You are on page 1of 14

0

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-Siyam na Baitang


Ikalawang Markahan – Modyul 13: Pakikilahok at Bolunterismo: Paglilingkod sa
Kapuwa at Diyos

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon paman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan n anaghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabassatelebisiyon, pelikula, atbp.) naginamitsaaklatnaito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mgaiyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa pag gamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga taga pag lathala at mga may-
akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa aklat na ito ay kinakailangan
ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mgaito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Regional Director: Gilbert T. Sadsad


AssistantRegional Director: Jessie L. Amin

Development Team of the Module

Name of Writers: Hector B. Orasa


Name Editors: Kaithlen P. Astive
Leah Lynn A. Hidalgo
Ellen B.Saulon
Name Reviewers: Lourdes S. Sevilla
Gerumi S. Seňar
Name Illustrator: Julio B. Granpio
Name Layout Artist: Julio B. Granpio

0
Panimula
Ang bahaging ito ay susubukin ang iyong kakayahan
na tingnan kung ano ang kongkretong kaugnayan ng
pakikilahok at bolunterismo sa pag-
unlad ng mamamayan at bansa. Dito
mauunawaan mo na ang pakikilahok at
bolunterismo ay magagawa sa iba’t
ibang paraan gamit ang angking
talento, kakayahan at potensiyal upang
https://images.app.goo.gl/v2t8eka9bVv5FWaw7
maging isang produktibong kasapi ng
lipunan tungo sa kabutihang panlahat lalo na sa panahon ng
pandemya at pandaigdigang krisis. https://images.app.goo.gl/jminwNpGMJApKvss5

Layunin

Naiuugnay ang kahalagahan ng pakikilahok at bolunterismo sa pag-


unlad ng mamamayan at lipunan
(EsP9TT-IIg-8.1)

Paunang Pagtataya/Pagtuklas ng Dating Kaalaman


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at piliin ang titik ng
pinakatamang sagot. Isulat ito sa inyong kuwaderno.
1. Ang mga sumusunod ay kahulugan ng pakikilahok MALIBAN sa:
A. Ang pakikilahok ay isang tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat na
mayroong kamalayan at pananagutan tungo sa kabutihang panlahat;
B. Ang pakikilahok ay isang malayang pagpili. Hindi maaaring pilitin o
pwersahin ang tao upang isagawa ito;
C. Ang pakikilahok ay isang pagkakataon upang higit na makilala ang sarili.
D. Ang pakikilahok ay tumutulong sa tao upang maging mapanagutan sa
kapwa
2. Ito ay nangangahulugang pagiging karapat-dapat ng tao sa pagpapahalaga at
paggalang mula sa kaniyang kapwa.
A. Bolunterismo B. Pakikilahok
C. Dignidad D. Pananagutan
3. Bakit mahalaga na dapat may kamalayan at pananagutan sa Pakikilahok?
A. Upang matugunan ang pangangailangan ng lipunan

1
B. Upang magampanan ang mga gawain o isang proyekto na mayroong
pagtutulungan
C. Upang maibahagi ang sariling kakayahan na makatutulong sa
pagkamit ng kabutihang panlahat
D. Upang maipakita ang diwa ng pagkakaisa at pagmamahalan

4. Ang pakikilahok ay makakamit lamang kung kinikilala ng tao ang kanyang ____.
A. Pananagutan C. Tungkulin
B. Dignidad D. Karapatan

5. Alin sa mga sumusunod ang hindi benepisyo ng bolunterismo?


A. Nagkakaroon ang tao ng personal na paglago
B. Nagkakaroon siya ng pagkakataong makilalang higit ang sarili
C. Nagkakaroon siya ng kontribusyon o bahagi sa pagpapabuti ng
nakararami
D. Nagkakaroon siya ng pagkakataon na makabuo ng suporta at
relasyon sa iba.

6. Ang mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng bolunterismo sa isang


pamayanan.
A. Pagkalap ng mga lumang libro at pagbigay nito sa nangangailangan
B. Pagpapamalas ng kaalaman at kakayahan upang makapgturo ng
impormasyon tungkol sa COVID-19
C. Pangunguna sa mga gawain na naglalayong makatulong sa paglinis
ng kapaligiran at komunidad upang maiwasan ang pagkalat ng sakit
D. Pagsali sa samahan na naglalayong makabawas ng suliranin ng
paaralan

7. Alin sa mga sumusunod ang hindi halimbawa ng bolunterismo


A. Si Angel ay naglilikom ng pondo upang ipambili ng mga pangunahing
pangangailangan ng mga mamamayang nasa marginalized sector
ng lipunan na apektado ng COVID 19
B. Si Tiny na namimigay ng mga pagkain sa mga frontliners sa Quezon
City sa gitna ng banta ng COVID 19
C. Sumali si Mocha sa ABS CBN foundation na mag repack ng mga
relief goods na ipamimigay sa mga mahihirap dahil naroon ang
kaibigan niyang si Paolo.
D. Naglunsad ng isang online concert ang ilang kapamilya artist upang
maglikom ng pondo para mga apektado ng COVID19 lalo na sa mga
frontliners.

8. Upang matiyak ang matagumpay sa anumang planong bolunterismo, alin sa


mga sumusunod ang dapat tandaan at isagawa.
I. Huwag pansinin ang mga tao na nagsasabing hindi dapat ituloy ang
nais mong gawin para sa pamayanan
II. Naising maglingkod lamang para sa nakararami

2
III. Ito ay hindi usapin ng pagalingan o pasikatan
IV. Linawin at ilagay sa isip ang nais gawin upang hindi maligaw sa
panahon na nagsasagawa na ng proyekto
V. Tugunin ang tunay na pangangailangan ng pamayanan
A. I,II,III,IV,V C. I,III,IV,V
B. I,II,IV,V D. I,IV,V

9. Anu-ano ang dapat makita sa isang tao na nagsasagawa ng pakikilahok at


bolunterismo?
A. Pagmamahal, Malasakit at Talento
B. Panahon, Talento at Kayamanan
C. Talento, Panahon at Pagkakaisa
D. Kayamanan, Talento at Bayanihan

10. Ano ang makakamit ng ating lipunan kung ang bawat isa ay nagsasagawa ng
kanilang taos-pusong pakikilahok at bolunterismo?
A. Pagkakaisa C. Kabutihang Panlahat
B. Pag-unlad D. Naitataguyod ang Pananagutan

Paglinang ng Kaalaman, Kakayahan, Pag-unawa


Kailangan ang kamalayan sa
mga nangyayari sa ating
bansa upang maging mabisa
ang paglutas ng mga
kinakaharap na suliranin ng
ating bansa katulad na lamang ng
pandaigdigang krisis dulot ng pandemya
ng COVID19.

1
Panuto: Pumili ng isang larawan ng nagpapakita ng mga suliraning kinakaharap na
pandemya dulot ng COVID-19. Subuking magtala ng mga posibleng solusyon, tiyak
at kongkretong hakbang at mga taong gagawa o kasama. Ilagay ang iyong sagot sa
tsart na inilaan.

3
1 https://images.app.goo.gl/XFS93ua4PeQAmkxf9
2 https://images.app.goo.gl/XFS93ua4PeQAmkxf9

Pagpapanatili ng social distancing Kakulangan sa pagkain

3 4

https://images.app.goo.gl/XFS93ua4PeQAmkxf9

Limitadong PPE ng mga frontliners

https://images.app.goo.gl/XFS93ua4PeQAmkxf9

Diskriminasyon ng mga frontliners

Pagpapahayag ng Pag-unawa
Subuking magtala ng mga posibleng solusyon, tiyak at kongkretong hakbang
at mga taong gagawa o kasama. Ilagay ang iyong sagot sa tsart sa ibaba/ sa
kwaderno.
Suliraning Napili Mga Solusyong Tiyak at Mga Taong
Napili Kongkretong Gagawa/Kasama
Hakbang

4
Pagpapalalim

“Pakikilahok at Bolunterismo: Paglilingkod sa Kapuwa at Diyos”

Panoorin ang bidyo (kung may internet) tungkol sa COVID-19 unknown good
samaritan na namimigay ng mga relief goods sa mga illegal settlers sa at ang
pagrerepack na grupo ng mga riders sa isang probinsiya para makatulong sa gitna ng
krisis ng COVID-19:
https://www.youtube.com/watch?v=6Mzr7NR1rzk
https://www.youtube.com/watch?v=lRK8Eu98RYk

Panoorin ang bidyo (kung may internet) ni Darlene Reyes na may pinamagatang
“Free Food, Products, Services for the Frontliners”:
https://www.youtube.com/watch?v=jWPvQgvF1JU

Gabay na katanungan:
1. Magpahayag ng iyong saloobin at damdamin
at kaisipan ukol sa bidyong napanood. Magbigay
ng mga positibong pananaw ukol ditto.
2. Ano-anu ang iyong natutuhan mula rito?
3. Paano makakatulong ang pakikilahok at
bolunterismo sa pagbabago at pag-unlad ng
lipunan at bansa.
https://images.app.goo.gl/z795sxCujawPfkqV7

* “Hindi mainam na mag-isa ang tao bibigyan ko siya ng makakasama at kakatulong”


(Genesis 2:18).
Bilang tao na nilikha ng Diyos, ang tao ay may
pananagutan na magbahagi sa kanyang kapwa at
sa lipunang kanyang kinabibilangan.
Ang dignidad ay nangangahulugang pagiging
karapatdapat nang tao sa pagpapahalaga at
paggalang ng kaniyang kapwa.

Ang Pakikilahok ay isang tungkulin na kailangang


https://www.google.com/url?sa=i&url=http%3A%2F%2Faia9gsmii4oejk.freeddns.com%2Fdr-manuel-dy-
jr.html&psig=AOvVaw3z1PQYBEBFhKYmidws3Jc0&ust=1590029390874000&source=images&cd=vfe&ved=0CAI
QjRxqFwoTCIi3gJ23wekCFQAAAAAdAAAAABAI

isakatuparan ng lahat na mayroong kamalayan at pananagutan tungo sa kabutihang


panlahat.

5
Kahalagahan ng Pakikilahok
1. maisasakatuparan ang isang gawain na
makatutulong upang matugunan ang
pangangailangan ng lipunan
2. magagampanan ang mga gawain o isang proyekto na
mayroong pagtutulungan
3. maibabahagi ang sariling kakayahan na
makatutulong sa pagkamit ng kabutihang panlahat.

Mga Antas ng Pakikilahok ayon kay Sherry Arnsteinis


1. Impormasyon – upang madagdagan ang kaalaman
ng iba
2. Konsultasyon - Ito ay mas malalim na impormasyon.
3. Sama-samang Pagpapasya - isaalang-alang ang kabutihan hindi lamang sa sarili
kundi sa mas nakararami
4. Sama-samang Pagkilos
5. Pagsuporta (Support)
Pangkalahatang Dulot ng Pakikilahok ay
maipapakita sa pamamagitan ng:
1. Paggalang sa makatarungang batas
2. Pagsisikap na maging masigasig sa tungkulin tulad
ng pagtataguyod ng maayos na pamilya at pagiging
tapat sa gawain

Ang Pakikilahok ay hindi minsanan lamang. Ito dapat


ay isang patuloy na proseso hangga’t kaya mo at
mayroon kang kayang gawin para sa ikabubuti ng
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fes-la.facebook.com%2Fhlafphil%2Fphotos%2Fpalakasin-ang-pakikilahok-ng-mga-
iyong lipunan
kabataan-sa-mga-programa-ng-barangay-upang-
magi%2F10156061462674308%2F&psig=AOvVaw2iedGVBi4FdGb7u1vApNFt&ust=1590030478147000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjR
xqFwoTCPiQ47G7wekCFQAAAAAdAAAAABAF

*Ang Bolunterismo ay isang paraan ng


paglilingkod at pagpa-pakita ng pagmamahal sa
kapwa at sa lipunan. Ito ay pagbibigay ng sarili na
hindi naghahangad ng anumang kapalit. Ito ay
marami ding katawagan tulad ng Bayanihan,
Damayan, Kawanggawa o bahaginan.
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Frmn.ph%2Fbolunterismo-
gikinahanglan%2F&psig=AOvVaw2ntfETwlOnWESNzLkiCLBy&ust=1590030753249000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCIiI
z-i8wekCFQAAAAAdAAAAABAV

Mga Benepisyo ng Bolunterismo


1. Nagkakaroon ng kasiyahan ang isang tao kapag siya ay naglilingkod.
2. Nagkakaroon siya ng personal na paglago.
3. Nagkakaroon siya ng kontribusyon o bahagi sa pagpapabuti ng lipunan.
4. Nagkakaroon siya ng pagkakataon na maka-buo ng suporta at relasyon sa iba.
5. Nagkakaroon siya ng panahon na higit na makilala hindi lamang ang iba kundi
pati na ang kanyang sarili.

6
May pagkakaiba ba ang Pakikilahok sa Bolunterismo?
Sa Pakikilahok nagiging
konsiderasyon ang personal na interes o
tungkulin.
Kailangan mong gawin dahil kung
hindi, mayroong mawawala sa iyo.

Halimbawa: ang paglahok sa halalan,


paglahok sa pangkatang gawain na
pinapagawa ng guro, o paglahok sa
pulong ng mga kabataan sa barangay.

Sa Bolunterismo, kung hindi mo ito


gagawin, hindi ka apektado, kundi yaong
iba na hindi mo tinulungan.
Kung ikaw man ay managot; ikaw ay mananagot sa iyong konsensiya sapagkat
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.veritas846.ph%2Fpambansang-
mithiin%2F&psig=AOvVaw04N4x5yrOBVePOjXDFiKzs&ust=1590031594182000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCJi5pLm_wekCFQAAAAAdAAAAABAu

hindi ka tumugon sa pangangailangan ng iyong kapwa.

Hindi lahat ng pakikilahok ay may aspekto ng bolunterismo pero lahat ng


bolunterismo ay may aspekto ng pakikilahok.

Mula sa 3T’s makikita natin


na ang Pakikilahok at
Bolunterismo ay dapat
ginagawa na buong husay
Treasure kasama ang puso at nang
(Kayamanan) may pananagutan para
makamit ang
kabutihang panlahat

3Ts ng
Pakikilahok
at
Time
Bolunterismo Talent
(Panahon) (Talento)

7
Pagsasapuso

1 Natutuhan sa modyul

Pakikilahok vs. Bolunterismo

Pakikilahok Bolunterismo

Pagkakaiba
Pagkakapareho

2 Natuklasan sa sarilib kaugnay ng paksa ng modyul

Punuan ang graphic organizer

Pagninilay
Kabutihang Batay sa iyong kasagutan sa
Dulot ng organizer, bigyang
pakahulugan ang pahayag na
Pakikilahok at ito: “Pananagutan natin ang
Bolunterismo magmahal at tumulong sa
kapuwa lalong-lalo na sa mga
nangangailangan”

8
Pagsasabuhay

A. Isulat sa tsart ang mahahalagang gawain at proyektong nais


lahukan sa paaralan, pamayanan at lipunan upang
masugpo ang pagkalat ng COVID-19

Sektor ng Mga Gawain at proyekto na nais lahukan


Lipunan
Paaralan
Pamayanan
Panlipunan

B. Magtala ng mga grupo sa iyong pamayanan na maaaring salihan bilang


boluntaryo. Isulat ang organisasyong nais lahukan, ang layunin nito, at ang
tulong na maaaring ibigay sa organisasyon.

Organisasyon na Layunin ng Tulong na


Nais Lahukan Organisayon maaaring Ibigay
sa Organisasyon
Pamayanan o
Bansa

9
Rubric sa Pagtataya ng Gawain
Kraytirya 5 puntos 3 puntos 2 puntos
Mga tiyak na tulong Nagpakita ng iba’t Nagpakita ng Nagpakita ng isang
na maaaring ibigay iba at tiyak na tulong mangilan-ngilang tiyak na tulong na
sa organisasyon na maaaring ibigay tiyak na tulong na maaaring ibigay sa
sa organisasyon maaaring ibigay sa organisasyon
organisasyon

Makatotohanan na Makatotohanan ang Hindi gaanong Hindi


paraan ng pagtulong pamamaraang makatotohanan ang makatotohanan ang
sa organisasyon gagawin sa pamamaraang pamamaraang
pagtulong sa gagawin sa gagawin sa
organisasyon pagtulong sa pagtulong sa
organisasyon organisasyon

Kabuuan = 10 puntos

Pagtataya
Ipahayag ang iyong pag-unawa sa bawat konsepto sa pamamagitan ng tinukoy na
pamamaraan. Pumili ng isa mula sa sumusunod na paraan.
1. Gamit ang akrostiko, isalarawan ang diwa ng salitang “PAKIKILAHOK” o
“BOLUNTERISMO”
2. Paggawa ng brochure o poster tungkol sa mga dapat tandaan upang matiyak
ang kaligtasan sa panahon ng pandemya at pandaigdigang krisis.
3. Paggawa ng slogan na binubuo ng 16 na salita na nagpapahayag ng positibong
pananaw ukol sa epekto ng COVID-19
4. Paglikha ng isang video/bidyo na naglalayon na magbigay ng positibong
motibasyon sa mga taong positibo sa COVID-19 at sa mga frontliners.
(maaaring gamitin ang mga social media application gaya ng facebook, tiktok
atbp.)*maglaan lamang ng isang minuto para sa video/bidyo.
*Gamitin ang rubric sa pagtataya ng gawain.

10
Susi sa Pagwawasto (Paunang Pagtataya)

1. C
2. C
3. C
4. A
5. C
6. D
7. C
8. C
9. B
10. C

11
Mga Sanggunian

Edukasyon sa Pagpapakatao 9, Modyul Para sa Mag-aaral, Unang Edisyon


2015, Department of Education
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Frmn.ph%2Fbolunteri
smogikinahanglan%2F&psig=AOvVaw2ntfETwlOnWESNzLkiCLBy&ust=159003075
3249000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCIiIz-
i8wekCFQAAAAAdAAAAABAV
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Frmn.ph%2Fbolunteri
smogikinahanglan%2F&psig=AOvVaw2ntfETwlOnWESNzLkiCLBy&ust=159003075
3249000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCIiIz-
i8wekCFQAAAAAdAAAAABAV
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fes-
la.facebook.com%2Fhlafphil%2Fphotos%2Fpalakasin-ang-pakikilahok-ng-mga-
kabataan-sa-mga-programa-ng-barangay-
upangmagi%2F10156061462674308%2F&psig=AOvVaw2iedGVBi4FdGb7u1vApNF
t&ust=1590030478147000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCPiQ47G
7wekCFQAAAAAdAAAAABAF
https://images.app.goo.gl/v2t8eka9bVv5FWaw7
https://images.app.goo.gl/jminwNpGMJApKvss5
https://images.app.goo.gl/XFS93ua4PeQAmkxf9
https://www.youtube.com/watch?v=6Mzr7NR1rzk

https://www.youtube.com/watch?v=lRK8Eu98RYk
https://www.youtube.com/watch?v=jWPvQgvF1JU
https://www.google.com/url?sa=i&url=http%3A%2F%2Faia9gsmii4oejk.freedd
ns.com%2Fdr-manuel-
dyjr.html&psig=AOvVaw3z1PQYBEBFhKYmidws3Jc0&ust=1590029390874000&so
urce=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCIi3gJ23wekCFQAAAAAdAAAAABAI

12

You might also like