You are on page 1of 15

Edukasyon sa Pagpapakatao– Ika-9 na Baitang

Ikaapat na Markahan – Modyul 7: Ang Pagbuo ng Career Path Bilang Hakbang


sa Pagkamit sa Minimithing Pamumuhay
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.
Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Yvette P. Guiling


Editors: Marlonito C. Padillo, Amado R. Amado
Tagasuri: Perlita M. Ignacio, RGC, PhD, Josephine Z. Macawile
Tagaguhit: Rema A. Domingo
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Manuel A. Laguerta, EdD
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
ESP 9
Ikaapat na Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 7
Ang Pagbuo ng Career Path Bilang
Hakbang sa Pagkamit sa Minimithing
Pamumuhay
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 9 ng Modyul
para sa araling Ang Pagbuo ng Career Path Bilang Hakbang sa Pagkamit sa
Minimithing Pamumuhay!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Modyul ukol sa


araling Ang Pagbuo ng Career Path Bilang Hakbang sa Pagkamit sa Minimithing
Pamumuhay!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Pagkatapos ng aralin, inaasahang natutukoy ang mga paghahandang


gagawin upang makamit ang piniling kursong akademiko, teknikal-
bokasyonal at sining at palakasan o negosyo, na may tiyak na layuning:

A. natutukoy ang mga uri ng Career Path na makakatulong sa pagkamit


ng minimithing uri ng pamumuhay;
B. napangangatwiranan na ang pagbuo ng Career Path ay isa sa
mahalagang paghahanda tungo sa pagkamit ng minimithing uri ng
pamumuhay sa lipunan; at
C. nakabubuo ng balangkas ng Career Path tungo sa pagkamit ng
minimithing uri ng pamumuhay.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang mga salitang tinutukoy sa bawat bilang
at isulat sa patlang.

Job Analysis Career Path Michael Driver


Steady state Transitory Spiral

_____ 1. Ito ay career path na nangangailangan ng panghabambuhay na


pananatili sa isang trabaho.
_____ 2. Tumutukoy sa pagsusuri kung ang mga propesyon, trabahong teknikal
bokasyonal o negosyo na kasama sa tinatawag na Key Employment Generators ay
tugma sa iyong minimithing uri ng pamumuhay.
_____ 3. Isang mahusay na Professor na siyang nag-aral at naglarawan sa ibat ibang
uri ng career path.

_____ 4. Ito ay tumutukoy sa mga pagsasanay, pag-aaral, posisyon o iba’t ibang


trabaho at mga paghahanda na ating pinagdaraanan upang matamo ang ating nais
na uri ng pamumuhay.
_____ 5. Ang uri ng career path na ito ay nagpapakita ng madalas na pagbabago at
karaniwang naghahanap ng sari-saring karanasan sa kaniyang propesyon.

BALIK-ARAL
Panuto: Hanapin sa loob ng puzzle ang mga salitang may kaugnayan sa mga
salik sa pagpili ng tamang track o kurso.

T K R E D M X Y Z A Y S A
A Z A G F H I I K M N J K
L D F S V B N T M Z Q W R
E F K U A H M R H I L I G
N V H A C N N S W I O C M
T B N E B I A T X F I Y K
O N M I D J O Y Y H M N U
V M O O F K P U A P V B G
B J U U G L Q V Z N Z M N
P A G P A P A H A L A G A

ARALIN

Ano ang pangarap mong buhay sa hinaharap? May naiisip ka na bang trabaho
o propesyon balang araw? Ano ang naging batayan mo sa pagpili? Upang lalo pang
mapalawak ang iyong kaalaman sa tamang pagpapasiya para sa minimithing buhay
sa hinaharap makakatulong ang pagsasagawa ng Job Analysis.

Ang Job Analysis ay ang pagsusuri kung ang mga propesyon trabahong
teknikal bokasyonal o negosyo na kasama sa tinatawag na Key Employment
Generators ay tugma sa iyong minimithi at sa mga personal o mga pansariling salik
tulad ng mga hilig o interes, kakayahan, pagpapahalaga at kasanayan.
Upang lalo pang mapalalim ang kaalaman tungkol dito suriin ang tsart na ito.
PAGSUSURI NG NAPILING TRABAHO

JOB TITLE Hal: Administrative Assistant


Accounting
Mga Gawain o Tasks
-Ilarawan ang mga Gawain (work activities) Maintaining financial records,
at mga responsibilidad (task) kaugnay ng processing accounts payable for
trabaho payment, performing work force
including benefits processing for new
employees.
Paglalarawan ng kalagayan at konteksto ng Balance accounts on computer,
trabaho (Halimbawa, panahon ng prepare payroll, financial documents
pagbiyahe, kinakailangan ba ng kompyuter, and other reports
telepono etc., humaharap sa kliyente at iba
pa)
Mga Kailangan upang maging matagumpay ● Graduate of BS
sa trabaho: Accountancy
● Edukasyon at Pagsasanay ● With at least 2 year work
● Kaugnay na Karanasan sa experience as Accounting
Trabaho Clerk
● Mga kakailanganing ● With Computer skills
Pagpapahalaga Kaugnay ng ● Hardworking, flexible,
Trabaho willing to be trained
● Mga kakailanganing
Kasanayan
● Mga Kaugnay na Hilig o
Interes
● Saloobin sa Pagtatrabaho
(Work Attitude) o Pagpapahalaga

Gamit ang tsart sa itaas bilang gabay, bumuo ka ng Tsart ng Pagsusuri ng Napiling
Trabaho o (Job Analysis)

Pagsusuri:
1. Tugma ba ang iyong mga hilig, pagpapahalaga at pananaw sa paggawa
sa mga kinakailangan sa trabahong napili mo?
_____________________________________________________________________
2. Ano-anong pag-aaral at pagsasanay ang kailangan para sa trabahong
ito?
_____________________________________________________________________
CAREER PATH

Ano ang Career Path?


Ito ay tumutukoy sa mga pagsasanay , pag-aaral, posisyon o iba’t ibang
trabaho at mga paghahanda na ating pinagdaraanan upang matamo ang ating nais
na uri ng pamumuhay o career goal. Pinag-aralan ni Professor Michael Driver ng
Graduate School for Business ng University of Southern California ang career
development ng mga mamamayan doon. Sa kaniyang pag-aaral, natukoy niya at
nailarawan ang ibat ibang uri nito.

Mga Uri ng Career Path

1. Steady State. Ito ay ang career path na nangangailangan ng


panghabambuhay na pananatili sa isang trabaho lamang at patuloy na
paglago ng kaalaman at kasanayan sa karerang ito. Ang larangan ng
medisina, dental, pag-iinhinyero, at pag-aabogado ay madalas na
matukoy bilang “steady state” na career path.
2. Linear. Iito ay nangangahulugan ng patuloy na pag-angat o pagtaas,
kung saan mayroon ding patuloy na pagtaas ng posisyon,
kapangyarihan at responsibilidad. Ang mga managers at mga politiko
ay karaniwang tumatahak sa linear na career path.
3. Transitory. Ito ay nagpapakita ng madalas na pagbabago. Ang
sumusunod sa transitory career path ay karaniwang naghahanap ng
sari-saring karanasan at hindi nagpapatali sa isang pinapasukan
lamang.
4. Spiral. Ito ay nangangahulugan ng regular na pagbabago, kadalasan ay
sa loob ng lima o pitong taon. Halimbawa ay isang business executive
na nagpasiyang magturo, abogadong naging doktor ng medisina o isang
guro nag-aral muli at naging isang nurse.

MGA PAGSASANAY

Panuto: Isaayos ang sumusunod na hakbang sa


pagpaplano ng karera o uri ng buhay na minimithi. Lagyan
ng bilang 1-5 ang patlang.
GAWAIN 1
_______ Magtakda ng mithiin. (short term at long term goal)
_______Tingnan ang talaan ng mga pamimiliang kurso o negosyo at kumalap ng

impormasyon.
_______Pumili ng kursong sa iyong palagay ay mabuti para sa iyo.
_______ Kilalanin ang mga pansariling salik sa pagpili ng kurso o Negosyo.

_______ Magsiyasat tungkol sa mga kursong akademiko, teknikal bokasyonal o


negosyo na naaayon sa iyong natuklasan tungkol sa iyong pansariling salik sa
pagpili ng kurso o negosyo.

Panuto: Punan ang tsart ng Pagpili ng Track o Kurso sa


Senior High School
GAWAIN 2
Minimithing Uri ng Pamumuhay Balang Araw:
Hal. Magkaroon ng sariling café
___________________________
Napiling Kurso sa Akademiko:
______________________________
Paaralan o Pamantasan na maaaring
Pasukan:_____________________
Mga Pamantayan sa Pagpili: hal. Distansiya sa
tirahan, tuition fee,
scholarship:___________________________________
_____________________

__________________________________________________________________________________

Panuto: Bumuo ng Balangkas ng Career Path Tungo sa


Minimithing Pamumuhay
GAWAIN 3

Magmay-ari ng
Halimbawa: sariling restaurant
RESTAURANT OWNER

HEAD CHEF
TECHVOCH 6 MONTHS COURSE:
CULINARY

Kolehiyo 4 taon kurso HRM

Senior High School 2 taon

Track: ABM

Ikaw naman sa bahaging ito:

PAGLALAHAT

pagpapasiya napagnilayan naunawaan


Ang tamang pagpili ng career path ay bunga ng mabubuting
______________; isang pagpapasiya na pinili sa pamilian, ____________________,
naisangguni, __________________ at naisagawa.

PAGPAPAHALAGA

Ano ang career path na tutunguhin mo? Ano-ano ang mga karanasan mo
sa buhay ang nag-udyok sa iyo upang piliin ang career path na ito? Paano mo
ito maisasakatuparan?

_____________________________________________________________________________
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Lagyan ng tsek √ kung wasto ang pahayag at ekis X naman kung
mali.

1. Ang career path ay tumutukoy sa mga pagsasanay, pag-aaral,


posisyon at mga paghahanda na ating piangdadaanan upang
makamit ang ating nais na uri ng pamumuhay .
2. Si Professor Michael Driver ang siyang nag-aral at naglarawan sa
ibat ibang uri ng career path.
3. Bilang tao ang katuparan ng ating pangarap ay nakatali sa ating
pinipiling bokasyon.
4. Ang uri ng pamumuhay sa lipunan ay dapat na tumutugon sa
kabutihang panlahat.
5. Steady state ang tawag sa career path na nagpapakita ng madalas
na pagbabago.

SUSI SA PAGWAWASTO


3. naunawaan

X
5. 2. √ napagnilayan

4. √ 1. √ pagpapasiya

Panapos na Pagsusulit Paglalahat

hilig 5. Transitory
4. Spiral pagpapahalaga 4. Career Path
3. Transitory mithiin 3. Michael Driver
2. Linear kasanayan 2. Job Analysis
1. Steady talent 1. Steady State
Aralin Balik-Aral Paunang Pagsubok
Sanggunian

Kagawaran ng Edukasyon, 2017 Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Modyul 6 para sa


Mag-aaral. Pilipinas Bloombooks Inc.
Mula sa internet:
Business Job Analysis Examples

https://www.examples.com/business/job-analysis-examples.html

Mga Larawan mula sa internet

FREEPIK, “Eustoma Flowers With Blank Spiral Notebook with Purple Pencil Against
Pink Backround”
https://www.freepik.com/free-photo/eustoma-flowers-with-blank-spiral-notebook-
with-purple-pencil-against-pink-background_3317967.
FREEPIK “Businesswoman Steps”
https://www.freepik.com/free-vector/business-woman-steps_987134.htm
FREEPIK “Businessman Steps”
https://www.freepik.com/free-vector/businessman-steps_987133.htm
FREEPIK “Businessman Drawing Chart”
https://www.freepik.com/free-vector/businessman-drawing-chart_1076100.htm

FREEPIK “Diploma Mortarboard”


https://www.freepik.com/free-vector/diploma-mortarboard_764638.htm

You might also like