You are on page 1of 19

9

Edukasyon
sa Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Katarungang Panlipunan
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Katarungang Panlipunan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa maaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad,

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito ipang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-ari ng mga iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na
ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan ng walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Regional Director: Allan G. Farnazo
Assistant Regional Director: Maria Ines C. Asuncion

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Trixy Joy B. Banda
Editor: Jeannie Pearl Y. Niñonuevo, Robert C. Doria
Tagasuri: Dindo A. Rabago, Gloria Castro-Sabanal, Ana Lorma A. Dahiroc
Tagalapat: Richard N. Escobido
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala:
Allan G. Farnazo Reynaldo M. Guillena
Mary Jeanne B. Aldeguer Alma C. Cifra
Analiza C. Almazan Aris B. Juanillo
Ma. Cielo D. Estrada Lydia V. Ampo

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region XI Davao City Division


Office Address : DepEd Davao City Division, E. Quirino Ave.,
Davao City, Davao del Sur, Philippines
Telefax : (082) 224 0100
E-mail Address : info@deped-davaocity.ph
9
Edukasyon
sa Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Katarungang Panlipunan
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman
ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa
iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa
ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng
silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang
modyul:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang bawat
pahina nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring sulatan ng mga
kasagutan mula sa iba’t ibang kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan and Subukin Natin bago dumako sa
susunod na gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang mga
gawain.
4. Inaasahan ang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa, pagsagot
at pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang kahingian ng bawat bahagi bago pa dumako sa
susunod na gawain.
6. Isauli/ Ipasa ang modyul sa inyong guro o tagapagdaloy pagkatapos ng
mga gawain.

Kung mayroon kayong hindi naintindihan at nahihirapan sa pagsagot sa


mga inilaang gawain, huwag mag-atubiling magtanong sa inyong guro o
tagapagdaloy. Tandaan na hindi ka nag-iisa sa gawaing ito. Inaasahan namin
na sa pamamagitan ng modyul na ito, ay mararanasan mo ang isang
makabuluhan, masining at malalim na pagkatuto at pag-unawa sa mga
kasanayang pampagkatuto. Kaya mo yan!

ii
Alamin Natin

Sa Modyul 1, natutuhan mo na mahalaga ang pagsisikap ng bawat tao


sa pagkamit at pagpapanatili ng kabutihang panlahat sa lipunan. Isa sa mga
nararapat pagsikapan upang makamit ito ay pagsasabuhay ng mga moral na
pagpapahalaga na magpapatatag sa lipunan. Pangunahin sa mga moral na
pagpapahalagang ito ay ang katarungang panlipunan.
Bakit mahalaga sa ating pakikibahagi sa lipunan ang pagkakaroon ng
katarungang panlipunan? Paano ka tutugon sa hamon ng pagsasabuhay ng
katarungang panlipunan?
Sa modyul na ito, inaasahang masasagot mo ang mahalagang tanong
na: Paano makipag-ugnayan ang bawat mamamayan sa kaniyang kapuwa
sa kanilang pagkakasamang pag-iral?

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod


na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:
1. Nakikilala ang mga palatandaan ng katarungang panlipunan
Mula sa: Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa PagpapakataoBaitang 9, Modyul
(EsP9KP-IIIc-9.1).
Para sa Mag-aaral (Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon, 2015), 1.
2. Nakapagsusuri ng mga paglabag sa katarungang panlipunan ng
mga tagapamahala at mamamayan (EsP9KP-IIIc-9.2).

1
Subukin Natin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at pillin ang


pinakatamang sagot. Isulat sa papel ang iyong sagot.
1. Paano natututuhan ang katarungang panlipunan?
a. Binubulong ng anghel
b. Tinuturo ng mga magulang
c. Basta alam mo lang
d. Sinisigaw ng konsensya

2. Ano ang pangunahing prinsipyo ng katarungan?


a. Palaging nakasasalamuha ang kapuwa
b. Paggalang sa karapatan ng bawat isa
c. Tutulong ang mga mayayaman sa mga mahihirap
d. May ugnayan na namamagitan sa dalawang tao

3. Alin ang nagpapatunay na nagsisimula sa pamilya ang pagiging


makatarungan?
a. Natutong tumayo sa sarili at hindi umaasa ng tulong mula
sa pamilya
b. Nagiging bukas ang loob na tumatanggap sa pagkakamali at
hindi naninisi ng iba
c. Nagkakaroon ng kamalayan sa sarili sa tulong ng mga
magulang at mga kapatid
d. Nagagabayan ng mga mahal sa buhay na lumaking may
paggalang sa karapatan sa iba

4. Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng hindi mabisang pagsasanay


sa pagiging makatarungan?
a. Pag-unawa sa kamag-aral na palaging natutulog sa klase
b. Paggabay ng magulang sa anak habang ito ay lumalaki
c. Pagninilay sa mga nagawa sa buong araw bago matulog sa gabi
d. Pagsisikap na gumawa ng mga mabubuting bagay para sa
kapuwa araw-araw

5. Bakit mahalagang maunawaan ang mga pagpapahalaga na kaugnay ng


katarungang panlipunan?
a. Malalaman mo kung bakit kaugnay ang mga ito sa
katarungang panlipunan
b. Makikita mo kung alin sa mga kaugnay na pagpapahalaga ang
kailangan mo para sa iyong sarili
c. Mabisang paraan ito sa iyong pagsisikap na magpakatao at sa
pagtugon sa hamon ng pagiging makatarungan sa kapuwa
d. Makikita ang kahalagahan para sa lipunan

2
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Tukuyin kung
ang pahayag ay TAMA o ito ay MALI. Isulat ito sa sagutang papel.

_________1. Ang tuon ng katarungan ay ang labas sa sarili.

__________2. Ang katarungang panlipunan ay isang mahalagang pundasyon


ng panlipunang pamumuhay.

__________3. Nagsisimula sa pamilya ang katarungan.

__________4. Ang katarungan ay batay sa desisyon ng tao.

__________5. Ang katarungan ay isang gawi na gumagamit lagi ng kilos-loob


sa pagbibigay ng nararapat sa isang indibidwal.

AralinNatin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sanaysay. Pagkatapos, sagutin ang


mga tanong sa Gawin Natin.

“Walang iwanan”. Sa ano-anong sitwasyon o konteksto mo narinig ang


pahayag na ito? Anong pagpapahalaga ang masasalamin sa katagang ito?

Bilang panlipunang nilalang, tayo ay may likas na pangangailangang


ito kung may nabubuong ugnayan sa atin, isang ugnayang dapat na
pinamamayanihan ng katarungan.

Kahulugan ng katarungan

Ano ang katarungan? Ayon sa karaniwang kahulugan nito, ang


katarungan ay pagbibigay sa kapuwa ng nararapat sa kaniya. Ayon kay Dr.
Manuel B. Dy Jr., ito ay isang pagbibigay at hindi isang pagtanggap. Kung
kaya, ang tuon ng katarungan ay ang labas ng sarili. Nangangailangan ito ng
panloob na kalayaan mula sa pagkiling ng sariling interes. Ano naman ang
nararapat sa kapuwa? Ito ay ang pagpapahalaga sa hindi paglalabag na

3
espasyo ng kaniyang pagka-indibidwal, ang kaniyang dignidad bilang tao.
Ang pagkatao ng tao ay isang katotohanang nangangailangan ng ating
pagkilala at paggalang. Ang katarungan ay nakabatay sa pagkatao ng tao.
Halimbawa, ang paninira sa ibang tao ay isa ring paglapastangan sa iyong
sariling pagkatao.

Ayon naman kay Santo Tomas de Aquino, ang katarungan ay isang


gawi na gumagamit lagi ng kilos-loob sa pagbibigay ng nararapat sa isang
indibiduwal. Ang kilos-loob na isang makatuwirang pagkagusto ay
magpatatatag sa iyong pagiging makatarungang tao. Sa pamamagitan ng
pagiging makatarungan, sinusunod mo ang Likas na Batas Moral.

Makatarungang Tao

Ano ang isang makatarungang tao? Ayon kay Andre Comte- Sponville
(2003), isa kang makatarungang tao kung ginagamit mo ang iyong lakas sa
paggalang sa batas at sa karapatan ng kapuwa. Isinaalang-alang mo rin ang
pagiging patas sa lahat ng tao. Itinatalaga mo ang iyong sarili para rito sa
kabila ng napakaraming hindi patas na situwasyon. Ang pakikibaka para sa
katarungan ay isang walang katapusang laban dahil sa katotohanang
mahirap kalabanin ang mismong sarili.

Pangunahing Prinsipyo ng Katarungan

Ano-ano ang indikasyon ng makatarungan o hindi makatarungang


ugnayan sa kapuwa? Ang makatarungang ugnayan ay umiiral sa dalawang
magkakapitbahay, magkakaklase o magkaopisina kung hindi sila umaasa,
walang kompetisyon o hindi nang-aagrabyado sa isat’ isa. Maaaring hindi
makatarungan ang kanilang ugnayan kung ang isang panig ay nagbibigay-
hadlang sa pamumuhay at buhay ng kabilang panig. Bilang tao, karapatan
ng bawat isa na mabuhay at mamuhay nang hindi hinahadlangan o
pinanghihimasukan ng iba. Kung nilabag ang karapatang ito, mawawalan ng
katarungan. Hindi nila ito magugustuhan at maaaring magbunga ng gulo sa
buhay ng mga nasasangkot.

Ano ang papel ng katarungan sa ganitong situwasyon? Mahalagang


tandaan na ang pangunahing prinsipyo ng katarungan ay ang paggalang sa
karapatan ng bawat isa anumang ugnayan mayroon ka sa iyong kapuwa.

4
Nagsisimula sa Pamilya ang Katarungan

Sa pamilya, una naming maranasan ang mga bagay-bagay na


nagbibigay sa iyo ng kamalayan tungkol sa katarungan. Dito, unti-unti kang
nagkakaroon ng kakayahan na maunawaan kung ano ang katarungan.
Dahan-dahang nahuhubog ang iyong pagkatao sa paggabay ng iyong mga
mahal sa buhay. Mula nang mahubog ang iyong konsensiya, natutuhan mo
na ang katarungan at kawalan ng katarungan ay hindi nakadepende kung
nahuhuli ka ng iyong mga magulang o ng iyong mga kapatid sa iyong mga
nagawang pagkakamali. Hindi rin ito nakabatay sa mga patakaran na
sinasabi ng iyong mga magulang o ng sino pa man. Nauunawaan mo ito sa
tulong ng iyong mga karanasan kung saan ay isinaalang-alang mo ang
kabutihang panlahat.

Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng mga magulang sa


paghubog ng iyong pagiging makatarungan. Iminumulat ka nila sa
katotohanang ikaw ay may karapatan at tungkulin bilang tao hindi lamang
sa pamilya kundi pati na rin sa lipunan. Ginagabayan ka nila upang
mapahalagahan at maisabuhay mo sa iyong pang-araw- araw na ugnayan sa
kapuwa ang mga karapatan at tungkuling ito. Samakatuwid, ang tulong ng
iyong kapuwa ay daan tungo sa pagiging makatarungan.

Malaki ang papel ng pagsasanay upang maging makatarungan ka


bilang tao. Ang pagsasanay na ito ay una mong nararanasan sa piling ng
iyong pamilya. Kung hindi mo ito nasisimulan at nagagawa sa pamilya, ang
buong proseso ng pagiging makatarungang tao ay maaaring mahirap para sa
iyo. May apat na aspekto na mahalagang pagtuunan mo ng pansin sa
pagsasanay sa loob ng iyong pamilya upang mahubog sa iyo ang katarungan.
Narito ang mga askpektong titingnan mo sa iyong sarili.

1. Ipinaaalala ba palagi ng mga magulang mo sa iyo na kailangan mong


gawin ang mga makatarungang bagay sa iyong ugnayan sa iba? Ginagabayan
ka ba nila upang maiwasan mo ang hindi makatarungang gawain?

2. Ipinauunawa ba nila sa iyo kung ano ang ibig sabihin ng paggalang


sa kapuwa? Kaugnay nito, tinutulungan ka ba nila na sanayin ang iyong sarili
na magpaalam kapag naghihiram ka ng gamit ng iyong kapatid?

3. Nililinaw ba nila sa iyo ang pagkaiba-iba ng mga sirkumstansiya ng


iba’t ibang tao lalo na ang mga nakapaligid sa mga ito?

5
4. Tinuturuan ka ba nila ng pagiging mapagtimpi o pagkontrol sa sarili
at pagsasaayos ng iyong mga pagkakamaling nagagawa sa ugnayan mo sa
iba?
Ang apat na aspekto ng pagsasanay na ito ay ginagamitan ng iyong isip
at kilos-loob na isa sa mga paksa na pinag-aralan mo sa Baitang 7. Ang una
at ikaapat na mga punto ay mga pagsasanay ng iyong isip, ang ikatlong punto
at ikalawang punto ay ang pagsasanay mo ng iyong isip at kilos-loob.
Pinagsisikapan nating suriin ang mahalagang papel na ginagampanan ng
iyong pamilya sa paghubog ng iyong pagkatao tungo sa pagiging
makatarungan. Sa puntong ito ng iyong buhay, magiging mas bukas pa sana
ang iyong isip sa pagtanggap ng paggabay ng iyong mga magulang. Sana hindi
mo hayaang mauwi lamang sa wala ang mga ginagawa nilang ito na tanda ng
kanilang pagmamahal. Pinapahalagahan mo ba ang pagmamahal nila?
Paano?

Ang Moral na kaayusan bilang batayan ng legal na kaayusan ng


katarungan
Bakit ginagawang batayan ng legal na kaayusan ang moral na
kaayusan? Kung titingnan nating mabuti ang tanong na ito ayon sa tunay na
diwa ng pagpapakatao, ang batas sibil ay nararapat na nakababatay sa Batas
Moral. Ibig sabihin ang mga legal na batas ay kailangang nakaangkla sa
moralidad ng kilos. Kung hindi, ang legal na kaayusan ay mawawalan ng
kahulugan. Inihiwalay kasi ito sa moral na kaayusan. Mahalagang malaman
mo na ang legal na batas ay siyang panlabas na anyo ng moral na batas. Ang
legal na kaayusan kung gayon ay nararapat na maging tulay ng moral na
kaayusan ng lipunan.
Kaugnay ng pahayag sa itaas, ang batas moral ay maituturing na isang
panloob na aspekto ng katarungan. Ang batas sibil ay ang panlabas na
aspekto nito. Sabi nga, “Ang batas ay para sa tao at hindi ang tao para sa
batas.” Kung kaya, ang sistemang legal ng lipunan ng Pilipinas ay nararapat
na nagbibigay ng proteksiyon sa karapatang pantao ng bawat mamamayan
nito. Mahalagang sinisigurado ng batas legal ng bansa ang katarungan para
sa lahat. Sa mata ng batas na ito ay nararapat na walang mahirap o
mayaman, mahina at makapangyarihan. Sa batas, ikaw at ako ay pantay.
Subalit, bakit nangyayari na ang sistemang legal na dapat ay pumuprotekta
sa mga mahirap at mahina ay nagagamit ng mga mayayaman at
makapangyarihan? Bakit nagiging instrumento ito ng walang hustisya at
pang-aapi? Nilalabag nito ang pangunahing batas ng pagpapakatao-ang Likas
na Batas Moral.
Mula sa: Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9,
Modyul Para sa Mag-aaral (Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon, 2015)

6
GawinNatin

Panuto: Sagutin ang mga tanong upang mataya mo ang iyong pag-unawa
sa mga mahalagang konsepto sa babasahin. Isulat ang mga sagot sa isang
pirasong papel.
1. Ano ang katarungan?

2. Bakit nangangailangan ng panloob na kalayaan ang pagtataguyod


nito?

3. Ano-ano ang paraan upang maging isang makatarungang tao?


Ipaliwanag

4. Saano kailan mo nasasaksihan ang kawalang-katarungan?

5. Bakit nararapat na ibinabatay sa Batas Moral ang Batas Legal?


Ipaliwanag

6. Bilang isang kabataan, suriin sa iyong pamayanan o sa ating


tagapamahala ang tatlong (3) paglabag sa katarungang panlipunan.
Ipaliwanag bakit ito ay paglabag.

Sanayin Natin

Panuto: Mula sa iyong pagkatuto sa babasahin, punan ng mga angkop na


salita ang pangungusap sa ibaba upang mabuo ang Batayang Konsepto.

Ang tuon ng 1.______________ ay ang 2. __________sa sarili.


Nangangailangan ito ng 3.___________ na 4.______________ mula sa
pagkiling ng sariling 5.________________.

7
Tandaan Natin

Panuto:
1. Sa kolum 1 ng matrix isulat ang mga aytem ng palatandaan na kailangan
mo pang taglayin.

2. Sa kolum 2, isulat ang tiyak na paraan o hakbang na iyong gagawin sa


pagsasakatuparan ng bawat palatandaan.

3. Sa kolum 3 naman, isulat ang mga kaugnay na pagpapahalaga sa mga


palatandaan ng pagiging makatarungang tao na mahubog sa iyong sarili.
Gabay mo ang halimbawang nasa ibaba.

Mga palatandaan ng Mga paraan o hakbang Mga kaugnay na


pagiging na gagawin ko sa pagpapahalagang
makatarungang tao na pagsasakatuparan ng mahuhubog sa iyong
kailangan mong bawat palatandaan sarili
taglayin

1. Hal. Isinasaalang- Hinaan ko ang volume Paggalang sa kapuwa


alang ko ang mga ng gaming speaker
karapatan ng mga tao tuwing pinatugtog ko
sa aking paligid ito upang hindi
makaistorbo sa aming
kapitbahay

2.

3.

4.

5.

8
Suriin Natin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at pillin ang


pinakatamang sagot. Isulat sa papel ang iyong sagot.

1. Saan nagsisimula ang katarungan?


a. Bibliya
b. Magulang
c. Batas
d. Kapuwa

2. Ano ang palatandaan ng makatarungang tao?


a. Ginagamit ang lakas sa paggalang sa batas at karapatan ng kapuwa
b. Mabuting pakikipag-ugnayan sa ibang tao kung kailangan
c. Pagiging matulungin sa mga taong maibabalik ang iyong tulong
d. Ipinapairal ang konsensiya

3. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng katarungang panlipunan


maliban sa isa. Alin dito?
a. Nagtayo ng union si Daniel para protektahan ang kanilang karapatan
b. Ipinapakita sa publiko ang kaukulang budget para sa proyekto
c. Pagpataw ng tamang presyo sa bawat bilihin.
d. Kulang ang pasahod na ibinigay ng isang kompanya.

4. Alin ang makabuluhang paraan ng pagsasabuhay ng katarungang


panlipunan?
a. Sundin ang batas trapiko at ang alituntunin ng paaralan
b. Maging mabuting mag-aaral at mamamayan ng bansa
c. Paggalang sa karapatan ng bawat tao
d. Pag-aralan at sundin ang mga alituntunin ng tahanan at paaralan

5. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng palatandaan ng isang


taong makatarungan?
a. Sinusunod ang tuntunin ng paaralan
b. Magpapakatotoo
c. Iginagalang ang batas
d. Hindi umiimik

9
Panuto: Piliin sa Hanay B ang hinihingi a Hanay A. Isulat sa sagutang papel.

Hanay A Hanay B

6. Pamilya a. Tuon ng katarungan

7. Labas sa sarili b. Mahalagang pundasyon ng panlipunang


Pamumuhay

8. Katarungang Panlipunan c. Panlabas na anyo ng moral na batas

9. Legal na Batas d. Nagsimula ang katarungan

10. Katarungan e. Pagbibigay ng kapuwa ng nararapat sa isang


indibiduwal

10
Payabungin Natin

PhotoEssay
Panuto: Gumuhit ng isang simbolo ng isang tao o organisasyon na kinilala
ang katarungang panlipunan sa panahon ng pandemya. Sa ibaba ng larawan,
sumulat ng maikling kuwento base sa napili mong simbolo. Gawin ito sa isang
pirasong papel.
Narito ang mga kraytirya ng pagtataya ng output:

KRAYTIRYA PUNTOS

Tiyak at makabuluhan ang 40%


nagawang slogan

Malinaw at konkreto ang 35%


paggawa base sa napiling
salita/konsepto

Malikhain at Malinis ang 25%


pagkagawa ng buong output

11
Pagnilayan Natin

Panuto:
1. Sa iyong journal o sa isang pirasong papel, isulat ang iyong nararamdaman
at reyalisasyon tungkol sa bahagi ng gagampanan mo sa pagpapairal ng
katarungang panlipunan.

12
13
SANAYIN NATIN
1. KATARUNGAN
2. LABAS
3. PANLOOB
4. KALAYAAN
5. INTERES
SURIIN NATIN
SUBUKIN NATIN
1. B
1. B
2. A
2. B
3. D
3. D
4. C
4. A
5. D
5. C
6. D
6. TAMA
7. A
7. TAMA
8. B
8. TAMA
9. C
9. MALI
10. E
10. TAMA
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9 Modyul


para sa Magaaral. Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon, 2015.

Kagawaran ng Edukasyon. K to 12 Gabay Pangkurikulum ng Edukasyon sa


Pagpapakatao Baitang 1-10. Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon,
2016.

14
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Region XI

F. Torres St., Davao City

Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147

Email Address: lrms.regionxi@deped.gov.ph

You might also like