You are on page 1of 16

10

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan - Modyul 4
Napapahalagahan ang Papel ng
Mamamayan sa Pagkakaroon ng
Isang Mabuting Pamamahala

AIRs - LM
Araling Panlipunan 10
Ikaapat na Markahan - Modyul 4: Napapahalagahan ang Papel ng
Mamamayan sa Pagkakaroon ng Isang Mabuting Pamamahala
Unang Edisyon, 2021

Karapatang sipi © 2021


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anumang paggamit o


pagkuha ng bahagi ng walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Rodelia M. Rabe, MSE


Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr., P-II

Tagapamahala:

ATTY. Donato D. Balderas, Jr.


Schools Division Superintendent
Vivian Luz S. Pagatpatan, Ph.D
Assistant Schools Division Superintendent

German E. Flora, Ph.D, CID Chief

Virgilio C. Boado, Ph.D, EPS in Charge of LRMS

Mario B. Paneda, Ed.D, EPS in Charge of Araling Panlipunan

Michael Jason D. Morales, PDO I

Claire P. Toluyen, Librarian II


Sapulin

“Huwag mong tanungin kung ano ang magagawa ng bansa mo para


sa iyo, bagkus itanong mo kung ano ang magagawa mo para sa bansa mo.”
Mga katagang kung ating isasapuso at isasabuhay ay magdudulot ng
walang katapusang pagmamahal at pagpapahalaga natin sa ating sariling
bansa. Ang pakikiisa at pakikipagtulungan tungo sa isang maunlad na
bansa ay nakasalalay sa ating lahat. Ang isang mabuting pamahalaan ay
nangangailangan ng mga mamamayang handang tumulong at umagapay
para sa lahat ng mga pampamahalaang adhikain sa pagkamit ng
kabutihang panlahat.
Hangarin sa pag-aaral ng mga aralin na nakapaloob sa modyul na ito
na maunawaan ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng papel ng mga
mamamayan para sa pagkakaroon ng isang mabuting pamamahala.
Ang aralin na ito ay tumutukoy sa Papel ng Mamamayan sa
Pagkakaroon ng Mabuting Pamamahala. Ito ay nahahati sa mga
sumusunod na paksa.
Paksa 1: Participatory Governance
Paksa 2: Good Governance

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:


 Napapahalagahan ang papel ng mamamayan sa pagkakaroon ng
isang mabuting pamamahala

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul, inaasahang iyong:


 Naipaliliwanag ang kahulugan at kahalagahan ng participatory
governance at good governance
 Napahahalagahan ang papel ng mamamayan sa pagkakaroon ng
isang mabuting pamamahala

1
Simulan

Simulan ang modyul na ito sa pamamagitan ng pagsagot sa mga


tanong sa ibaba.

Panuto: Basahin at suriing mabuti ang mga tanong sa ibaba. Piliin ang titik
ng tamang sagot at isulat sa iyong sagutang papel.

1. Alin ang uri ng demokrasyang mayroon ang ating bansa?


A. Elitist Democracy B. Flawed Democracy
C. Closed Democracy D. Democracy Index

2. Ano ang tumutukoy sa katiwalian sa paggamit sa posisyon sa


pamahalaan upang palaganapin ang pansariling interes?
A. Demokrasya B. Participatory Governance
C. Corruption D. Extortion

3. Ayon kay Robert Klitgard, nagkakaroon ng katiwalian bilang bunga ng


_________________________________?
A. monopolyo sa kapangyarihan
B. malawak na pagbibigay ng desisyon
C. kawalan ng kapanagutan
D. lahat ng nabanggit

4. Ano ang kaisa-isang pandaigdigang survey na nagtatanong sa opinion ng


mga tao tungkol sa katiwalian sa kanilang bansa?
A. Global Corruption Barometer
B. Global Financial Institutions
C. International Corruption Agency
D. Global Corruption Survey

5. Bakit mahalaga ang participatory governance?


A. Upang maging maunlad ang bansa
B. Upang maisakatuparan ang ating iginigiit na pagbabago
C. Upang makilala tayo sa ibang mga bansa
D. Upang makamtan ng mga mahihirap ang hustisyang minimithi

6. Ang __________________ ay isang uri ng pansibikong pakikilahok kung


saan ang mga ordinaryong mamamayan ay katuwang ng pamahalaan sa
pagbabalangkas at pagpapatupad ng mga solusyon sa suliranin ng
bayan.
A. Participatory governance B. Flawed Democracy
C. Election D. Elitist Democracy

2
7. Ang ___________________ ay uri ng demokrasya kung saan ang desisyon
para sa pamamahala ay nagmumula lamang sa mga namumuno.
A. Flawed Democracy B. Elitist Democracy
C. Direct Democracy D. Absolute Democracy

8. Ano ang layunin ng participatory budgeting?


A. Pagsama sa mga mamamayan sa pagbabalangkas ng badget
B. Pagtataguyod sa kabutihang panlahat sa lahat ng mga mamamayan
C. Pagsusuri sa kalagayang pampinansiyal ng mga mamamayan
D. Lahat ng nabanggit

Para sa bilang 9-12, piliin ang titik ng tamang sagot ng mga salitang nasa
loob ng kahon. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

A. Progressive development perspective


B. Functional Partnership
C. People’s Participation
D. Good Governance

9. Pagsangkot sa mga NGO at PO para sa mas produktibong serbisyo para


sa mga mamamayan.
10. Paniniwalang kayang magbago ang mga lumang sistema ng pamahalaan
para sa ikabubuti ng mga mamamayan.
11. Nararapat na maipatupad ang mga batas at igalang ang mga karapatang
pantao nang patas at walang kinikilingan.
12. Kinikilala nito ang napakahalagang papel ng mamamayan sa
pamamahala.

Para sa bilang 13-15, Isulat ang MK kung ang pahayag ay makatotohanan


at DM kung hindi makatotohanan ang isinasaad ng pahayag. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel.

13. Ang lahat ng paraan ng politikal na pakikilahok tulad ng eleksiyon,


paglahok sa civil society at pagkakaroon ng participatory governance ay
naglalayong magkaroon ng isang mabuting pamahalaan.
14. Ang tunay na manipestasyon ng mabuting pamamahala ay ang antas ng
pagpapaabot ng mga pangako ng mga karapatang pantao sa lahat ng
aspekto ng buhay.
15. Ang pag-unlad ng bansa ay dapat iaasa lamang sa ating mga pinuno
dahil sila ang tanging nakakalam ng dapat gawin.

3
Lakbayin

Bakit mahalaga para sa atin ang paglahok sa mga nagaganap sa


ating pamahalaan o lipunan sa kabuuan? Ano ba ang kalagayan ng ating
demokrasya sa kasalukuyan? Ang pagkakaroon ba ng isang mabuting
pamahalaan ay nakasalalay lamang ba sa ating mga pinuno? Kailangan
nating makilahok sa pamamahala sa pamamagitan ng participatory
governance, sumuporta sa mga programa at proyekto, mga adhikain at iba
pang mga pansibikong gawain para sa ikabubuti ng lahat ng mamamayan.

Aralin 1- Participatory Governance

Ang participatory governance ay isang mahalagang paraan ng


mamamayan para maisakatuparan ang ating iginigiit na pagbabago sa
pamahalaan. Ito ay isang uri ng pansibikong pakikilahok kung saan ang
mga ordinaryong mamamayan ay katuwang ng pamahalaan sa
pagbabalangkas at pagpapatupad ng mga solusyon sa suliranin ng bayan.
Dito ay aktibong nakikipag-ugnayan ang mga mamamayan sa pamahalaan
upang bumuo ng mga karampatang solusyon sa mga hamon ng lipunan.
Samantalang ang elitist democracy kung saan ang desisyon para sa
pamamahala ay nagmumula lamang sa mga namumuno. May mga pinuno
ng mga bansang nagpapairal ng demokrasya kung saan ang binigyang
pansin nila ay ang kanilang sariling interes at hindi ng buong bayan. Ang
Pilipinas ay itinuturing na isang bansang mayroong flawed democracy kung
saan mayroong malayang halalan kung saan nirerespeto ang mga
karapatan ng mamamayan nito. Ayon sa survey, hindi tayo maituturing na
isang ganap na demokrasya.
Ayon kay (Koryakob and Sisk, 2003), kung ang kapangyarihan ng
isang estado ay tunay na nagmumula sa mga mamamayan, mahalagang
makisangkot ang mga mamamayan sa pamamahala dahil mas magiging
matagumpay ang isang proyekto kung malaki ang partisipasyon ng mga
mamamayan nito.
Ang participatory governance ay magdudulot ng pagbuo ng social
capital o ang pagbuo ng tiwala sa pagitan ng pamahalaan, civil society at
mga mamamayan, na isang mahalagang elemento sa isang demokrasya at
mabuting pamamahala. Isinasama din sa participatory budgeting ang mga
mamamayan kung saan binabalangkas ang badget ng bansa.
Maituturing na isang pinakamalaking hamon kinakaharap ng mga
Pilipino ngayon ay ang katiwalian o corruption. Tumutukoy ito sa katiwalian

4
sa paggamit ng posisyon sa pamahalaan upang palaganapin ang pansariling
interes. Ayon kay Robert Klitgard (1998), nagkakaroon ng katiwalian bilang
bunga ng monopolyo sa kapangyarihan, malawak na pagbibigay ng desisyon
at kawalan ng kapanagutan.

Paraan ng Participatory Governance na Maaaring Gawin Upang


Mapaunlad ang Isang Bansa:

1. Ang pangangalap at pagbabahagi ng impormasyon sa mamamayan


sa pamamagitan ng pagdalo ng public hearing at pagsasagawa ng
mga survey.
2. Pagsama sa mga mamamayan sa mga consultation tungkol sa
mga isyung mahalaga para sa bayan kung saan hinihingi ng
pamahalaan ang opinion ng mga mamamayan sa napapanahong
mga isyu at sa mga programang ipinapatupad nito.
3. Ayon sa mga eksperto, mas magiging aktibo ang paraan ng
pakikilahok ng mga mamamayan kung sila ay kasama mismo sa
pagbuo ng mga programa at paggawa ng mga desisyon ng
pamahalaan. Hindi lamang hinihingi ng pamahalaan ang opinion
ng mamamayan kundi ay magkatuwang nilang ginagawa ang mga
programa.
4. Nararapat na maipatupad ang mga batas at igalang ang
karapatang pantao nang patas at walang kinikilingan. Binigyang-
pansin din dito ang equity o pagbibigay sa bawat mamamayan ng
pagkakataon na mapaunlad o mapanatili ang kanilang kagalingan

Ang participatory governance ay nakaangkla sa mga sumusunod na


prinsipyo (Angoc, 2006):
 Progressive development perspective—tumutukoy ito sa
paniniwalang kayang mabago ang mga lumang sistema ng
pamahalaan para sa ikabubuti ng mamamayan. Kailangan dito
ang pagkuha sa tiwala ng mga mamamayan, pagpapatatag ng
kakayahan ng pamahalaan at ang pagmamalaki ng mga
mamamayan sa kanilang sarili.
 Functional Partnership—walang monopoly ang lokal na
pamahalaan lalo na ang mga opisyal nito sa pagbuo ng mga
programa para sa mga mamamayan. Kaya dito ay isinasangkot
ang mga NGO at PO para sa mas produktibong serbisyo.
 People’s Participation—kinikilala nito ang pinakamahalagang papel
ng mamamayan sa pamamahala. Hindi magiging matagumpay ang
anumang programa kung walang suporta ng mamamayan.

5
Aralin 2- Good Governance / Mabuting Pamamahala

Ang lahat ng paraan ng politikal na pakikilahok tulad ng eleksiyon,


paglahok sa civil society, at pagkakaroon ng participatory governance ay
naglalayong magkaroon ng isang mabuting pamamahala o good governance.
Dapat magkaroon ng mahusay na interaksiyon ng mga ahensya at opisyal
ng pamahalaan sa corporate sector, civil society organizations (CSO’s) at
mga partido politikal. Ang mahusay na interaksiyong ito ay nakapagdudulot
ng paggawa ng mga polisiya, pagtukoy ng mga nararapat na priyoridad,
paglaan ng yaman, pagpili ng mga opisyal at pagsasakatuparan ng mga
hakbang.
Ang OHCHR o Office of the High Commissioner for Human Rights
(2014), ang good governance ay tumutukoy sa proseso kung saan ang mga
pampublikong institusyon ay naghahatid ng karampatang pampubliko,
nangangasiwa sa pag-aaring yaman ng publiko at tinitiyak na
mapangalagaan ang mga karapatang pantao, maging malaya sa pang-
aabuso at korapsiyon at may pagpapahalaga sa rule of law. Ang tunay na
manipestasyon o kakikitaan nito ay ang antas ng pagpapaabot ng mga
pangako ng mga karapatang pantao sa lahat ng aspekto: sibil, kultural,
ekonomiko, politikal at sosyal.
Sa pagkamit ng good governance, mahalagang katangian ang
partisipasyon ng lahat ng mamamayan, tuwiran man o sa pamamagitan ng
mga institusyong kanilang kinakatawan. Sa rule of law, nararapat na
maipatupad ang mga batas at igalang ang karapatang pantao nang patas at
walang kinikilingan. Binigyang-pansin din dito ang equity o pagbibigay sa
bawat mamamayan ng pagkakataon na mapaunlad o mapanatili ang
kanilang kagalingan. Sa concensus orientation, sa kabila ng pagkakaiba ng
mga interes ay pinahahalagahan ang pag-iral ng pangkalahatang kabutihan
at kung ano ang pinakamabuti para sa isang organisasyon, bayan o bansa
sa kabuuan. Sa strategic vision, nakikiisa ang mga opisyal ng pamahalaan
at ng mga mamamayan sa pagtukoy ng malawak at long term perspective o
pananaw para sa kabutihan ng lipunan at pag-unlad ng tao. Napakahalaga
ang pananagutang politikal (pagganap sa responsibilidad at tungkulin bilang
pinuno) at katapatan (malayang daloy ng impormasyon sa lahat ng gawain)
para masabi na mayroong mabuting pamamahala sa isang bansa.

Papel ng Mamamayan sa Pagkakaroon ng Mabuting Pamamahala:


1. Politikal na pakikilahok tulad ng pagboto.
2. Pagiging aktibong mamamayan sa pakikilahok sa mga gawaing
makabuluhan kagaya ng mga assembly, diskurso sa pamamahala
upang bigyang katugunan ang mga hamong panlipunan.

6
3. Dapat ay magkasamang bumuo ang pamahalaan at ang mga
mamamayan ng mga solusyon sa mga suliraning kinakaharap ng
lipunan.
4. Paglahok sa civil society (sektor ng lipunan na hiwalay sa estado,
mga mamamayang nakikilahok sa kilos protesta, lipunang
pagkilos, NGO’s, at Po’s).

Galugarin

Gawain 1-Concept Mapping


Panuto: Isulat ang iba’t ibang paraan ng participatory governance upang
magkaroon ng isang mabuting pamamahala at mapaunlad ang bansa.
Hakbang

Gawain 2-Magkasubukan Tayo!


Panuto: Isulat sa patlang ang salitang inilalarawan sa bawat bilang.

1. Sa kabila ng pagkakaiba ng mga interes ay pinahahalagahan ang pag-iral


ng pangkalahatang kabutihan at kung ano ang pinakamabuti para sa
isang organisasyon, bayan o bansa sa kabuuan.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

2. Nakikiisa ang mga opisyal ng pamahalaan at ng mga mamamayan sa


pagtukoy ng malawak at long term perspective o pananaw para sa
kabutihan ng lipunan at pag-unlad ng tao.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

7
3. Pagganap sa responsibilidad at tungkulin bilang pinuno.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

4. Malayang daloy ng impormasyon sa lahat ng gawain at transaksiyon sa


pamahalaan.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

5. Nararapat na maipatupad ang mga batas at igalang ang karapatang


pantao nang patas at walang kinikilingan at binigyang-pansin din dito
equity.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Palalimin

Gawain 3- Ipaliwanag Mo, Natutunan Mo!


Panuto: Ipaliwanag ang kahulugan at kahalagahan ng mga sumusunod na
salita sa pamamagitan ng pagdugtong sa mga salitang nakasulat sa bawat
bilang.

1. Participatory Governance
Ang participatory governance ay tumutukoy sa_______________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________.
Mahalaga ito dahil ___________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________.

2. Good Governance
Ang good governance ay tumutukoy sa _____________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________.

8
Mahalaga ito sapagkat _______________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________.

3. Ang mga papel ng mamamayan para sa pagkakaroon ng isang mabuting


pamamahala ay_________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________.
Napakahalaga na magampanan natin ang mga papel sa ito para
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________.

Gawain 4 – Comic Strip


Panuto: Bumuo ng isang comic strip na nagpapakita ng papel ng
mamamayan sa pagkakaroon ng isang mabuting pamamahala o good
governance. Bigyang pansin sa pagbuo ng strip ang kahalagahan ng papel
ng mamamayan sa pagkakaroon ng mabuting pamamahala. (20 puntos)
Gawin ito sa isang short bond papel.
Suriin ang iyong gawain ayon sa sumusunod na pamantayan sa
Rubric:

Rubrik ng Pagmamarka para sa Paggawa ng Comic Strip


Pamantayan Deskripsyon Puntos Nakuhang
Puntos
Nilalaman Naipapakita sa Comic Strip nang (7)
maayos at naipahayag nang
mabuti ang nais ipahayag gamit
ang wikang Filipino ang
hinihinging gawain
Kaangkupan ng Lubhang angkop ang konsepto sa (3)
Konsepto paksa
Kabuuang Ang kabuuang presentasyon ay (5)
Presentasyon maliwanag, malinis, organisado at
may kabuluhan sa buhay ng
isang mamamayan
Pagkamalikhain Gumamit ng tamang (5)
kombinasyon ng mga kulay

9
Sukatin

Tapusin ang modyul na ito sa pamamagitan ng pagsagot sa mga


tanong sa ibaba.

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa iyong sagutang papel.

1. Alin ang itinuturing na pinakamalaking hamong kinakaharap ng mga


Pilipino ngayon sa isyu ng pamamahala?
A. Globalisasyon
B. Migrasyon
C. Corruption
D. War on Drugs

2. Bakit mahalaga ang participatory governance?


A. Upang makabuo ng karampatang solusyon sa mga hamon ng
lipunan
B. Upang madaling makatugon sa mga priyoridad na programa ng
bayan
C. Upang maisakatuparan ang iginigiit na pagbabago sa pamahalaan.
D. Lahat ng nabanggit.

3. Panahon ng eleksiyon at ikaw ay pipili na ng kandidato para sa nalalapit


na halalan. Ikaw ay pilit binigyan ng isang kandidato ng pera habang
sila ay nangangampanya sa inyong bahay. Araw na ng botohan, sino ang
iyong iboboto?
A. Ang kandidatong nagbigay ng pera sa akin.
B. Kung ano ang utos ng aking mga magulang ay siyang aking
susundin.
C. Iboboto ko kung sino ang alam kong karapat-dapat manalo at maupo
sa pwesto.
D. Hindi na lang ako boboto para walang sumama ng loob sa akin.

4. Alin ang tumutukoy sa pagbibigay sa bawat mamamayan ng


pagkakataon na mapaunlad o mapanatili ang kanilang kagalingan?
A. Equality
B. Equity
C. Good governance
D. Eleksiyon

10
5. Bakit mahalaga na tayong mga mamamayan ay dapat makiisa sa
pamahalaan sa tinatawag na participatory governance?
A. Sapagkat kailangan tayo ng ating mga pinuno sa pagplano para sa
kabutihang panlahat.
B. Sapagkat ang mga mamamayan sa isang demokratikong bansa ay
may malaking gampanin sa pagpapatupad ng mga proyekto at
programa ng pamahalaan.
C. Sapagkat gusto nating makamtan ang minimithing kaunlaran para sa
lahat.
D. Lahat ng nabanggit

Para sa bilang 6-12, isulat ang hinihinging impormasyon. Isulat ang sagot
sa patlang sa bawat bilang.

Bilang 6-8: Sa anong mga prinsipyo nakaangla ang participatory


governance?

6._____________________________________________________________________

7._____________________________________________________________________

8._____________________________________________________________________

Bilang 9-12: Mga papel ng mamamayan sa good governance/mabuting


pamamahala

9._____________________________________________________________________

10.____________________________________________________________________

11.____________________________________________________________________

12.____________________________________________________________________

Para sa bilang 13-15, isulat ang Tama kung ang pahayag ay


makatotohanan at Mali kung di-makatotohanan. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

13. Ang pag-unlad ng bansa ay nakasalalay sa mga mamamayan at sa mga


pinuno nito.

11
14. Ang good governance o mabuting pamamahala ay makakamtan kapag
makiisa, makipagtulungan, makisali at makipagbuklod ang mga
mamamayan sa mga pinuno ng bansa.
15. Ang functional partnership ay tumutukoy sa paniniwalang kayang
mabago ang mga lumang Sistema ng pamahalaan para sa ikabubuti ng
mamamayan

Great job! Natapos mo na ang modyul na ito.

12
13
Sukatin
1. C
2. D
3. C
4. B
5. D
(6-8 Kahit saang bilang pwede)
6. Progressive Development
7. Functional Partnership
8. People’s Participation
(9-12 Kahit saang bilang pwede)
9. Political na pakikilahok
10.Pagiging aktibong mamamayan sa pakikilahok sa mga gawain o programa
11.Magkasamang pagbuo ng solusyon sa mga hamong panlipunan
12.Paglahok sa civil society
13.Tama
14.Tama
15.Mali
Galugarin Simulan
Gawain 1 (Kahit saang bilang ay pwede) 1. B
1. Pangangalap at pagbabahagi ng impormasyon 2. C
2. Pagsama sa mga mamamayan sa consultation sa mga mahahalagang isyu 3. D
3. Kasama ang mga mamamayan sa pagbuo ng plano at paggawa ng desisyon 4. A
4. Pagpapatupad ng batas nang walang kinikilingan 5. B
6. A
Gawain 2 7. B
1. Consensus orientation 8. A
2. Strategic Vision 9. B
3. Pananagutang politikal 10.A
4. Katapatan 11.D
5. Rule of Law 12.C
13.MK
Palalimin 14.MK
Gawain 1 at 2 (Depende sa sagot ng mag-aaral) 15.DM
Susi sa Pagwawawasto
Sanggunian
A. Mga Aklat

Department of Education. Araling Panlipunan 10 Materyal Pagsasanay,


Learners Module 2017.

B. Iba pang Sanggunian

https://slideshare.net
https://www.google.com/url?sa=t&s%3A%2Fimage.slidesharerecdn.com@%
2Fy

14

You might also like