matustusan ng aking mga magulang.

ARALIN

Walo-sampung taon mula ngayon, nakikita mo na ba ang iyong sarili


bilang matagumpay sa napili mong kurso? Maging ito man ay nasa kursong
akademiko o teknikal-bokasyonal, sining at isports o matagumpay na
negosyante sa hinaharap. Magaling kung ganoon, dahil ngayon pa lamang
ay nangangarap ka ng maging produktibo, hindi lamang para sa iyong sarili
at pamilya kundi para sa pakikibahagi din sa pagpapaunlad ng ekonomiya
ng bansa.. Simulan natin sa unang gawain upang mapatunayan ito.

Gawain 1:
A. Panuto: Suriin ang nasa larawan at isulat ng buong katapatan at
kahusayan ang iyong mga kasagutan sa bawat katanungan.

electedindex=47&form=IRPRST&ajaxhist=0&vt=0&sim=11

1.Gamit ang iyong malikhaing pag-iisip, para sa iyo, ano ang ipinapahiwatig
ngnasa larawan?__________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Pagsusuri:
1.Kung ikaw ang nasa larawan, ano ang nais mong gawin? __________________
___________________________________________________________________________
2. Bakit mahalaga na may pangarap ang isang mag-aaral na katulad mo?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Gawain 2:
Ang mga kasanayan o skills ay isa sa mga maituturing na mahalagang
salik sa paghahanda sa iyong pipiliing kurso na madalas na iniuugnay sa
salitang abilidad,kakayahan o kahusayan.

Panuto: Gamit ang mga kategorya (Career Planning Workbook,2006), isulat


sa patlang ang LETRA lamang kung anong tiyak na kasanayan ang tinutukoy
sa bawat pangungusap. Nasa loob ng kahon ng mga pagpipilian.

A. Kasanayan sa Pakikiharap sa Tao (People Skills)


B. Kasanayan sa mga Datos (Data Skills)
C. Kasanayan sa mga Bagay-bagay (Thing Skills)
D. Kasanayan sa mga Ideya at Solusyon (Idea Skills)

_____1.Lumulutas ng mga mahihirap na at teknikal na bagay at


nagpapahayag ng mga saloobin at damdamin sa malikhaing paraan.
_____2.Nagpapaandar, nagpapanatili o nagbubuo ng mga makina, inaayos
ang mga kagamitan na puwede pang magamit.
_____3.Humahawak ng mga dokumento, datos, bilang naglilista o nag-aayos
ng mga files at inoorganisa ang mga ito.
_____4.Nakikipagtulungan at nakikisama sa iba. Magiliw, naglilingkod at
nanghihikayat sa iba na kumilos at mag-isip para sa iba.
_____5. Nakauunawa at umaayos sa mga pisikal, kemikal at biyolohikong mga
functions.
Pagsusuri
1.Sa mga nabanggit na kasanayan o skills, ano ang pinakataglay mo?
________________________________ Bakit mo nasabi? _______________________
__________________________________________________________________________
2. Paano mo ito isinasagawa sa kasalukuyan? ____________________________
___________________________________________________________________________
Gawain 3:
Ang mga sumusunod ay mga personal na salik sa pagpili ng kurso,
ito man ay kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, sining at isports
Panuto: Isulat sa angkop na pansariling salik ang mga sumusunod na
pahayag. Dalawang pahayag sa bawat pansariling salik.

Mga Pansariling FIRST CHOICE SECOND CHOICE


Salik sa Pagpili
Talento
Kasanayan
(Skills)
Hilig
Pagpapahalaga

Mithiin

*Visual/Spatial *ESA (Enterprising, Social, Artistic)


*Mathematical/Logical * Pakikiharap sa mga Tao (People)
*ISC (Investigative, Social, Conventional)
* Mga Ideya at Solusyon (Idea)
*Pangmadalian o short-term nais na makamit sa loob ng 1 araw -6 na buwan
*Pinamalas ang pagsisikap na abutin ang mga ninanais sa buhay nang may
kasiyahan
*Pangmatagalan o long-term nais na makamita sa loob ng 6 na buwan
hanggang ilang taon
*Makapaglingkod nang may pagmamahal sa bayan bilang pakikibahagi sa
pag-unlad ng ating ekonomiy
Pagsusuri:
1.Kung ikaw ang papipiliin, alin sa mga pansariling salik ang
pinakamahalaga?_________________________________________________________
__________________
2.Bakit mo nasabing ito ang pinakamahalaga para sa iyo?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1

Panuto:Ipaliwanag ng Quote, maaaring gumamit ng wikang Filipino sa


pagpapaliwanag. Isulat sa patlang ang iyong paliwanag.

education-quotes-about-future.jpg (924×924) (everydaypower.com)

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Pagsusuri:

1.Anu-ano ang iyong mga ginagawa sa kasalukuyan upang maisabuhay ang


pahayag sa Quote?

a..__________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
b.___________________________________________________________________
__________________________________________________________________
2. Kung makakatapos ka ng pag-aaral sa Senior High School, anong kurso
ang pipiliin mo, kursong akademiko ba o kursong teknikal-bokasyonal,
sining o isports? __________________________? Bakit ito ang napili
mo?_______________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Pagsasanay 2

Hinati ng Sikolohistang si John Holland sa anim ang mga


Jobs/Carreer/Work Environments ayon sa hilig o interes ng isang tao.. Gamit
ang hot air balloon, pasakayin ang bawat tao ayon sa kanyang napiling kurso
o hanapbuhay. ( 2 tao bawat hot air balloon)

Auto Mechanic Architect Actor/Actress


Carpenter Banking and Finance Health Professions
Chemist Teacher
Cashier Timekeeper/Bookkeeper
Mathematician/Staticistician Managers such as restaurants/hotels/food chains

REALISTIC INVESTIGATIVE ARTISTIC

SOCIAL ENTERPRISING CONVENTIONAL

https://rfclipart.com/image/big/3b-63-ad/hot-air-balloon-with-blank-banner-
Download-Royalty-free-Vector-File-EPS-38976.jpg
Pagsusuri

1.Kung ikaw ang isa sa mga sasakay sa hot air balloon pagdating ng araw,

saan mo balak sumakay? _________________________________________________

2. Bakit mo nasabi?_______________________________________________________

___________________________________________________________________________

3. Nakatulong ba sa iyo ang mga personal na salik sa pagpili ng kurso na

iyong kukunin pagdating ng tamang panahon? ____________________________

___________________________________________________________________________

PAGLALAHAT

Panuto: Sa tulong ng graphic organizer sa ibaba, isulat sa mga patlang ang


mga angkop na salita upang mabuo ang konsepto ng aralin.

Ako at ang aking mga Personal na Salik

Talento 1. __________ 2.___________ 3.______________ Mithiin

nararapat na tugma o ayon sa napili kong kurso na 4. _____________

upang ako ay

magkaroon ng makabuluhang at kung ako ay produktibo sa


tataglayin ang mga katangian ng aking mga gawain 7. __________
5.__________________________ isang 6. ___________manggagawa ako sa pagpapaunlad ng
_
8._________ ng bansa
PAGPAPAHALAGA

May kilala ka bang taong nakamit ang kanyang pangarap sa buhay

nang dahil sa kanyang mga natatanging pagpapahalaga? Idikit ang kanyang

larawan sa picture frame.

11223-a-blank-picture-frame-pv.jpg (640×480) (freestockphotos.biz)

1.Sa iyong palagay, ano kaya ang nakatulong sa kanya upang matupad niya

ang kanyang pangarap?

___________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

2. Maaari mo ba itong tularan at isabuhay? ________________________________

3. Anu-ano ang mga nararapat mong gawin upang maisabuhay ito sa

kasalukuyan?

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Ayon sa inyong personal na saloobin sa mga sumusunod na


sitwasyon, ipahayag ito sa pamamagitan ng paglalagay ng puso sa loob ng
kahon kung ikaw ay sumasang-ayon at dahon naman kung hindi.

1. Madalas mapagalitan si Jerome ng kanyang tatay dahil sa pagbuting-


ting ng mga samu’t saring gamit sa kanilang bahay. Ang hilig na ito ni
Jerome ay hindi nawala hanggat sa siya’y magbinata.

2. Bata pa lang si Maria ay hilig na niyang gumupit ng buhok at ilang


gawain na may kaugnayan sa pagpapaganda. Nabanggit niya ito sa
kanyang mga magulang at kaibigan at silang lahat ay nangako na
tutulungan na magpatayo ng beauty parlor sa hinaharap.

3. Ang gusto ng tatay ni Jennifer para sa kanya ay maging abogadong tulad


ng ama ngunit ang hilig niya ay pagpinta/gumuhit. Pinipilit talaga siya ng
ama ng maging abogado ang anak sa hinaharap.

4.Pinili ni Juan na maging guro dahil maliban na lokal na in demand ito,


personal na alam niya ang halaga at bunga ng kaalaman mula sa pormal na
pag-aaral tungo sa magandang hinaharap ng kaniyang mga mag-aaral.

5. Humingi ng tulong si May sa mga mabubuting tao na maaari niyang


malapitan dahil alam niya na higit na makatutulong sila sa pag-abot ng
kanyang mithiin sa buhay .
Paunang Pagsubok:
Kasanayan (Batay sa
Tamang Sagot Paksa
Bloom’s Taxonomy)
Pansariling Salik sa
1.B-Mithiin Kaalaman
Pagpili
Pansariling Salik sa
2. B-Kasanayan Kaalaman
Pagpili
Pansariling Salik sa
3. A-Hilig Kaalaman
Pagpili
Pansariling Salik sa
4. D-Talento Kaalaman
Pagpili
5. C-Pagpapahalaga Pansariling Salik sa
Kaalaman
Pagpili
Balik-aral
1 Masayang mukha 4.Masayang mukha
2. Malungkot na Mukha 5. Malungkot na mukha
3. Masayang mukha
GAWAIN 2
1. D 4. A
2. C 5. C
3. B
GAWAIN 3
Mga Pansariling First Choice Pwedeng Magpalit Second Choice Pwedeng
Salik sa Pagpili sa Second Choice magpalit sa First Choice
Talento Visual/Spatial Mathematical/Logical
Kasanayan (Skills) Mga Ideya at Solusyon (Idea) Pakikiharap sa mga Tao
(People)
Hilig ISC ESA
Pagpapahalaga Pinamamalas ang pagsisikap Makapaglingkod nang
na abutin ang mga ninannais may pagmmahal sa
sa buhay nang may kasiyahan bayan
Mithiin Pangmadalian / short-term Pangmatagalan/long-
term
PAGSASANAY 2
REALISTIC- Auto Mechanic…Carpenter
INVESTIGATIVE- Chemist….Mathematician/Statistician
ARTISTIC- Architect…Actor/Actress
SOCIAL- Teacher…Health Professionals
ENTERPRISING-Banking and Finance…..Managers such as
restaurants/hotels/food chains
CONVENTIONAL- Cashier….Timekeeper/Bookkeeper
PAGLALAHAT
# 1-3 any order….Kasanayan (skills)…Hilig….Pagpapahalaga
# 4 sariling sagot depende sa kurso..akademiko ba o teknikal-bokasyonal
# 5 hanapbuhay o negosyo
# 6 produktibo
# 7 makikibahagi/makatutulong
# 8 ekonomiya
Auto Mechanic Architect Actor/Actress
Carpenter Banking and Finance Health
PAGWAWASTO
SANGGUNIAN

Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul ng mga Mag-aaral Grade 9 pahina 217-226

DepEd Most Essential Learning Competencies Esp 9 Q4

electedindex=47&form=IRPRST&ajaxhist=0&vt=0&sim=11
education-quotes-about-future.jpg (924×924) (everydaypower.com)

https://rfclipart.com/image/big/3b-63-ad/hot-air-balloon-with-blank-banner-
Download-Royalty-free-Vector-File-EPS-38976.jpg

11223-a-blank-picture-frame-pv.jpg (640×480) (freestockphotos.biz)

You might also like