You are on page 1of 13

0

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-Siyam na Baitang


Ikalawang Markahan – Modyul 8: Pagsang-ayon sa Batas: Hakbang sa Pagkamit ng
Kabutihang Panlahat

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon paman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan n anaghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabassatelebisiyon, pelikula, atbp.) naginamitsaaklatnaito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mgaiyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa pag gamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga taga pag lathala at mga may-
akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa aklat na ito ay kinakailangan
ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mgaito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Regional Director: Gilbert T. Sadsad


AssistantRegional Director: Jessie L. Amin

Development Team of the Module

Name of Writers: Ellen B. Saulon


Name Editors: Kaithlen P. Astive
Leah Lynn A. Hidalgo
Ellen B.Saulon
Name Reviewers: Lourdes S. Sevilla
Gerumi S. Seňar
Name Illustrator: Julio B. Granpio
Name Layout Artist: Julio B. Granpio

0
Panimula

Hindi lahat ng tama ay mabuti…subalit


lahat ng mabuti ay tama. Hindi perpekto ang
mga batas, subalit bilang isang mabuting
nilalang, sikapin nating matupad at manatili
ang kabutihan. Sa pamamagitan ng araling
ito maipapahayag mo ang iyong mga
saloobin tungkol sa umiiral na batas,
gayundin maisasaalang-alang mo ang
kabutihan para sa lahat.

Layunin
1. Naipapahayag ang pagsang-ayon o pagtutol sa isang umiiral na batas batay
sa pagtugon nito sa kabutihang panlahat. (EsP9TT-iid-6.4, Week 4)

Paunang Pagtataya/Pagtuklas ng Dating Kaalaman


Panuto:
Isulat sa sagutang papel ang salitang LEARN, kung ang pangungusap ay tama
at salitang HEAL kung ito ay mali.

1. Ang mabuti ay kilos ng pagsisikap na laging kumilos tungo sa pagbubuo at


pagpapaunlad ng sarili at ng mga ugnayan.
2. Tulad din ng Likas na Batas Moral, preskripsiyon ang mabuti, ang tama ay ang
angkop sa tao.
3. First, do no harm, ang pangalawang hakbang sa pagtupad ng mabuti.
4. Likas na sa tao ang hangarin ang mabuti.
5. Ang kabutihang panlahat ay ang kaisa-isang batas na hindi dapat labagin
ninuman.
6. Nakasulat sa Universal Declaration of Human Rights ang pandaigdig na
pagpapahayag ng mga Karapatan ng tao.
7. May mga batas laban sa pananakit at pang-aabuso sa mga bata, dahil tao ang
mga bata.
8. Ang Likas na Batas Moral ay batayan ng mga batas ng tao.
9. Ang pagiging tama ay iba sa pagiging mabuti.
10. Ang lahat ng batas ay para lamang sa mga taong may kapangyarihan.

1
Paglinang ng Kaalaman, Kakayahan, Pag-unawa

“Ang likas na Batas Moral ay hindi


instruction manual. Hindi ito isang malinaw na
utos kung ano ang gagawin ng tao sa iba’t-
ibang pagkakataon. Gabay lamang ang mga ito
upang makita ang halaga ng tao.”

Mind Mapping
Panuto: Gumawa ng “Mind Mapping”, upang mapag-ugnay ang mga
konseptong naisulat. Subuking sumulat ng maliliit na konsepto mula sa malalaking
konsepto. Gawing gabay ang mga sumusunod na katanungan:
1. Bakit mahalaga ang pagsunod sa batas na nakabatay sa Likas na Batas
Moral?
2. Ano ang maitutulong nito tungo sa pagkamit ng iyong kaganapan bilang tao?

Likas na Batas Moral

Batas

Kabutihang Panlahat

2
Pagpapahayag ng Pag-unawa

Sumulat ng isang tula/awit na nagpapahayag ng


natutuhan mula sa aralin. Maaaring gamiting gabay ang mga
katanungan na nasa ibaba:
Ano ang ipinag-uutos ng Likas na Batas Moral?
Ipaliwanag.
Paano malalaman ang mabuti?
Bakit mahalaga ang maging makatao?

Pagpapalalim

Pagsang-ayon sa Batas: Hakbang sa Pagkamit ng Kabutihang Panlahat

Pagtalakay ng mga batas na nakabatay sa lipunan; pagsang-ayon o pagtutol


sa isang umiiral na batas batay sa pagtugon nito sa kabutihang panlahat, hango sa
Learners Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9.

Ang Kaisa-isang Batas: Maging Makatao

Sa lawak ng sansinukob at sa kahinaan ng ating kakayahang umalam,


napakahirap humanap ng isang tama na sasang-ayunan ng lahat. Iba-iba ang kultura,
relihiyon at paniniwala. Iba-iba ang mga layunin, iba-iba ang mga pamamaraan.
Maaaring magkasundo-sundo ang nagkakaiba-ibang mga tao ayon sa mabuti, ngunit
babalik pa rin sa iba’t-ibang paraan ng pagtupad dito. Walang isang porma ng tama
ang mabuti. Mag-aanyo ito ayon sa kondisyon at hinihingi ng pagkakataon.

Likas sa tao ang hangarin ang mabuti. Likas sa atin na maging makatao (panig
sa tao): ito ang kaisa-isang batas na hindi dapat labagin ninuman. Ang lumabag dito
ay lumalabag din sa sarili niyang kalikasan.

“Ang mabuti ay kilos ng


pagsisikap na laging kumilos tungo
sa pagbubuo at pagpapaunlad ng
sarili at ng mga ugnayan.”

3
First Do No Harm. Anumang kalagayan kasadlakan ng tao, isa ang babalikan
natin: ang huwag manakit. Nagsasalubungan ang mabuti at tama sa prinsipyo ng pag-
iwas sa pananakit sa tao. Ang pinakamahalaga at pinakamabuting dapat gawin ay
ingatan ang tao.Iba-iba man ang pormula ng Likas na Batas Moral, itinutiro nito ay isa
lamang; hindi ko kakasangkapanin ang tao, ituturing ko bilang pinakamataas na
halaga ang tao, gagawin ko ang lahat upang ingatan at payabungin ang tao.

Lahat ng Batas: Para sa Tao


Likas sa tao ang hangarin ang
Mabuti. Likas sa atin na maging Dito nga nakaangkla ang Pandaigdig
MAKATAO (panig sa tao); ito ang na Pagpapahayag ng mga Karapatan ng
kaisa-isang batas na hindi dapat Tao (Universal Declaration of Human
labagin ninuman. Ang lumabag Rights) ng mga Nagkakaisang Bansa
dito ay lumalabag din sa sarili (United Nations). Hindi ito nilikha o
niyang kalikasan inimbento o pinagsang ayunan lamang ng
mga bansa dahil magandang pakinggan
na kunwari may dignidad ang tao! Ang pagbibigay ng kalayaang isakatuparan ang
mga pagnanais nila ang siyang makapagpatibay sa mithiing ito ng kaunlaran at
kapayapaan

Ang bawat estado (state) rin ay


nagsisikap iangkop sa kani-kanilang
mga kultura ang pagkilala sa
karapatang pantao. Ipinapahayag nila
sa kanilang konstitusyon ang mga
karapatan ng bawat mamamayan at
ang paggarantiya ng estado na
bigyang proteksiyon ang mga
karapatang ito. Ang mga batas
naman na nililikha ng pamahalaan ay
mga mekanismo at pamamaraan
upang isakongkreto ang unibersal at
pangkalahatang pagpapahalaga sa http:/images justice.google.com
tao.

Kaya may mga batas laban sa pananakit at pang-aabuso sa mga bata dahil tao
ang mga bata. Kaya may batas na magbibigay ng budget sa edukasyon, dahil
kailangang mahubog ang pag-iisip at karakter ng mga tao. Kaya may batas na
magtatalaga ng pinuno ng bayan (eleksiyon) dahil mahalaga ang boses ng lahat ng
tao sa pagpapatakbo ng kolektibong kasaysayan. Ang lahat ng batas ay para sa tao,
hindi ang kabaligtaran nito.

4
Likas na Batas Moral: Batayan ng mga Batas ng Tao

Hindi perpekto ang mga batas, subalit, babalik tayo sa depenisyon ng mabuti-
sapat na ang laging pagtingin sa kabutihan at ang pagsisikap na matupad ito. Kung
ang buhay sana ay tulad ng cellphone na may kasamang instruction manual, madali
sana ang lahat, kung ang katawan ay may instruction manual, madali na sana sa
doctor ang makatiyak ng gamot, nutrisyon at pag-aalagang mabisa sa lahat. Sa
kasamaang palad, walang instruction manual ang tao at ang mundo. Ang Likas na
Batas Moral ay hindi instruction manual. Hindi ito isang malinaw na utos kung ano
ang gagawin ng tao sa iba’t-ibang pagkakataon. Gabay lamang ito upang makita ang
halaga ng tao. Ang konstitusyon at mga batas ay hindi instruction manual. Naisatitik
ng mga ito ang anumang makatutulong sa pagpapayabong ng tao. Gabay lamang ito
sa natutuhan sa karanasan ng mga tao sa pagdaan ng panahon. Malayo sa pagiging
absolutong batas para sa pag-unlad at kaayusan ng lipunan. Matutupad ang Likas na
Batas Moral at magkakaroon ng Kabutihang Panlahat, kung susundin natin ang
pinakaunang hakbang…….First do no harm.

Ang batas ay ang mga ipinapatupad na mga kautusan sa isang bayan o lugar
na ang layunin ay para sa ikabubuti o ikakatahimik ng lahat. Mga halimbawa ng batas;
Batas Trapiko- batas para sa kaayusan sa lansangan; Batas para sa pangangalaga
ng karapatan ng mga kabataan; Batas para sa karapatan ng mga kababaihang
inaabuso at Batas para mapangalagaan ang ating Inang Kalikasan.

Ilan lamang yan sa mga batas na ipinapatupad ng ating bayan at bilang isang
mamamayan, tungkulin nating igalang ang batas at ang mga maykapangyarihan, kung
wala ang mga alagad ng batas at ang mga batas na ipinapatu[ad, maaaring mawala
ang kapanatagan at kapayapaan ng isang lugar. ( google.brainly.ph.com)

Halimbawa ang Batas/Kautusan na ipinalabas noong Hunyo 5, 2020, na


ipinalit sa kautusan nong Mayo 22, 2020. Ang Kautusan na Manatili sa Bahay.
Gayundin, pinapayagan ng kautusang ito ang ilang mga bagong kategorya ng mga
negosyo at aktibidad upang mabuksang muli, napapailalim sa mga tukoy na kondisyon
at limitasyon, pinapanatili nito ang mga pangunahing paghihigpit, hinihiling ang mga
tao na manatili sa kanilang mga tahanan maliban kung sumasali sa ilang
mahahalagang o pinapayagan na aktibidad. Ang mga aktibidad at negosyo na
pinapayagan na mabuksan muli sa ilalilm ng bagong kautusan ay tinukoy bilang “ Mga
karagdagang Aktibidad” at mga karagdagang negosyo .( www.covid19.gov.ph)

5
Pagsasapuso

1 Natutuhan sa modyul

Maikling Kwento
Panuto: Gumawa ng isang maikling kwento na hango sa totoong buhay o
likhang isip na naipapakita ang mahalagang konsepto mula sa aralin. Maaring ito ay
napapanahon katulad ng epidemyang nararanasan natin ngayon ang COVID-19.
Gawin ito sa iyong Journal.

Halimbawa…. Ang Batas ni Kulas..

______________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________.

2 Natuklasan sa sarili kaugnay sa paksa ng modyul

Spoken Poetry
Panuto: Gumawa ng isang spoken poetry na naipapahayag ang pagsang-
ayon o di naman kaya ay pagtutol sa umiiiral na nag-iisang batas, batay sa pagtugon
nito sa Kabutihang Panlahat.

________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

6
Pagsasabuhay

Panuto:
1. Kung isa kang mambabatas, anong batas ang iyong ipapanukala
upang maingatan ang karapatan ng kabataan ayon sa Likas na Batas
Moral? Pangatwiranan.

2. Makatutulong sa iyo ang pormat na nasa ibaba. Lagyan ng mga


sanggunian na pinagbatayan mo ng iyong panukala.

7
Panukalang Batas Blg.______

Ipinanukala ni:________________________________________

Isang batas na

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Paliwanag ukol sa batas at kung bakit mahalagang ito ay pagtibayin

Pagtataya

Panuto:

1. Magsagawa ng pagsusuri sa mga pinagtibay na batas na ipinatutupad sa


kasalukuyan.

2. Pumili ng tatlong batas na iyong sinasang-ayunan dahil pinaniniwalaan


mong nakatuon ang mga ito sa pagkamit ng kabutihang panlahat.

8
3. Pumili rin ng tatlong batas na iyong tinututulan dahil pinaniniwalaan mong
hindi nakatuon ang mga ito sa kabutihang panlahat.

4. Mahalagang pangatwiranan ang iyong pagtutol o pagsang-ayon.


Mahalagang banggitin sa pagsusuri ang mga probisyon sa batas na siyang
lumalabag sa Likas na Batas Moral.

5. Maaring gamitin ang pormat na nasa ibaba.

Mga Batas Mga Dahilan Mga Probisyong Mungkahing


Labag sa Likas Rebisyon
na Batas Moral
Ang Aking Sinasang-ayunan
1.
2.
3.
Ang Aking Tinututulan
1.
2
3

Kasunduan
1. Isulat ang sariling pananaw sa katagang: “First Do No Harm”, Bakit sinasabing
ito ang unang hakbang sa pagtupad ng mabuti? Pangatwiranan.

9
SUSI SA PAGWAWASTO:

I. PAUNANG PAGTATAYA:

1. LEARN
2. LEARN
3. HEAL
4. LEARN
5. HEAL
6. LEARN
7. LEARN
8. LEARN
9. LEARN
10. HEAL

10
Mga Sanggunian:

1. Edukasyon sa Pagpapakatao 9, Modyul para sa Mag-aaral, Kagawaran ng


Edukasyon, Unang Edisyon, 2015, ISBN: 978-971-9601-75-3
2. Daily Lesson Plans(DLPs) in Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) Grade 9,
Kagawaran ng Edukasyon, Region V, Regional Center Site,Rawis Legaspi City, 4500.
3. Mga larawan/cliparts na hango sa google.com.pininterest.com.ph.

11

You might also like