You are on page 1of 15

Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang

Ikaapat na Markahan – Modyul 11: Mga Batas at Programang Pangkaunlaran sa Sektor


ng Pangingisda
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Jolibeth R. Ema
Editor: Jolibeth R. Ema
Tagasuri: Rowena B. Marasigan/Vilma C. Estadilla
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Araling
Panlipunan 9
Ikaapat na Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto
Modyul 11: Mga Batas at Programang
Pangkaunlaran sa Sektor ng Pangingisda
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Modyul 11
para sa araling Mga Batas at Programang Pangkaunlaran sa Sektor ng Pangingisda!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na pinamumunuan ng
Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na Tagapamanihala, Ma. Evalou
Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa
pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor Ma. Regis N. Sotto, upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon
sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa kanilang
kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral na makamit ang
mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs (Communication, Collaboration,
Creativity, Critical Thinking and Character) habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng modyul


sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-
unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod
dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap Araling Panlipunan 9 ng Modyul 11 para sa araling Mga


Batas at Programang Pangkaunlaran sa Sektor ng Pangingisda!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan
pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo pang
malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga naunang
paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay na
dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibinuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang pampagkatuto
ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Sa modyul na ito, inaasahang matututunan mo ang sumusunod:

1. Naisa-isa ang mga batas at programa ng pamahalaan upang mapalakas ang sektor ng
pangingisda;
2. Nasuri ang mga batas at programang pangkaunlaran sa sektor ng pangingisda;
3. Naunawaan ang kahalagahan ng mga batas at programa upang masiguro ang kaayusan
ng sektor ng pangingisda.

PAUNANG PAGSUBOK

Sagutin ang paunang pagsusulit upang matukoy ang lawak ng iyong kaalaman tungkol sa
paksang tatalakayin. Bigyang-pansin ang mga tanong na hindi masasagutan ng wasto at
alamin ang sagot sa modyul na ito. Bilugan ang letra ng wastong sagot.

1. Ang mga coral reefs ay nagsisilbing nursery ground ng mga isda at tumutulong upang
maprotektahan ang mga komunidad ng baybayin mula sa mga bagyo.Anong batas ang
nangangalaga para sa yamang coral ng bansa?

A. Republic Act 8550 C. Republic Act 10654


B. Republic Act 8435 D. Republic Act 10067

2. Anong ahensiya ng pamahalaan ang nangangasiwa upang masiguro ang pangangalaga


at pagpapaunlad sa sektor ng pangingisda?
A. Fishery Research
B. Department of Environmental and Natural Resources
C. Bureau of Fisheries and Aquatic Resources
D. Department of Agriculture

3. Paano binigyang-tugon ng pamahalaan ang mga mangingisda upang mapadali ang


paghahatid ng kanilng produkto sa pamilihan o sa mga mamimili?
A. Nagpatayo ng karagdagang pamilihan
B. Nagpatayo ng mga daungan
C. Nagpatayo ng mga munting tirahan
D. Nagpatayo ng mga imbakan
4. Ang patuloy na pang-aabuso at labis na paggalugad sa mga lugar na pangisdaan ay
nagdulot ng iba’t ibang suliranin gaya ng unti-unting pagkaubos ng mga nahuhuling isda.
Kaugnay nito, inilunsad ng pamahalaan ang BASIL Project. Kailan nagsimula at matatapos
ang programa?
A. 2018-2022
B. 2019-2023
C. 2020-2024
D.2021-2025

5. Ano ang isinasaad sa Batas Republika Blg. 9275?


A. Nangangalaga sa katubigan ng bansa laban sa mga polusyon mula sa industriya
at komunidad.
B. Nagbibigay daan upang buhayin muli ang mga lawa at ilog.
C. Nagpoprotekta sa mga yamang coral ng bansa.
D. Nagtatalaga sa likas-kayang gamit ng yamang tubig.

BALIK-ARAL

Panuto: TAPAT NA PO! Pagtapat-tapatin. Matatagpuan sa Hanay A ang mga nilalaman ng


batas at sa Hanay B ang katawagan.Isulat ang titik ng tamang sagot.
HANAY A

____1. Nakapaloob dito ang pamamahagi ng mga lupaing


pampubliko sa mga pamilya na nagbubungkal ng lupa.
____2. Batas na ito na sinasabing magpapalaya sa
tanikala ng kahirapan at paglilipat sa kanila ng
pagmamay-ari ng lupang sinasaka
____3. Lahat ng magsasaka na naapeķtuhan ng Rice Tariffication
ay maaaring makautang ng P15, 000 na may zero-interest,
no collateral at maaaring bayaran sa loob ng 8 taon.
____4. Batas na nagpapalawig sa CARP ng karagdagang
limang taon para sa pagsasakatuparan ng programa.
____5. Pagbibigay ng pamahalaan ng modernong teknolohiya
sa pagsasaka at pangingisda maging sa pagnenegosyo.

HANAY B

A. Atas ng Pangulo Blg. 27


B. Public Land Act ng 1902
C. Sure Aid Program
D. Republic Act 9700
E. Republic Act 11321
ARALIN 11- Mga Batas at Programang
Pangkaunlaran sa Sektor ng Pangingisda

Sa malawak na katubigan ng Pilipinas hindi matatawaran ang kontribusyon ng sektor


ng pangingisda sa ekonomiya ng bansa. Ang pamahalaan ay nagpatupad ng mga batas at
programa upang mapabuti ang kalagayan ng mga manggagawa at masiguro ang
proteksiyon at konserbasyon ng yamang pangisdaan ng bansa. Ang Bureau of Fisheries at
Aquatic Resources (BFAR) ay isang ahensiya sa ilalim ng Department of Agriculture na
nangangasiwa sa pangangalaga ng yamang tubig sa loob at labas ng bansa. Pinapaunlad
nito ang pangisdaan at nagsasagawa ng mga pag-aaral para sa pagpaparami ng mga isda.

Mga Batas at Programang Pangkaunlaran sa Sektor ng Pangingisda

Pagtatayo ng mga daungan Upang higit na mapadali ang


pagdadala sa mga huling isda sa
pamilihan,tahanan, nagsisilbing sentro o
bagsakan ang mga daungan. Naglalayon din
ng pawang sariwang huli mula sa karagatan
ang mabibili ng mga tao. Ang daungan ang
nagsisilbing daan upang mas madaling
maabot ng mga mamimili ang mga produkto
mula sa pangisdaan.
Ito ay nagtatadhana ng
Philippine Fisheries Code of 1998 pamamahala, konserbasyon ng mga isda at
( Republic Act 8550) aquatic resources at naglalayon ng wastong
paggamit sa yamang pangisdaan ng
Pilipinas tungo sa pag-unlad ng sektor ng
pangingisda.
Fishery research Ang pananaliksik at pagtingin sa
potensiyal ng teknolohiya tulad ng
aquaculture marine resources development
at post-harvest technology ay patuloy na
ginagawa upang masiguro ang pagpaparami
at pagpapayaman sa mga yamang-tubig.
MMK: Malinis at Masaganang Karagatan Ang Pangulong Rodrigo R. Duterte sa
pamamagitan ng Department of Agriculture
(DA) at Bureau of Fisheries and Aquatic
Resources (BFAR) advocates, ay naglunsad
ng programa ang MMK: Malinis at
Masaganang Karagatan. Layunin ng
programa na itaguyod ang proteksyon at
konserbasyon ng mga isda, kahalagahan ng
likas-kayang paggamit ng pangisdaan at
aquatic resources. Nagtataguyod ng
engagement ng mga stakeholder para sa
proteksyon at konserbasyon ng yamang
pangisdaan.
BASIL: Balik Sigla sa Ilog at Lawa Limang (5) taong programa (2018-2022) na
ang pangunahing layunin ay buhaying muli
ang mga katawang tubig tulad ng mga
lawa,ilog at sapa na ang mga isda ay
kakaunti bunga ng pang-aabuso at labis na
paggalugad sa mga lugar na pangisdaan.
Sisimulan ang BASIL Project sa Laguna de
Bay, ang pinakamalaking lawa sa Timog
Silangang Asya. Tinatayang nasa 90,000
ektarya ang laki nito na noon ay tinitirhan ng
200 fish species. Sa ngayon, ang mga
isdang nabubuhay pa at nahuhuli ay mga
kanduli, tilapia, bangus, dalag, hipon, karpa,
big head, gurami, ayungin, biya, dulong at
iba pang lamang-lawa.
Republic Act 8435 Naglalayon sa modernisasyon ng
sektor ng pangingisda upang mapataas ang
kita at makaagapay sa mga pagbabago dulot
ng globalisasyon.
Layunin ng batas na wakasan ang
Republic Act No. 10654 or the Act to lahat ng illegal,walang habas at mapanirang
Prevent ,Deter, and Eliminate Illegal uri ng pangingisda o ang tinatawag na
Unreported and Unregulated Fishing illegal,unreported and unregulated(IUU)
fishing upang protektahan ang
kabuhayan,karapatan at interes ng mga
mangingisda at buong sektor ng pangisdaan.
Republic Act 9275 Batas na nangangalaga sa katubigan
(Clean Water Act of 2004) ng bansa laban sa mga polusyon mula sa
industriya at komunidad.Ang batas ay isa sa
mga paraan upang maresolba ang problema
sa maruming tubig sa makasaysayang
karagatan gaya ng Manila Bay.
Pagbabawal sa paggamit ng
Executive Order No. 704, Section 33 dinamita,nakalalasong bagay at kemikal
,kuryente, at iba pang hindi legal na paraan
ng pangingisda.

Executive Order No. 2151 Ipinagbabawal ang anumang gawain


sa mga pook na may tanim na bakawan
bilang tirahan ng mga buhay-ilang.
BFAR Law Enforcement Quick Response Ang pagkakatalaga ng QRT ay
Team Patrol( LEQRT) naglalayon na mapangalagan ang yamang
dagat at mapigilan ang mga iligal na gawain
sa pangingisda.
Batas na nagtatalaga sa Tubbataha
Reefs Natural Park sa lalawigan ng Palawan
bilang isang protektadong lugar sa ilalim ng
Republic Act No. 10067 NIPAS Act (R.A. 7586) at Strategic
Environmental Plan (SEP) for Palawan Act
(R.A. 7611) upang matiyak ang proteksiyon
at konserbasyon ng lugar tungo sa
kasaganaan ngayon at sa susunod na
henerasyon.
MGA PAGSASANAY

Gawain A. Bakit Ba? Isulat sa unang kolum ang batas o programa at ipaliwanag ang
kahalagahan nito sa sektor ng pangingisda.

Batas /Programa Kahalagahan

1.

2.

3.

4.

5.
Gawain B.
Gumawa ng poster/e-poster mula
sa tema ng Pagdiriwang ng
Buwan ng Magsasaka at
Mangingisda.

https://bit.ly/3uGc50E
Pamprosesong Tanong:

1. Anong mensahe ang nais mong ihatid sa mga mamamayan?

2. Paano makakatulong ang ginawang poster upang lalong mapangalagaan


ang yamang pangisdaan?

PAGLALAHAT
Bakit kailangan pangalagaan ang yamang
pangisdaan? Magbigay ng dahilan sa aspetong
pang-ekonomiya at para sa pamilya.

Sektor ng Pangingisda ay dapat


Pangalagaan at Paunlarin

Pamilya Ekonomiya
1. 1.
2. 2.
3. 3.
PAGPAPAHALAGA

https://yhoo.it/33w3WzW

Sundan ang mga katanungan:


Ano ang suliranin na kinakaharap ng
sektor ng pangingisda?

Ano ang posibleng epekto nito sa mga


mangingisda?

Ano ang mungkahing solusyon?

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Unawaing mabuti ang bawat tanong. Bilugan ang letra ng wastong sagot.
1. Ano ang pangunahing layunin sa pagbuo ng BFAR Quick Response Team?

A. Konserbasyon at proteksiyon ng Tubbataha Reefs


B. Mapigilan ang mga iligal na gawain sa pangingisda
C. Buhaying muli ang mga katawang tubig
D. Masiguro ang pagpaparami ng mga isda
2. Batas na naglalayon sa modernisasyon ng sektor ng pangingisda upang mapataas ang
kita at makaagapay sa mga pagbabago dulot ng globalisasyon.
A. Executive Order No. 2151 C. Republic Act 8435
B. Republic Act No. 10067 D. Republic Act 9275

3. Anong batas ang naglalayong maresolba ang problema sa maruming tubig dulot ng mga
industriya at komunidad sa Manila Bay?

A. Executive Order No. 2151 C. Republic Act 8435


B. Republic Act No. 10067 D. Republic Act 9275

4. Sa paanong paraan matiyak ang konserbasyon at proteksiyon sa yamang pangisdaan,


alinsunod sa Executive Order No. 2151?

A. Konserbasyon at proteksiyon ng Tubbataha Reefs


B. Pagbawal sa mga iligal na gawain sa pangingisda
C. Pagbuhay muli sa mga katawang tubig
D. Pangangalaga sa mga bakawan bilang tirahan ng mga buhay-ilang

5. Alin sa sumusunod na programa ang naglalayon na masiguro ang pagpaparami at


pagpapayaman sa mga yamang-tubig?
A. Law Enforcement Quick Response Team Patrol
B. Fishery research
C. BASIL: Balik Sigla sa Ilog at Lawa
D. MMK: Malinis at Masaganang Karagatan
PAUNANG PAGSUBOK BALIK -ARAL
1.D 1. B
2.C 2. A
3.B 3. C
4.A 4. D
5.A 5. E
MGA PAGSASANAY
GAWAIN A
Batay sa naunawaan at nabuong kahalagahan ng sektor ng pangingisda sa ekonomiya
at para sa pamilya.
GAWAIN B PANAPOS NA PAGSUSULIT
Batay sa nabuong poster/e-poster 1. B
ng mga mag-aaral 2. C
3. D
4. D
5. B
PAGLALAHAT AT PAGPAPAHALAGA
Batay sa natutunan o sagot ng mag-aaral.
SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian
• Balitao, Bernard, Buising, Martiniano, Garcia, Edward, De Guzman, Apollo, Lumibao Jr.,
Juanito, Mateo, Alex, at Modejar, Irene. 2015. Ekonomiks Modyul para sa Mag-aaral. Pasig
City: Vibal Group Inc
• Balitao, Bernard, Cervantes, Meriam. 2010. Ekonomiks Sanayang Aklat sa Bagong
Kurikulum. Quezon City: St. Jude Thaddeus Publications
• https://www.dilg.gov.ph/news/DILG-

• https://psa.gov.ph/fisheries-situationer

• https://www.bfar.da.gov.ph

• https://www.officialgazette.gov.ph/

You might also like