You are on page 1of 3

Edukasyon sa Pagpapakatao – 10

Ikaapat na Markahan

Kahalagahan ng Paggalang Sa Dignidad at Sekswalidad

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO:


1. Napangangatwiranan na:
Makakatulong sa pagkakaroon ng posisyon tungkol sa kahalagahan ng paggalang sa pagkatao ng tao at sa
tunay na layunin nito ang kaalaman sa mga isyung may kinalaman sa kawalan ng paggalang sa dignidad at
sekswalidad ng tao. EsP10PI-IVb-13.3
2. Nakagagawa ng malinaw na posisyon tungkol sa isang isyu sa kawalan ng paggalang sa dignidad at
sekswalidad. EsP10PI-IVb-13.4

Gawain 1: PANIMULANG PAGTATAYA:


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang mga sagot sa iyong sagutang papel.

1.Ito ay isang matandang gawain. Nakikipagtalik kapalit ang pera.


A. Pornograpiya B. Prostitusyon C. Premarital sex D. Sexual harassment
2.Lumalaganap ito sa lipunan at karamihan ay mga kabataang babae ang nasasangkot dito na maagang nagiging ina
na dahilan kung bakit hindi nila makapagtapos ng pag-aaral.
A. Phone sex B. Pre-marital sex C. Cybersex D.Sexting
3.Nakatira ka sa lugar na puno ng bisyo– droga, masasamang kalakalan, sugal, at prostitusyon. Nagkasakit ang iyong
ina. Wala ka nang matakbuhang iba dahil dalawa lang kayong mag-anak. Ano ang tamang gawin?
A. Magpunta sa bahay-aliwan. C. Magbenta ng bawal na gamot.
B. Dumulog sa barangay health office. D. Magpusta sa sugal.
4.Batas na nangangalaga sa mga kabataan laban sa anumang uri ng pangaabuso kalakip na ang pang-aabusong
sekswal.
A. R.A. 7610 B. R.A. 9262 C. R.A. 9775 D. R.A 9208
5.Pagtatalik sa pamamagitan ng computer o internet.
A. sexting B. phonesex C. cybersex D. virtual sex

PAGPAPALALIM:

Sa panahon natin ngayon, hindi na bago ang salitang prostitusyon, premarital sex, pornograpiya, at pang-aabusong
sekswal. Hindi lamang ito nangyayri dito sa ating bansa kundi nangyayari din ito pati na din sa ibat-ibang bahagi ng
mundo.
Sa pagtatalik na walang kasal, nagiging kasangkapan ang katawan ng tao upang maranasan ang makamundong
pagnanasa. Ito ay halos nagiging trend (uso) na ngayon. Ang mga kabataan ay nagiging mapupusok. Marahil ay dahil
sa mga nakikita nila sa media o kaya’y sa kanilang paligid. Maaaring humantong sa teenage pregnancy at
unwanted pregnancy. Mainam na hanggat bata ay maitatak na sa kanilang mga isipan na ang pagtatalik ay gawaing
para sa babae at lalaking binasbasan ng Diyos sa pamamagitan ng Sakramento ng Kasal.
Sa isyu ng pornograpiya, may mga indibidwal sa nasisiyahan sa pagpapakita ng kanilang katawan. Mayroon din
namang mga biktima lamang katulad ng pag leak ng videos kung saan ang layunin noon ay para sa mag partner
lamang. Ang panonood nito ay pumupukaw sa sekswal na damdamin. Maaaring mag-iba ang isip ng tao dahil sa
kanyang napanood. Maaari siyang makagawa ng masama gaya ng panghihipo, pambubuso, panggahasa at iba pa.
Tama lamang na gabayan ang mga kabataan sa paggamit ng mga gadgets dahil nagiging madali ang pag-a-access
ang ibat-ibang sites. Maraming mga kabataan ngayon ang nasasangkot sa tinatawag na online child abuse, at
cybersex. Ito ay pang-aabusong sekswal. Mayroong mga tinatawag na online predators (mga taong gumagawa ng
pang-aabusong sekswal sa mga bata na nagsisimula o nangyayari sa internet). May mga kaukulang batas na
pinapatupad kaugnay nito.

1. RA 9775 Anti-child pornography Act of 2009–Ilan sa ipinagbabawal na nakapaloob sa batas na ito


ay ang pagpapakalat ng child pornography, hayaan na ipagamit ang bata para gumawa ng child
pornography, paglalaan ng pahintulot na magamit ang lugar o espasyo para sa paggawa ng child
pornography, at iba pa.
2. RA 7610 Special Protection of Children Against Abuse,
Exploitation and Discrimination Act– batas na promoprotekta sa mga kabataan laban sa anumang uri ng
pang-aabuso.
Isa marahil sa dahilan kung bakit napapasok sa prostitusyon ang tao ay kahirapan. Maaari ding naging biktima ng
human trafficking. Ang RA 9208 AntiTrafficking in Persons Act of 2003 ay batas laban sa human trafficking
o pangangalakal ng tao.
Ang mga ganitong gawain ay hindi paggalang sa sekswalidad. Taliwas ito sa nakasulat sa Bibliya na ang katawan ay
sagrado. Kailangan natin pangalagaan ang ating katawan bilang nilalang na gawa sa wangis ng Diyos.
Napakahalagang ang mga kabataan lalung-lalo na ang mga nasa murang edad pa ay malaman na nila na masama ang
ganitong klaseng mga gawain. Ang gabay at patnubay ng mga magulang ay kailangan. Huwag hayaang ang mga bata
ay mapasok sa mga gawaing maghahatid sa kanila patungong kasamaan.
Ang sekswalidad ay bigay sa atin ng Diyos. Ito ay mabuti at magdadala sa bawat isa sa atin sa layuning makamit at
madama ang tunay na pagmamahal na siya namang dahilan kung bakit nilalang tayo ng Diyos. Ang paggamit sa
kakayahan sekswal kabilang na ang katawan bilang ekspresiyon ng pagmamahal ay mabuti, ngunit nararapat itong
gawin sa tamang panahon. Malaya tayong makagagawa ng gawaing sekswal dahil malaya tayong nakapagpapasiya
ngunit may pananagutan parin ang bawat kilos na gagawin natin.

Gawain 2: Panuto: Basahin ang sumusunod na pahayag. Ibigay ang iyong resolusyon sa mga ito. Isulat sa 1 buong
papel. (5pts. each)

Pahayag Resolusyon

1. Nakikipagtalik ang mga


kabataan para ipakita ang
kanilang pag-iibigan.
2. Maaaring ibenta ang sarili
kung walang pera.

Gawain 3: PANGWAKAS na PAGTATAYA:

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang mga sagot sa iyong kuwaderno.
1.Ang mga sumusunod ay ilan sa ipinagbabawal na nakapaloob sa RA 9775 AntiChild Pornography, maliban sa isa.
A. Pagpapakalat, pagbebenta ng mga materyal ng child pornography
B. Pagbigay ng pahintulot para ipagamit ang bata para makagawa ng child pornography.
C. Magbigay ng pahintulot na magamit ang isang lugar para sa paggawa ng pornograpiya.
D. Magsumbong sa mga awtoridad kung may nangyayaring pagsasagawa ng pornograpiya.
2. Ang mga sumusunod ay maaaring dahilan ng pagdami ng biktima ng tinatawag na online child abuse, maliban sa
isa.
A. dahil mas madaling nahahanap ng mga masasamang tao ang kanilang bibiktimahin lalo na sa social media.
B. dahil madaling nakukuha ng masasamang tao ang atensiyon ng kanilang mga biktima sa pamamagitan ng
pagbubuo ng huwad na pagtitiwala o trust
C. dahil gumagawa ang masasamang tao ng bagay o kilos na maaaring makaakit sa kanilang biktima, gaya ng
mga challenge.
D. dahil ginagabayan ng mga magulang ang mga anak nila sa paggamit ng mga gadgets lalo na sa mga apps.
3.Tawag sa mga taong gumagawa ng pang-aabuso na nagsisimula o sa pamamagitan ng internet.
A. online predators B. online harm C. internet predators D. harmful people
4. Kailan dapat gamitin ang kakayahang sekswal ng tao.
A. Kung nag- iinit ang katawan C. Kahit anong oras
B. Kung kasal na D. Kung kelan nagkasundo
5. Sino ang dapat manguna sa paggabay sa mga bata sa paggamit ng mga makabagong gadgets.
A. mga kapitbahay C. mga magulang
B. mga di-kilalang tao D. mga namamahala
6. Ito ay batas laban sa child pornography.
A. R.A 9775 B. R.A 9208 C. R.A. 9262 D. R.A 9165
7. Mayroong mga bagay na hindi nagpapahiwatig ng pornograpiya. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahiwatig?
A. iskulturang nakahubad C. hubad na paintings
B. mga obrang nakahubad D. men’s magazine
8. Ang mga sumusunod ay mga dapat gawin kung nakaranas ng pang-aabusong sekswal. Alin ang hindi?
A. magsumbong sa awtoridad C. kimkimin at hayaan
B. sabihin sa pinakamalapit sa iyo D. dumulog sa DSWD
9. Ang sumusunod ay mga paraan kung papaano ka makatutulong upang hindi mapunta sa mga ganitong gawain ang
isang tao. Ano ang hindi nakatutulong?
A. pangaralan habang bata pa
B. gabayan sa panonood ng mga panoorin
C. maging isang mabuting ehemplo
D. ibuyo na trabaho lamang ang lahat walang personalan at wala naming mawawala.
10. Batas na laban sa pangangalakal ng mga tao o human trafficking.
A. R.A. 9262 B. R.A. 9775 C. R.A. 7610 D. R.A. 9208

Gawain 4: Pangkatang Gawain


Panuto: Bumuo ng isang grupo na may tatlong (3) miyembro. Gumawa ng isang PHOTO COLLAGE na
nanghihikayat na itigil ang sekswal na pang-aabuso sa mga kabataan. Gawin sa isang 1/8 na illustration board o long
bond paper.

Rubriks sa pagmamarka:
Pagkamalikhain----10 pts.
Orihinalidad----------5 pts.
Mensahe--------------5 pts.
Kabuuan---------------20 pts.

Prepared by:
DEOCILYN E. ESCASINAS
Subject Teacher

You might also like