You are on page 1of 12

Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang

Ikaapat na Markahan – Modyul 18: Kontribusyon ng Kalakalang Panlabas sa


Pag-unlad ng Ekonomiya ng Bansa
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Rex G. Aquino
Editor/Tagasuri: Nora Hernandez Talag at Arnaldo A. Santos
Tagasuring Teknikal:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Manuel A. Laguerta EdD
Chief Curriculum Implementation Division
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Araling Panlipunan 9
Ikaapat na Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 18
Kontribusyon ng Kalakalang Panlabas
sa Pag-unlad ng Ekonomiya ng Bansa
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Modyul
18 para sa araling Kontribusyon ng Kalakalang Panlabas sa Pag-unlad ng
Ekonomiya ng Bansa!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 9 ng Modyul 18 para sa


araling Kontribusyon ng Kalakalang Panlabas sa Pag-unlad ng Ekonomiya ng
Bansa!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Sa modyul na ito, inaasahang matututunan mo ang sumusunod:

1. Naisa-isa ang mga kontribusyon ng kalakalang panlabas sa pag-unlad ng


ekonomiya ng bansa;
2. Naipaliwanag ang mga mabubuting dulot ng pakikipagkalakalan ng mga
bansa; at
3. Napahalagahan ang mabubuting dulot ng pakikipagkalakalan ng mga bansa.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Isulat kung TAMA o MALI ang tinutukoy na pangungusap.


____________1. Maraming produkto ang mapagpipilian gawa ng kalakalang
panlabas.

____________2. Hindi nagaganap ang espesyalisasyon sa kalakalang panlabas.


____________3. Limitado ang pamumuhunan sa kalakalang ito.

____________4. Nagkakaroon ng kalidad ang mga produktong nalilikha gawa ng


kalakalang panlabas.
____________5. Dahil sa kalakalang panlabas, tumatatag ang samahan ng mga
bansa.

BALIK-ARAL
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na acronym:

1. ASEAN ______________________________________________________________
2. AFTA ______________________________________________________________
3. GATT ______________________________________________________________
4. APEC ______________________________________________________________
5. WTO ______________________________________________________________
ARALIN

Ang Kontribusyon ng Kalakalang Panlabas sa Pag-unlad ng Ekonomiya ng Bansa

Ang pandaigdigang kalakalan ay isang paraan upang mapunan ang mga


pangangailangan sa isang bansa para sa mga kagamitan o bagay na wala itong sapat
na produksiyon. Ang pamahalaan, kasama ng iba’t ibang ahensiyang pangkalakalan
ay naglulunsad ng mga programa at gawain upang matiyak ang patuloy at maayos
na kalakang pandaigdigan sa bansa. Patuloy ang pakikipag-ugnayan at
pagkikipagkalakalan ng produkto at serbisyo dahil sa ganitong rason. Layunin ng
bawat kalahok sa pakikipagkalakalan ang magandang paglika ng produkto at
serbisyo.

Hindi matatawaran ang kabutihang dulot ng pakikipagkalakan ng isang


bansa. Ang sumusunod ay mga kontribusyon ng kalakalang panlabas sa pag-unlad
ng bansa:

1. Ito ay nagpapalawak sa mga pamilihan kung kaya mas maraming produktong


mapagpipilian.
2. Nagkakaroon ng epesyalisasyon ayon sa prinsipyo ng comparative advantage.
3. Nagpapalago at nagpapalawak sa pamumuhunan.
4. Nagaganyak ang marami na magpakilala ng mga pagbabago sa kalidad at
antas ng mga produktong lilikhain.
5. Naisasaayos at nagiging matatag ang pandaigdigang samahan.

Sa bawat panahon ng pamumuno ng iba't ibang pangulo ng bansa, sinikap nilang


maibangon ang unti-unting pagbagsak ng ekonomiya ng bansa. Bumuo ang bawat
isa sa kanila ng mga programa upang mapahusay ang takbo ng ating ekonomiya at
maiangat ang pamantayan ng kabuhayan ng bawat pamilyang Pilipino.

Sa kasalukuyang kalagayan ng ating kalakalan, malaki pa ang pag-asa ng ating


bansa na mapabuti ang kalagayan nito kung tayo ay sama-samang kikilos para lalo
pang mapagbuti ang kasalukuyang kalagayan ng ekonomiya lalo na sa aspeto ng
pandaigdigang kalakalan. Kailangang patuloy na pairalin ng mga Pilipino ang tunay
na pagmamahal sa bansa sa larangan ng paggawa, pangangalakal at pakikipag-
ugnayan sa isa’t isa, at sa paglinang sa kultura sa pamamagitan ng patuloy na
paghubog sa kakayahan, kasanayan at talino ng mamamayan upang makatulong sa
pag-unlad ng bansa.
MGA PAGSASANAY

Kaisipan ko, Igalang mo!

Natutunan ko ay
_________________________________________________
_________________________________________________
____________________________________

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang nilalaman ng paksang tinalakay


2. Anu-ano ang mga kontribusyon ng kalakalang panlabas sa isang bansa?

3. Rubrik para sa Kaisipan ko, Igalang mo!


Puntos Pamantayan
5 Napakahusay at malinaw ang paglalahad ng ideya at sumunod sa
panuto
4 Mahusay ang paglalahad ng opinyon subalit hindi sumunod sa
panuto
3 Tama ang paglalahad ng opinyon subalit hindi sumunod sa
panuto
2 Hindi malinaw ang inilahad na opinyong ibinigay
1 Hindi angkop ang pagpapahayag ng opinyon.
PAGLALAHAT
Ihataw mo!
Panuto: Ipaliwanag ang mind map ng kontribusyon ng kalakalang panlabas sa
pag-unlad ng ekonomiya ng bansa

Mind map ng Kontribusyon ng Kalakalang Panlabas sa Pag-unlad ng


Ekonomiya ng Bansa

Pandaigdigang Kalakalan Layunin ng mga ahensyang


pangkalakalan

Programa at Gawain Programa at Gawain

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________.

PAGPAPAHALAGA
Napag-isipan ko!

Subukang kumpletuhin ang pangungusap gamit ang tekstong napag-aralan.


Gamitin ang pamprosesong tanong.

AAking nalaman na ang kalakalang


panlabas ay
________________________________
________________________________
________________________

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang natutunan sa paksang tinalakay?


2. Paano nakatulong ang kalakalang panlabas sa pag-unlad ng ekonomiya ng
bansa?
3. Rubrik para sa Napag-isipan ko!
Puntos Pamantayan
5 Napakahusay at malinaw ang paglalahad ng ideya at sumunod sa
panuto
4 Mahusay ang paglalahad ng opinyon subalit hindi sumunod sa
panuto
3 Tama ang paglalahad ng opinyon subalit hindi sumunod sa
panuto
2 Hindi malinaw ang inilahad na opinyong ibinigay
1 Hindi angkop ang pagpapahayag ng opinyon.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Isulat ang T kung tama o M kung mali ang pangungusap.

________ 1. Ang kalakalang panlabas ay hindi nagpapalawak sa mga pamilihan


kung kaya mas maraming produktong mapagpipilian.
________ 2. Nagkakaroon ng epesyalisasyon ayon sa prinsipyo ng comparative
advantage.
________ 3. Hindi nagpapalago at nagpapalawak sa pamumuhunan ang kalakalan.
________ 4. Nagaganyak ang marami na magpakilala ng mga pagbabago sa kalidad
at antas ng mga produktong lilikhain.
________ 5. Naisasaayos at nagiging matatag ang pandaigdigang samahan gawa ng
kalakalan.
Ihataw Mo!
Ang pandaigdigang kalakalan ay isang paraan upang mapunan ang mga
pangangailangan sa isang bansa para sa mga kagamitan o bagay na wala itong
sapat na produksiyon. Ang pamahalaan, kasama ng iba’t ibang ahensiyang
pangkalakalan ay naglulunsad ng mga programa at gawain upang matiyak ang
patuloy at maayos na kalakang pandaigdigan sa bansa. Ilan sa kontribusyon ng
pakikipagkalakalan ay ang mga ss.
1. Ito ay nagpapalawak sa mga pamilihan kung kaya mas maraming
produktong mapagpipilian.
2. Nagkakaroon ng epesyalisasyon ayon sa prinsipyo ng comparative
advantage.
3. Nagpapalago at nagpapalawak sa pamumuhunan.
4. Nagaganyak ang marami na magpakilala ng mga pagbabago sa kalidad at
antas ng mga produktong lilikhain.
5. Naisasaayos at nagiging matatag ang pandaigdigang samahan.
Kaisipan ko, Igalang mo!
Natutunan ko ay ang mga kontribusyon ng kalakalang panlabas sa isang bansa. Ang ibat-
ibang pangangailangan ay nakukuha sa pamamagitan ng nabanggit na kalakalan. Maraming
produkto ang mabibili na magpapataas sa antas ng pangangailangan ng tao.
Balik-Aral
1. Association of South East Asian Nation
2. Asia Free Trade Area
3. General Agreement on Tariff and Trade
4. Asia-Pacific Economic Cooperation
5. World Trade Organization
Paunang Pagsubok
1. TAMA 2. MALI 3. MALI 4. TAMA 5. TAMA
GABAY SA PAGWAWASTO
ng produkto at serbisyo.
kalahok sa pakikipagkalakalan ang magandang paglika
at serbisyo dahil sa ganitong rason. Layunin ng bawat
pakikipag-ugnayan at pagkikipagkalakalan ng produkto
matugunan lahat ng pangangailan nito. Patuloy ang
bansa sapagkat walang bansa ang may kakayahang
bansa. Nagkakaroon ng pagkikipag-kalakalan ang mga
ating mga pangangailangan na wala o salat ang ating
nakakatulong sa ating bansa dahil natutugunan nito ang
Aking nalaman na ang kalakalang panlabas ay

5. T 4. T 3. M 2. T 1. M
Panapos na Pagsusulit

MGA SANGGUNIAN
Balitao, B., Cervantes, M., Nolasco, L., Ong, J., Ponsaran, J., & Rillo, J. (2012).
Araling Panlipunan IV Ekonomiks: Mga konsepto at Aplikasyon. Batayang
Aklat para sa Ikaapat na Taon. Vibal Publishing House Inc. 420-430.
Balitao, B., Cervantes, M., Nolasco, L., Ong, J., Ponsaran, J., & Rillo, J. (2012).
Araling Panlipunan IV Ekonomiks: Mga konsepto at Aplikasyon. Manwal ng
guro para sa Ikaapat na Taon. Vibal Publishing House Inc. 148-150.
Balitao, B.,Buising, M., Garcia, E., De Guzman, A., Lumibao, J., Mateo, A., &
Mondejar, I. (2015). Ekonomiks 10. Araling Panlipunan-Gabay sa Pagtuturo.
Vibal Group Inc. 318.
Balitao, R.,Buising, M., Garcia, E., De Guzman, A., Lumibao, J., Mateo, A., &
Mondejar, I. (2015). Ekonomiks 10. Araling Panlipunan-Modyul para sa
mag-aaral. Vibal Group Inc. 477.

You might also like