You are on page 1of 13

Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang

Ikaapat na Markahan – Modyul 8: Dahilan at Epekto ng Suliranin sa Sektor ng


Pangingisda; Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Edelson V. Regulacion
Editor/Tagasuri: Lerma L. Villamarin
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, CESE
Assistant Schools Division Superintendent
Manuel A. Laguerta, Ed.D.
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division
Victor M. Javeña Ed.D.
Chief, School Governance and Operations Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Araling Panlipunan
9
Ikaapat na Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 8
Dahilan at Epekto ng Suliranin
sa Sektor ng Pangingisda
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Modyul
8 para sa araling Dahilan at Epekto ng Suliranin sa Sektor ng Pangingisda!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 9 ng Modyul 8 para sa


araling Dahilan at Epekto ng Suliranin sa Sektor ng Pangingisda!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

MELC – Nasusuri ang mga dahilan at epekto ng suliranin ng sektor ng


agrikultura (pagsasaka), pangingisda, at paggugubat.

Sa modyul na ito, inaasahang matututunan mo ang sumusunod:

1. Naisa-isa ang mga dahilan at epekto ng suliranin sa pangingisda;


2. Nasuri ang mga dahilan at epekto ng suliranin sa pangingisda; at
3. Nabigyang-halaga ang sektor ng pangingisda sa pang-araw-araw ng
buhay ng tao.

PAUNANG PAGSUBOK

Tama o Mali
Panuto: Tukuyin kung tama o mali ang isinasaad ng pahayag sa loob ng
mga isda. Isulat sa buntot ang iyong napiling sagot.

1. Ang paggamit ng lambat na may


malalaking butas ay mainam sa
pangingisda sa karagatan.

2. Ang muro-ami ay isang magandang


estratehiya na magpapabilis ng
produksiyon ng paghuli ng isda.

3. Ang thrawl fishing ay isang paraan


ng pangingisda na nakapipinsala ng
mga korales sa dagat.
4. Maituturing na ang mga
mangingisda ay isa sa may
pinakamababang sahod sa bansa.

5. Ang paglobo ng populasyon taon-


taon ay hudyat ng mabilis na
pagkaubos ng yamang-dagat.

BALIK-ARAL
Hexagonal Radial
Panuto: Piliin sa loob diagram ang tinutukoy na dahilan at epekto ng
suliranin sa agrikultura (pagsasaka)

Pagliit ng
lupang
sakahan

Kakulangan
ng suporta Paggamit ng
mula sa iba teknolohiya
pang sektor

Kakulangan ng
pasilidad at
imprakstruktura

Pagbibigay
prayoridad Climate
sa sektor ng change
industriya

Pagdagsa ng
mga
dayuhang
kalakal
______________1. Karamihan sa mga farm owners ay napipilitang ibenta sa
mga real-estate developers ang kanilang sinasakang lupain dahil sa hirap ng
buhay.
______________2. Ang mataas na bilang ng produksiyon ay nakabatay sa
kagamitan na makakatulong upang mas mapabilis ang paglikha nito.

______________3. Nahihirapan ang mga magsasaka na makipagsabayan sa


presyo ng mga murang produkto mula sa ibang bansa. Kaya naman,
maraming magsasaka ang naaapektuhan, huminto, at sa kalaunan ay
ipinagbili na lamang ang kanilang mga lupang sakahan.

______________4. Maraming produktong agrikultural ang hindi


napakikinabangan dahil nasisira, nabubulok, at nalalanta gaya ng gulay at
prutas dahil sa kawalan ng pag-iimbakan o storage.

______________5. Ang pabago-bagong klima ay nagdudulot ng pagkasira ng


agrikultura dahil hindi sanay ang mga pananim sa paiba-ibang panahon.

ARALIN

Dahilan at Epekto ng Suliranin sa Pangingisda

Itinuturing na ang Pilipinas ay isa sa mga pinakamalaking tagatustos ng


isda sa buong mundo. Sa kabila nito, narito ang ilan sa mga sumusunod
na suliranin na kinahaharap ng ating pangisdaan.

1. Mapanirang operasyon ng malalaking komersiyal na mangingisda.


Mula sa aklat nina Balitao et al (2012), ang malalaki at komersiyal na barko
na ginagamit sa paghuli ng mga isda ay nakakaapekto at nakasisira sa mga
korales. Bunga ito ng pamamaraang thrawl fishing na kung saan ang mga
mangingisda ay gumagamit ng malalaking lambat na may pabigat. Ito ay
hininila upang mahuli ang lahat ng isdang madadaanan, maliit man o
malaki. Dahil dito, pati ang mga korales na nagsisilbing itlugan at bahay ng
isda ay nasisira.

2. Polusyon sa Pangisdaan. Ang walang habas na pagtatapon ng basura,


dumi ng tao at hayop, mga kemikal na galing sa pabrika at ang pagtagas ng
sa karagatan ng mga langis mula sa barkong komersiyal ay labis na
nagdudulot ng pagdumi at pagkasira ng anyong-tubig ng bansa. Dahil dito,
maapektuhan ang tirahan ng mga lamang-dagat, hanapbuhay ng mga
mangingisda at ang kagandahan ng kalikasan pagdating ng panahon.

3. Paglaki ng Populasyon sa Bansa. Sa patuloy na pagdoble ng bilang ng


tao sa bansa taon-taon, dumodoble rin ang laki ng pagkonsumo ng pagkain
ng lamang-dagat na maaaring hindi makatustos sa pangangailangan ng
sambahayan. Mabilis na nauubos ang mga likas-yaman ng karagatan
gayundin ang pagliit ng espasyo sa kalupaan kaya naman pati ang tabing-
dagat ay napagtitirikan na rin ng kanilang tahanan.

4. Kahirapan sa hanay ng mga Mangingisda. Ang mga magsasaka at


mangingisda ay isa sa may pinakamababang sahod na natatanggap. Dahil
dito, sila ay nabibilang sa mga pangkat na hikahos sa buhay. Ang
mababang kita sa uri na ito ng hanapbuhay ay hindi naghihikayat sa mga
batang miyembro ng kanilang pamilya na manatili sa sektor. Kaya naman,
madalas ang pagpunta nila sa mga kalusuran upang makipagsapalaran.

5. Hindi Kaaya-ayang Panahon. Ang madalas at malakas na pagtama ng


bagyo sa bansa ay hudyat ng pagkaantala ng hanapbuhay ng mga
mangingisda. Bunga ng pagbuhos ng malakas na ulan, umaapaw ang mga
ilog at lawa. Dahil dito, maraming baklad o pribadong palaisdaan din ang
nasisira. Nakakawala at nakakatakas ang mga isda na nagdudulot ng
pagkalugi ng sektor.

MGA PAGSASANAY

Fishbone diagram!
Panuto: Gamit ang graphic organizer sa ibaba. Isulat sa patlang ang
hinihinging dahilan at epekto ng bawat suliranin.

Dahilan
SANHI
Dahilan Dahilan

______________ ___________________ _____________________

____________________ ____________________ ____________________


Suliranin sa
Polusyon Ilegal na pangingisda Kahirapan sa hanay
Sektor ng
ng Mangingisda
Pangingisda

_________________ ___________________ ___________________

____________ ___________________ ___________________

Epekto Epekto Epekto


PAGLALAHAT

Isang tanong, isang sagot!


Panuto: Sagutin ang mga katanungan sa listahan na magbibigay kaisipan
sa dahilan at epekto ng suliranin sa pangingisda.

Magbigay ng dahilan Paano Marapat bang pagtuunan


ng pamahalaan ang
ng suliranin sa masosolusyunan ang
problemang ito? Bakit?
pangisdaan? mga suliraning ito?

____________________ _____________________ _____________________


____________________ _____________________ _____________________
____________________ _____________________ _____________________
_____________________ _____________________
____________________
_____________________ _____________________
____________________
_____________________ _____________________
____________________ _____________________
_____________________
____________________ _____________________ _____________________
____________________ _____________________ _____________________
_

PAGPAPAHALAGA
Pa-shout out!
Panuto: Isulat sa pamamagitan ng isang pangungusap kung paano
naapektuhan ang bawat Pilipino ng mga suliranin sa sektor ng pangisdaan?
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang titik ng may pinakatamang sagot.


Isulat ito sa patlang bago ang bilang.

A. Mapanirang operasyon ng mga malalaking komersiyal na


mangingisda
B. Polusyon sa pangisdaan
C. Paglaki ng populasyon sa bansa
D. Kahirapan sa hanay ng mga mangingisda
E. Hindi kaaya-ayang panahon

1. Anong suliranin ang tinutukoy ng pagdagsa ng malalakas na bagyo


na lubhang nagdudulot ng pagkasira ng mga palaisdaan sa mga ilog
at lawa?
2. Ang pagkakaroon ng oil-spill mula sa mga dayuhang sasakyang-
pandagat ay anong uri ng suliranin sa pangisdaan?
3. Gumagamit ng thrawl fishing ang ilang mangingisda na nagiging
sanhi ng anong suliranin sa karagatan?
4. Maging ang tabing ilog o dagat ay tinatayuan ng tahanan ng ilang
pamilya, ito bunga ng anong suliranin sa pangisdaan?

______ 5. Anong suliranin ang tinutukoy ng pagtalikod ng mga anak ng


mangingisda na manatili sa kanilang nakagisnang hanapbuhay sa
karagatan?

GABAY SA PAGWAWASTO
5. Tama
4. Tama
3. Tama
2. Mali
1. Tama
Paunang Pagsubok I.
IV. Paglalahat
Ang guro ang siyang magwawasto.
V. Pagpapahalaga
Ang guro ang siyang magwawasto.
VI. Panapos na Pagsusulit
1. E
2. B
3. A
4. C
5. D
II. Balik-Aral
1. Pagliit ng lupang sakahan
2. Paggamit ng teknolohiya
3. Pagdagsa ng mga dayuhang kalakal
4. Kakulangan ng pasilidad at imprakstruktura
5. Climate change
III. Pagsasanay
Polusyon
*Dahilan - kawalan ng disiplina, pagtatapon ng basura
*Epekto – pagkamatay ng dagat at mga isda
Ilegal na Pangingisda
*Dahilan - wala ng mahuling isda
*Epekto – pagkasira ng mga korales
Kahirapan sa hanay ng mangingisda
*Dahilan – mababang sahod o madalang na kita
*Epekto – humihinto sa pangingisda, lumilipat sa siyudad
MGA SANGGUNIAN
• Balitao, Bernard R., Buising, Martiniano D., Garcia, Edward D.J., De
Guzman, Apollo D., Lumibao Jr., Juanito L., Mateo, Alex P., at Modejar,
Irene J. 2015. Ekonomiks, Modyul para sa Mag-aaral. Place of publication:
Department of Education.
• Balitao, Bernard R., Rillo, Julia D. 2004. Ekonomiks: Pagsulong at Pag-unlad
Makabayan. Quezon City: Vibal Publishing House Inc. pp.
• Tullao, Tereso Jr. 2005. Unawain natin ang Ekonomiks sa Diwang Pilipino.
Mandaluyong: SIBS Publishing House.
• Villoria, Evelina M., Cruz, Nilda B., Rillo, Julia D., at Lim, Alice L. 2000.
Ekonomiks: Batayang Aklat para sa Ikaapat na Taon. Quezon City: SD
Publications.
• Imperial, Consuelo M., Antonio, Eleanor D., Dallo, Evangeline M., Samson,
Maria Carmelita B., at Soriano, Celia D. 2017. Kayamanan: Ekonomiks;
Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan. Manila: Rex Book Store
• Macarubbo, Josefina B., at Gatan-Lopez, Mitzie 2011. Ekonomiks Ngayon:
Pinagaan at Pinaunlad. Quezon City: New Horizon Publications

You might also like