You are on page 1of 11

/…………………………………………………………………………………………………………………………………………………………

……………………………………………………………………………………………………………………………………………………………
……………………………………………………………………………………………………………………………………………………………
……………….
Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang
Ikaapat na Markahan – Modyul 16: Katangian ng isang Mabuting Pamahalaan

Unang Edisyon, 2020


Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga
may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Flor N. Fernandez
Editor: Lorena B. vega
Tagasuri: Lorena B. Vega
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division
Manuel A. Laguerta
Chief, Curriculum Implementation Division
Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Araling
Panlipunan 10
Ikaapat na Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 16
Katangian ng isang Mabuting
Pamahalaan
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan Ikasampung Baitang ang
Modyul 16 na ito ay para sa araling Katangian ng isang Mabuting Pamahalaan
Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay ng Lungsod Pasig na pinamumunuan ng
Nanunuparang Pinunong Tanggapan ng Pansangay na Tagapamanihala, Ma. Evalou
Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa
pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang
makamit ng mga mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang
kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-
aaral.
Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay makauugnay
sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis
at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral na makamit ang mga kasanayang
pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs (Communication, Collaboration, Creativity, Critical
Thinking and Character) habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng modyul sa


loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mga mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ring subaybayan at itala ang pag-unlad
nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mga mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan Ika-Sampung Baitang ang Modyul 16 na ito


ay tungkol sa Katangian ng isang Mabuting Pamahalaan
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
mabigyan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at larawan (icon) na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan
pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo pang
malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga naunang
paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, magbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay na
dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito, ibinuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang pampagkatuto
ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

MELC 7-8/ Week 6 Napapahalagahan ang papel ng mamamayan sa


pagkakaroon ng isang mabuting pamahalaan.
Matapos mapag-aralan ang araling ito, inaasahang matamo mo ang mga sumusunod
na kasanayan.
1. Naisa-isa ang katangian ng isang mabuting pamahalaan.

PAUNANG PAGSUBOK

Huwag kang matakot sa pagsusulit na ito. Layunin lamang nito na mataya ang
dati mong kaalaman tungkol sa paksa. Handa ka na ba? Magsimula ka na!

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan, Tukuyin ang


mga salitang inilalarawan sa mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang iyong
kasagutan sa iyong notebook.

__________________1. Ito ay naglalaman ng pananaw ng mga eksperto tungkol sa


lawak ng katiwalian sa isang bansa.

__________________2. Ito ay tumutukoy sa konseptong may malayang halalang


nagaganap at nirerespeto ang mga karapatan ng mamamayan nito, ngunit, may mga
ibang aspekto ng demokrasya ang nakararanas ng suliranin tulad ng pamamahala at
mahinang politikal na pakikilahok ng mamamayan.

__________________3. Tumutukoy sa paggamit sa posisyon sa pamahalaan upang


palaganapin ang pansariling interes.

__________________4. Sino ang nagpahayag na ang katiwalian ay ang


pagpapalawig ng interes ng pamilya, mga kasamahan, mga kaibigan, at sarili ng mga
nanunungkulan sa pamahalaan?

__________________5. Batay sa pag-aaral ng Economics Intelligence Unit, na nag-


aaral sa kalagayan ng demokrasya sa 167 bansa sa buong mundo, pang-ilan ang
Pilipinas?
BALIK-ARAL

Bago ka tumungo sa bagong paksa, halika’t balikan mo ang nakaraang aralin.


Sagutan ito sa iyong notebook.
Panuto: Tukuyin ang konseptong binibigyang kahulugan sa bawat bilang.
Isulat ang iyong tamang kasagutan sa iyong notebook.
1. Ayon sa Artikulo II, Seksiyon 1 ng ating Saligang-batas, “Ang Pilipinas ay isang
Estadong republikano at demokratiko, na kanino ang kapangyarihan ng estado?
a. Pamahalaaan c. Mamamayan
b. Estado d. Hukuman
2. Ito ay isang obligasyon at karapatang politikal na ginagarantiyahan ng ating
Saligang batas.
a. Pagboto c. Pagbabayad ng buwis
b. Pagkandidato d. Lahat ng nabanggit
3. Ano ang tamang edad ng isang Pilipino upang makaboto sa Pilipinas batay sa
Artikulo V ng Saligang Batas 1987?
a. Labingwalong taong gulang c. Labing-apat na taong gulang
b. Labingwalong taong gulang at rehistrado d. Nagbabayad ng buwis
4. Ang mga sumusunod ay katangian ng isang mamamayang Pilipino upang hindi
makaboto, MALIBAN sa
a. Mga taong nasentensyahan ng hukuman sa mga kasong rebelyon,
sedisyon at anumang krimen laban sa seguridad ng bansa.
b. Mga taong idineklara ng mga eksperto bilang baliw.
c. Mga taong nasentensyahan na makulong ng hindi bababa sa isang
taon.
d. Mga taong tumira sa Pilipinas nang kahit isang taon at sa lugar kung
saan niya gustong bomoto nang hindi bababa sa anim na buwan bago mag-
eleksyon.
5. Ano ang mahalagang dulot ng pagboto?
a. Sa pamamagitan ng ating pagboto nakakakuha tayo ng mga politikong
susuporta sa ating mga pangangailangan.
b. Sa pamamagitan ng ating pagboto, tayo mismo ang nagtatakda ng
kinabukasan ng ating bayan.
c. Nakakapili ang mamamayan ng mga opisyal na tutugon sa
pangangailangan ng mamamayan.
d. Lahat ng nabanggit.

ARALIN

Papel ng Mamamayan sa Pagkakaroon ng Mabuting Pamamahala

Bakit mahalaga para sa atin ang paglahok sa mga nagaganap sa ating pamahalaan o
lipunan sa kabuuan? Ano ba ang kalagayan ng ating demokrasya sa kasalukuyan?
Maaaring sagutin ang mga katanungang iyan ng mga pag-aaral tungkol sa ating
bansa. Ang Democracy Index at Corruption Perceptions Index ay dalawa lamang sa
mahahalagang pag-aaral tungkol sa estado ng demokrasya ng ating bansa.

Ang una ay binubuo ng Economist Intelligence Unit. Pinag-aaralan nito ang


kalagayan ng demokrasya sa 167 bansa sa buong mundo.

Limang kategorya ang pinagbabatayan ng index na ito:

❖ electoral process
❖ civil liberties
❖ functioning of government
❖ political participation
❖ political culture
Ayon sa Democracy Index 2016 ang Pilipinas ay pang limampu sa kabuuang 167 na
bansa. Sa kabila ng ating deklarasyon na tayo ay isang demokratikong bansa, ang Pilipinas
ay itinuturing na isang flawed democracy. Ibig sabihin, may malayang halalang nagaganap
at nirerespeto ang mga karapatan ng mamamayan nito. Ngunit, may mga ibang aspekto ng
demokrasya ang nakararanas ng suliranin tulad ng pamamahala at mahinang politikal na
pakikilahok ng mamamayan.

Ayon sa index, hindi tayo maituturing na ganap na demokrasya. Sa katunayan,


labingsiyam na bansa lamang ang maituturing na may ganap na demokrasya at nangunguna
rito ang bansang Norway. Malaki na ang itinaas ng marka at ranggo ng Pilipinas. Noong 2012
ay nasa 69 ang ranggo ng ating bansa sa index na ito. Ang marka ng ating bansa para sa
2016 ay ang pinakamataas nating nakuha sa nakalipas na 10 taon. Wala namang bansa sa
Asya ang nakapasok sa klasipikasyon bilang ganap na demokrasya. Ang mga bansang Japan
at South Korea ang itinuturing na may pinakamataas na marka sa index bagama”t kapwa ito
itinuturing na flawed democracy.

Maituturing ding isa sa pinakamalaking hamong kinakaharap ng mga Pilipino sa


kasalukuyan ay ang katiwalian, ayon sa Transparency International, isang pangkat na
lumalaban sa katiwalian, “corruption ruins lives.” Tumutukoy ang korapsyon o katiwalian sa
paggamit sa posisyon sa pamahalaan upang palaganapin ang pansariling interes.

Ayon kay Co at mga kasama (2007), ang katiwalian ay ang pagpapalawig ng interes
ng pamilya, mga kasamahan, mga kaibigan, at sarili ng mga nanunungkulan sa pamahalaan.

Ayon naman kay Robert Klitgaard (1998), batay kay Co at mga kasama (2007),
nagkakaroon ng katiwalian bilang bunga ng monopolyo sa kapangyarihan, malawak na
pagbibigay ng desisyon, at kawalan ng kapanagutan. Kaya naman naging laganap ang mga
katiwalian sa mga bansang dating kolonya, dahil ginamit ito bilang instrumento ng pananakop
(Scott, 2000, ayon kay Co at mga kasama, 2007).

Ang Corruptions Perception Index ay naglalaman ng pananaw ng mga eksperto


tungkol sa lawak ng katiwalian sa isang bansa. Ang isang bansa ay maaaring makakuha ng
marka na 0 (pinakatiwali) hanggang 100 (pinakamalinis na pamahalaan). Sa kanilang ulat
para sa taong 2016, Ang mga bansang Denmark at New Zealand ang may pinakamataas na
markang nakuha, 90/100 samantalang ang bansang Somalia naman ang nakakuha ng
pinakamababang marka na 10/100. Noong 2016 ay nakakuha ang Pilipinas na markang
35/100 at ika-101 sa 176 bansa sa mundo. Hindi maganda ang markang ito sapagkat kasama
ang Pilipinas sa 120 bansa na ang marka ay hindi man lang umabot ng 50. Ayon pa sa datos
na ito, ang karamihan ng mga bansa sa Asya-Pasipiko ay nasa pinakamababang mga ranggo.

Ayon sa pagsusuri ng Transparency International sa datos na ito, maituturing na


dahilan ng mababang markang ito sa Asya-Pasipiko ay ang sumusunod: hindi pagiging
accountable ng mga pamahalaan, kawalan ng sistema ng pagtingin sa gawain ng
pamahalaan, at lumiliit na espasyo para sa civil society.

PAGSASANAY

Gawain #1: BLUFF(Fake) or FACT

Panuto: Isulat ang salitang FAKE kung ang pahayag ay nagsasad ng hindi tamang
impormasyon at FACT kung ito ay nagpapahayag ng katotohanan.
__________1. Ang DSWD lamang ang tanging magrerekomenda ng mga benepisyaryo na
isasali sa programa base sa database ng listahan/NHTO. Matatanggal ang benepisyaryo sa
programa kung ito ay hindi sumusunod sa mga alituntunin ng programa o kung wala ng batang
minomonitor para sa education conditionality.
__________2. Maaaring ilagay o tanggalin ng sinumang pulitiko ang aking pangalan sa
listahan ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilya.
__________3. Ang mga cash grants na hindi naproseso ay nananatili lamang sa Landbank of
the Philippines at hindi nakukuha ng DSWD o ng kahit na sinong tao.
__________4. Ang Democracy Index at Corruption Perceptions Index ay dalawa lamang sa
mahahalagang pag-aaral tungkol sa estado ng demokrasya ng ating bansa.
__________5. Ayon sa pagsusuri ng Transparency International, maituturing na dahilan ng
mababang marka sa mga bansa sa Asya-Pasipiko ay ang sumusunod: hindi pagiging
accountable ng mga pamahalaan, kawalan ng sistema ng pagtingin sa gawain ng
pamahalaan, at lumiliit na espasyo para sa civil society.

PAGLALAHAT

Panuto: Sa pamamagitan ng Venn Diagram pagkakaiba at pagkakatulad ng


Democracy Index at Corruption Perception Index.
Pagkakaiba Pagkakaiba
Pagkakatulad

Corruption
Democracy Index Perception Index

PAGPAPAHALAGA

Panuto: Gumawa ng isang sanaysay ukol sa paksa. Pumili lamang ng paksang


gagawan ng sanaysay.
Pagpipiliang Paksa
1. Korapsyon: Sanhi ng Kahirapan sa Pilipinas
2. Ang Totoong Demokrasya

PANAPOS NA PAGSUSULIT

GAANO KA NA KAHUSAY?

Ngayon natapos mo na ang buong aralin, alamin natin kung nadagdagan ang iyong
kaalaman sa pamamagitan ng pagsagot sa pagsusulit na ito. Magsimula ka na!

Enumerasyon
Panuto: Isulat ang mga konseptong hinihingi sa bawat bilang.

1-2 Dalawang paraang ginagamit upang masukat ang transparency ng pamamahala ng


isang bansa.
3-7 Limang kategorya na pinagbabatayan ng democracy index at corruption perception
index.
8-10 Dahilan kung bakit mababa ang ranggo ng mga bansa sa Asya-Pasipiko sa usaping
katiwalian ng bansa.
SUSI SA PAGWAWASTO

5. FACT
katiwalian ng bansa 4. FACT
kalagayan ng demokrasya 3. FACT
Pagkakaiba 2. FAKE
pag-aaral tungkol sa estado ng bansa 1. FACT
Pagkakatulad Gawain 1
PAGLALAHAT MGA PAGSASANAY

5. B 50 5.
4. D CO 4.
3. B KORAPSYON 3.
2. A FLAWED DEMOCARCY 2.
1. C CORRUPTION PERCEPTION INDEX 1.
BALIK-ARAL PAUNANG PAGSUBOK

Sanggunian
file:///C:/Users/teacher/Downloads/ARALING_PANLIPUNAN_10_ISYU_AT_HAMON
G_PAN%20(1).pdf

Michael M. Mercado at Rose Angelie M. Hernandez, Seryeng Araling Panlipunan


K to 12 Mga Kontemporaryong Isyu , Vibal Group. Inc., Edisyon 2017

BITMOJI. “Your Personal Emoji.” bitmoji.com. https://www.bitmoji.com/ (accessed


June 1, 2020)

You might also like