You are on page 1of 7

KALIPUNAN NG MGA GAWAIN SA PAGKATUTO______

Pangalan ng Estudyante: _________________________________________________________


Asignatura/Antas: _________Filipino-Baitang 5______ Petsa____________________

I. PANIMULANG KONSEPTO

Ang pangungusap ay ang lupon ng mga salita na nagpapahayag ng isang buong diwa o
kaisipan.
Dalawang Bahagi ng Pangungusap

1. Simuno-bahagi ng pangungusap na gumagawa ng aksyon sa pangungusap.


-tumutukoy sa pinag-uusapan sa pangungusap
-maari itong ngalan ng tao, pook, pangyayari, hayop at iba pa.

Halimbawa:
a. Si Maria ay nag-aaral sa silid aklatan.

Tanong: Sino ang tinutukoy sa pangungusap?


Sagot: Maria

b. Ang Pasko ang pinakamasayang pagdiriwang sa buong taon.

Tanong: Ano ang pinag-uusapan sa pangungusap?


Sagot: Pasko

2. Panaguri-nagsasaad ng detalye tungkol sa simuno


-tumutukoy sa kung ano ang ginagawa ng pinag-uusapan sa pangungusap
-ito ay kadalasang nakasunod sa simuno sa pangungusap

Halimbawa:
a. Si Maria ay nag-aaral sa silid aklatan.

Tanong: Ano ang ginawa ni Maria?


Sagot: nag-aaral sa silid aklatan

b. Ang Pasko ang pinakamasayang pagdiriwang sa buong taon.

Tanong: Ano ang detalye tungkol sa Pasko?


Sagot: pinakamasayang pagdiriwang sa buong taon
II. KASANAYANG PAMPAGKATUTO MULA SA MELCs

Nasasabi ang simuno at panaguri sa pangungusap(F5WG-IIIi-j-8)

III. MGA GAWAIN

Panuto: Basahin at unawain ang mga naihandang gawain. Sagutin ito ng may katapatan.

Gawain 1

Ang Gamugamo

Isang gabi noon. Si Jose Rizal ay tinuturuang bumasa ng kanyang ina. Nasa tabi nilang
dalawa ang isang ilawang langis. Si Jose ay napatingin dito. May mga gamugamo sa paligid
nito. Napatingin din ang kanyang ina sa ilawang langis at sa mga gamugamo.
“May alam akong kwento tungkol sa gamugamo,” anang ina ni Rizal. “Makinig ka.”
Narito ang kuwento ni Donya Teodora:
May mag-inang gamugamo na lumilipad sa paligid ng ilawan.
“Lumayo ka sa ningas ng ilawan,” ang sabi ng inang gamugamo sa anak nito.
Ngunit lumapit din ang anak na gamugamo sa ningas.
“Huwag lang lalapit sa ningas,” ang sabi uli ng inang gamugamo. “Baka masunog ang
iyong pakpak.”
Ngunit hindi nakinig ang anak na gamugamo. Lumapit uli ito sa ningas ng ilawan.
Inabot ng ningas ng ilawan ang mga pakpak ng anak na gamugamo. Inabot din ng ningas
ang buong katawan nito. Kaya ito ay nasunog.
Huwag kang gagaya sa anak na gamugamo,” ang sabi ng ina kay Jose.
“Kasi, maganda ang ningas. Maganda ang liwanag ang naisip ni Jose sa sarili.
Nang gabing iyon, si Jose ay hindi makatulog.

Pagtalakay:

1. Paano kinakitaan ng pagkahilig sa kuwento ang batang si Jose Rizal?


2. Bakit nasunog ang pakpak ng anak ng gamugamo?
Pag-aralan ang pangungusap na galing sa kuwento.

Si Jose Rizal ay tinuruang bumasa ng kanyang ina.

Simuno Panaguri

Simuno-ang paksang pinag-uusapan sa pangungusap


Panaguri-ang bahaging nagsasaad tungkol sa simuno
Panuto: Sabihin ang simuno at panaguri sa pangungusap. Isulat ito sa patlang sa ibaba.

1. Ang telepono ay naiwan sa bahay.


Simuno:________________________________________
Panaguri:_______________________________________
2. Ang nanay ay nagluto ng masarap na ulam.
Simuno:________________________________________
Panaguri:_______________________________________
3. Ang Singapore ay isang malinis at mapayapang bansa.
Simuno:________________________________________
Panaguri:_______________________________________
4. Si Isabella ang aking matalik na kaibigan.
Simuno:________________________________________
Panaguri:_______________________________________
5. Ang pista ay dinarayo ng maraming tao.
Simuno:________________________________________
Panaguri:_______________________________________

Gawain 2
Salungguhitan ang simuno at bilugan naman ang panaguri na ginamit sa pangungusap.

1.Si Dr. Jose Rizal ay magaling na manunulat.

2.Nakipaglaban ang ating mga bayani sa mga dayuhang sumakop sa bansa.

3.Ang mga Pilipino ay nagbuwis ng buhay upang makamit ang kalayaan.

4.Igalang natin ang watawat na sumisimbolo ng ating kalayaan.

5.Si Andres Bonifacio ang nagtatag ng Kilusang Katipunan.

Gawain 3

Gumawa ng maikling talata ukol sa isang sagisag ng Pilipinas na gustung-gusto mo.


Bilugan lahat ng simunong gagamitin mo. Sundin ang Rubrik para sa Pagtataya ng Talata.
IV. RUBRIK SA PAGPUPUNTOS

RUBRIK PARA SA PAGTATAYA NG TALATA


KRAYTIRYA Napakahusay Mahusay Nalilinang Nagsimula
(5 Puntos) (4 Puntos) (3 Puntos) (2 Puntos)
Nilalaman Kumpleto at Kumpleto ang May ilang Maraming
komprehensibo nilalaman ng kakulangan sa kakulangan sa
ang nilalaman talata. Wasto nilalaman ng nilalaman ng
ng talata. Wasto ang lahat ng talata. May ilang talata.
ang lahat ng impormasyon maling
impormasyon. impormasyon sa
nabanggit.
Presentasyon Malikhaing Maayos na Hindi gaanong Hindi maayos
nailahad ang nailahad ang maayos na na nailada ang
nilalaman ng talata. nailahad ang talata. Hindi
talata. Nauunawaan talata. Hindi gaanong
Nauunawaan ang nilalaman. gaanong nauunawaan
ang nilalaman nauunawaan ang ang nilalaman
ng talata. nilalaman.
Organisasyon Organisado, Malinaw at Maayos ang Hindi maayos
malinaw, simple maayos ang presentasyon ng ang
at may tamang presentasyon mga presentasyon
pagkasunod- ng mga ideya pangyayari/ideya. ng mga ideya.
sunod ang sa talata. May bahaging di Maraming
presentasyon, gaanong malinaw. bahagi ang
ideya sa talata. hindi malinaw
sa paglalahad
ng kaisipan.
Baybay ng mga Malinaw, Tama ang Maayos ang Hindi maayos
salita at maayos at tama baybay ng mga pagbabaybay ng ang grammar at
grammar, ang baybay ng salita, mga salita subalit pagbabantas.
capitalization, mga salita, grammar, may kaunting Hindi maayos
pagbabantas at grammar, capitalization kamalian sa ang
gawi ng capitalization at at pagbabantas. grammar, at pagkakasulat.
pagkakasulat. pagbabantas. Maayos ang pagbabantas.
Maayos ang pagkakasulat. Hindi gaanong
pagkakasulat. maayos ang
pagkakasulat.
Kabuuang
Iskor= 20

RUBRIK PARA SA PAGTATAYA NG TALATA (KOPYA NG MAG-AARAL)


KRAYTIRYA Napakahusay Mahusay Nalilinang Nagsimula
(5 Puntos) (4 Puntos) (3 Puntos) (2 Puntos)
Nilalaman
Presentasyon
Organisasyon
Baybay ng mga salita at grammar, capitalization,
pagbabantas at gawi ng pagkakasulat
Kabuuang Iskor
V. SUSI SA PAGWAWASTO

Gawain 1
1. Simuno- telepono
Panaguri- naiwan sa bahay
2. Simuno- nanay
Panaguri- nagluto ng masarap na ulam
3. Simuno- Singapore
Panaguri- isang malinis at mapayapang bansa
4. Simuno- Isabella
Panaguri- aking matalik na kaibigan
5. Simuno- pista
Panaguri- dinarayo ng mga tao

Gawain 2
1.Si Dr. Jose Rizal ay magaling na manunulat.

2.Nakipaglaban ang ating mga bayani sa mga dayuhang sumakop sa bansa.

3.Ang mga Pilipino ay nagbuwis ng buhay upang makamit ang kalayaan.

4.Igalang natin ang watawat na sumisimbolo ng ating kalayaan.

5.Si Andres Bonifacio ang nagtatag ng Kilusang Katipunan.

Gawain 3

Guro ang magwawasto batay sa Rubrik para sa Pagtataya ng Talata

VI. SANGGUNIAN

Alab Filipino 5 ph. 158-160


CG FILIPINO 5 pahina 100
Kontekstwalisadong Banghay-Aralin sa Filipino 5 pahina 254-257

Inihanda ni:

MARIBETH A. TRESMANIO
Master Teacher I
Palta Elementary School

NOTED:

MERLY T. GONZALES
Public Schools District Supervisor

Republic of the Philippines


Department of Education
Region V (Bicol)
Schools Division Office of Catanduanes
Virac South District
PALTA ELEMENTARY SCHOOL
Palta Big, Virac

KALIP
UNAN
NG
MGA
GAWAI
NG
PAGKA
TUTO
SA Prepared by:

FILIPIN MARIBETH A. TRESMANIO

O-V
Master Teacher I

Noted:

IKATLON MERLY T. GONZALES


G
Public Schools District Supervisor

MARKAH
AN

You might also like